12

2478 Words
Kumunot ang noo ko ng makita ang pagparada ng isang Ford na pick up sa harap ng bahay namin. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Lola. The car looks familiar tho. At mas kumunot pa ang noo ko nang bumaba ang isang matangkad na lalake mula sa driver's seat. He is wearing a plain white shirt and a ripped black pants and a combat boots. He is also wearing an aviator. He looks freaking handsome. Naglakad sya palapit samin at saka ko lang narealized na kilala ko pala ang lalakeng dumating. He plastered a wide smile when he came close. "Yow!" Nagtaas pa sya ng dalawang daliri para sa isang finger salute. Nakita nya si Lola at nagmano pa talaga sya. "Magandang Umaga po." Bati nya kay Lola. "Magandang Umaga din Hijo." Sagot naman sa kanya ni Lola. Ano kayang kelangan ng taong to dito? Hindi naman kami magkaibigan. Inalis nya ang kanyang aviator. Si Chandler nga to. I stared at him. He is really handsome. May kamukha syang celebrity. He looks like Matt Bomer, fresh version. Natawa ako sa naisip ko. May resemblance kasi talaga sila. "Nagtataka ka ba kung bakit ako nandito?" Tanong nya sakin. "Bakit ka nga nandito?" Tanong ko pabalik. Nginisian nya ako. "Sunduin daw kita sabi ni yorme." "Huh? Bakit?" "Yun din ang tanong ko sa kanya, bakit? Pero hindi nya ako sinagot. Basta sunduin daw kita kasi busy sya sa munisipyo." "Eh kung ayaw kung sumama sayo? Malay ko ba kung san mo ako dadalhin." "Walang problema sakin basta sagot mo ang pagpapaospital ko." Inirapan ko lamang sya. "Magbibihis lang ako. Pumasok ka muna." Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa may center table. I saw a message from Sky. Susunduin daw ako ni Chandler. "Tell me if he touch you in any ways. I'll s***h his throat." May pahabol pa syang text. "He's here. Papogi masyado ang kaibigan mo." Reply ko sa kanya. Nagbihis na din ako. Nagsuot nalang ako ng High waisted na maong jeans saka White na croptop, wore my Red Lowcut Chucks to complete my outfit. Hinanap ko ang sling bag ko na regalo ni Phoebs nung Christmas. Nagpulbo lang ako saka liptint. Napasipol si Chandler nang makita ako. Inirapan ko lang sya, nagpaalam na ako kila Lola at Lolo. Tiwala naman daw sila sa mga tauhan ni Mayor. Gusto ko sanang sumagot ng eh di wow kaya lang baka pektusan ako ni Lolo kaya dehins na lang. Pinagbuksan pa ako ni Chandler ng pinto saka sumakay. May pagkagentleman din pala ang lalakeng ito. Then he rev up his car. "Sikat na naman kayo ni yorme ah. Bagay talaga kayong dalawa." Marahas akong napatingin sa kanya na ikinangisi nya. "Akala ko nga magbabakasyon din ang chismis pero mali pala ako." Sagot ko sa kanya. "Galing nga nung paparazzi nyo eh. May matang lawin!" "Sabi ko nga din eh. Kasama ka naman namin dun pero bakit hindi ka kasama sa picture?" "Ano ako kalove triangle nyo? Wag nyo nga akong isali sa magulo nyong lovelife. Tss." "FYI. Walang kami! Hindi kami ng yorme mo!" "Sige hindi kayo ngayon, baka bukas o kaya sa isang araw magiging kayo." "Pangit mo kabonding. Magsama kayo ng yorme na yun." Natawa sya sa sinabi ko. Inirapan ko nalang ulit sya. "Do you think Sky abandoned you four years ago?" Napatingin ako sa kanya. He look so serious now but his gaze was focused on the road. "He told me his reasons and I understand naman. It's just that, he could've told me about it. I won't be a hindrance or something in his life." "Your safety is his concern. Hindi pa sya makapangyarihan four years ago kaya wala pa syang kakayahan na protektahan ka in case na madamay ka." "Ganon ba kadelikado ang pagpasok nya sa Politics?" "It's more than that Riley." Napatitig ako sa kanya, pakiramdam ko meron pang ibang reason bukod sa kanilang mga sinabi. Gusto kong malaman yun pero hindi ko alam sa sarili ko kung handa akong malaman ang mga yun. "Napanuod namin yung Concert mo last year. Ang galing mong magperform!" "Sinong kasama mong manuod?" "Kami. Napanuod namin as in live!" "Parang sionga to. Sino ngang kasama mo?!" Tinawanan lang nya ako at hindi ako sinagot. Umiiling iling pa sya na parang ewan. Kokonyatan ko din itong si Chandler dahil sa mga reactions nya eh kaya lang hindi pa kami close. Kapag naging close na kami saka ako babawi. Konyat sakin to ng wagas. Tumunog ang phone nya kaya kinuha nya sa may dashboard. I saw him smirked when he checked it but he just threw his phone on the dashboard. Gwapo nga mukhang may saltik din ang isang to katulad ng yorme na yun. "Chandler, anong work mo?" Bigla kong naisipan na itanong. "I'm a College Professor." "Weh? Di nga?!" Hindi makapaniwalang reaksyon ko sa sinabi nya. Professor talaga ang lalakeng ito? "Do I look like I'm joking?" Seryoso nyang tanong. "Hindi lang halata. Wala kasi sa hitsura mo." Tumawa na naman sya. "Practice lang." Itinaas-taas pa nya ang makakapal nyang kilay. "Off ko lang ngayon kaya ako ang nautusan ni yorme." "Magkaibigan talaga kayo ni Sky?" "Wow! First name basis na sila. Maganda yan, ibig sabihin may progress!" "Ang gulo mo kausap Chandler. Kunti nalang talaga kokonyatan na kita eh." "Sa tingin ko magkakasundo tayo sa mga bagay-bagay. Wag lang natin ipapakita kay yorme na close na tayo baka magkaron bigla ng World War V." "Ewan ko sayo. Talk to my hand weirdo." Tinawanan na naman ako ng lalakeng ito. Malapit ko na syang tawaging kumag at ungas. Pero natutuwa ako sa company nya, hindi sya boring kasama. Binuksan nya ang stereo ng sasakyan nya. At umpisa palang ng lyrics ay sinabayan na nya. Marunong palang kumanta ang lalakeng ito. Ang husky ng boses, pang rock n roll. Hello my friend we meet again It's been a while where should we begin? Feels like forever Within my heart are memories Of perfect love that you gave to me Oh I remember "Sing with me Riley." Sabi pa nya. Napangiti ako dahil sa sinabi nya kaya nagduet tuloy kami sa Chorus. When you are with me, I'm free I'm careless, I believe Above all the others we'll fly This brings tears to my eyes My sacrifice The ride we shared was not boring at all. I really enjoyed Chandler's company tho he annoys me sometimes. "Touch down." Napatingin ako dahil nagpark kami sa isang mukhang mamahaling Restaurant. Dito ba ang meeting place namin ni yorme. "Riley." Tawag sakin ni Chandler bago ako bumaba ng sasakyan. Napatingin ako sa inihagis nyang Black Cap. "Wear that." Naintindihan ko naman ang ibig nyang sabihin kaya sinuot ko agad yun. He also wear his aviator. Magkasabay kaming bumaba ng sasakyan. Napatingin ako sa kanya kasi nauna syang naglakad na parang Bodyguard ko. He is tall. Parang magkasing tangkad sila ni Sky. Agad kaming pumasok sa Restaurant, he talked to the receptionist first and then he led the way to a VIP Room, I guess. Pinaupo na ako ni Chandler at pumwesto din sya sa katapat kong upuan. Humingi muna ng tubig si Chandler sa waiter namin. "Are we meeting Sky here?" I asked. "Uhuh. He's on his way." He answered. "Ano to lunch meeting? Bakit kasama pa ako?" He just shrugged his shoulders and lazily gulped the glass of water that was served. I guess we'll just wait for him to arrive. Sabay kaming napatingin ni Chandler sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa ang Mayor ng Mauban na si Sky Forrest Montecarlos in his Mayor uniform. Mukha syang respetado at kagalang galang sa kanyang uniform. "Gandang tanghali yorme. Ayos ang porma ah." Nakangising bati sa kanya ni Chandler. "Kanina pa kayo?" Tanong ni Sky sa kanya pero sakin nakatingin. "Kanina pa, mga 30 minutes ago. Nagugutom na nga ako eh." "Wala akong pakialam sa'yo." "Tss. Ako na nga inutusan mong sunduin si Riley tapos hindi mo ako papakainin? Iba din talaga ang yorme." "Napakareklamador mo. Umalis ka na nga baka hindi kita matantya." Nginisian lang sya ni Chandler. Tumayo na sya saka tinapik ng malakas sa balikat si Sky. "Ikain mo nalang ako Riley. Siguraduhin mong mabubusog ka ah." Kinindatan pa nya ako at nakita yun ni Sky. Agad nyang dinampot ang kutsilyo sa may mesa at akmang sasaksakin si Chandler. I was shocked with his action. Tumakbo lang sya na tumatawa papunta sa may pinto. "f**k you man!" Sigaw sa kanya ni Chandler. Pinakyuhan lang din sya ni Sky. "Did he to touch you in any ways?" Seryoso nyang tanong sakin. "Huh? No, he didn't touch me." "Good. Let's eat, kanina pa ako nagugutom. Ilang meetings ang inattendan ko simula umaga." Kwento nya. "Bakit mo ako pinasundo?" "To have lunch with you." Kinuha nya ang Table Menu at binuklat. "What do you want to eat?" "Seryoso ka talaga? Pinasundo mo ako para lang kumain ng Lunch?" "Yes, not unless you have something else to do in mind." Nagloading ang utak ko sa sinabi nya. Napakurap kurap pa ako ng makita ang ngisi nya. Inirapan ko sya to hide my shame. "Fine. Oorder ako ng madami at ng mahal!" "You do that." At syempre tinotoo ko ang pag-order ko ng madami. Akala nya siguro nagbibiro ako, pwes maling-mali ka yorme. Nag-order din ako ng desserts, with S yan kaya madaming orders ko. Napailing nalang si yorme nang dumating ang mga orders ko. Inirapan ko sya kasi hindi naman sya kumontra kanina, saka mapera naman sya kaya ok lang sa kanya tong mga inorders ko. Nag-order ako ng Halo-halo kasi nagcrave ako ng makita ko ang serving nila. I ordered for both of us. Akala nya sakin lang yun, syempre meron din sya. "How are you?" Bigla nyang tanong while I'm eating Halo-halo. "Kei lang naman. Kaw, hindi ka ba kinukuyog ng media?" "I have a tight security. I'm fine." "Mukhang hindi ka affected na naface reveal ka na." "Ayos lang, ako naman ang talaga kasama mo so why should I deny it? Don't use other man to cover the humor." "Iniisip ko lang naman ang privacy mo saka ang reputation mo. Politics is way different from Showbiz." "I'm fine with it. Kung gusto nila ng interview with me I'll check my schedule. I can do that with you." "Weh? Di nga? Ganon mo katanggap ang mundo ko?" "Yes Baby." Muntik ko ng mabuga sa kanya ang kakainom ko lang na Halo-halo. Maubo-ubo tuloy ako dahil sa kanya. Naalerto naman sya at tumabi agad sakin. "Are you alright?!" Nag-aalala nyang tanong. "K-kasalanan mo to!" Umubo-ubo pa ako. Hinahampas ko pa ang dibdib ko. "I did nothing." Hinawakan pa nya ang likod ko at ramdam ko ang init ng haplos nya. "Bakit mo kasi ako tinatawag na Baby? Mukha ba akong sanggol sa paningin mo?" He chuckled and then he pat my head. "Because you're my Baby, hmmn." Natulala ako sa lapit ng mukha nya sakin. My heart is beating like crazy. Wala akong naririnig kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I met his intensed gaze. His effect on me never changed through the years that passed. This strange feeling I felt for a stranger before. Only Sky can make me feel this way. "Dun ka nga!" Inilayo ko ang mukha nya gamit ang hintuturo ko, tumama ito sa pisngi nya. Ang lambot ah tapos hindi pa oily! "Bumalik ka dun sa pwesto mo! Para kang sionga dyan." Tinawanan nalang nya ako. "Ako pa ngayon ang mukhang sionga." Bumalik na nga sya sa pwesto nya. Tiningnan ko lang sya ng masama. Hindi pa ako nakakaget over sa pagkasamid ko dahil sa kanya. Uminom ako ng tubig dahil feeling ko ang hot padin ng pakiramdam ko. Tinitigan ko sya habang umiinom ako ng tubig. Bahagya syang nakayuko dahil may tinitingnan sya sa phone nya. From his thick brows, pefectly pointed noise to his prominent jaw down to his kissable lips. His facial features are aesthetically pleasing. And I can't help myself but to marvel his gray eyes. It's too captivating, everytime I try too look into his eyes, I'm drawn to oblivion. His hair is slightly disheveled too. His skin is too smooth, parang walang kapores pores. Ano kayang skin care ni Yorme? And the built of his body changed too. Parang mas tumangkad nga sya. Iniimagine ko ang itsura nya four years ago. Mas lumaki talaga ang katawan nya, kumusta na kaya ang mga abs nya? At saka yung Bell Pepper nya? At dahil dun nasamid na naman ako sa iniinom kong tubig. Amp! Maubo-ubo na naman ako. "Baby? Are you sure you're alright?" I nod in response kasi hindi ko pa keri ang magsalita. Sionga ka talaga Riley, kung ano-ano kasi ang tumatakbo sa isipan mo. Makamundo ka! Magkasabay kaming lumabas ng Restaurant at naglakad kung saan nakapark ang dala nyang sasakyan. It's a Range Rover in Black. He loves Black I guess because his Wrangler is also in color Black. "Ihahatid na kita sa inyo." "Sure ka? Pupunta ka pang Lucena." "I'm definitely sure. Let's go Baby." May kasama syang driver kaya pareho kaming nasa likod. Natetense na naman ako kasi magkatabi na naman kami. Hindi pa ako nakakamoved on sa nangyari kanina kaya ganito ang feeling ko. I swallowed hard and heaved a deep sigh to release my tension. Napatingin sya sakin dahil doon kaya napailing nalang ako. Ibig sabihin wala akong problema. Tumunog ang kanyang cellphone at mabilis lang nyang sinagot. "V." Yun lang ang sinabi nya. I saw how he balled his fist and he looked sideways and at our back. "Saw them. Thanks V." Nakita ko ang transition ng pagbabago ng expression ng mukha ni Sky. "May problema ba?" Nag-aalala kong tanong. "May sumusunod satin." "Hah?!" Napatingin din ako sa likuran namin. May mga ilang sasakyan na nakasunod samin kaya hindi ko malaman kung alin dun ang sinasabi nyang sumusunod samin. "Bradley." Tawag nya kay Manong Driver na seryosong nagdadrive. "Yes Mayor." "May nakabuntot satin. You know the drill." "Yes Boss! It's showtime!" Napanganga nalang ako ng biglang nagmaniobra si Kuya Driver. Biglang bumilis ang kanyang pagmamaneho na parang nasa Fast and Furius. Agad nyang naunahan ang mga sasakyan sa unahan namin. Naloka ako bigla dahil sa bilis ng mga pangyayari. "Sky!!!" "Don't be scared Baby. I'm here, I'll protect you at any cost." Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso. I saw how the veins in his arms protruded because of the way he clenched his fist. He looked freaking mad. "Sky." Hinawakan ko ang kanyang kamay. Napatingin din sya sakin and then he joined our hands. "Mga Boss, humawak kayo ng mahigpit!" Sigaw ni Kuyang Driver. Napalunok nalang ako at natulala dahil sa bilis ng kanyang pagmamaneho. Feeling ko tuloy ay nasa shooting ako ng isang Action Film. Hindi naman ako artista! Singer po ako! *** Song used: My Sacrifice- Creed
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD