I'm aware how shocked I looked right now because of what Chandler spilled. It felt like a bomb was dropped infront of me. I wanted to punch his face because of the prank that he just pulled about Sky pero nauna nang lumipad ang isang bote ng mineral water at naglanding yun sa ulo nya.
"Aww! Tang'na!" Angal ni Chandler.
"f**k you Dice! Ikaw ang papatayin ko!" Sigaw ni Sky mula sa kung saan.
Agad bumaling ang paningin ko sa papalapit na si Sky, mukhang nanggaling sya sa CR. Napalunok ako ng makita syang topless. My mouth instantly watered when I saw his more toned abs and his sexy V line. Namiss ko ang mga pandesal nya! Iniisip ko tuloy na maghanap ng palaman sa kwarto nya, may Peanut Butter kaya dito? I mentally reprimand myself because of the thought that I'm having right now. Para akong naglalaway sa katawan nya!
Napunta naman ang attention ko sa bandage sa may tagiliran nya, yun na ang tama nya. Nakahinga talaga ako ng maluwag nang makita syang ok. Tiningnan ko ng masama si Chandler dahil sa sinabi nya kanina, nanggigigil tuloy ako sa kanya.
"Issa prank!" Ngumisi pa talaga ang kumag. Ngayon ko lang yata napansin ang dimple nya sa may kanang pisngi. Meron pala sya nun. "Humiga ka na nga dun, baka matuluyan ka dahil galaw ka ng galaw, wag mong idadahilan na malayo sa bituka yang tama mo dahil kitang-kita kung san ka tinamaan." Litanya nya kay Sky.
"Shut up, you're talking too much." I froze in place when I met his gaze. "Why are you here?" He asked me coldly.
"Binibisita nya ako, obvious ba?" Inakbayan pa ako ni Chandler at nagwiggle pa ang mga kilay nya ng tingnan ako.
"Baka gusto mong ikaw ang humiga sa kama?" Tanong sa kanya ni Sky na nakakunot ang noo at nakatingin sa brasong nakapatong sa balikat ko.
Siniko ko sa sikmura si Chandler pero mukhang walang effect, mas nasaktan pa ako dahil ang tigas ng sikmura nya. Mukhang may itinatagong pandesal din si Chandler.
"Ang extra mo lagi noh, bakit hindi ka mag-artista?" Tanong ko sa kanya.
"Ayoko ng showbiz. Hard pass on that." Sagot ni Chandler. "Alis na ako, nandito na ang mag-aalaga sayo. Bye Riley!" Kinindatan pa nya ako bago sya tuluyang lumabas ng kwarto. At bago pa sya lumabas ng pinto ay huminto pa sya. "Don't do anything rated SPG, baka mabinat si Sky."
My eyes widen and lips parted with what he said. I bet my face is crimson red now.
"f**k you Dice, lumayas ka na at baka hindi kita matantya!" Nagulat ako ng humugot ng baril si Sky mula sa kanyang likod at itinutok yun kay Chandler. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa nya. Mga baliw talaga ang mga ito.
Nagmamadaling lumabas naman ng pinto si Chandler na parang ewan. Minsan talaga iisipin kong nakatakas sa Mental si Chandler because of his behavior but I'm thinking if I should include Sky on the list too.
Sinundan ko sya ng tingin ng maglakad sya papunta sa kanyang kama at inabot ang isang puting tshirt para isuot. Napanguso ako dahil sa panghihinayang, mawawala na ang maganda kong view.
"What's with your reaction huh? Ayaw mo ba akong magdamit?" Nakangisi nyang tanong sakin.
"Huh? Hindi ah, feeling mo naman dyan. Magdamit ka na at baka lamigin ka pa!" In denial kong sagot sa kanya.
"Why are you here? Are you worried about me?"
Napanguso ako dahil sa tanong nya dahil totoo naman. I'm really worried about him kaya napatakbo agad sa Hospital dito pero hindi ko yun sasabihin sa kanya. Tulad ng kanyang famous line nung nakaraan, read between the lines na lang din yorme.
Sasagot na sana ako nang biglang pumasok si V with his usual stoic look plastered on his handsome face. Halos lahat naman sila gifted sa pagmumukha, parepareho nga sila ng mga hulma eh pati yata katawan. Tinapunan lang nya ako ng tingin pero hindi man lang ngumiti. Suplado talaga nito, pareho sila ni Direk!
"I got some news for you." He stated and then he set his gaze on me.
"Spill it."
He let out a deep sigh. "We found the mastermind of your recent ambush attack."
Marahas akong napatingin sa kanilang dalawa. Tiningnan din ako ni Sky at nanatili ang titig nya sakin. Gusto ko din malaman kung sino ang may pakana ng tangkang ambush sa kanya. Dapat yun makulong!
"Damn. Who's the lucky one?"
"Stevenson Cristobal, son of Don Felipe Cristobal. The Drug Lord if you remember."
"May anak palang tinatago ang Don na yun. f*****g asshole."
"We tried to locate his whereabouts after the attack but the asshole knows how to hide well. We can't track him anymore."
"f*****g coward."
"But we managed to locate his Drug Den. Nalinis na din ni Nix."
"Speed."
Nakita ko pa kung pano silang dalawa naghigh five. Ang naintindihan ko lang sa naging usapan nila ay kung sino ang Mastermind at nahanap din ang Drug Den. Hindi na ako nangahas na magtanong kahit gustong gusto ko kasi baka sabihin ni V na pakialamera at chismosa ako kaya tatahimik na lang ako.
"Sinong kasama mong nagpunta dito?" Biglang tanong sakin ni Sky na ikinagulat ko.
"H-hah? Si Theo!"
Kitang kita ko kung pano nagdilim ang mukha ni Sky nang banggitin ko si Theo. His brows were in deep furrowed now. Bakit ba ang init ng dugo nya kay Theo? May past ba silang dalawa?
"Why are you still with him Riley?"
"Sya kasi ang kasama ko kaya malamang sya ang maghatid sakin dito. At saka nataranta na ako kaya hindi ko na naisip na magdrive ng sarili kong sasakyan."
Tumaas ang isa nyang kilay. "Nataranta?"
"Oo! Nagmamadali na akong makarating dito sa Hospital kaya hinatid na nya ako!"
Dahil sa sinabi ko, unti-unting nagbago ang expression ng mukha ni Sky. May naglalarong ngisi na sa kanyang labi. Napaisip tuloy ako sa sinabi ko sa kanya. I hardly swallowed when I realized what I said earlier. Para ko nading kinonfess na nag-alala ako sa kanya kaya naasugod ako dito sa Hospital. Shunga mo talaga Riley!
"I'll go ahead. I'm not a fan of this kind of drama." Supladong tumalikod na si V samin.
Hindi pa nagtatagal ng umalis si V nang biglang bumukas ulit ang pinto at pumasok ang kapatid ni Sky na si Cloud kasama ang napakaganda nilang Mommy. Natulala tuloy ako at hindi nakagalaw nang makita ko sila. Para akong naStarstruck kasi mukha talaga silang mga Celebrity.
"Hindi ka talaga nag-iingat Sky Forrest! Pang-ilang beses nang nagyayari sayo ang mga ganto. Ilang Ambush na nabalita sayo hah?! Lahat ba ng Hospital dito sa Quezon ay lilibutin mo! Ilang bala na ba ang bumaon dyan sa katawan mo? Baka gusto mong ako ang pumatay sayo?!"
Napanganga nalang ako sa dirediretsong talak ng Mommy nya, parang hindi pa nga nya ako napansin kasi si Sky agad ang tinarget nya. Napangiti nalang ako kay Cloud nang ngumiti sya at kumaway sakin.
"Mom. Riley is here." Wika ni Cloud.
Agad bumaling ang mga mata sakin ng Mommy nila. She literally dropped her jaw when she saw me. Alanganing ngiti ang naibigay ko sa kanya.
"Oh my! You're here pala Hija, I'm sorry, I didn't notice that you're here." Natatawa nyang sabi.
"Pano mo mapapansin Mom, dinaig mo pa ang Machine gun sa pagratrat mo sakin." Sagot sa kanya ni Sky.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko Sky Forrest! At nakuha mo pa talaga akong sabihan ng ganyan! Sa susunod na mangyari sayo to hindi ako magdadalawang isip na ipalibing ka kahit humihinga ka pa!"
Napakamot nalang ng batok si Sky at si Cloud dahil sa sinabi ng Mommy nila. Galit ba sya?
"Are you kidding me Mom?"
"Do I look like I'm kidding? Is this some kind of joke to you Sky? You're life was put in danger again! How many times do I have to tell you to stay away from those criminals! They were called criminals because that's what they are, they were not called that just for nothing! You keep meddling with those syndicates that's why they were trying to kill you!"
"I'm just doing my job Mom."
"That's why I never agreed when you decided to enter politics."
Nilapitan na sya ni Sky saka niyakap ng mahigpit. Hinfi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtulo ng luha ng Mommy nila.
"I'm sorry Mom. Don' t worry, I'll be more careful next time."
"Wala ng next time Sky Forrest!"
Sky just chuckled. Binalingan naman ako ng Mommy nila after at kinumusta. Napangiti nalang din ako at nakasunod ng tingin si Sky ng hinila ako ng Mommy nya papunta sa may L shaped na sofa. Ilang minuto palang kaming nag-uusap ng biglang bumukas na naman ang pinto. Lahat kami ay napatingin sa taong pumasok.
"Dad!"
Napatitig ako sa Daddy nila. Last time na nakita ko sya was when he was in the Hospital too. Wow! Same scenario with Sky. Pareho pang naambushed, habulin talaga sila ng panganib. He looked like the matured version of Sky but despite of his age he is still good looking, dominant and his authoritative aura is radiating from him. No doubt where Sky and Cloud got their looks, it's the Montercarlos genes.
"How are you Son?"
"Just fine Dad. I'm good."
"Pagkatapos kong maospital ikaw naman ngayon. Hindi talaga nila nilulubayan ang angkan natin."
"Sinong kasama mo Dad papunta dito?" Si Cloud na ang tanong.
"Kasama ko mga bantay ko, don't worry about me." Lumapit sya sa kanyang asawa at hinapit ito sa baywang nya.
"I miss you My Love." Nakita ko pa ang pagkindat at paghalik nya sa noo nito. And I find them sweet.
"Mag-ama talaga kayo Apollo! Pareho kayong habulin ng kapahamakan. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito sa anak mo!"
Napakamot naman ng kanyang batok ang Daddy nila. Napatingin sya sakin saka ngumiti.
"Hmn. Nandito pala ang mapapangasawa mo, Son. Kelan na nga ang kasal?"
"P-po??"
Para akong nabingi sa tanong ng Daddy ni Sky. Hindi naman ako aware na ikakasal na pala ako kay Sky! Bakit hindi ko alam? At kelan kami ikakasal? Wow Riley Sta. Maria, nag-assume ka na agad!
"Hindi pa ako nagpopropose Dad." Sagot naman ni Sky tapos tumingin pa sakin. Nginisian pa nya ako sa hindi ko malaman na dahilan. Propose yourself!
"Ang bagal mo naman Kuya!" Pang-aasar sa kanya ni Cloud.
"We will get there, right Baby?"
Gusto ko sana syang bigyan ng middle finger salute dahil sa inis ko sa kanya. He is feeding them lies! Inirapan ko na lamang sya at hindi sinagot. What I did earned laughters from his Dad and Mom.
Makikitawa sana ako pero nagring bigla ang phone ko. I saw Phoebe's name plastered on the screen of my Phone.
"Excuse me lang po, I have to take this call."
"Sige lang Hija." Daddy nila ang sumagot. Nakasunod lang ng tingin sakin si Sky.
Lumabas ako ng room saka sinagot si Phoebe. Naglakad pa ako palayo saka sumandal sa wall.
"I heard what happened to Sky, actually I've seen it on the news and his friend confirmed it."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nyang his friend saka ko lang narealized na he is pertaining to Dion Zavier. Oo nga naman, connections ni Phoebe! I smell romance between them na.
"I-i visited him. Nandito ako ngayon sa Hospital."
And we talked for almost 30 minutes. We talked about my schedules once I came back in Manila. Naayos na nya lahat ng schedules ko at mauuna nadin syang lumuwas. She sent my schedules to my email for me to check. She also reminded me about our meeting with Vaughn.
Pabalik na ako sa kwarto when I saw Dion walking in the hallway like owns it. There goes his cold and stoic face. Ano kayang nakita ni Phoebe sa lalakeng ito bukod sa kagwapuhan? Our gaze met and his face remained stoic. Hindi man lang ako nginitian.
"Where's Phoebe?"
Nagulat ako kasi bigla nya akong kinausap pero mas nagulat ako sa tanong nya. Bakit nya tinatanong sakin si Phoebe more likely hinahanap?
"I just talked to her. She reminded me of my schedules once I get back to Manila." I managed to answer him without mumbling. He's so intimidating kasi and talking to him is like impossible for me kasi he barely talks. What did you do Phoebe? Bakit hinahanap ka ng hot na Direk na to?
"Damn." He uttered. Mas natulala tuloy ako sa kanya.
"Bakit mo sya hinahanap? May something sa inyo ni Phoebe?"
He look stunned for a moment pero agad naman nabawi. He heaved a deep sigh first and looked at me like he's about to spill something.
"She's a pain in the ass. Tell her there's no hell way for her to get away from me."
Maangas nyang sabi sabay talikod sakin at umalis na lang. Napanganga naman ako dahil sa sinabi nya.
"What the hell is that?"
Medyo tulaley akong pumasok sa room ni Sky. Nakaupo naman sya sa may gilid ng kama nya. Agad nagtama ang mga mata namin. Napanguso ako ng itaas nya ang kanyang kamay at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Napatingin naman ako sa pamilya nya na nakaupo sa sofa at busy sa kanya kanyang mga cellphone.
"Where have you been?"
Para akong napaso ng hawakan nya ako sa bewang at inilapit sa kanya. Itinulak ko sya ng bahagya kasi hindi ako sanay na ganito kami kalapit sa isat-isa sa harapan ng kanyang pamilya. I earned a smirk from him because of it.
"Tinawagan ako ni Phoebe, sinabihan nya ako about sa schedules ko."
"You're going back to Manila." It's a statement not a question.
"Uh-uh. Marami akong commitments eh. Anyway, andito kanina si Direk, akala ko pupuntahan ka nya pero hindi naman sya pumasok."
"Bakit hindi?"
"He asked me about Phoebe when he saw me. Siguro may something sa kanila." Napatitig ako kay Sky. "Ikaw yung kasama nya nung bday ni Tito Fritz diba, may nakita ka ba sa kanilang dalawa?"
"It's not my job to stick on someone else's nose Baby."
Inirapan ko sya sa kanyang sinabi. "Yung mga kaibigan mo iba-iba ng personality. Pare pareho kayong may mga may saltik. Pero sa tingin ko si V ang pinakamalala sa inyong lahat."
"What made you say that?"
"I feel something off from him everytime I see him."
"V is harmless Baby, in fact he is the kindest among us all."
"Ahh."
I tilted my head to think of what he just said. Hindi kasi nagsisink in agad sa utak ko ang sinabi nya. Si V pa ang pinakamabait? Maniniwala pa sana ako kung si Nix or Chandler ang mabait because of their happy disposition.
"You wanna know who's the ruthless and dangerous among us?"
"Ikaw?"
He chuckled and then his face turned into a dark one. Medyo natakot ako sa bilis ng transition ng mukha nya.
"Not me Baby but when it comes to you, I'll definitely raise hell and become the devil myself."
Napalunok ako sa sinabi nya. Natakot at nag-init. For some reason I felt hot when he declared those. Kinilig ako slight pero natakot din ako sa sinabi nya. Pero nacucurious naman ako kung sino sa kanila ang ruthless and dangerous, maybe all of the above.