"OKAY ka naman ba d'yan?" tanong ni Laura kay Tamara nang mag-video call sila.
Nang makarating si Laura sa Germany ay nakauwi na sa kanilang bahay ang kanyang daddy. May neck brace at may sugat ito sa ulo pero wala naman itong natamong malalang pinsala mula sa aksidente.
Minabuti ni Laura na manatili muna ng dalawang linggo sa Germany para makasama ang pamilya. Eksakto namang balak na palang i-expand ng mga kapatid niya ang perfume business nila sa ibang mga bansa sa Europe. Tatawagan na pala talaga siya ng mga ito para pauwiin at nang mapag-usapan nila ang mga plano ng mga ito. Bukod doon ay may isang pinsan si Laura na gustong kunin din ang serbisyo niya kaya magiging abala rin siya habang nasa Germany.
"Yup. I'm having fun," tugon ni Tamara. "I've met an old friend here the other day. Nagbabakasyon din siya rito." Nasa Club E Resort pa rin si Tamara pero kasama na nito ang pinsang si Daena. Susunod din si Tamara sa Germany sa susunod na Linggo.
"Sino?"
"Si Fran. We we're classmates and barkada way back in high school. I had dinner with him with his wife Angela."
Biglang naalala ni Laura ang nakilalang mag-asawa bago siya umalis sa resort. "Fran and Angela? Sa private cottage sa likod ng hotel ba sila nag-i-stay? I think I already meet them."
"Yup. Doon nga. Yes, nabanggit kita sa kanila at sinabi nila na na-meet ka nga nila. They were also praise you because of your talents and graciousness."
Natawa si Laura. "Maliit na bagay lang ang ginawa ko sa kanila."
"You made them very happy. Parang nagkaroon daw sila uli ng prenup photo. Kung babalik ka raw uli dito sa Philippines, they will hire you for their family picture."
"Sure. Angela got my number and email address. She can contact me."
"Sinabi ko na rin 'yan. Sayang nga eh, in-invite ka raw nila for a dinner or lunch with them. Ang kaso kinailangan mo ngang umalis."
"Exactly. They were nice couple. I like them. Sasabihin ko naman talaga s'yo ang tungkol sa kanila. Gusto kong paunlakan ang invitation nila. Iyon pala, dati mo ng kaibigan si Fran. Nag-enjoy ka naman ba sa dinner?"
"Yes. Masayang kasama si Fran dati pa. He also the play guitar kaya kami nagkasundo. Actually, ex – boyfriend siya ni Daena."
"Really? Noong high school din naging sila?" usisa ni Laura. Nakilala at naging kaibigan na rin ni Laura si Daena nang bisitahin nito si Tamara sa London.
"Nope. Hindi naging sila noong high school. Nagkaroon sila ng relationship just a few years ago at may kanya-kanya na silang mga career. Ang baliw lang ng pinsan ko. Nakipag-break siya dahil lang wala siyang time at naging unfair siya kay Fran. Fran is a good catch. Bukod sa mayaman at matalino, napakabait kaya ng taong 'yon. And I think kung hindi pa siya nagbabago, siya ang pinakamabait na taong nakilala ko. Kung hindi nga lang na-inlove ako kaagad kay Ethan, baka nagka-crush pa ako sa kanya, eh."
Binalikan niya sa isip ang hitsura ni Fran. At sumang-ayon siya na mukha ngang good catch si Fran at mukha ring mabait. Gusto niya ang pagkaamo ng mukha nito lalo na't may pagkakahawig ito kay Lance.
"Baliw nga si Daena," pagsang-ayon niya. "But maybe they we're not meant to each other. Angela and Fran are so in love with each other at kitang-kita 'yon sa mga shot ko."
"I agree. Elder brother pala ni Lance si Fran. Alam mo ba?"
Hindi nakapagsalita si Laura sa narinig. Kaya naman pala malaki ang pagkakahawig ni Fran kay Lance.
"Natahimik ka bigla," natatawang sabi ni Tamara. "May resemblance sila ni Lance, 'di ba?"
"Yup."
"Anyway, I gotta go. Bababa na kami ni Daena."
"All right. Paalis na rin ako ng bahay. Pupunta ako sa lab ni Dylan."
"Okay," tugon ni Tamara at natapos na ang video call.
"YOU'RE not getting any younger, Laura. Kailan ka ba magdadala ng boyfriend dito na ipapakilala mo sa amin?"
Napailing si Laura sa sinabi ni Dylan. Kasalukuyang na silang nasa laboratoryo nito kasama ng panganay nilang kapatid na si Liam. Tini-test nila ang mga perfume na bagong invention ni Dylan. Tatlong magkakapatid sina Laura at middle child siya.
"Masyadong ka kasing gala kaya hindi ka nagkaka-boyfriend," sabi naman ni Liam.
"Oy, nagkaboyfriend at nakipag-date din naman ako. Hindi nga lang naging successful," pagtatanggol ni Laura sa sarili.
"Why don't you stay in one place, Laura. Baka sakaling maging successful na ang pakikipagrelasyon mo kung pipirmi ka sa isang lugar, " suhestiyon ni Dylan.
"Saan naman? Sa London o sa Philippines?" napapailing na tanong ni Laura.
Parehong happily married ang mga kapatid ni Laura at may apat na rin siyang mga pamangkin sa mga ito.
"Anywhere. Just stay in one place so the right man that meant for you will find you," sagot ni Liam.
"I'll think about it," hindi kumbinsidong sabi niya.
"Anyway, sigurado bang pupunta dito si Tam next week?" tanong ni Dylan.
"Yes. Bibisita siya dito at sabay na kaming babalik sa London."
"Do you think papayag siya na maging endorser ng perfume natin? Now that we're expanding in Europe. We need a famous endorser or atleast influencer." "Of course," walang gatol na tugon ni Laura. "You made her a perfume that also especially for her, remember? I'm sure hindi 'yon tatanggi. Tam would love to help us. She's our sister."
"Right," nasisiyahang sabi ni Liam.
Kapagkuwan ay biglang tumunog ang cell phone ni Laura. Inilabas niya iyon mula sa kanyang bag. Naka-log in pa siya sa internet. Bahagya siyang nagulat nang makitang nagre-request ng video call si Daena. Hindi man madalas ay nagcha-chat sila ni Daena pero never pa silang nag-video call.
"Hi, Daena. What's up?" aniya nang tanggapin ang request. Bahagya siyang lumayo sa mga kapatid.
"Hi, Laura. Itatanong ko lang sana kung nagkausap na kayo ni Tamara, today?"
"Uhm...yes. Just a few hours ago pa. Why? May problema ba?"
"Ano kasi... nawawala si Tamara."
"What? Paano'ng nawawala?"
"Umalis kasi siya dito sa resort. Galit na galit siya sa akin. Iniwan n'ya kami ng mommy at kapatid n'ya."
"What? Nand'yan sa resort ang family ni Tamara? She hate them. What happened?"
"It's my fault. Nakipagsabwatan kasi ako kay Tita Bettina para pumunta dito at makasama nila si Tamara. Hindi nagustuhan ni Tamara ang ginawa kaya kayo nagalit at umalis siya. Ang problema, hindi namin alam kung saan siya nagpunta. Her phone is dead. Ilang oras na pero wala man lang makapagsabi kung nasaan s'ya. Wala ring nagpo-post sa social media na nakita siya. Nag-aalala na kami sa kanya," mabilis na paliwanag nito.
"Calm down, Daena. Tam is fine. She can take care of herself. But don't worry, magtatanong ako sa mga kaibigan namin kung nakausap nila si Tam today."
"All right. Thank you, Laura. Please update me. I'll let you know also kapag alam na namin kung nasaan siya."
"All right."
Iyon lang at natapos na ang video call. Nang sumunod na sandali ay naging abala si Laura sa cell phone para tumulong sa paghahanap kay Tamara.
---------------
Still You is also available on n*****h app. Mas updated po ang mga chapter doon at libre n'yo rin pong mababasa. Please follow and give me TIPS na rin po for FREE. Big thanks! Here's the link... https://zei6iaqu-fey3ybur3q-an.a.run.app/fnnow.html?ggc=9055359%7C3%7C3bc629249fe7d80c34d5350b49a8ddb2&t=1