Chapter 6

2364 Words
ALAS-SIYETE ng umaga nang magising si Laura na nag-iisa na lang sa kama. Ilang sandaling nag-inat siya bago masiglang bumangon. Hinanap niya si Lance pero hindi niya ito natagpuan sa loob ng silid. Matapos gumamit ng banyo at makapagbihis, nagtungo siya sa terrace. Doon niya nasilip si Lance na nasa garden at abala sa pagtulong kay ‘Tay Nato na nag-aayos ng garden. Bahagya lang nagulat si Laura sa nakita. Sa tagal niyang nakasubaybay kay Lance sa social media account nito, bukod sa pagiging charming, alam niya magaling talaga itong makisama sa lahat ng uri ng tao. Umalis na sa terrace si Laura para puntahan si Lance. Kumuha muna siya ng towel bago lumabas ng silid. “Good morning, ‘Nay,” nakangiting bati ni Laura kay ‘Nay Iska na nadatnan niyang nagpupunas ng mga muwebles sa living room. “Good morning, Laura. Abay nakakahanga pala si Lance. Kaguwapong lalaki at halatang mayaman pero magaling sa mga halaman. Bilib na bilib din sa kanya si ‘Tay Nato mo.” “May flower farm po kasi sila, ‘Nay. Sa family ni Lance ‘yung kilalang flower shop na Perfect Petals. Bata pa lang daw si Lance, nakahiligan na niya ang gardening dahil sa mommy niya.” “Gano’n ba? Kaya pala.” “Kumain na ho ba si Lance?” tanong ni Laura. “Hindi pa. Nagkape lang siya kanina. Hihintayin ka raw niyang magising para sabay na kayo. Sandali nga at maghahain na ako. Tawagin mo na si Lance nang makakain na kayo.” Itinigil ni ‘Nay Isaka ang ginagawa at mabilis na nagtungo sa kusina. Tumalima naman si Laura. Lumabas siya ng bahay at nagtungo sa garden. Subalit natigilan si Laura nang matitigan si Lance sa malapitan. Kasalukuyang hubad-baro itong nagbubuhat ng malaking paso at tumatagaktak sa pawis ang katawan. She slept with him several times. Pero pakiramdam niya ay nanaginip lamang siya na kasama na niya ang lalaking pinagpapantasyahan noon pa man at anumang oras ay magigising siya. “Hey!” nakangiting bati ni Lance nang makita si Laura. Iniayos muna ni Lance ang hawak na paso sa paglilipatang lalagyan bago dinampot ang tatlong tangkay ng yellow rose sa isang tabi at nilapitan si Laura. “Good morning. Flowers for you my beautiful lady,” nakangiting sabi nito at iniabot sa kanya ang hawak na bulaklak. “Thank you.” Mabilis na hinagkan siya nito sa mga labi. “Kanina ka pa gising? Nakatulog ka naman ba nang mahimbing?” tanong ni Laura habang pinupunan ng dalang towel ang pawis sa mukha at katawan ni Lance. “Before 6 AM pa. Yup, well rested. Kayakap at katabi kasi kita,” sabi nito at muling hinagkan sa mga labi ni Laura. “You must be hungry. Kumain na tayo.” “Okay.” Dinampot ni Lance ang hinubad na T-shirt at isinuot. Binalingan nito si ‘Tay Nato na abala sa paglilipat ng halaman sa isang paso. “‘Tay, kakain lang muna kami ni Laura. Tara ho, kumain na rin muna kayo.” Tumingin si ‘Tay Nato kay Lance. “Kayo na lang ni Laura, Lance. Tapos na kami kanina pa ni Iska,” tugon ni ‘Tay Nato. “Sige ho.” Inakbayan ni Lance si Laura at inakay patungo sa main door. “Maayos pa ang garden mo pero baka may gusto kang ipabago? I-renovate natin.” Naging interesado si Laura sa narinig. “Really?” “Yup. Don’t worry hindi kita sisingilin. Tratrabahuhin ko pagkatapos ng contract ko. Malaki pa rin ang space sa backyard. Maganda ring tumambay doon kapag naayos.” “Sige. But let me me ask my parents first. Baka magalit sila kapag may bigla akong pinabago dito. Bahay pa rin naman kasi nila ito.” “Okay. I’ll make the design para mapakita mo rin sa parents mo.” “‘Yung modern, ha? Parang bata pa ako ganito na ‘yung design ng garden namin. Alagang-alaga lang ni ‘Tay Nato kaya maayos pa rin.” “Sure. Don’t worry, pagagandahin natin nang husto itong garden mo at pati na rin ang backyard mo.” Nakapasok na sila sa loob ng bahay. “Promise?” “Promise.” “Thank you.” Nakangiting mabilis na hinagkan ni Laura sa mga labi si Lance. Gumanti ng halik ang binata at hinila si Laura sa sulok sa gilid ng pinto. Iniyakap ni Laura ang mga kamay sa leeg ng binata nang pailalim nito ang halik. Pareho silang naghahabol ng hininga nang maglayo ang kanilang mga labi. “Pagkakain natin. Samahan mo akong mag-shower,” pilyong sabi ni Lance. “Hmm… okay. Bakit kasi bumaba ka kaagad? Kanina pa dapat tayo sabay na naligo.” Natawa si Lance. “Hindi ko kasi natiis na hindi lapitan si ‘Tay Nato at tulungan s’ya nang makita ko siyang nag-aayos sa garden. Na-miss ko ang mag-gardening.” “I see. Wake up beside me next time,” sabi ni Laura at muling hinagkan ang binata. Kaagad namang tumugon si Lance. Ilang minuto pa silang nagtagal sa gilid ng pinto bago magkahawak kamay na nagtungo sa kusina. “LET’S JUST STAY HERE. Bukas na tayo bumaba,” suhestiyon ni Lance habang mahigpit na yakap si Laura sa ilalim ng kumot. Pagkakain ay sabay na naligo nga sina Lance at Laura na nauwi sa paglalambingan. Natawa si Laura. “Lance, hindi pwede. May kailangan akong tapusing trabaho. Kailangan kong matapos ‘yon para hindi tayo maabala sa bakasyon natin sa Boracay.” “All right,” nakakaunawang sabi nito. “Wala ka bang pupuntahan? Alam na ba ng parents mo na nandito ka sa Pilipinas?” “Hindi pa siguro kasi hindi pa nila ako hinahanap. Tatawagan ko si Mommy mamaya.” Bumangon na sila at nagbihis. Pagkatapos ay nagtungo sa home office si Laura. Bumalik naman sa garden si Lance at tinulugan si ‘Tay Nato sa iba pang mga trabaho nito. Lunchtime nang katukin si Laura ng binata at inayang kumain. Matapos kumain ay kaagad na binalikan ni Laura ang ginagawang trabaho. Nagtungo naman sa kwarto si Lance at nagpahinga. Alas-tres ng hapon nang muling puntahan si Laura ng binata dala ang isang tray na may lamang merienda. Abala pa rin si Laura sa trabaho ng mga oras na iyon. “Thank you. Aalis ka?” tanong ni Laura nang makitang nakabihis ng casual na panlakad si Lance. “Yup. Birthday pala ngayon ng kambal na mga kaibigan ko. Sina BJ and Justin. Actually, they’re my brother-in-law and cousin-in-law. May celebration sa bahay ng parents nila which is two blocks away from here. I miss hanging out with my friends kaya pupunta ako. I’ll surprise them.” “Okay.” “Hindi ka pa tapos sa trabaho mo?” “Hindi pa. Uuwi ka pa dito mamaya?” “Of course. I’ll be back as long as I can.” “Gusto mong hiramin ang kotse ko or ipapahatid kita kay ‘Tay Nato?” “No need. Maglalakad na lang ako. Ang lapit lang kasi talaga ng bahay nina BJ dito.” “All right. Don’t drink too much, okay? Have fun.” Tumango si Lance. Umalis na ito matapos hagkan sa mga labi si Laura. Muling itinuon ni Laura ang atensiyon sa trabaho nang muling mapag-isa. SI ETHAN ang unang nakakita kay Lance pagdating nito Monteclaro Mansion. “Whoa, Lance,” gulat na bulalas ni Ethan. “Nandito ka na pala sa Pilipinas. Kailan ka pa umuwi?” “Just yesterday,” tugon ni Lance. Magkasunod na nakipag-high five at tapikan siya ng balikat sa magkapatid na Ethan at Troy. Pagkatapos ay binalingan niya ang brother-in-law na si BJ. . “Happy birthday, bro.” “Thanks, bro. Welcome back,” tugon ni BJ. Ito naman ang nakipag-high five at tapikan ng balikat kay Lance. “Where is Justin and the others?” tanong ni Lance. Tinanggap niya ang bote ng beer na iniabot ni Troy. Kasalukuyang nasa patio ang tatlo at naglalaro ng dart habang umiinom ng beer nang dumating si Lance. “Nasa loob ang Ate Denise mo busy sa phone. Sina Justin at Frances, at iba pa, parating pa lang,” tugon ni BJ. Tumango-tango si Lance. Dahil weekdays, natural lang na nasa opisina pa ang karamihan sa barkada nila. Lance was belonged to a big circle of friends called Offsprings 21. Nabuo ang barkada nila dahil sa mga magulang nila na pitong magkakaibigan. Regular na nagkikita-kita tuwing weekends ang mga ito at madalas ay sa bahay pa nina BJ ang venue kaya silang mga naging anak ay naging malalapit na magkakaibigan din. Later on, pinangalanan ni James na ‘Offsprings 21’ ang barkada nila. Twenty-one dahil twenty-one silang lahat sa grupo. Kabilang sa barkada ang lahat ng mga kapatid ni Lance at apat na pinsan sa father side. “Tapos na ba ang contract mo, bro?” tanong ni Ethan. “Bakit nandito ka na at wala pa si Celine?” nakakunot ang noong tanong ni Ethan. “Hindi pa tapos ang contract namin ni Celine pero malapit na. Umuwi lang ako sandali dahil may ime-meet ako dito sa Pilipinas.” “Babae, bro?” tanong ni BJ na kilala ring playboy bago nag-asawa. “Yup. A wonderful woman. I think I’ve found my match. Baka hindi magtagal mag-asawa na rin ako,” seryosong sabi ni Lance. Nagtawanan sina Ethan, Troy at BJ sa sinabi ni Lance. “What’s funny? Kayo lang ba ang pwedeng magbago at magseryoso sa babae?” “Correction, bro. Sa ating apat, kayo lang ni BJ ang playboy,” sabi ni Ethan. Magsasalita sana si BJ para ipagtanggol ang sarili pero naunahan ito ng asawang si Denise. “Lance!” gulat na bulalas ni Denise nang makita ang bunsong kapatid. “Kailan ka pa dumating?” tanong nito habang habang naglalakad papalapit sa grupo. “Kahapon lang.” Mabilis na tumayo si Lance sinalubong ng yakap ang kapatid. “‘Miss you, Ate,” aniya at hinagkan ito sa pisngi. “Mag-aasawa na raw si Lance, love” biro ni BJ. “Really?” gulat na tanong ni Denise. “We’re still getting to know each other, bro. But I’m very serious with her.” “Mabuti naman natuto ka na ring magseryoso sa babae. Who is she? Bakit hindi mo isinama dito?” tanong ni Denise. “Her name is Laura. She’s a half Filipina, half German photographer that based in London. Pero dito siya lumaki sa Philippines. Actually, two blocks lang ang layo ng bahay nila rito.” “Really? Maybe I know her?” sabi ni BJ. “Hindi siguro, bro. Ang tagal na nung nag-migrate sila ng family niya sa Germany. Nandito lang sa Philippines si Laura dahil sa trabaho.” “Bring her next time.” “Sure, bro. I can’t wait you guys to meet her. I’m sure you gonna like her like I do.” “Sasabihin ko kay Lola Amelia na may seryoso ka ng idini-date. I’m sure matutuwa ‘yon. Magbakasyon kayo doon ng girlfriend mo pagkatapos ng contract mo. Dalawin mo sina Lola,” suhestiyon ni BJ. Si Lola Amelia at tumatayong pinakalola ng barkada nila. Grandmother ni BJ si Lola Amelia at kasalukuyang nakabase sa Palawan kasama ng mga magulang ni BJ. “Sure, bro. We will. Actually, pupunta kami ni Laura sa Boracay bukas. Pipilitin naming pumunta din sa Palawan,” tugon ni Lance. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang kakambal ni BJ na si Justin kasama ng asawa nitong si Frances na pinsan nina Lance at Denise. Kasunod ng mga ipinadeliver na pagkain at iba pang miyembro ng barkadahan nina Lance. Alas-siyete ng gabi nang mag-blow ng cake ang kambal. Maliban sa panganay na kapatid ni Lance na si James, dumating ang lahat ng miyembro ng barkada kasama ng mga special someone at asawa ng mga ito. Hindi tuloy niya maiwasang mainggit. Nang makita ni Lance na magkausap sina Frances at Troy, nilapitan niya ang dalawa at sinabi ang interes niya na mag-franchise ng Frances’. The two are best friends and owners of Frances’, a famous bakeshop and coffeeshop that have branches all over the metro and nearby provinces. “Sure,” mabilis na tugon ni Frances. “Mag-set tayo ng meeting to talk about it. Kailan ka ba free?” “Can we just talk about it after ng contract ko sa New York? Ilang months na lang naman and I’ll stay here for good.” “Sure. Ise-send ko ang details sa email mo,” tugon ni Frances. “Thank you.” “Really, bro. Magreretiro ka na?” tanong naman ni Troy. “Yes. I’m planning to open up my own company.” “Good to hear that, bro,” sabi ni Troy at nakipag-high five pa kay Lance. “If you need help with anything, just let me know.” “Ako rin,” sabi naman ni Frances. “Mukhang mag-aasawa ka na talaga, Lance. Dalhin mo na kasi s’ya dito ngayon para makilala na namin.” Napakamot sa kanyang batok si Lance. Alam na ng lahat ang tungkol sa kinalolokohan niyang babae. At kanina pa siya sinasabihan ng mga ito na dalhin ito party. Alas-otso ng gabi nang magdesisyon si Lance na puntahan si Laura at isama sa party. Nakausap niya kaninang alas-singko ang dalaga. Tapos na ito sa trabaho at magpapahinga na. Siguro naman nakapagpahinga na ito kaya maari niyang yayain sa party. “Samahan na kita, bro,” boluntaryo ni Ethan nang magpaalam si Lance. “I think marami ka ng nainom at para makasiguro rin kami na babalik ka.” “I still can take care of myself, bro,” tanggi niya. “Don’t worry, babalik ako. Iinom pa tayo.” Alam ni Lance na marami na siyang nainom pero hindi pa naman siya lasing. Masaya siya na nakasama na naman niya ang mga kaibigan kaya hindi siya tumatanggi kapag may nag-aabot sa kanya ng beer. Pero alam niya ang limitasyon niya. “No, sasama ako,” giit ni Ethan medyo lasing na rin. “All right,” natatawang tugon ni Lance at nagpaakay kay Ethan patungo sa kotse nito. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD