Chapter 10

1212 Words
MATAPOS makuha ang dalawang plane ticket patungo sa Pilipinas sa loob ng kanyang bag, lumabas na ng silid si Laura para magtungo sa silid ni Tamara. Pareho nilang kailangan ng pahinga at bakasyon ng kaibigan niya kaya magtutungo sila sa Pilipinas. Tatlong buwan na ang nakalilipas magmula nang matapos ang concert tour ni Tamara. Pagkatapos ng ilang linggong pahinga ay nagkaroon naman ito ng concert tour sa Latin America. Kahapon lang ito nakabalik sa London. Umabot naman ng mahigit isang buwan ang pananatili ni Laura sa Singapore dahil tatlong naglalakihang international at local company ang kumuha ng serbisyo niya. Pagkatapos niyon ay sunod – sunod na trabaho pa ang tinanggap niya sa mula sa Turkey at Greece. Ginawa niya iyon para hindi niya gaanong maisip si Lance. Hindi na nasundan ang pagkikita at pag-uusap nila ng binata magmula ng magkita sila at sandaling makapag-usap matapos ang concert ni Tamara sa Pilipinas. Nang muli niyang sinubukan na tawagan si Lance pero hindi pa rin niya makontak ang number nito. At nanatili pa rin siyang naka-blocked sa lahat ng social media account nito. Hindi rin nito sinubukang tawagan siya. Noong nasa Singapore pa siya, naisip niyang humingi ng tulong kay Demay o sa pinsan ni Tamara na si Daena na kilala rin nang personal si Lance para malaman ang kinaroroonan nito pati na rin ang address nito sa Pilipinas. Desidido siyang hanapin at puntahan si Lance saan man ito naroroon sa oras na matapos ang trabaho niya. Pero pinigilan siya ni Tamara. “Stop chasing him, Laura,” sita sa kanya nito. “Malinaw naman ang sinabi niya noong huli kayong magkita, ‘di ba? He already said “Goodbye.” Naka-blocked ka na rin sa lahat ng social media account niya. It means, he doesn’t want you to bother him. Bakit maghahabol ka pa?” “Baka may mabigat siyang dahilan. We just need to talk,” naiiyak na pagtatanggol niya kay Lance. Ayaw pa niyang sukuan si Lance. Mahal na mahal na niya ito.Naniniwala siya na kahit papaano ay mahalaga na rin siya binata dahil hindi naman siguro nito gugustuhing ipakilala siya sa mga kaibigan nito kung hindi ito seryoso sa kanya. “Kung talagang gusto kang makausap ni Lance, matagal na sana niyang ginawa. Okay, let’s say na-hack ang account n’ya or nawala ang phone n’ya kaya naka-blocked ka at hindi mo siya ma-contact. Pero maraming paraan para ma-contact ka n’ya. Active na active ang lahat ng social media account mo. Naka-post din sa internet ang contact number ng agent mo. Pero hindi niya ginagawa.” “Gusto ko pa rin siyang makausap, Tam,” giit niya. “Kung talagang ayaw na ni Lance sa akin, gusto ko siya mismo ang magsabi.” “Tumingil ka nga, Laura,” inis nang sabi ni Tamara. “You knew his reputation. Siguro nagsawa na siya sa ‘yo. Huwag mo nang pababain ang sarili mo para habulin mo pa siya. You’re beautiful and talented. One day, makikilala mo rin ‘yong lalaking totoong magmamahal sa ‘yo at pahahalagahan ka.” Nakinig si Laura sa kaibigan. Hindi na nga niya inalam ang kinaroroonan at address ni Lance sa Pilipinas. Tulad ng nakagawian, hindi nag-lock si Tamara kaya malaya siyang nakapasok sa silid nito. Nadatnan niyang nakasandal ito sa headboard ng kama. Halatang bagong gising. “Have a good rest?” tanong ni Laura. Sumampa siya sa kama at tinabihan ang kaibigan. Halos kababalik lang din ni Laura sa London. Nauna lang siyang umuwi kay Tamara ng ilang araw. “Yup.” “Good. We’re going to the Philippines tomorrow.” Ibinigay niya kay Tamara ang dalang plane ticket. “What? Ano’ng gagawin natin sa Pilipinas?” gulat na tanong ni Tamara at tinanggap ang plane ticket. “Ano pa, eh di magbabakasyon. You agree with his, remember?” Bumuntong-hininga si Tamara. “All right. We deserve a break. Hindi na big deal sa akin ang pagpunta sa Pilipinas. Pero bakit naman sa Pilipinas pa tayo pupunta?” tanong ni Tamara. “Malapit na kasi akong maubusan ng display sa gallery. Kailangan kong kumuha ng litrato. This time, gusto kong kuhanan ng litrato ang mga seascape kaya pupunta tayo sa Palawan. Kapag puwede pa, pupunta pa tayo sa Siargao o Cam Sur. Di hamak naman kasi na mas magaganda ang beaches natin sa Pilipinas kaysa sa beaches ng ibang bansa.” “I agree,” sabi ni Tamara. Kapagkuwan ay tinitigan siya nito. “How are you? Naalala at iniisip mo pa siya?” Alam ni Laura na si Lance ang tinutukoy ni Tamara. Bumuntong-hininga siya bago sumagot. “Araw-araw pa rin. Ang hirap pala talagang maging brokenhearted ‘no? Ang hirap mag-focus sa trabaho. Tapos para ka pang tanga na bigla na lang maiiyak kapag may mga bagay kang nakikita na nagpapaalala sa kanya. Nakaka-relate na ako ngayon sa ‘yo sa hirap na pinagdaanan mo no’ng tinalikuran ka ni Ethan.” “I think you should see a shrink,” seryoso ang tinig na biro ni Tamara. “He! Gumaganti ka, huh? Hindi pa ako nababaliw.” Natawa si Tamara pero kaagad din sumeryoso. Inakbayan nito si Laura. “I am always here for you don’t you ever forget that.” Hinawakan niya ang kamay ni Tamara na nakapatong sa balikat niya. “I know, Tam. I know. Pero dapat hindi tayo maghihiwalay, ha? Dapat kahit na may kanya-kanya na tayong pamilya, malapit pa rin tayo sa isa’t-isa.” “Right. What do you suggest?” tanong ni Tamara. “We have to make a promise na kung saang bansa magse-settledown ang unang mag-aasawa sa ating dalawa, doon din titira ang isa.” “Deal,” mabilis na sagot ni Tamara. “Friendship over na kapag hindi tumupad sa kasunduan,” sabi pa ni Laura. “Deal,” muling sabi ni Tamara. They made a pinky swear. “Nakaluto ka na ba? Let’s celebrate our agreement,” sabi ni Tamara. “Kanina pa po. Maghahain na ako. Sumunod ka na sa baba.” “Okay,” tugon ni Tamara. Tumayo na ito at nagtungo sa banyo. Lumabas na ng silid si Laura at nagtungo sa kusina. Isang two-storey traditional European style ang bahay ni Tamara. Malaki iyon para sa kanilang dalawa. Wala silang maid pero may regular na Pinay cleaners na nagpupunta sa bahay dalawang beses sa isang linggo para maglinis. Habang inaayos ang hapag, natigilan si Laura nang mapatingin sa malaking framed photograph sa isang panig ng kusina. Picture iyon ng sunrise na kinunan niya sa Cebu. Subalit hindi na naman niya maiwasang malungkot nang maalala na kasama niya si Lance nang kinunan ang litrato. Napalingon si Laura nang makita si Tamara na pumapasok sa kusina. Nakita pala nito ang tinitignan niya. Alam ni Tamara na kasama niya si Lance nang kinunan niya ang litrato. Walang salitang kumuha ito ng isang silya at inilagay sa ilalim ng framed photograph. Tumuntong si Tamara sa upuan at tinanggal ang frame. Nang makababa ay walang salitang lumabas ito ng kusina bitbit ang frame. Kung saan nito iyon dadalhin ay hindi niya alam. Kahit paano ay gumanda ang pakiramdam niya sa ginawa ng kaibigan. Umusal siya ng panalangin at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakaroon ng matalik na kaibigan na maaasahan niya sa lahat ng bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD