MALAKAS na pumalakpak si Laura matapos sunod-sunod na tugtugin ni Tamara ang sarili nitong composition. Kasakuyang ginaganap ang concert ng kaibigan niya sa Pilipinas. Ipinakita ni Tamara ang talento nito sa pagtugtog ng piano at violin sa libo–libong mga kababayan sa loob ng SMART Araneta Colesium. Puro standing ovation ang ibinigay ng crowd sa bawat pagtatapos ng piece nito. Proud na proud naman si Laura sa kaibigan.
Nasa kalagitnaan na ang concert nang mapatingin si Laura sa nanonood sa unahan sa bandang kaliwa niya. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso nang mapansin ang isang lalaki sa pinakadulo katabi ng isang babae. Parang si Lance kasi ang lalaki.
Miss na miss na niya ang binata. Halos isang buwan na ang nakalilipas magmula nang huli silang magkita. Ganoon na rin katagal na wala silang komunikasyon. Hindi pa rin niya makontak ang numero nito and she was blocked on his all social media accounts!
Natuklasan niya iyon nang sumunod na araw matapos nilang pormal na maghiwalay ni Joshua. Nagpadala rin siya ng email kay Lance pero wala naman siyang nakkuhang reply. Nang puntahan niya ito sa apartment nito sa New York makalipas ang isang linggo ay wala naman ito roon. Hindi na niya alam kung paano at saan niya ito hahagilapin. Hindi niya alam ang address nito sa Pilipinas.
Sa totoo lang ay ang sama-sama na ng loob niya kay Lance. Ganoon ba kalaki ang naging kasalanan niya rito putulin nito ang komunikasyon nila. Hindi pa man sila nagsisimula, tinapos na kaagad nito?
Hindi na inalisan ng tingin ni Laura ang lalaki habang patuloy sa pagtugtog ng piano si Tamara. Habang tumatagal ay nasisiguro niya na si Lance ang lalaki.
Kapagkuwan ay tumayo ang lalaki. Hinubad ang suot nitong coat at ipinatong sa balikat ng babaeng katabi nito. Nang tumingin ang lalaki sa direksyon niya bago muling naupo, nakumpirma niya ang hinala. Si Lance nga ang lalaki.
Nakita rin ni Laura ang mukha nang babaeng katabi ni Lance. Hindi niya maiwasang makaramdam ng selos lalo na nang makitang humilig ang babae sa balikat ni Lance. Kapagkuwan ay natigilan siya nang mapagtanto na nakita na niya ang babae sa ilang post sa mga social media accounts ni Lance. Celine ang pangalan ng babae. Isa ring Filipino model at kasamahan sa trabaho ni Lance.
“Celine is one of my close friends.” Naalala niyang sabi sa kanya ng binata habang namamasyal sila sa isang park sa Manhatan nang muli silang magkita isang linggo matapos nilang magkamabutihan sa Cebu.
Tumawag kasi ang babae kay Lance at natagalan ang pag-uusap ng mga ito. Kunwari ay abala siya sa pagkuha ng litrato sa paligid pero ang totoo ay selos na selos na siya.
“Did you slept with her?” prangkang tanong niya.
Tumabingi ang ngiti ni Lance. “Yes,” pag-amin nito. We dated. Pero tapos na ‘yon. Girlfriend na siya ng kaibigan ko.” Hinapit siya nito at mabilis na hinagkan sa mga labi. “You don’t have to be jealous with her. We’re just friends, okay? I’m all yours.”
Napanatag siya sa sinabi nito.
Nanatiling nakatingin si Laura sa likuran ni Lance at ng babae. Habang nagngingitngit pa rin sa selos, iniisip niya kung paano sila makakapag-usap ni Lance. Hindi siya makakapayag na basta na lamang sila matapos ng binata na hindi sila nag-uusap. Kung si Joshua ay hinayaan niyang basta na lamang mawala sa kanya, hindi si Lance. Because she truly loved him.
Maaari niyang lapitan o abangan ang binata sa paglabas nito pagkatapos ng concert. Ang problema ay wala siyang oras. Pagkatapos kasi ng concert ay kailangan na niyang umalis dahil may trabaho siya sa Singapore. Pinilit lang talaga niyang makapunta sa Pilipinas dahil kailangang-kailangan ni Tamara ang suporta. Nakaharap na nito si Ethan at hindi naging maganda ang pagtatagpo ng dalawa. Kung hindi nga lang professional performer si Tamara, malamang ay na-cancel na ang concert.
Wala sanang magiging problema sa schedule ni Laura kung hindi na re-schedule ang concert ni Tamara. Mas nauna kasi ang concert ni Tamara sa Singapore bago sa Pilipinas dahil sa ilang aberya.
Nakatutok pa rin ang paningin niya kay Lance nang biglang magsalita si Tamara at banggitin ang pangalan niya. Kasunod ng pagtutok ng spotlight sa kanya. Napatingin siya kay Tamara sa stage. Saka lang nag-sink in sa kanya na tinatawag siya ng kaibigan sa stage para tumugtog kasama nito.
“Go, Laura,” nakangiting sabi ni Johannes sa kanyang tabi habang pumapalakpak. Tulad ni Laura ay pinilit din ni Johannes na makarating sa Pilipinas para suportahan ang kaibigan nila. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya.
Napilitang tumayo si Laura at humawak sa kamay ni Johannes. Inalalayan siya nito sa pagpunta sa stage. Habang naglalakad ay napatingin siya sa direksiyon ni Lance. Shocked was written on his face while looking at her. Pero kaagad na nagbawi siya ng tingin dahil kailangan niyang mag-ingat sa paglalakad. Dahil pormal ang event. She was wearing a long black gown and high heels. Inalalayan siya ni Johannes hanggang sa makaakyat siya sa stage.
“I could kill you,” nangigigil at walang kangiti-ngiting sabi ni Laura kay Tamara nang makalapit.
Tumawa lang si Tamara na noon ay hawak na ang violin na pangalawa nitong instrumento.
Naupo si Laura sa harap ng piano. Ilang sandaling tinitigan niya ang mga keys bago muling tumingin kay Tamara. Tumango ang kaibigan niya bago at nagsimulang tumugtog. Hindi na nila kailangang mag-usap kung ano ang tutugtugin. They played many times in the past at laging ang mga masterpiece ni Franz Liszt ang tinutugtog nila.
Ilang sandali pa ay sinabayan na ni Laura si Tamara sa pagtugtog. Mabuti na lamang at nakisali siya sa pagpa-practice ni Tamara bago ito sumabak sa Asian concert tour kaya tila nakapag-practice sila.
It was always fun playing with her best friend in front of the crowd. Para lang silang naglalaro ni Tamara kaya nawala ang inis niya. Nag-standing ovation ang audience matapos nilang tumugtog. Nagyakap sila nang mahigpit ni Tamara.
Hindi na bumalik sa seat niya si Laura at dumiretso na sa backstage. Sa tagal niyang nanood ng concert ng kaibigan. Nasisiguro niyang patapos na ang concert at alam din iyon ni Johannes kaya naroon na rin ito pagpunta niya.
Sandali lang silang naghintay at natapos na nga ang concert. Si Johannes ang unang sumalubong kay Tamara at iniabot ang malaking bouquet ng paborito nitong bulaklak. Sa loob na ng dressing room nakapag-usap sina Laura at Tamara. Nakapagpalit na rin si Laura ng casual clothes.
“Congratulations, Tam. I am so proud of you,” nakangiting bati ni Laura sa kaibigan at niyakap ito.
“Thank you. But he’s not here,” malungkot na sabi ni Tamara nang magbitiw sila.
Alam ni Laura na si Ethan ang tinutukoy ni Tamara. “Are you sure about that? Sa dami ng tao dito baka hindi mo pa lang siya nakikita. And don’t expect na magpapakita s’ya sa ‘yo dito, sinampal mo kaya s’ya no’ng magkita kayo. Nag-aalala siguro si Ethan na baka sampalin mo lang s’ya ulit kapag nagpakita s’ya rito. Ang dami pa namang reporters na nagkalat sa paligid. Siguradong pagpi-piyestahan kayo.
“Maybe you’re right,” sabi ni Tamara na sinundan ng buntong-hininga.
“Lance is here. Nakita ko siya sa audience kanina,” sabi naman ni Laura.
“Really?” gulat na sabi ni Tamara. “Bakit hindi mo siya puntahan. Ito na ang chance para makausap mo siya.”
“But I don’t have time. I really have to go.”
“Oo nga pala. Marami pa sigurong pagkakataon para makapag-usap kayo ni Lance. I’ll see you in London then?” tanong ni Tamara.
Tumango si Laura. Matapos nilang magyakap ay nagmamadali nang nagtungo sa basement parking si Laura kasama si Johannes. Naghihintay na roon ang service car ng event management firm na nag-produced ng concert . Ni-request ni Tamara ang sasakyan para ihatid siya sa airport.
Hinarap ni Laura si Johannes na nagpumilit na ihatid siya sa sasakyan matapos mailagay sa backseat ang mga gamit niya.
“Thank you, Johannes. Take care of my best friend, okay?” Sabay nang magbibiyahe sina Tamara at Johannes pabalik sa London.
“You don’t have to say it, Laura. I’ll protect her always. Have fun in Singapore,” tugon ni Johannes. Hinagkan siya nito sa pisngi at niyakap.
Pasakay na si Laura sa kotse nang biglang may tumawag sa pangalan niya.
“Laura!”
“Lance?” gulat na bulalas niya nang makita ang binata.
Naglalakad ito papalapit sa kanila ni Johannes habang hawak sa kamay si Celine. Huminto ito sa harap ni Laura nang makalapit.
“Can we talk?” tanong ni Lance.
“I-I don’t have time, Lance,” reluctant niyang sabi. “I have a flight to catch going to Singapore. I have a job there for a month.”
Nagdaan ang disappointment sa mukha ni Lance. “I see,” tumatango-tangong sabi nito.
“But can you bring me to the airport?” umaasang tanong ni Laura. Wala siyang time pero makakapag-usap sila nito kapag ito ang naghatid sa kanya sa airport.
Subalit si Celine naman ang mabilis na sumagot. “He can’t. Lance is my date. He need to bring me home,” nakasimangot na sabi ni Celine habang nakataas ang isang kilay.
“She can ride a taxi. Or siya na lang ang ihahatid ng service ko,” sabi pa ni Laura.
“What? No way!” protesta ni Celine. Binalingan nito si Lance. “Hihintayin na lang kita sa kotse,” sabi Celine at iniwan na sila.
“Kasama kong pumunta dito si Celine kaya kailangan ko siyang ihatid,” sabi ni Lance.
“But we have to talk,” giit niya.
“Laura, you’re getting late,” singit ni Johannes.
Napatingin si Lance kay Johannes. Biglang nagbago ang expression sa mukha nito.
“I’m sorry. I just realized, wala na tayong dapat na pag-usapan pa,” galit na sabi nito.
“What?”
“Goodbye, Laura.”
Tumalikod na ito at malalaki ang hakbang na naglakad palayo.
Humakbang siya para sundan si Lance subalit napahinto siya nang bigla siyang pigilan ni Johannes sa braso.
“You have to go, Laura.” Marahang hinila siya ni Johannes pabalik sa kotse.
Napabuntong-hininga na lang si Laura at sumakay na sa kotse. Lumingon siya at hinanap ng tingin si Lance nang umaandar na ang kotse palayo. Nakita niyang inaalalayan ni Lance sa pagsakay sa kotse si Celine.
Inis na nagbawi siya ng tingin at sumandal sa kinauupuan. Ipinangako niya sa kanyang sarili na sa susunod na pagkikita nila ni Lance ay sisiguraduhin niya na makakapag-usap sila nito. Pagbabayaran din niya ito sa pagbibigay nito ng priority kay Celine kaysa sa kanya.
--------------------
You can also read this story on StoryOn, n*****h, and f*****l. Mas advance po ang mga chapters doon. Download n'yo lang po sa Play store at i-install ang app. Search "Still You" or my pen name "Rieann." Please rate and leave a comment na rin po. Thank you in advance. :)