GABI na nang makarating si Lance sa bahay ng mag-asawang Jay–Jay at Kate sa Corinthian Gardens para dumalo sa meeting ng barkada nila. Taon-taon ay nagsasagawa sila ng fund rising campaign para Jason Monteclaro Youth Foundation at makatulong na rin sa kanilang mga magulang na siyang aktibo sa foundation.
Jason Monteclaro was Jay-Jay’s late father isa na matalik na kaibigan ng kanilang mga magulang. Namatay ito matapos tambangan ng mga tulisan ang yateng sinasakyan nito kasama ng mga kaibigan sa Palawan. Itinatag nina Lola Amelia at Lolo Frank, grandparents ni Jay-Jay ang Jason Monteclaro Youth Foundation bilang pag-alala sa anak. Nagkasundo naman ang mga magulang nina Lance na ipangalan sa kaibigang si Jason ang lahat ng lalaking magiging anak ng mga ito. Kaya lahat silang lalaki sa barkada nila ay may Jason sa pangalan.
“What did I miss?” tanong ni Lance at isa–isang binati ang mga kaibigan sa pamamagitan ng high five at tapikan ng balikat sa mga lalaki at yakap at beso naman sa mga babae.
“A lot,” tugon ni Jay-Jay. Si Jay-Jay ang tumatayong pinakakuya ng barkada nila dahil ito ang pinakamatanda sa kanilang lahat.
Katatapos lang ng pictorial ni Lance para sa isang clothing company nang mabasa niya ang group text ng kanyang Kuya Fran tungkol sa meeting kaya nahuli siya ng dating.
Sa laki ng grupo nila at halos lahat ay dumating, natagalan bago mabati ni Lance ang lahat. Pinakahuli niyang binati si Ethan. Dahil abala ito sa hawak na cell phone, tumango lang ito sa kanya. Nagdesisyon siyang kausapin at ipagtapat na kay Ethan ang affair nila ni Celine pagkatapos ng meeting. Alam niyang magagalit ito pero umaasa pa rin siyang mauunawan at mapapatawad siya nito.
Napatingin si Lance sa kaliwa niya nang magsalita si Francine, eldest cousin niya sa father side.
“Lance, totoo ba na hindi ka na babalik sa New York at magtatayo ka dito sa Manila ng design company?” tanong ni Francine.
“Yup,” tipid na tugon ni Lance. “Retired na ko sa pagmo-modelo, Ate Francine. Pero tumatanggap pa rin ako ng trabaho as product endorser or influencer. Sayang din kasi ang kikitain.”
“Right. Let’s talk after the meeting,” sabi ni Francine.
“Tungkol saan?” takang tanong niya.
“Business. I have a proposal.”
“Okay,” interesadong tugon ni Lance.
Napatingin sila kay Jay-Jay nang magsalita ito.
“Okay, guys tapusin na natin ito para makapagsimula na tayo,” sabi ni Jay-Jay na kinuha ang atensiyon ng lahat. Alam nila na drinking session ang tinutukoy nito na sisimulan. “Hey, Ethan, are you still interested?” tanong ni Jay–Jay kay Ethan na abala pa rin sa cell phone.
“Of course, bro,” tugon ni Ethan. Nagtaas ito ng tingin at ipinatong sa lamesa ang hawak na cellphone.
“Meeting muna kasi bago si lovelife,” kantiyaw ni Lance bago naupo sa tabi ni Jay–Jay.
“Binaba ko na nga, ‘di ba?” iritableng tugon ni Ethan.
Kaagad napuna ni Lance na wala sa mood ang kaibigan. Napatingin siya sa Kuya Fran niya nang magsalita ito.
“Okay, Lance, since nandito ka na, napagdesisyunan namin na magkakaroon na lang tayo uli tayo ng charity game,” imporma ni Fran.
Tulad ng mga nakaraang taon, si Fran at ang staff nito sa Incredible Concepts mag-oorganize ng event.
“Of course, basketball pa rin ang lalaruin natin,” patuloy pa ni Fran. “Makakabuo ka ba ng isang team na puro mga celebrity, Lance? Kasama n’yo rin sa team si Ethan.”
“I’ll play with you guys. Lance can make his own team,” seryosong mabilis na sabi ni Ethan.
“Okay lang ba ‘yon, Lance?”
“No sweat, brother. We did this last year, remember? Mas maganda siguro kung apat na team ang bubuuin natin para mas masaya at marami ang mag-participate. And for the girls they can form their own group, too. How about volleyball or badminton? Sayang ang facilities ng Jungle kung hindi gagamitin.”
“Marami ring members ang Jungle, puwede natin silang anyayahang sumali,” suhestiyon naman ni BJ.
“Or puwede rin ang inter–company. Engineers and Architects of Builders against the doctors of St. Francis will be cool,” suhestiyon ni Ken na nakatingin kina Anthony at Gian Carlo na parehong resident doctors sa St. Francis Genaral Hospital.
“I would love that,” tugon ni Gian Carlo na isa sa pinakabunso sa barkada nila.
Bigla nawala ang naunang napag–usapan na nang magdatingan ang iba pang mga ideya. Walang tumutol nang maglabas ng beer si Jay–Jay habang patuloy pa rin ang meeting.
Malalim na ang gabi nang matapos ang meeting. Hinanap ng tingin ni Lance si Ethan subalit hindi niya ito nakita.
“Nakita mo si Ethan, Ate?” tanong ni Lance kay Francine nang lapitan siya nito.
“Nauna nang umuwi kanina pa. May taping pa raw kasi siya bukas.”
Dismayadong napabuntong-hininga si Lance.
“What’s wrong?” tanong ni Francine. “May importante kang sasabihin kay Ethan?”
“Yes. But I’ll just visit him in his office.”
“Okay. Drive me home para mapag-usapan natin ‘yung business na sinasabi ko?”
“Sure, Ate.”
Matapos magpaalam sa mga kaibigan ay umalis na nga ang magpinsan. Nagbibiyahe na sila nang sabihin ni Francine ang tungkol sa business.
“Partnership?” gulat na bulalas ni Lance.
“Yes. So, payag ka or pag-iisipan mo pa?”
“Ate, it’s my honor to be your partner. Bakit kailangan ko pang pag-isipan?” natatawang sabi ni Lance.
Francine Ocampo Yuzon was an interior designer and a former beauty queen. Kasalukuyan itong head ng design department ng Yuzon – Alegre Builders. Ang construction company na pag-aari ng family ni Francine sa father side na mas kilala rin sa tawag na Builders. Balak nitong mag-resign sa trabaho at magbukas ng sarili nilang design company.
“Good,” malapad ang ngiting sabi ni Francine.
“But are you sure with your plans, Ate? Pinag-isipan mo ba ‘tong mabuti?” “Of course. Alam na nina Daddy at Mommy ang plano ko and they’re supported me. Sila ang nag-suggest na makipag-partner ako sa ‘yo since magreretiro ka na nga raw sa pagmomodelo. Humingi na rin ako ng advice kina Kuya Ken, Paolo, Gabe and Bel. I also got their support. Si Papa Angelo na lang ang hindi ko pa nakakausap. I just hope and pray na payagan niya akong mag-resign sa Builders at suportahan n’ya rin ako sa plano ko.” Si Papa Angelo ang founder ng Builders at lolo ni Francine sa father side.
“I’m sure papayag ‘yun at susuportahan ka.”
“Sana na nga, Lance. Happy naman ako sa trabaho ko sa Builders pero parang wala na kasing challenge. I’m lucky dahil pagka-graduate ko ng college may trabaho na kaagad na naghihintay sa akin. And now I am one of the boss. But I have secret dream to have my own design company or kahit na may ka-partner pa. At gusto kong ma-achieve ‘yon habang hindi pa kami nakakasal ni Lander.”
Tumango-tango si Lance. “I understand you, Ate. Don’t worry, you can count on me sa magiging business natin. Hinding-hindi kita bibigyan ng sakit ng ulo and I will be very responsible and committed.”
“I know, Lance. You maybe look like a happy go lucky guy but I know your good character. I also admire your talent. Ni minsan hindi mo yata binigyan ng sakit ng ulo sina Tita. You also saved Ethan, Kirsten and Gian’s lives. You’re one of the kind.”
Napangiti si Lance sa papuri ng pinsan. “Thank you, Ate. Let’s talk the details after mo magpaalam kay Papa Angelo. I’m just phone call away. At wala akong balak umalis ng Pilipinas anytime soon.”
“Hindi mo dadalawin ‘yung girlfriend mo sa London?” nanunuksong sabi ni Francine.
Natigilan si Lance sa narinig. Hindi niya inaasahan na maalala pa ng pinsan ang mga sinabi niya tungkol kay Laura sa birthday party nina BJ at Justin ilang buwan na ang nakararaan. “She’s out of my life,” aniya na sinundan ng buntong-hininga.
“What? What happened?”
“May boyfriend kasi s’ya nang makilala ko s’ya. And she chose him,” mapait niyang sabi.
“Really?”
“I am very serious with her, Ate Francine. I made plans. Ang kaso hindi ako ang pinili n’ya, eh.”
“Well, she’s not the right woman for you then. Just move on. And forget her.”
Tumango si Lance.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay nina Francine. Pumasok pa si Lance sa loob ng bahay para mapag-usapan ang pinaplano nilang partnership.
------------------------------
Marami pong salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa story nina Lance at Laura. Pero gaya po ng nasabi ko, hindi ko po ipo-post dito ang buong story nila. Kung gusto n'yo pong mabasa ang complete story please follow me on n*****h app. Libre n'yo pa rin naman pong mababasa. Just search "Still You" or my new pen name Rieann. Doon n'yo rin po mababasa ang iba pang story ng Offsprings 21 Barkada soon. Please rate, comment and give me TIPS na rin po for FREE. Thank you in advance. Here's the link... https://tinyurl.comieann-stillyou