"Stop whining Riley, I'll drag you out of my car!" Theo exclaimed in annoyance because I can't help myself but to rant my emotions.
"Bakit ka kasi dumating eh!? Akala ko joke lang eh." Sagot ko sa kanya pero joke lang din yun. Alam ko naman na susunduin nya talaga ako.
"Ang papi pala talaga ni Mayor. Hindi mo ba alam kinakabahan ako na baka bigla nya akong barilin kanina. I tried my best to keep my stern face earlier."
"Mukha ka ngang ewan eh. Tapang-tapangan ka lang pala." Ismid ko sa kanya, lakas ng loob makipagtitigan kila Direk eh.
"Pati yung mga kasama nya, nakakatakot eh para akong hindi bubuhayin dahil sa mga titig nila, they look like members of a gang. Tapos tinutukan pa ako ng baril, muntik na akong hindi lumabas ng sasakyan ko eh."
"Mababait naman sila Theo, mukha lang hindi."
"Ihahatid ka naman pala ni Mayor pauwi bakit nagpasundo ka pa sakin. Anong drama mo Riley?" Nakataas pa ang kilay ni Theo sakin.
"Hindi ko din alam Theo, naguguluhan ako."
"But he obviously like you. The way he stares and hold you, that man is inlove with you."
"Huh? Inlove agad?"
"Wag ka ng magpanggap, gusto mo din naman si Mayor." Inirapan ko nalang sya. "Kain muna tayo, hindi pa ako nagbreakfast eh at kasalanan mo yun."
"Hindi padin ako kumain eh. Hanap ka na ng makakainan, libre mo na din ako Mr. President."
"Dami mo ng utang sakin Sta. Maria, bayad bayad din pag may time."
"Sorry but I'm a busy person. Very busy."
He just chuckled with matching iling ng ulo. What would I do without you in my life Theo? I'm so blessed because I have you as my bestfriend.
Itinuro ko ang Max's nang madaanan namin. Parang gusto kong kumain ng Sinigang na hipon saka Kare-kare. Theo parked his car and we both alight from it. Muntik ko pang makalimutan isuot ang cap at face mask ko, muntik ko ng makalimutan na famous celebrity nga pala ako at sobrang ganda ko!
Hinihintay nalang namin ni Theo ang mga orders namin nang magring ang phone ko. Sinipat ko ito at nakita kong unknown number. Napanguso ako dahil wala akong balak sagutin kung sino man ang tumatawag. Ilang beses ko ngang kinancel ang mga tawag ni Sky kanina, alam kong sya yun kahit hindi ko alam ang number nya. Pero yung tumatawag ngayon ay iba na namang number.
Napatingin ulit ako sa phone ko ng magnotify naman ng isang text message. Ang unknown number na naman.
+639983134545
Answer my call.
+639983134545
Si yorme nagwawala padin.
+639983134545
Bumalik ka na Baby, hindi na sya sanay ng wala ka, mahirap ang mag-isa.
+639983134545
At sa tanghali ay hinahanap ka.
+639983134545
Pota, si Chandler to Riley! Magreply ka naman! Para kang others. Wala ka bang load? Ipasaload na ba kita? Poorita ka pala!
Naparolyo ang mga mata ko dahil sa mga sunod sunod na messages ni Chandler. Natatawa nalang din ako sa mga pinagsasabi nya. No dull moments talaga sa kumag na to. I'm still contemplating my thought if i'll reply or not to his messages, but in the end I chose the latter. Kelangan kong iwasan ang mga connections ko kay Sky. Isipin nalang nila na this is the best for us, pareho naman kaming makikinabang sa desisyon kong ito.
Napunta ng attention ko ng iserve na ang mga pagkain sa harap namin ni Theo. Inalis ko ang mask ko pero hindi ang cap. Hindi naman na siguro ganon kaobvious ang maganda kong mukha.
"Namiss ko to ah. Tagal ng panahon na hindi ako nakakain ng Kare kare ng Max's!"
"Kaya pala nangangayayat ka. Kulang ka sa sustansya." Sagot naman ni Theo.
