I did my best to avoid his intensed gaze at me. I did my best not to look at him. I did my best to completely ignore his presence.
"It's a small world after all Riley."
"See Phoebs? This is a small town! What are the odds pa tayong nalalaman kanina! Ayan na nga sya, bigla syang umaappear right before my eyes!"
Mukha kaming tanga ni Phoebe na nagbubulungan habang kumukuha ng pagkain. Hindi talaga ako humihiwalay sa kanya.
"Kanina pa din sya nakatingin sayo Riley, more likely nakatitig. Hindi nya inaalis ang tingin sayo kahit may mga kausap sya."
"Wag mo na syang tingnan baka isipin nya tinitingnan natin sya kahit totoo."
"Bruha ka talaga!" Pasimple pa nya akong kinurot sa tagiliran. Ginantihan ko sya ng sabunot.
Umupo muna ako sa isang vacant seat na katabing 2 vacant seat din. I gasped when a man sit beside me and to my surprise, it was not him. It's Damon. Nakahinga ako ng maluwag dun.
"Hindi mo sinabi magaling ka palang maggitara. Kapg kinukwento ka kasi ni Phoebe puro negat ang lumalabas sa bibig nya." Sabi ko sa kanya.
"Epal yan si Phoebe eh, inggit lang sya kasi wala syang talent sa katawan." Sagot naman ni Damon.
Natawa ako sa sinabi nya. Binabad mouth din pala si Phoebe ng mga pinsan nya.
"You really sing great Riley, I'm really a fan."
"Huwow! Thank you Damon. Papaautograph ka noh?"
Napakamot sya sa batok nya saka nahihiyang tumango. Tinawanan ko sya. Nakaramdaman ako ng kakaiba na feeling ko ay may nakamasid sakin, pag-angat ko ng tingin, I met his dark gaze. The expression on his handsome face is menacing. He looked like he is about to murder someone. And then a man approached him and tapped him on his shoulder. Napakunot ang noo ko ng makilala ko yung lalake. Sya yung gwapong Director sa Showtime. Magkakilala pala sila? Magkasama sila? Magkaibigan? Pareho na silang tumalikod dahil mukhang mag-uusap pa sila.
Nang makita ko si Phoebe ay agad ko syang hinila sa tabi.
"Do you remember the hot Director sa set ng Showtime?" Tanong ko sa kanya.
"Of course! Napapanaginipan ko nga yun eh.Bakit mo natanong?"
"He's here. I think he's with him."
Agad nanlaki ang mga mata ni Phoebe at gumala ang mga mata sa paligid. Agad syang naglakad ng pigilan ko sya.
"San ka pupunta?" Taka kong tanong.
"I'll haunt the man of my dreams."
"Kasama sya nung lalakeng yun eh."
"So? Hindi naman si Mayor ang haharutin ko eh. Kelangan kong mameet si Hot Direk."
"Ang landi mo. Geh, bahala ka na nga. Labas lang ako, tatawagan ko si Theo."
"Update nalang kita." Kinindatan pa ako ng malandi kong Manager.
Agad akong nagtungo sa Garden, nakita ko na may mga lamp posts sa paligid. Ang gandang pagmasdan at ang gandang magselfie. Inilabas ko ang phone ko at dinial ang number ni Theo. Nakailang ring lang at sinagot naman nya agad.
"What? Mang-iinggit ka na naman?"
"Ang judger mo naman. Theoooo." Umarte akong nagdadrama.
"What's your problem?" Mukhang nagworrie sya agad dahil sa boses ko.
"Kasama ko si Phoebe dito sa Hometown nya. Magbebeach sana kami sa Cagbalete."
"Cagbalete is in Mauban."
"And I'm here at their Ancestral House." I trailed off. "May handaan dito sa kanila ngayon kasi dumating si Tito Fritz ni Phoebs at may mga kasamang bisita--" I paused.
"And then?"
"He's here Theo!!! That man is here!! I'm not yet ready to face him. Nakita din nya ako Theodore. What do I do?"
"Face your fears."
"Hindi naman ako takot sa kanya eh. Ayoko lang syang makita. Ayoko na nga syang makita eh."
"Maybe this is the right time to talk to him Ry. You need an answer on why he went MIA for years, you waited for him, right? Why don't you give him a chance to explain himself?"
"Do you think so?"
"Yeah, I think so. But it's up to you Ry."
"Bahala na, mag-ipon muna ako ng lakas ng loob saka tibay ng dibdib."
"You good?"
"Thank you Theodore. Are you still in the office?"
"Nope, I'm on my way to do some Clubbing. I wanna get laid tonight."
"Manyak mo! Magcondom kang ungas ka!"
Tinawanan lang nya ako saka kami nagpaalam sa isat-isa.
"Tsk tsk. Napakaharot mo talaga Theodore. Makabuntis ka sana. Hmmp."
At pagharap ko, nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil nasa harapan ko na ang lalakeng iniiwasan ko ng todo kanina. Napaatras ako bigla kahit feeling ko hindi ko maramdaman ang aking katawan dahil sa kaba. Oo madlang pipol, kinakabahan ako, nanginginig pa. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko sa lalakeng ito? At bakit nakakatakot ang itsura nya, mukha syang galit.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghahanap ng tao pero wala akong makita. Bakit kasi pumwesto ako sa pinakadulong lamp post? At bakit nga pala sya nandito?
"Uhm." Hindi ko alam ang sasabihin ko. "U-una na ako." Iiwasan ko sana sya pero nahawakan nya agad ang pulso ko. I felt something from his touch that made my whole system quivered.
"Not so fast, Milady."
The sound of his voice brought shivers down to my spine. Ang boses na ito.
Napatingin ako sa pagkakahawak nya sa may pulso ko papunta sa gwapo nyang mukha. Ano daw? Milady?
"Milady mo mukha mo! Bitawan mo nga ako!" Iwinaglit ko ang braso ko para bumitaw sya pero masyado yatang mahigpit ang hawak nya sakin. "Bitaw na."
"Let's talk."
Napalunok ako dahil sa klase ng boses nya. He sounded like he's commanding me.
"Bakit?"
"We need to talk, Riley."
Natawa ako sa sinabi nya. "Huwow! Kilala mo pa pala ako! Oh well, siguro naman nakikita mo ako sa TV at naririnig sa radyo. Baka nasa timeline mo din ako sa mga Social Media Accounts mo. So kilala mo nga talaga ako." Sarkastiko kong sabi sa kanya.
"I don't have my Social Media Accounts. Baka yung mga Admins ko ang gumawa nun."
"Paki ko?"
"Are you mad at me?"
Seryoso ba sya sa tanong nya sakin? Like WTF? Nanggigil na talaga ako sa Mayor na ito. Painosente pa ang ungas na to.
"Hindi po ako galit Mayor."
Bahagya pa akong tumungo pero nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, natigilan ako sa itsura nya. His brows were deeply furrowed and his jaw were in a tight clench.
"Damn." He murmured.
Binitawan na nya ang pagkakahawak sakin. Naglakad sya ng pabalik-balik sa hindi ko malaman na dahilan. "Calm down man. Calm down."
Huh? Sino ang pinapakalma nya? Malamang sarili nya.
"Maiwan na po kita Mayor."
"Tang'na."
Nagmura na naman sya. I saw how his Adam's apple moved. Naamazed pa ako dahil ang hot tingnan. Bakit ba lahat ng gagawin ng lalakeng ito ay hot sa paningin ko.
"Why are you here Riley?"
"Pake mo?"
Nakita ko na naman ang pagtaas ng kanyang isang kilay. Napipikon na yata sya sa mga sagot ko. Hala, nasa teritoryo nya ako baka bigla nya akong patawan ng Persona Non Grata. Napalunok ako bigla.
I heaved a deep sigh. "I'm with Phoebe, my Manager. Magbebeach sana kami sa Cagbalete pero dumating si Tito Fritz kaya nandito muna kami. Ok na?"
"Give me your phone." Ayan na naman ang utos nya.
"Bakit makikitawag ka? Wala kang load?"
Bahagya syang napangisi dahil sa mga tanong ko. "I have, give me your phone."
Ibinigay ko naman sa kanya kasi masunurin ako eh. Agad nyang nabuksan ang phone ko kasi walang password yun, dapat talaga naglagay na ako ng password. May dinial syang number at tumunog ang kanyang cellphone.
"May cellphone ka naman pala eh." Angal ko sa kanya.
"I have your number and you have mine. I'll call you from time to time so you better answer my calls."
"At bakit naman? I'm a busy person you know."
"I'm busy too but I'll make time for you."
"Weh? Di nga?"
"I'm f*****g serious Riley."
"And I f*****g don't care. Wag mo na nga akong guluhin, nagawa mo naman yung ng 4 years so why bother communicating with me now!"
"f**k! Listen to me Riley, I'm sorry, ok?"
"Punta ka sa Planetang Nemic, hanapin mo dun ang paki ko!"
Dali-dali akong naglakad papalayo sa kanya. I tried to run too pabalik sa Mansion. Agad akong dumiretso sa kwarto. Hingal na hingal ako dahil sa ginawa ko. My heart is beating like crazy. Hindi ko pa pala kayang gawin ang advice ni Theo, hindi ko pa pala sya kayang kausapin ng maayos. He's my first heartbreak so I have the right to act this way, right? Bigyan nya ako ng time para makapaghanda, hindi nga ako handa na makita sya dito eh.
Isang notification ang nagpabalik sa diwa ko from an unknown number.
+639983224141
I'll talk to you Riley. I promise.
Smart user ang magaling na Mayor. Hindi kita rereplyan kaya manigas ka.
Lumabas na ulit ako para makipagsocialize sa madlang pipol sa labas. Agad kong nakita si Damon at kasama na si Claire, sinalubong ako ng yakap ni Claire.
"Ate Rylie yung autograph ko ah, at saka nareceived ko na yung Album mo." Masayang balita ni Claire.
"Ok ba? Pasado ba sa taste mo?" Tanong ko.
"You're the best Ate Riley. Pang MTV Music Awards ang mga kanta mo."
"Ay sana nga. Nakita nyo ba si Phoebe?"
"May kausap na matangkad na lalake kanina eh." Si Damon ang sumagot.
Naalerto ako ng tumunog na naman ang phone ko at nakita ko ang message ni Unknown User.
+639983224141
"Stay away from that boy."
Huh? Sinong boy? Si Damon? Pinagsasabi ng Mayor na ito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko syang nakatingin na naman sakin. Feeling ko crush nya ako, matutunaw na ako sa kakatitig eh pero naaanxious ako sa mga tingin nya. Ano nga palang karapatan nyang utusan ako? Diba wala naman. Hindi ko ulit sya nireplyn.
Natapos ang Party ng matiwasay. Hindi na ulit kami nagpang-abot ni Mayor dahil pumasok na ako sa kwarto ng magpaalam ako sa mga Santos at sa mga bisita. Hindi ko pa din nakikita si Phoebe. Hindi na ako ulit lumabas kahit pa mukhang nagkakasayahan pa sila dun. Wala din ako sa mood para uminom ng alak. Hindi nadin ako nakareceived ng message mula sa kanya at mabuti naman kung ganon.
Kinabukasan tuloy na tuloy na kami sa pagpunta sa Cagbalete. Madami kaming dalang pagkain, hindi na kami nagdala ng pangtent kasi hindi naman kami overnight. Pinapauwi na din ako ni Phoebs kila Lola para mas makasama ko pa sila sa mga natitirang araw ng leave ko.
Nag-enjoy ako sa boat ride namin papuntang Cagbalete Island. Ang sarap talaga sa mata na view ang dagat. It's been years since I had this kind of serenity. Nakakapagod din kasi ang ingay ng lime light at ng Showbiz Industry.
And when we arrived in the Island, excited kami ni Phoebs na magtampisaw sa malacrystal na dagat. We are both in our bikini's. Phoebe is in a 2 piece Blue Strings Bikini while I'm in my Black Halter 2 piece Bikini. Damon is wearing a Blue Board Short and Claire is in her Pink one piece Bikini.
"Finally, nakakita din ng maganda sa mata. Nakakamiss ang ganitong view, puro kasi buildings ang view natin sa office."
Magkatabi kami ni Phoebe na nakaupo sa may buhanginan. We are building a sandcastle too. The view is really a breath of fresh air, no hard pavements, concrete roads and skycrapers.
"We really need this kind of view once in a while."
"Did you talk to him last night?" Tanong sakin ni Phoebe.
"Yeah. Pero hindi ko padin kayang makipagusap sa kanya ng matagal. For some reason I can't stand his presence. He is overpowering me. Ginagamit yata nya sakin ang pagiging Mayor nya."
"What did he say? Did he explain why he didn't come back?"
Umiling ako. Hindi naman matinong usap ang nangyari samin kagabi, syempre umaattitude ako eh.
"Kinuha pala nya number ko tapos text sya ng text kagabi. Wait nga lang, bakit kasi sya dumating kagabi? Friend ba sya ng pamilya nyo?"
"Kagabi ko lang din nalaman. Magkaibigan sila ni Tito Fritz. Tito helped him a lot during his campaigns and Mayor is one of Tito's investor."
"Make sense kaya present sya kagabi. Nashooked talaga ako Phoebe ng makita ko sya."
"Sya din naman eh, makatitig kasi sayo wagas eh."
"Nakilala mo na yung kaibigan nyang Director?"
"Yup. But he is so suplado bagay silang magkaibigan ni Mayor."
"Bakit?"
"His name is Dion Zavier Blakemore, he is a Director/CEO. Magkaibigan nga sila ni Mayor Sky. Hindi ko na sya nakausap ng matagal kasi he's a man of few words like literally."
"But he's good looking. Ano pa kayang mga hawak nyang shows bukod sa Showtime?"
"You ask his friend. The Mayor!" Tapos tumawa sya.
"Never. Magpapalit ako ng number para hindi na nya ako matext."
"Magbabago ka na naman ng number, mahihirapan na naman kaming iupdate yan sa mga contacts natin. Arte mo ah, ndi ka naman nagrereply sa tao diba. Eh di dedmahin mo lang."
"Napakasupportive mo talaga Phoebs, sarap mong konyatan."
Sobra kaming nag-enjoy sa buong araw na pagstay namin sa Island. Mabuti nalang at may lakas pa si Damon na ipagdrive kami pauwi sa Ancestral House nila. Bagsak ako agad sa kama pagdating sa kwarto. For sure masakit ang katawan ko paggising ko kinabukasan.
Hindi ko na nasagot ang tawag ng kung sino mang kumag na tumatawag sakin ng oras na ito. I'm dead tired and I just want to sleep. Bukas ko nalang ichecheck ang phone ko.
Kinabukasan si Phoebe na ang gumising sakin dahil napasarap talaga ang tulog ko. Ihahatid nadin nya ako kila Lola tulad ng napagusapan namin.
"Thank you po tita sa warm na pagwelcome nyo sakin." Sabi ko kay Tita Pamela.
"You're always welcome here Riley. Sana ay mapasyal ka ulit dito. Ilang linggo lang din ang bakasyon ni Phoebe at balik trabaho na naman kayo."
"Opo Tita. Medyo bitin po ang bakasyon namin kaya susulitin na po namin. Dalaw po ulit ako pag may chance."
Hindi ko na naabutan si Tito Fritz dahil maaga daw itong umalis para lumuwas ng Manila. Nagpaalam nadin ako kila Damon at Claire.
"Let's go!"
Yaya ni Phoebe, ihahatid na naman nya kasi ako kahit sabi ko ay huwag na.
Dala ko ang backpack ko at pasakay na kami sa Trailblazer ni Phoebe nang may isang Itim na Wrangler ang dumating sa bakuran ng mga Santos. Napatingin kami ni Phoebe sa sasakyan na parehong nagtataka.
At naestatwa ako ng bumaba ang isang pamiyar na bulto, nakaItim na tshirt, maong pants at Itim na Nike Shoes. Nakasuot din sya ng Itim na cap. Napanganga kami ni Phoebe nang unti-unting lumapit samin ang Mayor ng Mauban, Quezon.
Ano na naman ang ginagawa ng taong ito dito?
"Good Morning."
Bati nya samin. Hindi pa ako nakakarecover sa pagkatulala sa kanya kaya si Phoebe ang sumagot.
"G-good Morning po Mayor! Ang aga po natin ah. May sadya po ba kayo dito?"
"Yeah. Ako na ang maghahatid kay Ms. Sta Maria."
Ano daw?
"Hah?" Yan lang nasagot ko.
"Ikaw na po ang maghahatid sa alaga ko? Alam mo po ba kung san sya ihahatid?"
"Yeah."
Nilapitan nya ako at kinuha sakin ang dala kong bag. Napapitlag ako ng magdikit ang mga kamay namin saka lang ako natauhan.
"Teka lang! Sandali! Bakit mo ako ihahatid? Kay Phoebe ako magpapahatid! Akina na yang bag ko!"
Tiningnan ko si Phoebe para humingi ng saklolo pero ang bruha nginisian lang ako.
"Tamang tama po pala ang dating nyo Mayor, napagod po kasi ako kahapon sa pagsiswimming kaya medyo masakit ang katawan ko baka hindi ko kayanin magdrive papuntang Lucena. Oh Riley, larga na!"
"Pakshet ka Phoebs! Kokonyatan na talaga kita!"
"Bye Riley. See you sa Manila. Enjoy your ride! Una na po ako Mayor! Ingat po sa byahe!"
At iniwan na ako ng magaling kong Manager.
Binuksan nya ang passenger seat kung san ako sasakay. "Let's go." Aniya.
I rolled my eyes to my annoyance. Padabog akong sumakay sa passenger seat at padabog kong isinara ang pinto. Agad akong sinampal ng mabangong amoy ng sasakyan nya. Amoy Sky.
I gasped when sat on the driver's seat and I was even more halted when he reached for the seatbelt. He is too close. Badtrip ang bango nya.
He rev up the engine and drove away. I can see his veins in his arms protruding whenever he turns the steering wheel. Napapalunok nalang ako dahil ang hot pagmasdan.
"Ibaba mo nalang ako sa Iyam, alam ko na ang daan pauwi."
"Ihahatid kita hanggang sa inyo."
"Bakit mo po ba ako ginugulo Mayor?"
Nakita ko na naman ang paggalaw ng kanyang Adam's Apple sa hindi ko malamang dahilan.
"Pano mo nalaman kung san ako uuwi? At saka pano mo din nalaman na ngayon ako uuwi?"
"I have my ways."
"Tss. Ways mo mukha mo."
"You're still mad at me. I'll change that Baby."
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Tinawag nya akong Baby? Nung isang araw Milady, tapos ngayon Baby, ano naman sa susunod? Ay bakit ako nageexpect ng iba pa? Gaga ka talaga Riley Sta. Maria.
Nakangisi pa sya sakin na parang aliw- aliw sa mga mga sinasabi ko. Nakakapikon na talaga sya, lalo na ang kagwapuhan nya.
Help me Oh Lord. Gabayan nyo po ako sa gwapong Mayor na to!