Napahigop ako ng kape ng magstart ang meeting namin with the Star Maker Records, kaharap din naman ngayon si Vaughn na nakakunot ang noo dahil sa mga schedules at commitments ko.
"Should we start the audition for her partner?" Seryosong tanong ni Vaughn.
"Yes, but do you have someone to recommend before we start?" Tanong naman sa kanya ni Phoebe.
"None. It would be better if we could screen them thoroughly." Tiningnan ako ni Vaughn ng seryoso. Napakibit lang ako ng balikat.
"Anyway, sino bang magdidirek ng Music Video? Dapat kasama na sya sa meeting na to ah." Reklamo ni Phoebs.
As if on cue, biglang bumukas ang pinto ng Boardroom at iniluwa ang isang gwapong nilalang na nagpalaglag ng panga ni Phoebe.
"I'm sorry I'm late." His cold and baritone voice filled the room. Nakita ko din kung pano dumapo ang mga mata nya sa natulalang si Phoebe.
Ang lakas talaga ng effect ni Direk sa Manager/ bestfriend ko na si Phoebe.
"He's here. He will be the Director of the music video. Thank you for coming Dion." Bati sa kanya ni Vaughn, nagshakehands pa ang dalawa. Mukhang magkakilala na silang dalawa.
Tiningnan ako ni Direk saka tinanguan. The meeting went on and I can feel that the atmosphere suddenly became heavy because of Direk Dion, lantaran kasi ang pagtitig nya kay Phoebe at dinededma naman sya nito.
Ano kayang nangyari sa dalawang ito? Alam ko deds na deds si Phoebe sa kanya pero what went wrong?
"Alam ba ni Sky ito?"
Nagulat ako ng biglang nagtanong si Direk sakin. Ano bang tinatanong nya at bakit may kinalaman si Sky?
"Huh?"
"Tss."
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa reaction nya. Ano bang problema ng Direktor na to at saka bakit nga pala sya ang naging Director namin?
"Bakit ikaw ang Direktor namin? Diba nasa Showtime ka?"
"I quit."
"And you chose to direct my Music Video?"
He nodded and took a glance of Phoebe na busy kay Vaughn. He let out a deep sigh and shifted on his seat.
"Sky will be pissed once he knew about this."
"Bakit mo ba sinasali si Sky dito? Nananahimik na yun sa Munisipyo at nagtatrabaho."
Sabay pa kaming napalingon ng magsalita si Vaughn.
"Riley, your drummer and bassist?"
"Kelangan ko nun?" Taka kong tanong sa kanya.
"Anyone you have in mind?" Nakataas ang kilay na tanong ni Vaughn.
"Ahm." Napatingin ako kay Phoebe nang bigla kong maalala ang mga bandmates ko dati sa Auratistic Bar. "Meron!"
"Good. Contact them now so that we can start shooting as early as possible."
Napatango ako agad. Naexcite ako na makakasama ko ulit si Cali at Dexter. Kumusta na kaya ang mga kumag na yun. The last time I head news about them was when I had my Album Launching. Cali was in Germany and Dexter was recently engaged.
Sinenyasan ko si Phoebe para tumingin sa gawi ko kahit obvious na iniiwasan nyang tumingin sakin dahil katabi ko si Direk. I'm aware how he shot glares at her, deadly pa nga eh. Iniisip ko tuloy kung bakit ganto silang dalawa, siguro may something talaga sa kanila. Anyway, sabi nga ni Sky wag daw ako makialam sa problema ng iba. Hindi naman iba si Phoebe sakin eh.
Naging busy na ako after kung makauwi from my vacation. Ayaw pa akong paalisin ni Sky nung una pero dahil sa trabaho ko wala na syang nagawa. At saka as if namang may say sya sa mga gagawin ko. Haler? Wala kaming relasyon!
Napatingin ako sa phone ko ng magnotif ang isang message galing kay Theo. Nakikipagmeet ang bespren kong busy sa mga closed deals nya. Mas yumayaman pa ang mga Estrella dahil sa mga deals na madali lang nyang nacoclosed. Theo is Theo.
Magkaharap kami ni Phoebe habang kumakain sa isang Cafe malapit sa Building ni Vaughn.
"Alam mo Phoebs, dinaig mo pa ang chismis sa lovelife ko dahil kay Direk." Tinaasan nya ako ng kilay. "May something na ba sa inyong dalawa?"
"Nakausap ko na si Cali at Dexter. Nakuha ko nadin ang mga schedules nila." Sagot ni Phoebe.
"Nagdate ba kayong dalawa? Did you dump him?" Tanong ko ulit.
"Naayos ko nadin ang schedule mo sa Salon and Spa, find time to visit them kasi ang haggard na ng buhok mo--"
"Hi Direk!"
Nakangisi kong sabi na nagpatigil kay Phoebe. Kitang-kita ko kung pano nawalan ng kulay ang kanyang mukha ng banggitin ko si Direk. Huli ka balbon!
"Praktis lang Phoebs!" Nagpeace sign pa ako sa kanya.
"Riley!!!" Bigla syang napasigaw sakin.
"Chill Phoebs, napaghahalataan ka masyado eh." Nginisian ko na naman sya. She heaved a deep sigh and leaned on the chair. She placed her arms across her chest.
"So, anong chika bes?"
"Chismosa ka ng taon Riley Sta. Maria." Inirapan pa nya ako. "Wala naman something samin ni Dion, we dated and that's it. Hindi kami compatible kaya we stopped right there." Paliwanag nya.
"Bakit ka nya hinahabol kung ganon? May nangyari ba sa inyo?" I asked her blatantly but her expression told me otherwise. My lips parted as tried to comprehend the meaning of what I asked. "Nagsex kayo Phoebe ni Direk??!"
"Bibig mo Riley!!"
"Oopss Sorry!" Totoo talaga Phoebs? Ginawa nyo talaga??" Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.
"It's just a one night stand. Tinamaan kasi ako ng magaling na alak eh kaya ayun, hindi ko napigilan ang kalandian ko."
"Kelan? Saan? Pano?!"
"T.M.I ka, alam mo naman siguro ang salitang privacy at confidential diba?"
Napalunok ako at matiim na tinitigan si Phoebe. Hindi ako makapaniwalang nagawa na ni Phoebe yun.
"Virgin ka Bes kaya ka nya hinahabol?"
"He's my first."
Natahimik ako bigla. Kaya siguro pilit syang hinahabol ni Direk kasi sya ang unang lalake sa buhay ni Phoebs. Ang swerte nya kay Phoebs! Sana maging ok na din ang lahat sa kanila. Bagay pa naman silang dalawa, isang tahimik at isang hindi. Napangisi na naman ako dahil sa naisip ko.
"Anyway, let's get back to work Riley. Puno ang schedules mo ngayon week dahil sa Shooting. Ichecheck pa natin ang mga wardrobes mo na gagamitin."
"Busy na naman."
"May meeting din mamayang 3 pm para sa Concept ng Music Video mo."
"With Direk?"
"Yes, with him and with the production."
Napatango nalang ako dahil hindi ko alam kung pano ko maisisingit si Theo sa schedules ko. Mukhang hindi nya ako malilibre ah.
Naglalakad ako sa Hallway ng biglang nagring ang phone ko and I saw Sky name appeared on the screen. Napangiti naman ako dahil dun.
"Hello?"
"How's my Baby?"
Napaubo ako dahil sa endearment nya kasama pa ang pasweet nyang boses. Sarap nyang kotongan, hindi bagay sa itsura nya.
"O-ok lang naman. Busy lang dahil sa mga Projects and endorsements. Kaw?"
"I'm here at the City Hall. I have a meeting 10 minutes from now. I just want to hear your voice."
"Bakit namiss mo na ako?" Pang-aasar kong tanong sa kanya.
"Yes Baby, I missed you."
Napalunok ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko namumula nadin ang buong mukha ko dahil sa pag-amin nya. Hindi man lang nagdeny ang Yorme!
Nakita kong lumabas si Phoebe at kinawayan ako.
"I have to go Sky, tinatawag na ako ni Phoebe."
"Yeah, you go Baby. I'll see you soon."
"Babay."
Nagmamadali na akong pumasok sa Board Room para sa meeting with Direk.
Hindi ko na talaga maisip kung ano pa ang kulang kay Dion Zavier Blakemore, his overly good looking face, well built body, his height plus his profession. Wala na, nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ni Phoebe pero umaarte ang beshy ko. Nasuko na nga ang Bataan, si Direk pa ang naghahabol. Haba ng hair ni Phoebs! Anyway, napuri ko bigla si Direk dahil sa Concept ng Music Video ko.
Isang Vintage Car na Jaguar XJ-S ang gagamitin for the shoot. And according to Direk, mukhang road trip ang Concept ng Video dahil nga naman sa Title ng Song ko na "Everywhere", kasama ko si Cali at Dexter sa kotse and then there were scenes na bababa kami ng sasakyan at nasa gitna kami ng Highway.
And then it came to my mind the Concept of having a Male lead? Para kasing ang thought lang ng video is roadtrip. But when Dion explained to us the meaning and the thought of the entire concept, it felt like a ray of light shine upon us. Talino naman ni Direk! Friends talaga sila ni Sky!
"Do we need to cast someone from the Showbiz to play the part?" Tanong ni Dion.
Tiningnan ako ni Phoebe then tiningnan nya si Vaughn na malalim na nag-iisip.
"Magpaaudition nalang tayo." Sagot ko naman.
"I know someone fit for the role."
Sabay-sabay kaming napatingin kay Direk na seryoso ang pagmumukha.
"Trust me on this. I'll just inform him." Tumayo na sya saka lumabas ng Boardroom.
Nagkatinginan kami ni Phoebe at pareho kaming napakibit ng balikat.
"Let's talk about the budget."
Napasinghap ako ng sabihin ni Vaughn ang about sa budget. Sana lang hindi nya tipirin! Masaya naman na ako sa Jaguar na car pero sana naman maganda ang maging Music Video ko! Nakakahiya din naman kaya Direk! Malaki kaya ang bayad sa kanya?
Pag-uwi ko sa Condo kinagabihan ay grabe ang pagod ko dahil sa mga Meetings and stuff. Talagang after vacation ko tinadtad ako ng Management ng mga projects. Wala naman akong reklamo bukod sa nakakapagod, I love what I do naman.
Nakaupo ako sa sofa at nanunuod ng Netflix nang may nagdoorbell. It's either Phoebe or Theo lang naman ang bumibisita sakin ng gantong oras. At pagbukas ko ng pinto, ang gwapong mukha ni Theodore ang tumambad sakin at may dala syang bucket meal ng Jobee!
Magkatabi na kami sa may sala, dito na kami kumain instead of sa kitchen. Theo looked exhausted but he still find time to visit me at this hour.
"Uso ang pahinga Theodore, mukha kang Zombie." Sabi ko sa kanya.
"I'm fine. I'm tired but I'm fine. Don't worry about me." Sagot nya sakin.
"Tss. Nakakalimutan na yatang magrelax eh. Wag puro negosyo kasi!"
Nginisian lang nya ako. "How are you and the Mayor?"
"Singer padin ako at Mayor padin sya."
"Tino mo talagang kausap Ry, konyatan kita eh."
"Malapit na akong magshoot ng Music Video para sa Everywhere. And you know what, I'll use a Jaguar XJ-S!"
"At kanino naman yun?"
"Sa Direktor namin, mukha syang yayamanin eh. Tapos kasama ko pa si Dexter at Cali sa Music Video!" Excited kong kwento sa kanya. "Pero kelangan ko ng Male lead, parang loveteam ko dun. Gusto mo?"
"I'm busy and I don't have free time."
"Hmp. Sayang naman, naisip pa naman kita aayaw ka nga pala, di bale sabi naman ni Direk, may kilala syang pwede kong maging leading man."
"Baka si Mayor yan."
"Imposible! Busy yun saka hindi nya iiwan ang Bayan nya para lang gumawa ng Music Video."
Nagkibit-balikat lang si Theo at nagpatuloy kaming kumain ng Chickenjoy.
"Just tell me how I got this far
Just tell me why you're here and who you are
'Cause every time I look, you're never there
And every time I sleep, you're always there
'Cause you're everywhere to me
And when I close my eyes, it's you I see
You're everything I know that makes me believe
I'm not alone
I'm not alone
Itinaas ni Vaughn ang kamay nya para huminto kami sa Band practice. Nagapir kami ni Dexter at Cali. Wala talaga silang kupas pagdating sa tugtugan.
"Let's have a break." Sabi ni Vaughn.
Iniabot nya sakin ang tumbler ko at ininom ko naman kaagad ang laman.
"Are you ready to meet your lead?" Tanong nya sakin.
"Nandito na sya? Kasama ni Direk?"
"Yup." Nginisian nya ako sa hindi ko malaman na dahilan. Tinalikuran na ako ni Vaughn kaya naman bumalik ako kila Cali at Dexter.
"Nice! Mga wala padin kayong kupas!" Bati ko sa dalawa kong alalay dati.
"Ikaw din naman Riley, mas gumaling ka yata." Sagot naman ni Dexter.
"Yeah and you look great too." May kasamang ngisi na bati ni Cali.
"Kayo naman, ako lang to, si Riley Sta. Maria!" Napailing nalang ang dalawa dahil sa sinabi ko. "Isa pa! Umalis naman na si Vaughn."
"G!" Sigaw naman ni Cali.
After nang jamming namin ay dumiretso na kami sa Board Room. Hindi pa ako nakakaupo nang mapatingin ako sa isang bulto na katabi ni Dion. Napanganga ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pagmumukha ni Sky. Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Dion at kay Sky. Anong nangyayari? Bakit nandito ang Mayor na ito? Kelan pa sya nandito?
"Hindi ka pa uupo Riley?" Napatingin ako kay Cali ng hilahin nya ako sa pulsuhan, nagpatianod nalang ako sa kanya at sabay kaming umupo.
Napatingin ulit ako kay Sky at halos mapalunok ako ng makita ko ang seryoso nyang mukha. Mukha syang galit pero bakit?
At nang mapatingin ako kay Phoebe ay halos kumunot ang noo ka dahil sa mga sinesenyas nya na hindi ko magets. I rolled my eyes at her at sakto na namang nagtama ang mga mata namin ni Sky. He placed his arms across his chest, his biceps are calling for my attention. He is wearing a white button down and the sleeves were rolled up unto his elbow. Galit na galit ang mga muscles nya sa braso!
Napatingin ako kay Vaughn ng pumasok sya at umupo sa paborito nyang pwesto. Isa isa nya kaming tiningnan at maya-maya ay ngumisi.
"Please acknowledge the presence of Mauban, Quezon City Mayor, Sky Forrest Montercarlos. And Riley, he's your male lead. You know what to do."
"H-huh?"
Hindi agad nagsink in sa utak ko ang sinabi ni Vaughn. Pero nagets ko na si Sky ang magiging kaloveteam ko sa Music Video ko.
What the hell? Napatingin ako kay Direk at kitang-kita ko kung pano nya ako nginisian. Ano bang nangyayari sa planetang Earth? Bakit kasama ko na naman si Sky??