Magkatabi kami ni Lolo sa sofa na nanunuod ng palabas sa tv habang kumakain kami ng Palitaw, niluto ito ni Lola kasi paborito namin ni Lolo. Katatapos lag namin mag-usap ni Phoebe, tinawagan nya talaga ako at nagrequest pa ng video call para lang sumagap ng chismis sa nangyaring paghatid ni yorme sakin. Wala naman akong masyadong chinika sa kanya dahil naiinis padin ako sa mga pangyayari.
"News Flash: The Who ang kasama ng pinakasikat na singer ng kanyang henerasyon? Namataan ng iss nating reliable source sa isang Hospital ang sikat na singer na si Riley Sta. Maria, kasalukuyang nagbabakasyon ang ating paborito ngayong singer sa kanyang Hometown. The who nga kaya ang matangkad at matipunong lalake na kasama nya? Abangan ang susunod na chizmakz dito sa Chizmakerz, dahil ang buhay ay puno ng Chizmiz!"
Halos maluwa ko ang kinakain kong Palitaw dahil sa balitang iyon.
"Ampota! Napakabilis talaga ng chismis!!" Bulalas ko.
"Bibig mo Mavi."
"Kasi naman po Lo, ang galing naman ng kumuha ng picture namin ni Sky, may matang lawin yata yun eh. Akala ko naman pati chismis magbabakasyon din. Kainis!"
I yanked my phone to call Phoebe but to no avail. Pagkababa ko ng phone ko, nakita kong tumatawag si Vaughn sakin. Alam ko na kung bakit.
"Yes Boss."
"Have you seen the news?"
"Yes Boss, ngayon lang. Ang bilis talaga ng chismis, nakarating agad dyan sa Manila."
"I'm sure hindi sila titigil hangga't hindi nila napapangalanan ang lalakeng kasama mo Riley."
"I know Vaughn." I heaved a deep sigh. For sure nabalitaan nadin ito ni Sky. Nadawit pa sya sakin dahil sa chismis na to. Nakakainis, baka isipin nya ginagamit ko din sa publicity ang pangalan nya.
"Anyway, hindi pa naman nila alam kung sino ang kasama mo. Riley, I wanna know who's the guy para alam ko kung ano ang isasagot ko sa mga katanungan ng Management."
"Hindi ko alam Vaughn kung tama bang idisclose ko kung sino ang kasama ko. Can I atleast talk to the person first to ask for permission?"
"Yes Riley, you do that. Just keep me updated, no comment na muna ako sa Management."
"Thank you Vaughn."
Naglakad ako ng pabalik balik dahil sa inis ko sa chismis na yun. Magkasama lang kelangan na agad ibalita. How annoying the showbiz world really is!
"Mavi, nahihilo ako sa ginagawa mo. Pumirme ka nga sa isang tabi."
"Lo, sa tingin mo pa dapat kong tawagan si Sky para sabihin yung chismis?"
"Sigurado akong alam na din nya ang balita na yan."
"Nakakahiya naman po kasi Lo, nablind item pa sya na kasama ko. Nakakahiya talaga Lo. Pati ba naman dito sa probinsya may paparazzi. Amp talaga!"
Umupo na ulit ako sa sofa at saka tinitigana ng phone ko. Hindi ko padin alam kung tatawagan ko si yorme o hindi. Nakakahiya kasi ang nangyari to think na tinaguan nya ako ng 4 years para lang hindi ako mainvolve sa kanya tapos ngayon ako naman ang naging dahilan para mainvolved sya sakin. Hay, life sucks talaga!
Halos mabitawan ko pa ang phone ko nang magappear sa screen ng phone ko ang pangalan ni yorme.
Yureta yuganda sekai ni dandan boku wa...
"Hello, Sky?"
Hindi ko na tinapos ang buong ringtone ko at sinagot ko na agad ang tawag nya.
"Baby."
I bit my lower lip to suppress a smile with his endearment. Nagtataka padin ako kung bakit tinatawag nya akong Baby.
"Sorry, sorry talaga Sky. Hindi ko alam na mabablind item ka kasama ako. Hindi ko alam na machichismis ka! I'm sorry, sorry talaga." Agad kong paliwanag sa kanya.
I heard him chuckled. Napakunot ako ng noo dahil narinig ko talaga ang pagtawa nya.
"I'm not affected with that blind item Baby but I'm pissed because they didn't reveal that I'm the guy. Baka kung sinong Poncio Pilato ang ibigay nilang impormasyon kung sino ang lalakeng kasama mo."
"Huh? What are you saying Sky? Hindi ka galit na nachichismis ka sakin?"
"I'm not kung gusto nila magface reveal pa ako eh."
Napanganga ako sa sinabi nya. "Pero kasi diba nga, ayaw mong mainvolve sakin. Pwede naman akong magno comment sa issue, pwede ko din sabihin na si Theo yung lalake." Bigla akong nakaisip ng idea. "Tama! Sasabihin ko na si Theo yung kasama ko para-"
"Who the f**k is Theo??!" He yelled.
"Bestfriend ko, nasa Manila sya ngayon pero I can use him to cover the rumor, I just need to call him. Hindi kita idadawit sa chismis."
"Don't you dare Riley. Don't associate yourself with another man! Ako yung kasama mo!"
"Pero kasi nga, madadawit ka sakin eh. Chismis yun! Baka isipin nila may relasyon tayo kahit wala naman. Alam mo naman ang showbiz, gagawa sila ng kwento kahit hindi naman totoo."
"Let them be."
"Huh?"
"Let them think that we are in a relationship. Just don't use anyone else to cover the humor. I don't like it."
"Sionga ka ba? Bakit ko hahayaan na isipin ng mga tao na may relasyon tayo?!"
"What the f**k is sionga?"
Nanggigigil na ako sa kausap ko, mas binigyan pa nya ng pansin ang sionga kesa sa tanong ko. Just what the hell is his problem? I don't want him to get involved with my life, as long as I can find a way to cover up the rumor, I'll use it. I just need to talk to Theo. I'll explain to Vaughn my plan and I'll let Phoebe know too.
"Don't drag another man with the issue Riley. I'm telling you I don't like that idea. I have my own ways to deal with this, so trust me Baby."
I heaved a deep sigh. Sya lang naman ang concern ko. Ayoko syang madamay sa magulong mundo ko. Hindi nga nya ako dinamay sa mundo nya dati so I'll do the same pero ginugulo naman nya ang mundo ko ngayon.
"Sky."
"Yes Baby. Trust me with this."
At dahil sa mga sinabi nya, wala nga akong ginawa. Hindi ko na muna tinawagan si Vaughn at si Phoebe. I'll let him handle the issue.
Mabilis na kumalat sa mga Social Media Platforms ang picture namin ni Sky, it's just that either his picture was blurred or another face of the man was used on his face. Ang talino talaga ng mga Pinoy pagdating sa mga ganto, ang bibilis gumana ng utak pagdating sa mga chismis. Lumalabas ang pagiging creative at ang mga talents nila pagdating sa mga irrelevant issues.
Ang dami ding comments saka reactions. May mga nagmemessage din sa IG at Messenger ko. Pati sa Viber at Twitter may messages din. No comment padin ang Management ko at hindi ako pinipilit na maglabas ng statement. That's what I like the most with my current Management, inaalagaan talaga ako ni Vaughn.
Sunod-sunod na din ang mga tawag na narereceived ko dahil sa issue. Ampota talaga! Dahil lang sa isang picture nagkakagulo ang madlang pipol? Ang laki namang issue ang nagawa namin ni Sky. Wala kaming kamalay malay na may paparazzi na pala sa paligid. Iba din talaga ang nagagawa ng showbiz at kaperahan.
Nakita ko din ang mga messages ni Theo sakin. May missed calls din sya kasi nagsilent muna ako ng phone kasi naririndi na ako sa mga tumatawag. Naiistorbo din kasi sila Lolo at Lola.
Hindi talaga natahimik ang mundo ko ng buong araw dahil sa mga walang kamatayang phone calls at notifications. Hindi ko na nga binabasa kasi baka mairita lang ako.
Nahihiya din ako sa mga pamilya ni Sky kasi naissue pa ang yorme nila sakin eh sabit lang naman ako that time. Sabi ko na talaga very wrong ang pagsama nya sakin sa Hospital eh. Tinaguan nya ako ng apat na taon eh di sana pinanindigan na nya until forever kaya lang kasi bigla naman kaming nagkita ng hindi sinasadya.
Nakatulugan ko na tuloy ang pagiisip at hindi ako nakakain ng dinner. For sure pagagalitan ako ni Lola dahil hindi talaga ako nagising. Sunod-sunod na katok kinaumagahan ang gumising sakin. Pupungas pungas akong nagbukas ng pinto at mukha ni Lola Ang tumambad sakin.
"Morning La."
"Lumabas ka ng kwarto mo at panuorin mo ang balita." Sabi nya sakin.
"Po? May chismis na naman po ba sakin?"
At pagharap ko sa Tv, halos malunok ko ang sarili kong laway dahil sa nakikita ko. Ang picture namin ni Sky na magkasama ay hindi na blurred, sya pala ang hindi na blurred. Nilagyan na sya ng mukha at pati pangalan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa balita.
"Chizmakz minute: Nagkaron na ng mukha ang lalakeng kasama ng sikat na singer na si Riley Sta. Maria. Kahapon lamang kumalat ang picture na may kasama syang lalake sa isang Hospital sa Lucena City. Agad itong pinagusapan ng taong bayan at pilit inaalam kung sino nga ba ang lalakeng kasama nya. At ngayon mga kachizmakz, ayon sa isa nating napakareliable source at naconfirm pa nya mismo kung sino ang misteryosong lalake na kasama ng ating paboritong singer ngayon. May hula ba kayo kung sino sya? Hindi ko na patatagalin pa, ang misteryosong matangkad at matipunong lalake ay walang iba kundi ang Mayor ng Mauban, Quezon na si Mayor Sky Forrest Montecarlos! Hindi pa nagbibigay ng kanikanilang mga statement ang magkabilang panig at yun ang aabangan natin mga kachizmakz!!"
Natulala ako dahil sa balitang iyon. Kanino nanggaling ang balitang iyon. Alam na ba ito ni Sky? Hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari!
I yanked my phone and not to my surprise, Phoebe is calling me. Nakasilent padin nga pala ito.
"Zup Phoebs!"
"Ganda ng almusal ko ngayon Riley! Sikat sikat ang picture nyo ni Mayor Montecarlos! Nakausap mo na ba sya?"
"Oo kahapon pa. Ok lang daw sa kanya ang machismis sakin."
"Nakausap mo na ba si Vaughn?"
"Oo kahapon din. Hindi daw muna magbibigay ng statement ang Management hangga't hindi pa nila ako nakakausap."
"Ang hihingin nilang statement mo ay kung anong meron sa inyo ni Mayor. They are concerned about your contract. You know what I'm saying, right?"
Natahimik ako. My contract with the Management, the dating policy. What about that, eh hindi naman kami nagdedate ni yorme!
"Nakita lang na magkasama, nagdedate na agad? Sionga ba sila? Pektusan ko yan si Vaughn kapag pinilit nya na may relasyon kami ni Sky."
"Ako ng kakausap kay Vaughn at sa Management. Chill ka nalang dyan. Enjoy the rest of your vacation Riley."
"Kaw Phoebs? Ginugulo ka din ba ng mga reporters at media? Sorry na."
"I'll take care of it, Manager mo ako diba? Leave it to me Girl!"
Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa mga sinabi ni Phoebe. Si Sky naman ang kelangan kong makausap! Siguro naman alam na nya na naface reveal na talaga sya katulad ng gusto nya.
Bumalik ako ng kwarto ko para maligo at mag-ayos ng sarili. Wala naman akong gagawin ngayon kaya tutulungan ko si Lola sa Garden nya. May mga bago syang flowerpot at mga halaman na itatanim dun. Magpapakabusy na lang ako sa Hardin ni Roanna.
Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower saka nagsuot ng oversized tshirt na may Print ni Erza Scarlet ng Fairy Tail saka color Red na dolphin short. Nagspray nadin ako ng paboritong kong Cologne na Baby Bench na Bubble Gum kahit nasa bahay lang ako.
May narinig akong tunog ng sasakyan mula sa labas pero hindi ko nalang pinansin, baka napadaan lang. I finished fixing myself, nakapagtoothbrush nadin ako. Hindi pa pala ako nagbebreakfast. Aga-aga kasi chismis agad ang inalmusal ko tho hindi naman sya negat na chismis pero para sakin, hindi padin positive kasi nadamay ang isang Mayor sa isang showbiz personality. Pagchichismisan nadin sya ng madlang pipol and much worse, baka pakialaman pati ang buhay nya. Ayoko din namang mangyari yun. Lumabas na ako ng kwarto ko habang sinusuklay ang buhok ko.
"She's talking to angels
Counting the stars
Making a wish on a passing car
She's dancing with strangers
Falling apart
Waiting for Superman to pick her up
In his arms
Yeah
In his arms
Yeah
And waiting for Superman.."
Kumakanta pa ako habang naglalakad papunta sa sala. At napanganga ako ng makita ko kung sino ang taong prenteng nakaupo sa sofa habang nagkakape.
"Good Morning."
He plastered a wide smile while holding a cup of coffee. Napakurap-kurap pa ako dahil hindi pa nagsisink in sa isip ko na nandito sya ng ganito kaaga.
"What are you doing here?"
"Coffee."
Agad akong naglakad papalapit sa kanya, nakapameywang pa ako na humarap sa kanya. Isinuksok ko sa tuktok ng buhok ang suklay ko at iniwan dun.
"Ang aga aga po nandito ka na. Wala ka bang pasok sa Munisipyo? Nagtatrabaho ka ba talaga bilang Mayor ng bayan nyo?"
He chuckled. "I came here to fetch you."
"At bakit naman?"
"Let's date Baby."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "What the hell are you saying?"
Tinawanan na naman nya ako dahil sa reaction ko. "Just kidding. I just dropped by to check on you. Are you ok?"
"I-im fine. Ikaw? Yung face reveal mo nagkatotoo na. Sorry ulit."
"That's fine." Inisang lagok na nya ang kape nya saka sya tumayo. "I'll get going. Papasok na po ako sa Munisipyo Mayora."
"Huh?"
Nagulat pa ako ng hilahin nya ang pulso ko at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa nya. I froze in place but the feeling made me shiver down to my spine. He kissed me. Kahit sa pisngi lang, the sensation is too much.
"I'll see you."
Narinig ko nalang sya na nagpaalam kila Lolo at Lola, samantalang ako naiwan nyang tulala at lutang dahil sa halik nya sa pisngi ko.
What the hell is that yorme?
***
song used:
Waiting for Superman- Chris Daughtry