Natulala ako sa skills ni Kuya Bradley sa pagdadrive, tinalo pa nya si Vin Diesel sa paekis ekis nya sa daan. Worried lang ako sa mga sasakyan na nauunahan nya but I should be worried more for our safety. Napapatingin ako sa katabi ko na mukhang kalmado lamang despite of the situation that we currently in right now. Bakit nga pala ako nadamay dito?
"Bakit nila tayo hinahabol??!"
"I'm the target Baby."
"Mga kaaway mo ang humahabol satin?"
He nodded in response. Tiningnan ko ulit ang sasakyan na sinasabi nyang humahabol samin. Hindi ko padin madetermine kung anong sasakyan yun not until I saw a Black Car that was fast approaching behind us. Nanlaki ang mga mata ko dahil parang nakita ko na ang eksena na to sa mga pelikula. Teka lang, hindi naman ako artista eh! Lalong hindi ako Action Star!
Napatingin ako kay Kuya Driver na swabe lang sa pagpapatakbo ng mabilis. Alam kong matagal na kami sa daan at matagal na din kaming sinusundan. I'm thankful kasi wala yung kinakatakot ko na eksena, yung may barilan. Siguro naman hindi mangangahas ang mga humahabol samin na magpaputok ng baril kasi-
Naputol ang iniisip ko ng may marinig akong malakas na putok. Nagbuff bigla ang utak ko. Iniisip ko pa lang na hindi yun mangyayari pero bakit naman ganon Lord? Bakit may firing squad na kasama?
"P-putok ba yun ng baril?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong kay Sky.
"Boss, pinapuputukan na tayo ng mga bankalabs." Kalmadong sabi ni Kuya Driver.
Bakit hindi sya affected? Bankalabs?
"Sky! Binabaril na tayo!" Taranta kong sabi sa kanya.
"Don't worry, my car is bullet proof."
Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso. Natatakot na talaga ako sa sitwasyon namin ngayon. Ano ba talagang nangyayari? Maya-maya ay tumunog na naman ang phone ni Sky. Nakita kong niloud speaker nya ito.
"I'm now right behind them."
"I'm on my way."
"Good. Let's do this fuckers."
"Fire away!"
Nakinig lang ako sa naging paguusap nila. I knew they had a conference call. There were 3 voices involved and I'm sure Chandler is one of them. Hindi ko lang maintindihan ang mga pinagsasabi nila.
"Bradley. Batangas."
"Yes Boss."
Napatingin na naman ako kay Sky dahil sa sinabi nya. Sa Batangas makakarating ang shooting na to. Hindi pa talaga ako makakauwi samin?
Hindi ko na sigurado kung nasang parte na ako ng Pilipinas basta ang alam ko nasa South padin ako. Pero hindi ko alam ang dinadaanan namin dahil hindi ako familiar, si Kuya Bradley ang nagmamaneho at walang say si Sky kung san kami nagsusuot, one thing is for sure, we're heading to Batangas.
"I'm sorry Baby. Hindi ka dapat nadadamay dito. I should have known that this is going to happen. Ako talaga ang magdadala ng kapahamakan sayo. I should have stand with my decision to stay away from you. Ako lang talaga tong namimilit."
"Sky." Nagets ko naman ang sinabi nya pero wala na kaming magagawa kasi nandito na ako. "Ok lang, no hard feelings! Pero anong gagawin natin? Bakit hindi sila humihinto?!"
"Baby. Listen to me, I'll protect you."
"Wag kang mag-alala Madam, padating na ang tropa." Sabi ni Kuya Driver.
"Sure ka Kuya? Hindi yan scam ah?!"
Natawa pa sya sa sinabi ko. "Hindi po Madam, magagaling po ang Reinforcements natin."
Napatingin ako kay Sky na seryosong nakatitig sakin. I heaved a deep sigh. I tried to calm myself tho my insides are trembling in fear. This is the first time I ever experienced this kind of situation.
Naalerto ako ng magring ulit ang phone ni Sky. Inabangan ko din ang sasabihin ng mga kausap nya.
"Tagal nyo naman, naiinip na ako."
Alam kong si Chandler ang nagsalita.
"We're in position. Move your assess dickheads."
Hindi ko kilala ang boses na to, first time kong marinig pero ang ganda ng boses. Cold and deep.
"Bradley. You know the drill."
"Copy Boss."
Hinintay ko nalang ang gagawin ni Kuya Bradley sa sinabi ni Sky na "you know the drill", I just don't get it. May gagawin pa ba syang iba maliban sa pagharurot ng sasakyan?
Nakita ko nalang ang pagliko ng sasakyan at halos magulat pa ako ng may kasalubong kami na isang Silver na Chevy Silverado. I heard Kuya honked and the car too. Napatingin ako kay Sky na mabilis na kinuha ang isang baril sa may Compartment ng sasakyan. Wait lang! A gun! He has a gun! Nanlaki na naman ang mga mata ko dahil dun. I looked at him with fear and shocked written all over my face.
Natulala ako ng hawakan nya ang mukha ko. "Listen to me Baby, dadalhin ka ni Bradley sa safehouse. Susunod ako after namin dito. Be safe ok?"
"W-what?? Are you leaving me?!"
"I'll just fix this. Maglilinis lang kami." Tiningnan nya si Kuya Bradley. "Bradley, keep her safe. I'll skin you alive if something bad happened to her."
"Copy Boss, kahit lamok hindi maglalanding sa balat ni Madam."
"Sky! Don't do this. Please." Hindi ko alam pero gusto kong umiyak, baka kasi kung anong mangyari sa kanya. Napatingin ako sa sasakyan na nasa unahan namin. "Sino ba yung kasama mo? Kaibigan mo din?"
"Yeah. Don't worry I'll be back in one piece. Take care and see you later."
He kissed me on my temple before storming out of the car. Gusto ko pa syang pigilan pero pagkababa nya, humarurot na paalis si Kuya Bradley. Gusto ko tuloy syang konyatan. Naiiyak padin kasi ako. Natatakot ako para kay Sky.
"Wag kang mag-alala Madam kasama po nya si Daredevil."
"Sino naman yun?"
"Kaibigan po ni Mayor. Magaling yun Madam."
"Magaling san Kuya? Bakit kasi iniwan natin si Sky at bakit pa nya babalikan yung mga masasamang tao na yun?"
"Ganon po talaga Madam, madami pong kumakalaban kay Mayor eh, ganon talaga kapag nasa tamang landas ang pamumuno. Maraming nagagalit. Wag kang mag-alala Madam, magaling din si Mayor."
"Hindi ko gets yang sinasabi mong magaling Kuya Bradley."
Tinawanan lang nya ako. Napatingin ako sa kanan ko dahil dagat na pala ang natatanaw ko. Namangha ako sa kulay asul na karagatan. Walang duda, nasa Batangas na nga kami.
Maayos naman na ang naging pagdadrive ni Kuya, nakatingin lang ako sa may bintana dahil ang ganda ng view. Maya-maya pa ay may nilikuan ulit si Kuya at binagtas namin ang isang magandang daan.
"San na tayo Kuya?"
"Laiya po Madam. May rest house po dito si Mayor."
"Ahh. Kuya, tigilan mo nga ako kakatawag sakin ng Madam. Riley po ang pangalan ko."
"Alam ko po Madam, fan mo po ako eh kaya lang papagalitan ako ni Boss kapag tinawag kita sa pangalan mo."
"Ako din magagalit sayo, magkatunog pa naman pangalan natin."
"Ayokong mawalan ng trabaho Madam kaya pasensyahan nalang tayo."
"Pag natanggal ka Kuya, kukunin kitang driver ko. Ayos ba?"
Tinawanan na naman nya ako, akala ba nya nagjojoke ako. Baka malaki sahod nya kay Sky, malamang kasi nasa danger din ang buhay nya. Inirapan ko nalang sya dahil naiinis ako sa nangyari. Naiinis ako kay Sky kasi baka nasa panganib ang buhay nya. What if he got shot?
I was stunned when I saw a beautiful house in wood and stone exteriors. The house was also surrounded with tall trees. It looked so magical.
"Nandito na po tayo Madam. Hintayin nalang po natin ang pagdating ni Mayor. Pwede ka na pong pumasok."
"Hindi mo ako sasamahan Kuya??"
"May tao dyan Madam saka nasa paligid ang mga guards."
"May guards dito? Nasan sila?"
"Kung san-san po Madam." Ikinaway nya ang kamay nya na para akong tinataboy papasok ng bahay.
Pumasok na ako sa loob and to my surprise bukas nga ang pinto.
"Hello po!! Anybody home?!"
Pati ang loob ng resthouse ay nakakamangha. Ang relaxing ng ambience plus the view outside is marvelous. Umupo muna ako sa sofa na hugis "L" na color Black, pati ang centertable ay color Black. May nakita akong ilang magazines sa ilalim. Nacurious ako kaya tiningnan ko.
Napamaang ako kasi puro ako ang Cover ng Magazines na nandun. These are the magazines that I covered. Napangisi ako sa naisip ko. Mukhang fan ko si yorme ah.
I yanked my phone and tried to dial his number but it just keeps on ringing. I can't help myself but to worry for him. He's in danger and I can't help the thought that his life is always in the brink of death. Is this the kind of life he chose to live for?
Naglakad-lakad ako at napunta ako sa kitchen. Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom yun. Natetense padin ako at nag-alala kay Sky. Bakit wala padin sya? What happened to him?
Nagmessage nadin ako kila Lolo at Lola na kasama ko si Sky. Nagreport nadin ako kay Phoebs. Alam kong busy naman si Theo pero nagtext nadin ako sa kanya. Hindi ko na napansin kung may mga reply sila because my mind is occupied with Sky whereabouts. I was freaking worried for him.
And then I heard some noises outside and I knew it came from a car. I rushed myself to see if it was Sky. I saw 3 cars that were parked outside.
Napatingin lang ako ng bumaba mula sa Chevy ang isang matangkad na lalake. Nakita ko din ang Ford ni Chandler at magkasabay silang bumaba ng 2 pang matatangkad na mga lalake. Alam kong sa Chevy sumakay si Sky kanina pero bakit hindi pa sya bumababa. Ang isa naman ay Black na Mustang.
Nakalapit na sakin si Chandler pero hinahanap ng mga mata ko si Sky. Chandler is sporting a serious but sad look on his face.
"C-chandler, nasan si Sky? Hindi nyo ba sya kasama?" Nag-aalalala kong tanong.
He remained silent and stared at me with his stoic face. I wanted to punch his face for him to show me some emotions because I'm near to freak out. My eyes began to water because he remained silent the whole time.
Tiningnan ko ang mga kasama pa nya mga tahimik din. Though they are all handsome and tall. Gusto ko silang konyatan lahat lalo na yung lalakeng bumaba sa Chevy. Gustong gusto ko ng umiyak dahil feeling ko may nangyari kay Sky.
"Ikaw, diba ikaw yung nasa Chevy na pick up kanina. Dun sumakay si Sky eh! Nasan na si Sky?" Tanong ko sa kanya.
Napakamot sya sa kanyang batok pero hindi sya nagsalita. Tiningnan ko din ang lalakeng nasa likod nya. Nanigkit ang mga mata ko ng marealized ko kung sino sya. Ang lalakeng gustong landiin ni Phoebs. The Hot Director.
"Ipapatanggal kita sa Showtime pati lahat ng Shows mo kapag hindi ka nagsalita kung nasan si Sky?!"
Tinaasan lang nya ako ng kilay and then he diverted his gaze somewhere. Tiningnan ko ang huling lalake na katabi ni Chandler, mukha syang matino at medyo ok ang dating nya, baka sya na ang pag-asa ko na magsasalita kung nasan si Sky.
"Subukan mong hindi magsalita at kokonyatan kita!"
Nakita ko lang ang pagngisi nya sakin pero hindi din sya nagsalita. Nakuyom ko na ang kamao ko dahil sa pinagsama-samang inis, galit lalo na ang takot. Naiiyak na talaga ako dahil sa frustrations sa mga lalakeng ito.
My tears are about to fall when I heard the Chevy's door opened. And there you go, Sky alight from the car. My heart beats like crazy and I felt like my world stopped spinning when I met his gaze. Parang nagslow motion ang paglalakad nya papunta sakin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinalubong ko sya ng yakap. I felt him stilled with my action but I immediately felt his hands caressing my back.
Narinig ko ang mga pagsipol ng kanyang mga kaibigan. Humanda talaga sakin ang mga to mamaya dahil wala man lang sumagot sakin kanina. Feeling ko nagkampihan ang mga to. Pero mamaya ko na iisipin yun. I felt safe and comfort when Sky caged me in his arms. Sa leeg nya ako nakayakap kaya nakasubsub ang mukha ko sa may bandang balikat nya.
"Did I make you worry, Baby?"
I nodded in response because I felt like crying any moment soon. I was so worried and scared.
"I'm alright. I'm sorry."
"Mauna na kami sa loob ah. Magloving-loving muna kayo dyan!" Boses yun ni Chandler.
May narinig pa akong sumisipol sa kanila. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ang hitsura nya. He just stared at me intently while I'm trying to inspect his body for any wounds and gun shots.
"Do you have any wounds or gun shots? Did you fight with them?" Nag-aalala kong tanong.
Tiningnan ko ang mga braso nya pati ang binti nya. Pinatalikod ko pa sya, at hindi pa ako nakuntento, itinaas ko din ang suot nyang uniform nya pati ang puting tshirt nya sa loob. Muntik na tuloy akong maglaway dahil nasilayan ko ang mga pandesal nya. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa dahil sa ginawa ko.
"Ok, wala kang sugat. Mabuti naman."
Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay habang nakangisi. Narealized ko lang ang reaction nya nang mapansin kong hawak ko padin ang tshirt at nya nakataas padin ito exposing his chiseled abdomen. I swallowed hard and ignored my urge to touch his abs. Bakit parang mas gumanda ang hulma nung mga pandesal nya? Parang sobrang tigas pa.
Tumikhim ako para madivert ko ang attention ko. Nagulat nalang ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinila na ako papasok sa loob ng bahay.
Pagpasok namin sa loob, nagkalat at kanya-kanyang pwesto ang apat na lalakeng kasama nya. They looked at me but I just rolled my eyes to show my annoyance. Chandler has the audacity to smile at me after what he did earlier. I wanted to smack his face real hard to remove the smug look on his face.
"Tawa-tawa ka dyan mukha kang sionga." Sabi ko sa kanya.
"Practice lang yun Riley. Ayos ba? Ang convincing ba namin?" Sagot naman nya. Inirapan ko na lang sya.
"Hi, I haven't introduced myself yet. I'm Raven Phoenix but you can call me Nix."
Pagpapakilala ng gwapong lalake kanina na mukhang matino pero mukha lang pala. He looked like Ryan Guzman tho. And his low manbun hairstyle is making him more gorgeous.
I accepted his handshake. He look nice naman.
"I'm V."
Napatingin ako sa lalakeng mukhang seryoso, sya yung kasama ni Sky sa Chevy. Sinimangutan ko sya dahil hindi man lang sya nagsalita kanina.
"V like Victor?"
"V like Van Damme." Seryoso nyang sagot. Napakunot ang noo ko dahil parang may naalala ako sa sinabi nya. Tinaasan lang nya ako ng kilay.
"And I'm Dion." Pakilala ni Direk. Inirapan ko lang din sya.
"Magkakaibigan ba kayong lima? Bagay kayong magkakaibigan kasi lahat kayo may saltik sa utak. Sarap nyong konyatin isa-isa eh. Mga feeling pogi."
Nginisian naman ako ni Chandler.
"Pogi naman talaga kami Riley. Wala kang talo samin." Napawi ang ngisi nya ng mapatingin sya kay Sky. Matalim kasi ang tingin sa kanya.
"Goodbye! Nice to know you!"
Kinanta pa nya sa tono ng kanta ng Incubus. Isa-isa ding nagsialisan ang mga kaibigan nya.
"Anong nangyari sa mga kalaban?" Curious kong tanong kay Sky.
Nginisian lang nya ako. "Wipe out."
Nagtaka ako sa sagot nya, nakita ko pa ang pagngisi din ni Chandler na nakatingin padin pala samin. There is something off with them. I can feel something dark and something evil, I guess.