10

2211 Words
"How's Tito Apollo, Kalangitan?" Tanong ng lalaking tumawag kay yorme sa kanyang phone. May bago akong narinig na tawag sa kanya, kalangitan. Pasimple akong humagikgik dahil natatawa ako. Sino kaya tong kaibigan nya, mukhang cool eh. "He's totally fine now. Minor wounds lang ang nakuha nya. My car was bullet proof but it crashed that's why he was rushed in the Hospital." "Any news from Dice? I maybe off the grid but I can pull some strings, just so you know, Kalangitan." "Will stop calling me that name, Ibon!" "Tang na, hindi ko alam kung anong ibon ang tinutukoy mo!" "f**k you!" "Mamili ka sa dalawa, kalangitan o himpapawid?" "King ina mo! Wag kang magpapakita sakin baka tiradurin kitang ibon ka!" Humalakhak naman ang lalaking kausap nya. Grabe talaga sa murahan kapag nakipagusap ang Mayor na to sa mga kaibigan nya. "I'm sorry for that." Wika nya matapos ang paguusap nila ng kaibigan nya. "Ok lang, mukhang normal lang sa inyo ang magmurahan eh." Sagot ko. "Yeah. Dice and Nix are one of my friends." "Ahh, I think they were both cool." Marahas syang lumingon sakin na nakakunot ang noo. Nagtaka naman ako sa reaksyon nya. "Pano mo nasabing cool ang mga yun? Mga ungas ang mga yun, ang papanget pa." "Your friend Chandler is good looking. Mukha lang syang bad boy but he is really handsome." "Nagagwapuhan ka dun Riley? Itsura lang nun, ipapatokhang ko nga yun dahil mukhang adik sa kanto eh." "Nagjojoke ka ba o bulag ka lang? Gwapo kaya nya." Nagulat ako ng marahas nyang pokpokin ang busina kahit ang layo naman ng pagitan sa nauunang sasakyan. Mukhang mabadtrip si Yorme, mananahimik na nga ako. Natuwa ako ng pumasok na kami sa gate ng Subdvision namin. Makikita ko na din sila Lolo at Lola. Itinuro ko pa kung san kanto sya liliko para makarating samin bahay pero parang kabisado nya ang pupuntahan. Pagkababa ko palang ng sasakyan nya ay tinawag ko na sila Lolo at Lola. "Lo! La! I'm home!!" Nakita kong bumaba na din ng sasakyan si Mayor at kasunod ko na sya. Agad namang sumalubong si Lola na galing pala sa Garden nya sa likod. Agad akong nagmano sa kanya at napako ang tingin nya sa lalake sa likuran ko. "La, may kasama po akong sikat! For sure kilala nyo po sya." "Magandang Araw po!" Inalis nya ang kanyang suot na cap at lumapit kay Lola at nagmano din. Napasinghap naman si Lola sa ginawa ni Mayor. "La? Hindi nyo ba sya nakikilala?" Nakatitig lang sya kay Mayor. Wala pading sinasabi. "Napakagwapo naman ng kasama mo apo." Nakita ko ang pagngisi ni Yorme dahil sa sinabi ni Lola. Inirapan ko lang sya saka niyaya na syang pumasok sa loob para makita ni Lolo. "Marco! Nandito na ang apo mo, may kasamang gwapo!" "La! Hindi po sya gwapo. Malabo na po talaga mata nyo, magpalit ka na nga po ng salamin sa mata." Tinaasan nya ako ng kilay dahil sa sinabi ko. Inirapan ko lang sya. Lumabas naman si Lolo Marco mula sa kanyang silid at sinalubong ako. Agad ko syang niyakap at nagmano din ako. "Namiss ko po kayo Lo." Sabi ko pero napako ang tingin nya sa lalakeng kasunod ko. Nakita ko pa ang pagkunot ng kanyang noo at bahagyang pagkagulat. "Mavi, bakit mo kasama si Mayor?" Lumapit sya kay yorme at saka nakipagshake hands. Nakilala nya talaga ang lalakeng kasama ko? "Magandang Araw po sa inyo." Aniya at nagmano pa kay Lolo. "Maupo muna kayo Mayor at maghahanda ako ng makakain." Sabi ni Lolo. "Lo, aalis na sya. Busy syang tao at-" Hindi ko natuloy ang sinasabo ko dahil prente syang umupo sa sofa tulad ng utos ni Lolo. Agad ko syang nilapitan at humalukipkip sa harap nya. "Ihahatid mo lang ako diba, pwede ka ng umalis." Sabi ko. "Sabi ni Lolo maupo muna daw muna ako." Chill nyang sagot sakin. "Babalik ka diba sa Hospital? Umalis ka na kaya." Dagdag ko pa. Sasagot na sana sya ng bumalik si Lolo at may dala ng pagkain. May coke in can saka mainit-init na pancit chami. Agad akong naglaway dahil sa Chami, paborito ko ito eh. "Lo, nagluto po kayo ng Chami? Nasan yun sakin, bakit sya lang ang meron?" Reklamo ko sa kanya. "Mavi, ayusin mo ang pananalita mo, hindi mo na iginalang si Mayor. Kung makipagusap ka ay parang tropa mo lang si Mayor." Pinagalitan pa ako ni Lolo. "Ayos lang naman po Lolo." Sagot nya na may kasamang ngisi. "Hindi po kami magtropa Lo, sa totoo lang po magkaaway nga po kami eh." Tinawanan lang nya ako na may kasama pang pag-iling. Inirapan ko sya saka ako pumasok ng kwarto ko. Inilagay ko muna ang mga gamit ko at paglabas ko ay masayang nagkukwentuhan sila Lolo kasama na si Lola at si Yorme. Mukhang nakuha na nya agad ang loob ng aking Lolo at Lola. Nagstay pa talaga si yorme at sinimut ang pancit na niluto ni Lola. Nagustuhan din nya ang luto ng Lola ko kaya tuwang-tuwa ang dalawang tanders. Narealized ko na mukha naman palang mabait si yorme sa elderly, nakita ko naman kung pano ang treatment nya sa kanyang family. Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi nya about sa death threats sa pamilya nya. "Napanuod namin sa balita kanina ang nangyari kay Gov. Kumusta na ang kalagayan nya Mayor?" Tanong ni Lolo. "Nasa maayos na pong kalagayan si Dad, hindi naman po malala ang mga natamo nyang sugat." Mahinahon nyang sagot. "Mabuti naman kung ganon, sana ay mahuli na ang may kagagawan at ng maparusahan." Sabi ni Lola. Nasa ganon silang pag-uusap ng magring ang phone ni yorme, mukhang importante kaya nagexcuse sya kila Lolo. Lumabas sya ng bahay at dun sinagot ang tawag. "Mavi, hindi mo pa sinasagot kung bakit kasama mo si Mayor? Abay magkakilala pala kayong dalawa." Ani Lola. I heaved a deep sigh. "Naalala nyo po ba yung kinwento ko dati na lalaking biglang sumulpot sa Apartment ko? Sya po yung lalakeng iyon." Paliwanag ko. "Ay ganon ba, sya pala yung iniligtas mo nun. Yung nirereklamo mo na hindi na nagpakita sayo?" "Opo Lo. Si yorme nga po yun. Wala po akong ibang alam sa kanya maliban sa pangalan nyang Sky nung time po na yun, tapos bigla na po syang nagdisappear. Tapos nagkita lang po kami doon sa Party sa bahay nila Phoebe, isa po sya sa mga bisita." "Tapos hinatid ka na dito pauwi?" "Opo La. Hindi ko naman ineexpect na magpiprisinta sya sa paghatid sakin dito satin. Nagulat nalang po ako ng bigla syang dumating tapos sinabing ihahatid ako." Magkasabay pang tumango sila Lolo at Lola. At pumasok na nga si yorme na seryoso ang pagmumukha. "I need to go." Nakatingin nyang sabi sakin. I hardly swallowed because of his intensed gaze at me. "Kelangan ko na pong umalis Lolo, Lola. Marami pong salamat sa masarap na Chami." "Walang anuman Mayor. Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Sabi ni Lola. Nagshakehands pa ulit sila ni Lolo. Tiningnan ako ni Lolo na parang may senesenyas. Nagets ko naman kaya napairap ako sa hangin, hindi kay Lolo ah. Sinamahan ko hanggang gate si yorme, hindi na ako nageexpect na magkikita pa ulit kami dahil alam kong busy syang tao. At isa pa malapit nadin matapos ang bakasyon ko, babalik na ako sa reality. "I'll be back soon. I just need to fix some things." Seryoso nyang paliwanag. "Bakit ka babalik?" Seryoso ko ding tanong sa kanya. Natahimik sya sandali sa tanong ko at tinitigan ako. I'm not expecting from him anymore. I understand his explanations naman, hindi na nya kelangang pilitin ang sarili nya na puntahan ako dito. I'm not his responsibility and I don't think he needs to do it. Ayokong isipin na gusto nyang bumawi sakin. "Trust me this time, I'll be back Baby." Wala sa sariling nakagat ko ang lower lip ko. Aaminin ko sa sarili ko na may dalang kilig ang sinabi nyang yun pero ayokong umasa. Bakit kasi ang sarap pakinggan kapag tinatawag nya akong Baby. Kalandian alert Riley Sta. Maria! "Hindi mo naman kelangan gawin yun Mayor. Wala namang dahilan para bumalik ka pa dito, naihatid mo naman ako." "Ikaw ang babalikan ko." Napaatras ako ng lapitan nya ako at hawakan sa braso. I felt something when the heat of his touch landed on my skin. I felt something ecstatic and electrifying. Weird. "Please call me Sky." "Bakit ayaw mong tawagin kitang Mayor?" He swallowed. "Hindi naman sa ayaw pero parang ganon na nga. Just don't call me that." "Okies. Sige na umalis ka na. Mag-ingat ka." "I'll call and text you. Answer my texts and calls." "Wow demanding ni Mayor." "Damn it Riley! Stop calling me that!" Nagulat ako sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses. Hala seryoso nga sya sa sinabi nya na wag ko syang tawagin na Mayor pero bakit ayaw nya. "Bakit ba ayaw mong tawagin kitang Mayor? Kung ayaw mo nun yorme nalang din katulad ng tawag ni Chandler sayo." "Don't mention that fuckers name." Naiinis nyang sagot. "Just call me Sky." "Ok, sige na nga. First name basis po tayo." "Good. I have to go." "Babay na." Tinitigan muna nya ako bago sya tumalikod at sumakay sa Wrangler nyang astig. Bumusina pa sya bago nya tuluyang paandarin at saka umalis na. Tinanaw ko nalang ang sasakyan nya hanggang mawala sa paningin ko. Katulad nung pag-alis nya four years ago. I suddenly felt emptiness for some unknown reason. Napailing nalang ako saka pumasok sa loob ng bahay. Tatawagan ko pala si Theodore para ikwento ang kaganapan sa buhay ko dito sa Quezon. "Eh di happy ka na nyan?" Tanong ni Theo after kong ikwento ang pagappear ni yorme sa Party nila Phoebe. "Hindi naman ganon kahappy but-" I trailed off. "Hindi ko kasi maexplain Theo. Sinabi naman nya sakin ang dahilan kung bakit hindi nya ako binalikan. At this point in time, this is the least I expect to happen." "Life is full of surprises Ry, you'll never know what will happen next so if I were you, settle everything if you still have doubts. You only have fews days left of your vacation so make the most out of it." "I'll do that Theo. Anong gusto mong pasalubong ko pag-uwi ko?" "Gusto ko nung dilaw na manok. Paluto mo naman ako kay Lola." Nagsusumamo nyang request. Natawa naman ako sa boses nya. "Oo na, alam na ni Lola yun noh, baka iyakan mo pa eh. Yun lang ba request mo?" "Saka yung tinapay na manipis saka buko pie, yung sa Colette's ah." "Yung Apas yung sinasabi mo na tinapay. Gusto din ni Boss Vaughn yun eh, idamay ko na sya kawawa naman eh." "Damihan mo yun sakin ah." "Oo na, what are you doing by the way?" "Working my ass off as usual. I recently closed a deal. May request ka ba sakin ngayon?" "Huwow!! Dagdag kayamanan na naman ng mga Estrella. Congrats Theodore!" "Yeah, right. Worth it naman ang pagod ko dun." "Bilhan mo nalang ako ng J1 Low yung Siren Red." Trip na trip ko kasi yun pero hindi ako makabili kasi wala akong time. Nawawala din sa isip ko kapag sinasamahan ko si Phoebe na magshopping. "Anything else?" "Samahan mo nadin ng AF1 yung plain white lang." "Consider it bought." "Yehey! May bago akong mga sapatos!" "Yeah, para hindi puro Chuck ang laman ng shoe closet mo." Nagusap pa kami ni Theo about Sky ulit. Pinipilit nya kasing namimiss ko lang ang yorme at hindi pa din ako makapagmove on sa pangaabandona nya sakin. Nakatulog ako after ng pag-uusap namin ni Theo. Nagising nalang ako at nakitang madilim na pala. I yanked my phone to check my inbox and to my surprise. 10 missed calls 20 unread messages Napanganga ako sa mga messages ni Sky. Hindi ko alam kung matatawa or maiinis ako sa mga messages nya about sa hindi ko pagsagot sa mga tawag nya. "I just woke up. Nakatulog ako. Sorry na, mapapatwad mo ba ako Yorme?" Sinamahan ko pa ng emoji na nakabelat. Nagsent naman agad ang reply ko. At wala pang isang minuto ay nagring na ang phone ko. Yureta yuganda sekai ni dandan boku wa Sukitootte mienakunatte... Mitsukenai de, boku no koto wo. Mitsumenaide. Dare ka ga kaita sekai no naka de Anata wo kizutsuketaku wa nai yo. Oboete te boku no koto wo. Tinapos ko muna ang ringtone ko bago ko sinagot. "Hello?" "Finally, did you sleep well?" "Yup, bakit ka tumatawag?" "I want to hear your voice." "Bakit naman?" "I'm tired." "Ano sa tingin mo ang boses ko parang Milo lang? Maeenergize ka?" "Apparently that's your effect on me." Natahimik ako dahil gustong may nagrarambol sa loob ng dibdib ko. "Dami mong banat. Magpahinga ka kung pagod ka na." "Yeah, I will later." Huh? Bakit later pa? Hindi pa ba sya umuuwi? Gusto kong itanong pero syempre hindi ko gagawin yun. "I'll see you soon, Baby." "Huh?" "I'll make it up to you. Babawiin ko ang apat na taon na nawala satin. Trust me Baby." Nakatitig padin ako sa kawalan after ng pag-uusap namin ni Sky. Nageecho sa utak ko ang kanyang sinabi. A part of me wanted to scream in joy pero naguguluhan padin ako, bakit nya kelangan bumawi sakin? Just why?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD