16

2576 Words
As what the famous quote says "Sunsets are proof that no matter what happens, everyday can end beautifully." I couldn't agree more because it remind us that there's a new tomorrow, a promise of a new dawn and a new hope was born. As I stare the sky, I marvel the beauty of it, the color magnificently changed from orange to a hundreds shades of pink and then to indigo. It is beyond magical. I let myself indulge the beauty of the sunset while floating on the surface of the water. I can feel the serenity as the calm waves of the sea hit my delicate body. Nawala ang pagmomoment ko ng marinig ko ang mga sigaw ni Chandler at Nix. Naghahabulan na pala sila sa dalampasigan. Napailing nalang ako nang makita kong nakaboxer shorts lang ang mga kumag. Pwede naman magboard shorts pero boxer shorts ang pinili nilang ipangswimming. I already saw their hot bodies because they were flaunting it. Mga hindi na nahiya sakin. Babae padin ako tapos mga kasama ko puro mga maton. Napangisi nalang ako ng makita kong lumapit si Sky sa dalawa at parehong ikinawit ang mga braso sa kanilang mga leeg na parang sinasakal. Natawa nalang ako ng nagpupumiglas ang dalawa saka kunwaring hindi makahinga. I hardly swallowed when he looked at my direction. He looked at his watch pointing it as if he is trying to send me a message about the time. Ok po, gets ko po Mayor, aahon na po ako dito sa dagat. Itinaas ko ang kamay ko and made a gesture of thumbs up. Naglakad na ako papunta sa dalampasigan, nakita ko naman na may kinuhang towel si Sky at alam kong ibibigay nya sakin yun. Agad kong inabot ang towel na binigay ni Sky at nagpunas ng mukha at leeg. I saw how his brows furrowed when he stared at my whole body. Napatingin din tuloy ako, nakasuot naman ako ng tshirt saka short eh, ano kayang problema nito? "Hurry up and change." "Hindi ka magswimming?" "No." Napanguso ako saka tumango. Ibinalot ko ang binigay nyang towel sa katawan ko saka naglakad pabalik ng Resthouse. Pagkalabas ko ng kwarto after kong maligo ay dumiretso ako sa kusina. Agad akong nakita ni Nanay Yelena at nginitian. Umupo ako sa may stool sa may Counter Island. "Gusto mo ba ng kape o hot chocolate?" Nakangiting tanong nya sakin. "Hot Choco nalang po Nay, salamat po." Sagot ko naman sa kanya. "Sige, maupo ka lang dyan." "Opo Nay." Naamoy ko agad ang mga niluto ni Nanay Yelena. Amoy Sinigang ah, natakam tuloy ako. Napangiti ako ng ilapag nya ang tinimpla nyang Hot Choco, agad ko itong hinawakan para damhin ang init. I felt relieved with the warmth, it calm my nerves too. "Sana ay naeenjoy mo ang bakasyon mo dito Hija, kahit kasama mo ang mga kaibigan ni Sky." Sabi ni Nanay Yelena. "Opo Nay, kahit ang gugulo nila at mga isip bata sila, nakakatuwa naman po sila. Hindi naman po nila ako hinaharass." Natawa ako sa sinabi ko pati narin si Nanay. "Mababait naman ang mga batang yan at mabubuting mga tao. Bukod sa gandang lalaki ay mababait ang mga yan." "Lahat po sila ay panget Nay. Lalong lalo na po si Sky. Sagad hanggang langit ang kapangitan po nya." Napangiti si Nanay Yelena sa sinabi ko. Hindi yata sya naniniwala sa sinabi ko. "Gano ako kapanget Riley Sta. Maria?" Isang baritonong boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Halos mabuga ko ang iniinom kong Hot Choco dahil sa gulat. Maubo-ubo tuloy ako dahil sa nangyari. Kaya pala ang laki ng ngiti ni Nanay Yelena dahil nakita nya si Sky na papalapit na sakin. Naisahan nya ako doon ah. Si Sky na ang nag-abot sakin ng tissue na pinampunas ko sa bibig ko. I rolled my eyes at him because I can see him grinning from ear to ear. Makangisi ang yorme napakawagas. Sana sa kanya ko nalang nabuga tong iniinom ko. Gross mo naman Riley! He pulled another chair and sat beside me. Tiningnan nya ako at nginisian na naman. Gusto kong burahin ang ngisi nya sa labi nya pero mas maganda siguro kung pati mukha nya mabura. Wag! Sayang ang kagwapuhan ni Yorme! Napatingin nalang ako ng ilapag ni Nanay Yelena ang isang cup of coffee sa tapat ni Sky. "Care to repeat what you've said earlier." I rolled my eyes at him for the Nth time. He chuckled this time. I continue to drink my Hot Choco without giving the answer that he is asking. He heard what I said earlier so there's no need for me to repeat it. Do I need to reiterate how ugly he is? I know it's the opposite that he is expecting me to say but I won't give him the satisfaction he wanted. Manigas sya! "Nay penge pong kape!" Napatingin naman ako sa dumating na si Chandler. Napangisi sya ng makita ako. Kumuha din sya ng upuan at umupo naman sa harapan ko. Agad nyang hinipan ang kapeng nilapag ni Nanay sa harap nya saka nya ininom. "Dabest po talaga ang kape mo Nay." Bola pa ni Chandler kay Nanay Yelena. Napangiti lang si Nanay. "Hindi nyo naman sinabi na may meeting pala dito sa kusina. Anong agenda natin?" Nakangisi nyang tanong. "Pag-uusapan natin kung gano kayo kapangit at kasama ang ugali." Sagot ko sa kanya. Napangiwi naman sya sa sinabi ko. "The f**k? Ako panget?" Tinuro pa nya sarili nya. "Baka sya ang panget." Si Sky ang tinuro nya. "f**k you Corpuz." Sagot sa kanya ni Sky. "Nay! Nay!" Napatingin na naman ako sa taong kung makasigaw akala mo nawawalan ng Nanay. At pumasok naman ang tatlo pa nyang magkakaibigan. Sumisipol pa si V habang nakapamulsa naman si Direk. Bagay talaga silang magkakaibigan, pare pareho kasi sila ng hulma ng mukha, tangkad saka built ng katawan. "Nay Yeye! Magtimpla po ako ng kape!" Masiglang bati ni Nix kay Nanay. Mukhang ang taas pa ng energy nya ah, hindi yata sya napagod kanina sa habulan nila ni Chandler. He seem closed to Nay Yelena too or lahat yata sila. Mukhang alagang alaga sila eh. "Me too." Dagdag ni Direk. Nagtaas pa sya ng kamay. "Me three."  Nagtaas din ng kamay si V at dalawa pa nyang kamay. Tinaasan tuloy sya ng kilay ni Direk. Nakangiti lang naman si Nanay Yelena sa kanila at nagtimpla ng mga kape nila. Napailing nalang ako sa kanila, baby na baby kasi sila kahit mga baby damulag naman. "Let's kill some time." Sabay sabay kaming napatingin kay Nix nang inihagis nya ang isang baraha sa mesa. "Yow! Cards. Magaling ako dyan." Sabi ni Chandler. "What are we gonna play?" "Let's play monkey-monkey." Suggestion ni V. Halos malunok ko ang laway ko dahil sa pagtawa ko dahil sa sinabi nya. "Seryoso ka ba? Inenglish mo pa ah!" Natatawa kong sabi sa kanya. Inirapan lang nya ako kaya mas lalo akong natawa. "Deal but let's play it with a twist." Umagree naman si Nix. "What twist then?" Tanong ni Direk, mukhang interested sya sa baraha. "Let's play 10 rounds of monkey-monkey, each round  the loser will pay 100k and will be eliminated, and the game will goes on until we have a lucky winner!" Explain ni Nix. "In the end, the winner will take the money." Sabi ni Direk. "Deal. Yun lang pala eh. Swerte kaya ako sa ganto." Nagstretching pa si Chandler. "I don't have any cash. I'll just wire the money after." Sabi naman ni V. "Game." Tiningnan ako ni Sky at tinaasan ng kilay. "Wanna join?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa halaga ng perang nakataya. Ganon lang kadali sa kanila ang magwaldas ng 100k para sa isang pambatang laro? Mas malala pala sa toyo meron ang mga taong to. "Mga baliw na kayo! Anong tingin nyo sa 100k, piso?" Sabi ko sa kanila. "Come on Riley, it's just a game." Gusto kong kotongan ang Chandler na to. "Just relax, watch and enjoy Baby." Nginisian pa ako ni Sky. "Nay! Pigilan mo po sila!" Parang batang sumbong ko kay Nanay Yelena. "Pabayaan mo na ang mga batang yan, matutuwa ka nalang kung san mapupunta ang mga pera nila. Panoorin nalang natin Hija." Napanganga nalang ako sa sinabi ni Nanay, napakasupportive naman nya sa mga kalokohan ng mga lalaking ito. Humalukipkip nalang ako at napanguso ng magumpisa si Nix na idistribute ang mga cards. "Let's start Monkeys!" Sabi ni Nix. "Teka lang, sinong mauunang bubunot ng baraha?" Tanong ni Chandler. "Oo nga, jak en poy tayo kung sino mauuna." Suggestion ni Sky. Napailing nalang ako habang nagjajak en poy sila. Isang bagsakan lang ginawa nila at ang lawak ng ngisi ni Sky nang sya ang unang bumunot ng baraha. "One down monkey." Tiningnan pa nya ako at kinindatan. I rolled my eyes at him, hindi ako natutuwa sa ginagawa nila. "f**k! This game is f*****g lame." Direk exclaimed when he got eliminated first on the first round. "Loser." Asar sa kanya ni V. "Money sent." "Good job. Game." Sabi ni Sky. Hindi ko din namang mapigilan ang matuwa at matawa dahil sa mga pinaggagawa nila. I can say that their bond is really strong. They value their friendship and they have respect for each other. And to think that they have like Sky on their circle, it means that they are all bosses in their own field. Natawa nalang ako ng si Chandler ang naeliminate dahil pinagpipilitan nyang dinaya sya ni Nix. Tinawanan lang sya ni Nix at kinonyatan naman sya ni Sky kasi hindi sya sport. "Mga unggoy kasi kayo." Naiiritang sabi ni Chandler. "Bunot na kalangitan ng malaman nating kung unggoy ka talaga." Pangaasar ni Nix kay Sky. "Barilin nalang kaya kitang ibon ka." Sagot ni Sky. "You can try." At nang makapili na si Sky ng baraha, I saw how his jaw clenched and then he threw the card on the table, annoyed and irritated. "Damn it!" And Nix is grinning from ear to ear. Sky just got eliminated. So, V and Nix is staring at each other as they fix the cards on their hands. "Malalaman na natin kung sino talaga ang unggoy sa dalawa." Sabi sakin ni Chandler. "Unggoy kadin naman." Pang-aasar ko sa kanya. "Panget mong kabonding." Inirapan pa nya ako. "Nagbayad ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo, tangna. 100k din yun ah. Tsk." Reklamo nya. "Pumayag naman kayo eh. Mukha naman kayong mapepera kaya maliit na bagay lang sayo yang 100k Chandler." Itinaas nya ang kanyang dalawang kamay at inilagay sa may bandang batok nya and then he leaned on his seat. "Pasalamat yang yorme na yan at sa maganda napupunta ang mga pera namin." "Huh? Bakit si Sky?" Nginisian nya ako pero hindi nya ako sinagot. Napunta ang attention ko kay Nix dahil sya ang nanalo sa first round. Si V ang unggoy kaya halos magdikit na ang kanyang mga kilay sa inis. "Hindi pala ako maglalabas ng 100k kasi ako ang nanalo." Nakangising pahayag ni Nix. "Pota! Another round!" Sabi ni Chandler. "Game!!" Sabay sabay pa silang lahat. "Lahat kasi kayo unggoy, aminin nyo nalang." Sabi ko sa kanila. Nginisian ko sila dahil ang sama ng tingin nilang lahat sakin. Nagpeace sign nalang ako after. At sa huli, si Nix padin ang naging winner. Hindi sya kailanman naging unggoy. Hindi din sya naglabas ng pera pero he still wired money. Hindi ko padin alam kung para san at kung san mapupunta ang prize money na naipon nila at yun ang aalamin ko. Pero mamaya nalang kasi mukhang ang iinit ng mga ulo ng mga talunan eh. "Today is my lucky day! Nice playing with you monkeys!" Nix exclaimed that earned him some punches from his monkey friends. "Tapos na kayo maglaro. Maghapunan na kayo. Nakahanda na ang hapag." Nakangiting sabi ni Nanay Yelena. "Yown! Kainan na!" "Da best ka talaga Nay!" "Amoy Sinigang!" "Let's go!" Halos sabay sabay silang tumayo at nagtungo sa dining area. Nagpahuli nalang ako pero naramdaman ko ang paghawak ni Sky sa may siko ko. Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. Hindi naman sya nagsalita at tinaasan lang ako ng kilay. And like the usual, we ate in a happy manner. Nag-enjoy talaga sila sa mga nilutong pagkain ni Nanay Yelena, naluto na nya ang mga pinamili namin ni Sky kanina. Tuwang tuwa din ako dahil sa Buttered Shrimp na niluto ni Nanay, may steamed Crab pa. Naawa naman ako kay V dahil may allergy pala sya sa mga crustaceans kaya hindi sya kumakain ng mga ito. He tried to eat before to overcome his allergy but it gotten worse kaya hindi na nya inulit. Kawawa naman syang nilalang. After we ate dinner I went to my room to fix myself. Gusto ko din humiga dahil feeling ko nadrain ang energy ko dahil sa ginawa nilang laro kanina. Kahit ganon-ganon lang ay nakakaubos ng energy lalo na yung mga naglalaro ay pare parehong may toyo ang utak. Birds of the same feathers flock together talaga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil sa uhaw na nararamdaman ko. I fixed myself and then went out of my room. Pagdaan ko sa living room, I heard noises. I saw some shadows and I'm sure that it's them. Mukhang nag-iinuman na naman ang mga Monkeys. Dumiretso na ako sa kitchen para kumuha ng tubig. After kong uminom ay umalis nadin ako agad. "How long do you want to keep her? We managed to captured those assholes, so I can say that she is out of danger now." I know that it's Direk who talked. "I agree. You need to bring her home ASAP. You're duties are being compromised because of her." I was halted when I heard what V said. I didn't mean to evesdrop from them but it's me they are talking about. I knew that they were talking to Sky. "Pumasok ka na Yorme sa Munisipyo, ilang araw ka ng nakaleave. Papagalitan ka na ni Gov." Saad naman ni Chandler. "Namiss nya ang kanyang sinisinta kaya syempre pipiliin nyang makasama si Riley. It's been years right, did you tell her that you were always present whenever she have shows, tours and concerts?" Natigilan ako sa tinanong ni Nix. Pinapanuod ako ni Sky kapay may shows at concerts ako? Impossible yun diba? Hindi nga sya nagpakita sakin so bakit nya yun gagawin? Confusion clouded my mind because of what I heard. That's way too impossible but he has the means to do it too. Pero bakit hindi man lang sya nagparamdam at nagpakita sakin? "There's no need to tell her. It's all in the past. I'll bring her home tomorrow." Yun ang sagot ni Sky. Unti-unti akong naglakad pabalik sa kwarto ko. Umupo ako sa kama, I lost in my own thoughts because of those information. Gusto kong kausapin si Sky about sa narinig ko, gusto kong iconfirm kung totoo ba yun. Gusto kong malaman kung bakit hindi nya nagawang magparamdam o magpakita man lang kahit sandali ng mga panahon na yun. I yanked my phone and dialed Theo's number hoping that he is still awake. "Riley Maven Sta. Maria. It's late." "Theo, alam mo na ba kung nasaan ako ngayon?" "Oo, bakit?" "Pwede mo ba akong sunduin dito? Gusto ko ng umuwi kila Lo at La." "I'll be there tomorrow morning. I'll call you." "Salamat, Theo." "We will talk Riley. Matulog ka na." "Okies. See you tomorrow. Babay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD