"Hindi ko din alam kung kelan ako makakaalis dito. Hindi ko pa tinatanong si Sky kung kelan nya ako balak ihatid pauwi." Sagot ko kay Theo habang naglalakad ako sa paligid ng rest house.
The place is very relaxing because of the trees around. I can feel the presence of the nature in this place. Sariwa pa ang hangin at naaamoy ko din ang dagat sa hangin.
"Open your GPS so that I can trace your location. Ako na ang susundo sayo." Theo answered.
"Okies, though may ilang araw pa ako bago matapos ang bakasyon ko."
"I can't stand the thought that he put your life into danger. Your Mayor is a threat Riley. Are you sure that you are safe with him?"
Nahihimigan ko ang pagiging seryoso ni Theo sa kabilang line. I understand where he is coming from, I told him what happened to me when I was with Sky. All the action scenes and all. I can feel that he is worried about me but I can assure him that I'm safe now. Naniniwala akong hindi ako hahayaang mapahamak ni Sky.
Nakakita ako ng maliliit na mga bato at pinagsisipa ko ang mga yun. Mahaba pa ang naging usapan namin ni Theo bago namin itigil ang usapan namin. Isang sipa pa ang ginawa ko sa isang maliit na bato ng pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang bulto ni Sky na naglalakad papalapit sakin.
I gasped when I saw how he looks. With just a pair of faded maong jeans, a white tshirt and a Stan Smith, he looked Godly handsome. A Silver wrist watch is just his accessory but his over all look is so breathtaking. Bakit ba overflowing ang kapogian ng lalakeng to? Ilang taon lang kaming hindi nagkita pero parang ang laki ng pinagbago nya in all aspects. I wonder how his abs looks like now, nadagdagan kaya? I giggled with that thought kaya't hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala sya.
"Care to tell me what's funny?" Nakataas ang kilay na tanong nya.
"Iniisip ko kung may abs ka padin." Nakangisi kong sagot sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo nya sa sinabi ko. "Ay pakshet. Sionga mo talaga Riley."
I heard him chuckled. "I still have those Baby, wanna see it?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "Talaga? Patingin nga!" Excited kong sagot sa kanya.
"You're really something. Come here closer, let me show you my abs."
Akmang itataas na nya ang tshirt nya ng hawakan ko yun para pigilan sya. Napatigil tuloy sya at tinitigan ako.
"Thought you wanted to see it?" Pang-aasar nyang sabi sakin.
"Joke lang naman, hindi ka na mabiro. Anong akala mo sakin sabik sa abs mo? Umayos ka nga Sky! Itago mo lang yan, hindi ko naman hahanapin." Ingos ko sa kanya kahit totoo namang naglalaway na akong makita ulit ang itinatago nyang mga pandesal. Baka kasi once makita ko ang view sa loob ng tshirt nya ay bigla akong mapatakbo sa loob ng resthouse para humanap ng malaman. Mabuti nalang at napigilan ko ang masama nyang balak.
"Phewww!" Napapunas tuloy ako ng pawis ko sa noo. I feel so hot and tensed. Kasalanan to ni Sky.
"What are you doing here?"
"Naglalakad lang, kausap ko kanina si Theo sa phone."
"Who is that Theo you're always talking about?" Seryoso nyang tanong.
"My bestfriend. Alam mo yung Estrella Group of Companies, sya yung CEO nun."
"Yeah, I know that Company. So you're friends with the owner huh?"
"We've been friends since forever." Tiningnan ko sya ng seryoso. "Hanggang kelan pa ako magsstay dito? Malapit ng matapos ang bakasyon ko at babalik na ako sa work ko."
"Gusto mo na bang umuwi?"
Seryoso naman nyang tanong sakin. Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong nya, a part of me wanted to stay but I won't tell him that. I averted my eyes from him and swallowed the invisible lump I feel inside my throat.
"Gusto ko pang makasama ang Lolo at Lola ko bago ako maging busy." At gusto padin kitang makasama, pero hindi ko sasabihin yun sa kanya.
"Alright. I'll just check the situation first and then I'll bring you home asap."
"Okies."
"Let's get inside."
Nauna na syang naglakad kaya sumunod lang ako. I pouted my lips because I can feel the coldness emitting from him. Sabihin mo kasi Sky na gusto mo pa akong makasama. Sabihin mong babawi ka sa ilang taon na hindi ka nagpakita at nagparamdam sakin. Sabihin mo na hindi mo pa ako iuuwi. Hindi ako magdadalawang isip na sumama sayo.
Tumakbo ako para makahabol sa kanya. Bigla kong naaalala si Chandler dahil sa ginawa nya.
"Nasan na nga si Chandler?"
"Why do you ask him?" Marahas nyang tanong sakin.
"Iniisip ko lang yun kamay nya. Ginamot na ba nya yung sugat nya?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
Napakagat ako sa ibaba kong labi ng bigyan nya ako ng matalim na tingin. May mali ba sa tanong ko? Gusto ko lang naman malaman, syempre nasugatan sya eh, wala naman ibig sabihin yun. I saw how his jaw clenched and how his brows furrowed deeply. Mukhang galit na naman ang yorme.
"Go and check him yourself."
And then he left me without turning his back. Hindi man lang ako nilingon. Iniwan na nya talaga ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng resthouse. Napanguso ako ng malakas nyang isinara ang pinto.
"Ang lakas talaga ng topak ng Mayor na ito. Tss. Gusto ko na nga isipin na nagseselos na naman sya eh."
Napangisi ako ng maalala ang sinabi nya sakin. Hmmn, baka nga nagseselos na naman sya kay Chandler.
"Ang ganda ko talaga!" Sabi ko with matching hair flip.
Papasok na sana ako ng resthouse nang makita kong palabas ng pinto ang jelly na Mayor. Napangisi ako pero agad nawala ang ngisi ko ng makita ang suplado nyang mukha. Gwapo nga ang suplado naman. Napatingin ako sa kanyang kamay dahil meron syang hawak.
"San ang lakad mo-"
Naputol ang tanong ko ng hawakan nya ako sa aking wrist at hinila. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa, basta lang nya akong hinila ng wala man lang pasabi.
"Wait lang Sky! San mo ako dadalhin?"
Hindi na sya nagsalita hanggang sa makarating kami sa kanyang sasakyan. He forcefully pushed me on the passenger seat. Mabilis din syang sumakay sa driver seat and rev up the car.
"Makahila ka naman sakin wagas! San mo ako dadalhin? Ihahatid mo na ba ako pauwi?"
Saka lang nya ako tiningnan pero seryoso padin ang itsura ng lolo mo. Natutuwa ako sa makapal nyang kilay na malapit ng magdikit, gusto ko tuloy hawakan at lapirutin ang kanyang mukha pero baka lalo syang mabadtrip.
"Sky, yung totoo, san tayo pupunta?"
"Dyan lang sa palengke."
"Huh? Bakit? Anong gagawin natin dun maliban sa mamamalengke?"
This time he chuckled and the sound of it made my heart beats faster. Ang sarap pakinggan ng kanyang tawa. His effect is really taking it's toll on me. Lahat ng kanyang ginagawa ay naaapektuhan ako. At ang bilis ng transition ng kanyang mood, may pagkabipolar din talaga ang Mayor na to.
"Yeah, we need supplies. Ako na ang bibili."
"Bakit ikaw? Bakit hindi si Kuya Bradley o kaya yung iba mong mga tauhan na nasa paligid?"
"Gusto ko lang saka gusto kitang isama." May kinuha sya sa likuran at inabot sakin. "Here, just wear these."
Kinuha ko naman at tiningnan ang laman ng paperbag. Isang black cap saka face mask. Agad ko naman nagets kung para saan ang mga ito. Napangisi ako. Nakasuot na din sya ng black cap at saka nang aviator.
"Wow! Paartista effect ah." Kantyaw ko sa kanya.
"Ganon talaga kapag celebrity tapos may kasama pa akong celebrity. Baka kuyugin tayo pag nakilala tayo."
"Malamang, kapag kinuyog tayo tatakbuhan kita!"
"Yeah, you do that."
Isinuot ko na ang black cap saka face mask. Mas ok sana kung may shades din na kasama pero wala eh. Sya lang ang meron tapos ang gwapo pa nya lalong tingnan. Napanguso ako at I know hindi nya alam yun dahil sa suot kong face mask.
Nagenjoy ako sa view dahil nasa kanan ko ang magandang view ng karagatan.
"Pwebe ba akong magswimming mamayang hapon dun?" Tanong ko kay Sky, hindi pa kasi ako nagswimming kahit napakalapit lang ng dagat sa Rest house.
"Pwede naman, sasamahan kita."
"Wala ka bang pasok sa Munisipyo ngayon? Pumepetiks ka lang ngayon eh."
"I'm on leave."
"Bakit? Dahil ba sa nangyari nun nakaraan?"
"Yeah."
Ilang minuto lang ang lumipas at nagpapark na kami ngayon sa tapat ng isang pamilihang bayan.
"Let's go."
Bumaba nadin ako ng sasakyan, inayos ko ang suot kong cap at face mask. Tiningnan ko din si Sky na mukhang wala naman problema sa itsura nya aside from looking so handsome with his casual attire. Mapagkakamalan pa syang modelo kesa Mayor sa itsura nya eh.
Hindi na ako nagtaka ng pagtinginan kami ng mga tao sa paligid dahil sa pormahan namin lalo na sakin na nakaface mask pa talaga. I did my best to ignore the suspicious look that people throw at us, Sky is doing it too. I know that he is doing it because of me. Naisip ko tuloy bakit kelangan pa naming umalis ng resthouse kung ikakaworry lang naman namin pareho ang safety ng isa't- isa? Pero mas nangibabaw din ang kagustuhan kong makasama sya sa ganitong pagkakataon.
"Ano bang bibilhin natin dito?" Tanong ko sa kanya habang papasok kami sa pamilihang bayan ng Laiya.
"Mga pagkain." Tipid nyang sagot.
"Like what? Naubusan na ng supplies ang resthouse? Sabagay ang lalakas kasing lumamon ng mga kaibigan mo."
"Yeah, kakapal ng mga mukhang kumain, wala namang mga ambag."
Natawa ako sa sinabi nya. "Singilin mo mamaya kapag nakabili na tayo ng mga pagkain."
"Makakapal ang mga mukha ng mga ungas na yun. Don't expect that they will pay us for the food or for anything."
"Tss. Mukha naman silang mayayaman eh, bakit ang kukuripot nila?"
"Magkakamatayan muna bago sila maglabas ng mga pera nila sa bulsa."
Napangiwi ako sa sagot ni Sky. Mukhang malala ang mga sapak sa utak ng mga kaibigan nya. I wonder if kung gano kalaki ang toyo ni Sky. Napangisi ako sa naisip kong yun.
Nawala ang iniisip ko nang maramdaman ko ang paghawak nya sa wrist ko papunta sa kamay ko. I was halted when he intertwined his hand against mine. I felt something the moment our skin made contact. I tried to pull my hands but he gripped my hand so tight that I lost my strength to fight back. Hinayaan ko nalang sya dahil mukhang gusto nyang magHHWW kami, eh wala namang kami. Feelingero masyado tong Mayor na to.
Napasunod lang ako sa kanya ng pumunta kami sa isang tindahan ng mga karne. Namili sya ng karneng baboy without letting my hand go.
"Bitawan mo kaya ang kamay ko para makapili ka ng maayos." Sabi ko sa kanya.
"I can manage. Tatlong Kilo nga po nitong karne ng baboy saka karne ng baka." Sabi nya sa tindera.
"Grabe naman sa dami. Pang ilang araw naman yung binili mo."
"Mga Rated PG ang mga kasama natin sa bahay baka kulang pa yan sa kanila."
"Sisingilin ko talaga sila pagkauwi natin sa resthouse."
"Yeah, you do that Baby."
Inirapan ko sya ng marinig ko na naman ang Baby nya. "Baby your face."
He just chuckled. "You want to buy seafoods?"
"Oo naman, hipon saka alimango!" Ngumisi lang sya pagkatapos abutin ang pinamili nya. "Maraming Salamat po."
"Walang anuman Hijo. Bagay kayo ng asawa mo, kahit nakatago ang mga mukha nyo ay halatang maganda at gwapo." Sabi pa ng tindera.
"Maganda po talaga tong asawa ko. Bagay na bagay po sakin."
"Konyat ka sakin mamaya, asawa mo mukha mo."
Nginisian na naman nya ako. Nanggigigil pa namana ko sa ngisi nya kasi mas lalo syang gumagwapo sa paningin ko. Malakas na din ang toyo mo Riley!
Bumili na din kami ng 2 kilos ng shrimp and crabs. Pinilit ko syang unti nalang ang bilhin kasi baka hindi namin madala. Gusto pa naman nyang bumili ng mga prutas at gulay. I helped him to carry the food that we bought. Ako na ang nagdala ng mga prutas at gulay kahit may kabigatan nadin.
Umikot pa kami sa loob ng palengke dahil nag-enjoy din ako sa mga nakikita kong mga paninda. I felt the freedom when we roam around. Hindi ko kasi magawa ito sa Manila, yun ang nawala sakin kapalit ng kasikatan ko. Napatingin ako sandali kay Sky na busy sa tinitingnan na kung ano. I'm happy because he brought me here, he allowed me to experience freedom even if it's just temporary.
"Are you hungry?"
"Yes, nakakagutom din ang ginawa nating pamimili. Kain naman tayo." Nakanguso kong reklamo sa kanya.
Hindi agad sya nagsalita but I can feel his heavy stare at me. I saw how he hardly swallowed and it made me wonder why.
"Let's find a place to eat. I'm hungry too."
Naglakad kami paglabas ng palengke para maghanap ng makakainan. Wala namang restaurant na malapit maliban sa mga ilang Fast Foods. Agad kong tinuro ang Jollibee dahil natatakam ako sa Chicken Joy. He agreed and we settled to have our lunch at Jobee. Yehey!
Bumalik muna kami sa sasakyan nya para ilagay ang mga pinamili namin bago kami pumunta sa Jobee. Pagkapasok palang namin ay agaw attention na agad ang pagpasok namin. Siguro naman ok pa ang disguise namin ni Sky. Masyado lang talaga akong maganda na kahit nakatago na ang mukha ay halata padin ang kagandahan ko. Syempre ako si Riley Sta. Maria!
"What do you want to eat?" Tanong nya sakin habang nakapila.
"1 piece Chicken Joy with Spaghetti, 1 Cheesy Bacon Burger and Large Fries, water lang ang drinks ko."
"Is that all? Thought you're hungry, I'm expecting that you will order a Bucket meal."
"Gusto ko sana kaya lang masisira ang diet ko. Papagalitan ako ni Phoebe kapag nalaman nyang kumain ako ng ganon kadami."
"You don't need to watch your diet when you're with me. You need to eat more."
"Magorder tayo ng Bucket Meal tapos itake out nalang natin. Kainin natin sa Resthouse."
"Are you telling me to take out a Bucket meal for those assholes?" Nakataas ang kilay nyang tanong sakin.
"Kinda. Pasalubong sa mga may toyo mong kaibigan saka food din natin mamaya."
"Fine."
At inorder nga nya ang mga sinabi ko plus the Bucket Meal. And to my surprise he ordered 3 Bucket Meals. Aayaw ayaw pa sya kanina based sa hitsura nya pero bibili din naman pala.
Nag-enjoy ako sa meal na kinain ko. Hindi ko inalis ang suot kong cap pati nadin si Sky. Sa may bandang sulok kami pumwesto para medyo discreet naman ang paglamon ko. Alam kong gutom din talaga si Sky, pasimple kong binilang kung ilang extra rice ang inorder nya at kung ilang chicken ang naubos nya. Tuwang- tuwa din ako habang ngumunguya sya ng French Fries tapos sinasawsaw nya sa gravy. Nagenjoy ako sa food pero mas nagenjoy ako kasama si Sky.
We're on our way back to Resthouse when Sky phone keeps on ringing. Iniwan nya ang phone nya sa sasakyan nya habang kami ay namimili.
He yanked his phone and answered it. "We're on our way. Shut the hell up Fucker."
"Kaibigan mo?" Tanong ko.
"Yeah, it's Chandler."
"Namimiss ka na siguro ng kaibigan mo. Anyway, does he have a girlfriend?"
"Why do you ask about him?"
"I'm just curious. Feeling ko kasi sasakit ang ulo ng girlfriend nya or magiging girlfriend nya."
"I'm not sure if he has any."
"Eh ikaw? Wala ka bang gf? Fling? Chicks? Ganern?"
He went silent for a while. I saw how he grip the steering wheel that made his veins very visible and protruding.
"The moment I touched your lips with mine, I already claimed you as mine. So read between the lines Baby."
Natulala lang ako sa kanya after nyang sabihin yun. Ano daw? Does he meant I'm his girlfriend because of the kiss we shared? But that was four years ago. I think I need a renewal.