CHAPTER 27

1107 Words

Napanganga si Jasmin habang nakatingin sa mga anak niya. Parehong kumikibot ang mga labi nito at naghihintay ng sagot kung pwede ba silang bumili ng daddy. Hindi niya alam ang isasagot. Ano na Jasmin! Bumaling si Jasmin sa kanyang ina na wari nang hihingi ng tulong kaya agad itong pumantay sa kanyang mga anak. "Mga apo.. Wala silang binibentang daddy dito eh, nasa ibang lugar pa iyon, wala dito sa mall." nakangiwing sabi ng mama niya. "Hindi po ba tayo pwedeng pumunta doon?" ani Red na nakalimutan na na yata na gusto nitong sumakay ng carousel. Mas na curious ang mga ito kung saan makakabili ng daddy. "Hindi pwede eh kasi nga malayo. Wala tayong pamasahe." Ani pa ng ina. "Pag nakaipon na po si ganda pwede na tayong bumili?" ani Lilac. Sobrang inosente ng mukha ng mga anak niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD