Tulala ako habang nagdidiscuss si Direk sa harapan. Hindi padin ako makapaniwala na ang yorme na to ang magiging partner ko sa Music Video na ishoshoot namin. Busy sya diba? Mayor sya sa kanilang bayan so bakit may time sya sa ganitong bagay? At isa pa bakit sya nadamay dito? Napatingin ako kay Direk at saka ko naisip na baka may kinalaman sya dito. I let out a deep sigh. I swallowed hard when our gaze met. He looked at me and then his gaze went to Cali. I saw how his brows furrowed deeply and then he rolled his eyes at me. "What the hell? Anong iniirap-irap nitong yorme na to?" Hindi na nya ako tiningnan ulit kaya hindi ako nakaganti ng irap sa kanya. Napanguso nalang ako sa pangdededma nya, infairness sa kanya, talagang nakikinig sya kay Direk. Agad kong hinila palabas ng Board R

