Chapter 9

1259 Words
NAPABUNTONG-HININGA na lang si Lance nang harangin sila ni Celine ng mga reporters habang papalabas sila ng concert venue matapos ang concert ni Tamara. In-interview sila ng mga ito at inintriga kung bakit sila ang magkasama at hindi ang nobyo nitong si Ethan. Hindi nanood ng concert si Ethan at hindi nasamahan si Celine dahil may hosting job ang kaibigan niya nang gabing iyon. Idagdag pa na nagka-issue ang kaibigan niya kay Tamara nang mag-guest ito sa show ni Ethan. Kaya siya ang pinakiusapn ni Ethan na samahan si Celine. Subalit pareho silang nagulat ni Celine nang malaman sa isang reporter na naroon din sa venue si Ethan at nanood ng concert. Ang kaibigan nilang si Daena ang kasama nito. Bago pa muling makasagot si Celine ay biglang nalipat ang atensiyon ng mga reporter sa isang sikat na love team nang lumabas na rin ang mga ito. Sinamantala ni Lance ang pagkakataon at hinila na si Celine palayo. “Aawayin ko talaga ‘yang kaibigan mo,” gigil na sabi ni Celine habang patungo na sila sa kinapaparadahan ng kanyang kotse sa basement parking. “Do you think he cheated on me with that woman Daena?” Hindi kumibo si Lance. Ethan was not a cheater. Talaga lang malapit ang dalawa sa isa’t-isa dahil magmula pa noong high school ay magkaibigan na ang mga ito. Kung may cheater man sa kanila ay sila ni Celine. He slept with her again. Nangyari iyon dahil sa sama ng loob niya kay Laura. Nang gabing bumalik siya sa bahay ni Laura kasama si Ethan para sunduin ito at ipakilala sa mga kaibigan nila ay nagalit talaga siya nang husto sa dalaga. On impulse ay nilayasan niya ito at malakas ang loob na sinabihan na magkita na lang ulit sila kapag hiniwalayan na nito ang boyfriend nito dahil tiwala siya na siya ang pinili ni dalaga. Pero nagkamali pala siya. Pagbalik nila ni Ethan sa party nina BJ at Justin ay naglasing siya nang husto. Sa sobrang kalasingan ay gabi na nang sumunod na araw siya nagising. Nang mahimasmasan at maalala ang nangyari ay bumalik siya sa bahay ni Laura subalit wala na roon ang dalaga at bumalik na sa London. Nagdesisyon siyang sundan ito sa London. Hindi niya alam ang address ng bahay ni Laura kaya sa address muna ng gallery kung saan naka-display ang mga kuha nito siya nagpunta. Natagpuan naman niya roon ang dalaga. Pero isang matangkad at guwapong lalaki ang nakita niyang kasama nito. Na walang iba kung hindi ang lalaking kasama nito sa concert. Nakaakbay ang lalaki kay Laura habang kapwa nakatingin sa isang framed photograph. Anyong lalapitan niya ang mga ito subalit napahinto siya nang makitang hinagkan ni Laura ang pisngi ng lalaki. Pero hinapit ng lalaki si Laura at siniil ng halik sa mga labi. Imbes na manulak ay tinugon ni Laura ang halik. Matinding selos at galit ang naramdam niya nang mga oras na iyon. Pinigilan niya ang sarili na sugurin ang mga ito at gumawa ng gulo. Ilang sandaling nanatiling nakatingin lang siya sa dalawa na patuloy pa rin sa paghahalikan bago nagawang umalis. Sapat na ang nakita niya para malaman na hindi siya ang pinili ni Laura. Umuwi siya sa apartment niya sa New York at doon nagmukmuk at naglasing. Apparently, dumating sa apartment niya sa Celine. Sinamahan siya nito na maglasing. They both got drunk and got laid. Hindi niya sinasadyang traydurin si Ethan. Talaga lang nawala na siya huwisyo. Nagkasundo sila ni Celine na kalimutan na lang ang nangyari sa kanila at mag-move on. Nagsasalita pa si Celine pero halos hindi niya pinakikinggang ang sinasabi nito dahil si Laura ang nasa isip niya. Habang papalapit sa kanyang sasakyan, unti-unti nang gumuguho ang kanyang pag-asa na makausap ang dalaga ng gabing iyon. Nagulat talaga siya nang makita sa concert si Laura at malamang best friend nito si Tamara. He knew her best friend was a classical music composer and musician but he had no idea she was that famous. Nagtataka siya kung bakit hindi sinabi sa kanya ni Laura ang tungkol doon. Gayunman, hindi niya maiwasang humanga sa kagandahan ni Laura at sa galing nito sa pagtugtog ng piano. Napakatalented pala talaga nito. He missed her so much. Iyon ang naramdaman niya habang pinapanood ito sa pagtugtog. Bago pa man ito matapos sa pagtugtog kasama si Tamara ay nagkaroon siya ng masidhing kagustuhan na makausap ito. Gusto niyang magbakasali na may pag-asa pa sila. Kaya naman sandali niyang iniwan si Celine at nagtungo sa backstage kung saan ito dumiretso matapos tumugtog. Subalit mahigpit ang security sa concert. Hindi siya pinayagan na makalapit man lang sa dressing room ni Tamara. Nakarating na sila sa kanya kotse nang magsalita si Celine habang nakatingin sa isang sasakyan ilang metro ang layo sa kanila. “‘Di ba s’ya ‘yung kasama ni Tamara na tumugtog kanina?” sabi ni Celine. Kaagad na tumingin si Lance sa direksiyong tinitignan ni Celine. Nagulat siya nang makita si Laura. Bago pa siya makapag-isip ay naglakad siya sa kinaroroonan nito habang hawak pa rin sa kamay si Celine. “Lance?” gulat na bulalas ni Laura nang makita siya. “Can we talk?” tanong niya nang makalapit. “I-I don’t have time, Lance,” natitigilang sabi ni Laura. “I have a flight to catch going to Singapore. I have a job there for a month.” “I see,” disappointed niyang sabi. “But can you bring me to the airport?” umaasang tanong ni Laura. Nagulat siya sa tanong. “He can’t,” mabilis na sagot ni Celine. “Lance is my date. He need to bring me home,” nakasimangot na sabi ni Celine habang nakataas ang isang kilay. “She can ride a taxi. Or siya na lang ang ihahatid ng service ko,” sabi pa sa kanya ni Laura. “What? No way!” protesta ni Celine. Binalingan siya nito. “Hihintayin na lang kita sa kotse,” sabi nito at iniwan na sila. “Kasama kong pumunta dito si Celine kaya kailangan ko siyang ihatid,” paliwanay niya. Gusto niyang pagbigyan si Laura pero ipinagkatiwala ni Ethan si Celine sa kanya kaya hindi niya ito maaring iwan o ipahatid na lang pauwi. “But we have to talk,” giit pa ni Laura. “Laura, you’re getting late,” biglang sabi ng lalaking katabi ni Laura. Napatingin si Lance sa lalaking nagsalita. Kaagad niyang nakilala ang lalaki. He was the same man na nakita niyang kahalikan ni Laura sa London. Ang boyfriend ni Laura. Saka lang niya napagtanto ang pagkakamaling nagawa. Dapat ay hindi na niya nilapitan pa si Laura at kinausap. Siguradong kaya lang ito pursigudong makausap siya dahil gusto nitong maayos na makapagpaalam sa kanya at sabihin na nagka-ayos na ito at ang boyfriend nito. “I’m sorry. I just realized, wala na tayong dapat na pag-usapan pa.” “What?” gulat na bulalas nito. “Goodbye, Laura.” Tinalikuran na niya ito. Malalaki ang mga hakbang na naglakad siya palayo. Nang makalapit sa kanyang kotse ay kaagad niyang pinasakay na si Celine upang makaalis na sila sa lugar na iyon. ------- More or less 70 chapters po ang haba ng story nina Lance at Laura. Kung gusto n'yo pong mabasa ang mas advance na mga chapters, please follow me on StoryOn, n*****h, and f*****l. Download n'yo lang po sa Play store at i-install ang app. Search "Still You" or my pen name "Rieann." Please rate and leave a comment na rin po. Thank you in advance. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD