Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ni Jasmin nang gumising. Napahawak siya sa ulo at bumalik ulit sa pagpikit dahil nahihilo pa siya. s**t! Ano bang nakain niya at naisipan niyang uminom? Ang huling natatandaan niya kagabi ay magkasama sila ni Paul sa isang bar at nilaklak niya ang ilang bote ng beer! Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sobrang sakit ng ulo niya. Teka? Hinatid ba siya ni Paul? Sa naisip ay napabalikwas siya ng bangon para lang makahinga ng maluwag nang makitang nasa loob naman siya ng kanyang apartment. Pabagsak ulit siyang nahiga sa kama at hinawakan ang noo. Paano na siya ngayon? Hindi na naman siya makakapasok sa trabaho. Ilang sandali ay bumukas ang pinto kaya napatingin si Jasmin banda roon. Pumasok si Miguel na nakasuot ng simpleng jersey short at t-shirt