"Bilhan natin ng Caramel Bar si Lola, favorite nya yun eh."
"Geh lang, kaw naman bibili eh."
"Sarap mong pektusan Theo. Ibuhos ko sayo tong sabaw ng Sinigang eh."
"Whatever, kumain ka nalang dyan."
I indulge myself in munching the foods that we have, ignoring the calls and messages I keep receiving from Chandler and Sky. At sa huli ay napalitan na akong ioff ang phone ko dahil naririndi na ako sa kanila. Masyado kasi silang consistent sa pangungulit sakin. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang mga makahulugang tingin ni Theo, kahit hindi sya nagsasalita alam ko ang mga tingin nyang yun, sarap tusukin ng kanyang mga mata.
Maayos kaming nakarating ni Theo sa Subdivision namin. Sya pa itong excited na makauwi agad dahil makikita na nya sila Lolo at Lola ko. I'm still thinking why he managed to come here despite of his busy schedules. I just shrugged off the thought tho.
"Theodore!!"
"Lola ko!!" Lolo ko!!"
Napairap nalang ako nang magyakap silang tatlo na parang si Theo ang kanilang apo at napakatagal nilang hindi nagkita like 48 years. Tuwang tuwa talaga si Theo nang makita sila Lola at Lolo, ganon din naman ang dalawang tanders kay Theo.
Mahigpit na yakap din ang ibinigay sakin ni Lola nang lapitan ko sya. I got teary eyed because I missed them so much. Gusto kong magsumbong ng mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw kahit alam nilang si Sky ang kasama ko. Mas humigpit pa ang yakap ko ng haplusin nya ang likuran ko, ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang yakap.
"Miss na miss ko kayo Lo, La. Bakit parang mas namiss nyo pa si Theo kesa sakin? Sya ba ang apo nyo?" Nakanguso kong sabi sa kanya.
"Drama mo Ry." Sagot naman ni Theo.
"Magpahinga na kayo at mukhang pagod kayo sa byahe lalo ka na Apo." Hinaplos pa nya ang pisngi ko. "Mamaya na tayo mag-usap, magpahinga ka muna."
Tumango naman ako at mas yumakap pa lalo sa kanya. Nakangiti lang na nakamasid si Lolo samin dalawa.
Agad akong tumalon ng makita ko ang kama ko na ilang gabi araw at gabi kong hindi nakasama. Ilang araw nalang ang natitira sa bakasyon ko kaya susulitin ko ngayon ang pagtulog.
Napatitig ako sa kisame at naisip ko si Sky. The look on his face and his pleading eyes keeps on haunting me. Alam ko naman ang nararamdaman ko para sa kanya pero pakiramdam ko kasi hindi tama. Not because of the world we were living in but our difference in many ways. And I still find it hard to acknowledge his feelings for me because of my trust issue with him. Bakit mahirap maniwala na may nararamdaman din sya sakin?
"Hello Riley, may kissing scene na nga kayo ulit, hindi pa ba sapat yun na may gusto sya sayo?" Tanong ko sa sarili ko.
"You bewitched me since I laid my eyes on you, so please take responsibility. Own me too Baby."
Napayakap ako sa unan ko ng mahigpit nang maalala ko ang mga sinabi nya. Gustong gusto ko naman maniwala sa kanya kasi nararamdaman ko din naman pero kasi hindi ko padin matanggap yung ginawa nyang pagtatago sakin because he is thinking of my safety. Ewan ko sa kanya, mukha nyang panget.
"Alam mo sa sarili mo kung gano sya kagwapo at kung gano kasarap ang labi nya."
Pakiramdam ko nagakyatan ang dugo sa buong katawan ko papunta sa mukha ko nang maalala ang kanyang mga halik. Mukhang expert ang yorme sa kissing department, ilang babae na kaya ang nakatikim ng kissable lips nya. Nakaramdam ako ng inis sa isipin na yun. Ilang kaya ang naging girlfriends nya? Maybe a truckload of girlfriends? Babaero pala sya. Tss.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising ako dahil malamig na at madilim pa. Binuksan ko ang katabi kong lampshade sa may bedside table at napatingin ako sa comforter na nakabalot sa aking katawan. Natatandaan kong wala ako nito kanina, baka si Lola ang pumasok ng kwarto ko.
I fixed myself and changed my clothes to my sleeping outfit before storming out of my room. Naabutan ko pa si Theo na prenteng nakaupo sa may sala habang kasama si Lolo at nanunuod pa ng TV. Hindi pa ba sya luluwas ng Manila?
"Bakit nandito ka pa Theo, hindi ka pa uuwi?" Tanong ko sa kanya.
"I'm on leave."
"Eh di wow."
Umupo din ako sa tabi nya at nakita ko ang dalawang basong kape, sa kanya at kay Lolo.
"Lo, gabi na po bakit nagkakape ka pa? Baka hindi ka makatulog nyan."
"Pampatulog ko yan Mavi."
"Bahala po kayo kapag hindi ka nakatulog mamaya, papainumin ko po kayo ng Sleepwell." Sabay ngisi ko sa kanya.
"Awww!"
Napangiwi ako ng pitikin ni Theo ang ilong ko dahil sa sinabi ko. Inirapan ko nalang sya saka pinisil ang nasaktan kong ilong.
"News Flash: Magandang Gabi, kapapasok lamang na balita. Isinugod sa Hospital ng Batangas ang kilalang Alkalde ng Mauban, Quezon na si Sky Forrest Montecarlos, ayon sa ulat ay hinarang ng 2 itim na Van ang sasakyan ng Alkalde at pinaulanan ng bala. Nakaligtas naman ang Alkalde nang dumating ang kanyang mga tauhan. Nagtamo ng ilang daplis sa katawan ang alkalde na naging dahilang ng kanyang pagkaospital-"
Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod pang balita dahil natulala na ako at kusang bumagsak ang mga luha ko.
"S-si Sky..."
"Mavi." Nilingon ko si Lolo at nakita ko sa mga mata nya ang pag-aalala.
Agad akong tumakbo papasok ng kwarto at hinanap ang cellphone ko. Lalo akong nainis ng makita ko na empty batt na pala ito. Agad kong hinanap ang charger saka isinaksak.
My heart is beating like crazy and I feel like my chest was ripped open. Sabi naman sa balita na mga daplis lang ang natamo nya. Bakit sya tinamaan ng mga bala knowing that his car was bullet proof? Ano yun, lumabas sya ng sasakyan at nakipagbarilan? Makokonyatan ko sya kapag nakita ko sya!
Nang magbukas na ang phone ko, agad agad kong hinanap ang mga number sa call register. Hindi yun nakasave kaya hindi ako sure kung kanino ang tinatawagan ko.
I tried to call the number that Sky used but it keeps on ringing same with Chandler's number. I was pacing back and forth, and my anxiousness heightened because no one is answering my calls.
"What the hell?! Someone answer my call, please naman."
Sinubukan ko ulit ang number ni Chandler, and after 5 rings.
"Riley?"
"C-chandler! Si Sky? Kumusta na si Sky? Nasa hosital pa ba kayo?"
Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
I heard him heaved a deep sigh. "He's still in the operating room. He was shot."
"W-what?!! San sya tinamaan? Bakit ang sabi sa news daplis lang?! Anong nangyari sa kanya? Chandler?"
"We won't reveal what really happened but he is critical right now. Madaming dugong nawala sa kanya. Let's pray for the success of his operation."
"Sang Hospital yan Chandler?"
"Bakit pupunta ka?"
Natigilan ako sa tono ng kanyang boses ng tinanong nya yun. I swallowed an invisible lump in my throat.
"Pupuntahan ko si Sky."
"We don't need you here Riley. It's better for you to stay where you are. We have enemies around and Sky will be f*****g mad if your safety will be compromised. Salamat sa pagtawag, matutuwa ang yorme kapag nalaman nyang concern ka sa kanya." He chuckled. "Balitaan nalang kita kapag nakaligtas sya sa operasyon nya, masamang damo yun kaya wag kang masyadong mag-alala."
"Mas nag-aalala ako sa mga sinasabi mo eh!" Inis kong sabi sa kanya na mas nagpatawa lalo sa kanya.
"Stay put ka lang dyan. I'll call you."
"Chandler, gusto kong pumunta kahit na-"
"We understand Riley. But do us a favor, take care of yourself, matutuwa si Sky kapag nalaman nyang safe ka. Don'cha worry, I'll call you."
"Chandler, sige na, please."
"Ako ang kasama nya! Riley, I need to hang up. Call you later! Bye!"
And he hang up. Napatulala nalang ako sa hawak kong phone. Nanghihina akong napaupo sa aking kama habang tumutulo ang mga luha ko.
Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Theo. Agad na namang tumulo ang mga luha ko ng lumapit sya, napayakap nalang ako kay Theo dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko kay Sky.
"How is he? Did you talk to him?" Malumanay nyang tanong.
Napailing ako at napahikbi. My face was buried in his hard chest and I'm pretty sure that the part is now soaking wet beacuse of my tears.
"Sabi ni Chandler critical daw si Sky, nabaril daw kasi sya at muntik ng maubusan ng dugo." Suminghot ako at tumingala sa kanya. "Nag-aalala ako kay Sky, gusto ko syang puntahan pero sabi ni Chandler wag na daw kasi mas mahalaga daw ang safety ko."
"I understand his point Ry. Don't do impulsive things just because you are worrying for him. He really care for you." Theo stated.
"Pero gusto kong pumunta, gusto kong malaman ang kalagayan nya. Hindi ako matatahimik dito habang sya ay nasa Hospital. Theo, puntahan natin sya. Sige na, please!" Pagmamakaawa ko sa kanya.
He let out a deep sigh and I felt his warm caress on my back.
"Pasalamat ka malakas ka sakin kundi pektus ka sakin." Ismid nyang sabi.
Agad nagbago ang timpla ko dahil sa kanyang sinabi. Pupuntahan namin si Sky!
"Wait! Hindi ko natanong kung san Hospital-"
"I have my ways, leave it to me." Kinindatan pa ako ni Theo saka kinuha ang phone at may tinawagan.
At namalayan ko na lang na nakasakay na ako sa Porsche ni Theo papunta sa Hospital sa Batangas kung nasan si Sky. I didn't inform Chandler about my arrival baka kasi pagalitan lang nya ako at wag papuntahin. I can imagine the mad look on his face.
Fear is enveloping every part of my being. I can't help but to worry for Sky. Dear Lord, save him please!
And true to Theo's word, we are now approaching the Hospital where Sky was admitted. Iba talaga kapag may connection. Sino kaya ang tinawagan nya kanina?
Sumakay kami ng elevator papunta sa floor kung nasan ang VIP room. We were informed that the operation was successful and I was beyond grateful upon hearing the good news. Totoo siguro ang sinabi ni Chandler na hindi madaling mamatay si Sky.
Patakbo akong nagtungo papunta sa kwarto kung nasan si Sky. Nakita ko ang ilang mukhang PSG sa labas ng kanyang kwarto. Hindi naman nila ako pinigilan ng makita nila akong papasok sa kwarto.
Hindi na ako nag-abalang kumatok dahil isa lang ang gusto kong mangyari, ang makita si Sky!
Hindi na ako nagulat ng makita ko ang kanyang mga kaibigan na nakaupo sa sa L shaped na sofa while Chandler is facing his back on me. I met his gaze when he suddenly look at my direction. I saw how his thick brow furrowed. Naging madilim din ang kanyang mukha.
I ignored his dark aura, I scanned the room and look for Sky. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-iling ni V. Tumayo naman si Direk at naglakad palabas ng kwarto. Si Nix lang ang may maayos na hitsura sa kanila.
"What are you doing here?" Chandler asked with his stoic face.
"Si Sky? Chandler, gusto kong makita si Sky."
He heaved a deep sigh and then his face became darker. Napalunok ako bigla, I froze in place. Bakit ganon ang reaction ni Chandler? May nangyari bang hindi maganda? May nangyari ba kay Sky? Successful naman daw ang operation nya ah. Anong problema ni Chandler?
"He's dead. Sky is dead, Riley."