Chapter 7

1491 Words
ALAS-SINGKO ng hapon nang sa wakas ay matapos si Laura sa ginagawa. Eksakto namang tumawag si Lance at kinamusta siya. Kaagad niyang napuna na nakainom na ito kahit ayon dito ay hindi pa nagsisimula ang celebration dahil sa timbre ng boses nito. Matapos ang phone call ay dumiretso sa kuwarto si Laura at nagpahinga. Makalipas ang ilang oras, nagising si Laura nang maramdamang may humahalik sa kanya. "Lance," aniya nang mamulatan ang binata. Hindi ito sumagot at muling siniil ng halik ang kanyang mga labi. She tasted beer pero tinugon pa rin niya ang halik. She was quickly aroused with his touch and kisses. "I want you," daing ng binata ng sandali nitong pakawalan ang kanyang mga labi. "I'm all yours," tugon ni Laura. Mabilis na nahubad ang pang-ibabang damit nila. In just a moment he was already inside her. Napaungol si Laura at sinalubong ang mabilis na paggalaw ni Lance sa ibabaw niya. They had their quickiest orgasm eversince they made love. Isinubsob ni Lance ang mukha sa leeg ni Laura habang kapwa sila naghahabol ng paghinga. "Ang aga mo naman yatang umuwi," kapagkuwan ay sabi ni Laura. "s**t!" bulalas ni Lance. Biglang itong bumangon mula sa pagkakadagan sa kanya. "Kasama ko si Ethan." "What?" Napabangon din si Laura. Hinila niya ang kumot at itinakip sa kanyang dibdib. Biglang tumunog ang cell phone ni Lance. Sinagot nito ang tawag habang isinusuot ang boxer briefs. "Yes, bro pababa na kami," kaagad na sabi ni Lance at kaagad ding tinapos ang tawag. "Umalis lang kami sandali ni Ethan sa party para sunduin ka. I want you to come with me and introduce to my friends." "What?!" gulat na bulalas ni Laura. "Lance, Ayoko." Nagsalubong ang mga kilay ni Lance sa narinig. "Why not?" Nakapagsuot na ito ng pantalon. "Hindi pa ako handang makilala sila." "My friends are nice. You don't have to prepare to meet them. And I'm sure madali mo silang makakasundo." "Ayoko pa rin. And how do you introduce me to your friends?" "As my girlfriend of course." "Wala pang tayo, Lance. Alam mong may boyfriend pa ako." "So what? Hihiwalayan mo na naman s'ya, 'di ba?" "Yes. Pero hindi pa rin ako sasama." "Okay, fine," nakataas ang mga kamay na sabi ni Lance. "Ipapakilala na lang kita as special friend kung ayaw mong ipakilala kita as my girlfriend." Umiling si Laura. "Lance, ayoko talaga. Hindi ako sasama." "Alam mo ang arte mo," inis ng sabi ni Lance. Nagulat si Laura sa narinig. "Hindi ako maarte," inis na ring sabi niya. Nagtaas na siya ng boses. "I can meet your friends some other time. Hindi pa ngayon. Gusto ko munang makausap at makipag-break kay Joshua." "You can do that on the phone!" "Hindi pwede. Kailangan naming mag-usap nang personal dahil naging magkaibigan muna kami ni Joshua bago kami nagkaroon ng relasyon. And it is not okay to break up with someone on the phone. Kakausapin ko si Joshua pagbalik ko sa London." "Bakit hindi ka pa kaagad bumalik ngayon? O kaya bukas. Kung gusto mo huwag na tayong tumuloy sa Bora. Bumalik ka na lang sa London. Ang arte-arte mo!" "What?" muling bulalas ni Laura. Tinungo ni Lance ang walk-in closet. Hindi nakapagsalita si Laura nang i-empake nito ang mga damit nito. Nang matapos ay hinarap siya nito. "Magkita na lang tayo ulit kapag break na kayo ng boyfriend mo," galit na sabi ni Lance at naglakad na palabas ng kuwarto. "Kahit huwag na. Goodbye!" pahabol na sagot naman ni Laura. Bilang tugon ay pabalibag na isinara naman ni Lance ang pinto. Ilang sandali ang lumipas bago naka-recover si Laura sa bilis ng pangyayari. Hindi niya napigilang mapaiyak. Buong magdamag at buong maghapon kinabukasan na hinintay ni Laura na bumalik si Lance. Pero hindi ito nagbalik o nagtangka man lang na tawagan siya. Dahil sa pride ay hindi rin siya nagkusa na tawagan ang binata.Matapos ipa-cancel ang flight nila at reservation sa tutuluyan sana nilang hotel sa Boracay. Tinungo na ni Laura ang walk-in closet at nagsimulang mag-impake ng mga gamit niya. Babalik na siya sa London. London, United Kingdom NADATNAN ni Laura na nagre-rehearse si Tamara sa Music Room pag-uwi niya ng bahay. Kaagad namang tumigil sa pagtugtog ng piano si Tamara nang makita siya. "Akala ko next week pa ang balik mo?" taking tanong ni Tamara. Bumuntong-hininga si Laura at tinabihan si Tamara sa pagkakaupo sa harap ng piano. "Hindi kami natuloy ni Lance sa Bora." "Why not? Something came up?" Muling bumuntong-hininga si Laura bago ikinuwento ang nangyari. "Ang babaw naman pala ng lalaking 'yon para basta ka na lang niya layasan," inis na komento ni Tamara matapos magkuwento ni Laura. "He was drunk. At siguro nga ang arte-arte ko. He maybe felt rejected." "Pinagtanggol mo pa siya. But at some point, tama rin naman si Lance na mag-break muna kayo ni Joshua bago kayo magsimula ni Lance ng panibago. Like what I wanted to happen." "What if nagalit talaga sa akin si Lance? I already said goodbye," nag-aalalang sabi ni Laura. "Well, kung mangyayari 'yon, you just have to accept it and move on." "Easier said than done. Parang ikaw lang kay Ethan," pa-sarcastic niyang sabi. "Muntik ko na nga pala s'yang makilala kung hindi ako nag-inarte." "Really?" "Isinama siya ni Lance sa bahay pero hanggang sa kotse lang yata s'ya." "I see. But don't mention him again today. Malapit na ang tour ko. Kailangan kong mag-focus sa rehearsal. By the way, tumawag si Joshua, hinahanap ka. Hindi ka raw niya ma-contact. He wanted to talk to you." Natuwa si Laura sa nalaman. "Mabuti naman. But it is true na nag-asawa na siya." Tumango si Tamara. "He admitted to me." "Okay." "And how do you feel about it?" tanong ni Tamara. "Nothing. It's okay. I'm not affected anymore." "Because you have someone. "Right." Tumayo si Laura. "Pupuntahan ko na si Joshua," paalam niya. She don't want to waste time. Gusto niyang matapos ang unfinished business niya kay Joshua nang sa ganoon ay matawagan na niya si Lance at makapagsimula na sila ng panibago. "Goodluck! Bumalik ka kaagad. Samahan mo akong mag-practice." "Okay." Matapos halikan sa pisngi si Tamara ay kaagad nang umalis ng bahay si Laura. "LAURA?" gulat na bulalas ni Joshua nang pagbuksan siya nito ng pinto. "I thought you're still in Manila." "I came back early," tugon ni Laura. Can we talk?" Tumango si Joshua at nilakihan nito ang bukas ng pinto para makapasok siya. Pagpasok sa loob ng bahay ay hindi na gaanong nagulat si Laura nang may madatnang babae roon. Nanggaling sa kusina ang babae. Base sa physical appearance nito ay isa rin itong Filipina. "Laura, this is..." "Your wife?" putol ni Laura sa sinasabi ni Joshua. "Y-yes." Tumango-tango si Laura. "All right. Now, we're finally over. Thank you for everything then." Humakbang si Laura palabas ng bahay subalit napatigil siya nang biglang magsalita si Joshua. "Don't you even gonna to ask what happened to us?" Nagtatanong ang mga matang humarap siya kay Joshua. "I'll just go back to the kitchen," mabilis na paalam ng babae at nagmamadaling tinungo ang kusina. "It's all your fault, Laura," patuloy ni Joshua. "You don't love me the way that I loved you. You just used me to reach your goal." "What? That's not true. I never used you." Aminado si Laura na si Joshua ang dahilan kaya nakapasok siya sa malaking advertising company kung saan nagsimula magandang career niya sa London. Nag-iisang anak si Joshua ng isa sa mga vice president ng kompanya. Joshua was a half British, half Filipino writer. Madali silang nagkasundo nito nang ipakilala sila ni Johannes sa isa't-isa dahil pareho silang Pinoy. Pero ang success sa career niya ay dahil lahat sa pagsusumikap niya. "My mistake is to date you, not to spend more time with you, and not to love you back. I'm sorry." Bumuntong-hininga si Joshua. "Sinadya ko talagang lumayo dahil baka sakaling hanapin mo ako. But I found my wife instead." "Do you love her?" Tumango si Joshua. "I'm happy for you then." "Do you mean that?" "We're friends, Joshua. But we're not compatible and we're not meant for each other." Bumuntong-hininga si Joshua. "All right. You're forgiven," nakangiti nang sabi nito. Napangiti na rin si Laura. "You're forgiven, too." Nag-usap pa sila ni Joshua. Later on ay tinawag nito ang asawa nito at pormal na ipinakilala sila sa isa't-isa. Nang makauwi ng bahay si Laura ay tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Kaagad na tinawagan niya si Lance pero hindi niya makontak ang cell phone nito. Naisip niya na nasa biyahe na si Lance pabalik sa New York kaya hinayaan na muna niya ito. -------------------------- You can also read this story on StoryOn, n*****h, and f*****l. Mas advance po ang mga chapters doon. Download n'yo lang po sa Play store at i-install ang app. Search "Still You" or my pen name "Rieann." Please rate and leave a comment na rin po. Thank you in advance. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD