05

2714 Words
"Good Morning Riley Sta. Maria! Get up now! May guesting ka pa sa Eat Bulaga baka nakakalimutan mo!" Hinila pa ni Phoebe ang comforter na nakapulupot sa katawan ko. "Ngayon na ba yun? Bakit hindi ko alam?" I groaned. Hindi ko pa kayang bumangon. "Anong hindi mo alam? It was listed on your schedules! Are you not checking them?" Agad akong bumangon at tiningnan ng masama ang dakila kong Manager. Tamad na tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Sinundan ako ni Phoebe hanggang makarating kami sa kusina. Naghilamos na ako at nagmumog. Wala pa din ako sa huwisyo kaya umupo muna ako sa sofa at tumunganga. Tinabihan ako ni Phoebe at binuksan ang TV. "News flash: Nahuli na ang tinaguriang Drug Lord ng Quezon Province na si Don Felipe Cristobal. Kumakailan lang ay nilusob ng kapulisan ang sinasabing Drug Den ng sindikato at nahuli ang mga kasamahan ng Don ngunit sya ay nakatakas. At ngayon nga ay nahuli na ang tinaguriang Drug Lord ay haharapin nya ang patong patong na mga kaso. Hindi talaga tinantanan ng napakabuting Mayor ng Mauban, Quezon na si Mayor Sky Forrest Montecarlos. Maraming Salamat po Mayor sa inyong walang sawang pagsugpo at paglaban sa droga. Mabuhay ka Mayor!" Nakangising pagmumukha ni Phoebe ang hinarap nya sakin matapos kung makita ang balita na yun. Balita na lalong sumira sa umaga ko. "Lalong gumagwapo si Mayor. Ano kayang sikreto nya? May gf na kaya sya o asawa?" "Shut up Phoebs." Malamig kong sagot. "Affected padin Riley? 4 years na ang lumipas hindi ka padin nakakamove on sa lalakeng yun. Sikat na sikat na syang Mayor ngayon oh." I let out a deep sigh. Four years passed and I still can't forget the four words he told me that night. Umasa ako sa sinabi nya pero pinaasa lang nya ako. Ninakawan na nga nya ako ng first kiss, iniwan pa nya akong luhaan. He never came back. I never saw him again after that night. "I'll see you Riley." I'll see you Riley my face! It's been four f*****g years and I haven't seen him. He had the guts to tell me those words and yet he haven't shown himself to me. Paasa masyado. "Paasa syang Mayor, wag na talaga syang magpapakita sakin forever and ever!" "Hayaan mo na si Mayor, naging ok naman ang life mo after mo syang makilala." True enough, my life changed since I met him. Naalala ko pa ang itsura ng Aparment ko pagkauwi ko ng madaling araw after naming magkita. Literal akong napanganga pagkapasok ko sa loob, naninibago pa ako dahil pakiramdam ko ibang bahay ang napasukan ko. May bago akong TV, may aircon din at mas napanganga ako sa bagong Ref. Halos mapuno ang ref ng mga groceries at mga pagkain pati ang kabinet ko ay puno ng stocks. Halos hindi ako makagalaw dahil sa mga nakita ko. Si Sky ba ang may kagagawan ng mga ito? Hindi pa natapos ang gulat ko dahil pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko ang isang Brand new Laptop at Cellphone, Iphone 12 na color Blue, hala ang ganda! Galing din ba ito kay Sky? Ang gastos naman nya! Nakakagigil ang ginawa nya sa Apartment ko. Wala man lang syang iniwan na kahit anong note pero iniwan nya ang mga gamit nya sakin. Iniwan nya ang tshirt, pants, yung leather jacket pati na yung Gray na boxers nya, hindi na nahiya. Mas lalo pa akong napanganga ng babayaran ko na si Mrs. Macapagal para sa renta sa Apartment ay sinabi nyang bayad na daw ako ng buong taon. Kinikilig pa sya habang kinukuwento kung pano sya pinuntahan ng tatlong nagagwapuhang kalalakihan. Tulala akong bumalik sa Apartment ko after nun. Sinubukan ko din na tawagan ang number na nakaregister sa phone ko nun time na nakitext sya sakin pero out of coverage na. Naging maganda ang pasok ng sumunod na taon sakin dahil isang talent scout ang nakadiscover sakin sa Auratistic Bar. Inofferan ako ng Exclusive Contract dahil magaling at maganda daw ang boses ko. Tuwang tuwa naman si Phoebe dahil sa blessings na dumating sakin, sya padin ang Manager ko dahil wala naman akong ibang gusto kundi sya. I went through some voice lessons and I even have a vocal coach to improve my own style of singing. Naging busy din ako ng mga sumunod na buwan. Hindi na din ako nakakabisita kila Lolo at Lola sa probinsya dahil sa hectic ang schedules ko. Dumami ang fans ko the next year and I even had my first ever concert sa MOA Arena, sold out ang tickets that time. I was beyond grateful of the blessings that showered me that year. At kasabay ng pag-akyat ko sa kasikatan ay pagkaluklok nya bilang Mayor ng Mauban, Quezon. Sky Forrest Montecarlos, yun pala ang full name nya na hindi ko malalaman kung hindi pa sya mafefeature sa TV dahil sa landslide victory sa nakaraang eleksyon. I waited for him to come back. I waited for years but he never came. Umasa kasi ako sa sinabi nya kahit wala naman akong dapat panghawakan. Ikinuwento ko kay Phoebe ang pangyayaring yun sa buhay ko at natulala din sya ng marinig nya ang kissing scene namin ni Sky. "Tumatawag daw si Theo sayo Riley, Deadbat ka na naman ba?" Bumalik ang huwisyo ko sa tanong ni Phoebe. "I forgot to charge last night. Naglaro kasi ako ng ML, Mythic na ako Phoebs.Hehe!" "Stop playing that game, may time kang maglaro pero wala kang time icheck ang schedules mo." I just rolled my eyes, tumayo ako at bumalik sa kusina. "Anong sabi ni Theo?" "Ihahatid ka daw nya sa Station kaya kumilos ka na. Nakakahiya naman sa sundo mo." "Hindi ba sya busy? Wala ba syang mga meetings? Akala mo hindi CEO kung gumala eh." "Lagi syang may time when it comes to you, Isn't it obvious?" "Icharge ko lang phone ko Phoebs, maligo na din ako." "Bilisan mong kumilos." Tiningnan pa nya ako ng makahulugan. "At isa pa Riley, uunahin ni Mayor ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa kanyang bayan bago sya lumablayp." "Tantanan mo na ako sa Mayor na yan Phoebs, tama na. Mag-aayos na ako." *** "Have you seen the news flash this morning?" Theo plastered his annoying smirk that irritates me more. "What news?" "Mayor Montecarlos." "Da who?" Naiiling na natatawa si Theo dahil sa tanong ko. Tiningnan ko sya ng masama, sarap pektusan eh. I just rolled my eyes because of annoyance. Theo knew everything, sinabi ko sa kanya ang totoong nangyari nung gabing yun. And since makilala at sumikat ang Mayor na yun dahil sa mga good deeds at paglaban nya sa droga, walang katapusang pang-aasar ang binabato sakin ni Theo. "Pero mas gwapo naman ako sa kanya Ry, diba?" "I don't think so, Gray ang mata nya tapos may abs pa." "I have abs too." "Wala akong pake sa abs mo. Drawing lang yan." "The f**k?!" Nginisian ko sya dahil nakakabawi na ako sa pang-aasar nya sakin. Theo is no doubt a good looking guy, from his well built physique to his handsome face, plus ang tangkad pa nya. Lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kanya maliban nalang sakin. "Hatid mo ako hanggang sa Station?" Tanong ko sa kanya. "Yeah. I'll pick you up after the show?" "Not sure what time matatapos. Wala ka bang meetings today?" "I have in an hour. I'll be there just in time." "Okies, tawagan nalang kita mamaya, nacharged ko na phone ko. Hehe." "Mukha ka kasing ML, pabuhat ka naman." "Hoy makapagsalita ka dyan! Mythic na ako FYI!" "Ako Mythical Glory." Pagyayabang pa nya. "Gift mo naman ako ng Epic Skin ni Valir at Chang-e. Dami dami pera hindi namimigay." "Look who's talking, wala ka pambili?" "Damot mo." Nakarating na kami sa Station for my guesting in Eat Bulaga, kakanta lang naman ako kasi matagal na nila akong iniinvite for guesting dun since I became a famous singer. After my performance agad akong nilapitani Paolo Ballesteros at Maine Mendoza for a quick interview. "Kumusta naman ang sikat na sikat na si Riley Sta. Maria? Dami mong fans oh!" Sabi ni Paolo. "Oo nga, fan mo din kaya kami. Ang ganda kasi ng boses mo." Dagdag naman ni Maine. "Thank you so much for the support. Thank you so much sa mga fans ko dyan sa mga tabi tabi at gilid gilid. Mahal ko kayo!" Tumawa pa ang dalawa at pabiro akong hinampas sa braso ni Paolo. "I like your personality baks! Balita ko hinatid ka ng CEO ng Estrella Corp, kayo na ba or showbiz chika lang?" "Theo and I are good friends." Sinabayan ko ng kunting pagtawa. "Ang showbiz naman ng sagot, pero bagay kayong dalawa." Dagdag ni Maine. "Ang gwapo ni Papa Theo eh." Nag-ingay pa ang audience dahil may fans club nadin kami ni Theo, hindi naman kami loveteam pero may fans club na? Natawa nalang ako sa mga violent reactions nila. Ang showbiz talaga. Agad din akong sinundo ni Phoebe for my next commitment, may meeting ako with Star Maker Records, they will produce an album for me and we will discuss about the contract. "Dinner later?" Isang message ni Theo ang nareceived while on our way. "Kapag natapos ng maaga ang meeting namin with Star Maker Records." Reply ko. "Pengeng star." "Sige sapakin kita mamaya, makakita ka ng stars." "Panget mo." Natawa lang ako sa reply nya. Theo never changed the way he treats me. He value our friendship more than anything else, he never crossed the line between us. Dinedma lang din nya ang mga chismis samin kahit pa nililink kami sa isa't-isa. Everything went smoothly with our meeting with Star Maker Records, Phoebe handled everything. Napakahusay talaga nyang manager, hindi din naman kami pinapabayaan ng Agency namin, ang Dreamer Inc. na pagmamayari ni Vaughn Rixor Delmar. "Susunduin ka ba ni Theo?" Tanong sakin ni Phoebe habang naglalakad kami palabas ng Building. "Yup, magdinner kami." "Dinner date?" "Ang t.h mo talaga Phoebs, hindi kami ganon ni Theo." "Bahala nga kayo sa buhay nyo, malalaki na kayo, alam nyo na ang tama at mali." "Ewan ko sayo Phoebs, gusto mo ikaw nalang ang jumowa kay Theo eh." "Well, pwede naman, bagay naman sa kanya ang kagandahan ko. Anyway, pinaguguest judge ka sa Tawag ng Tanghalan. G?" Tanong nya sakin. "Kelan daw yan?" "This coming weekend." "Okies, G!" "Very good. Sabihan ko na ang management." Natuloy naman ang dinner namin ni Theo kinagabihan. He brought me to a Japanese Restaurant because he is craving for some Ramen and Tempura. At dahil paborito ko ang Tempura syempre hindi ako tatanggi. "Ok ka lang na makita ka ng tao kasama ako?" Tanong agad ni Theo sakin. "Ayos lang sakin, sayo ba ok lang na malink sakin?" "I'm used to it, gamit na gamit na ang pangalan at mukha ko kakaissue sayo Ry. Ano pang itatago ko?" "Panget mo kasi." Tinaasan lang nya ako ng kilay. "Ipakita mo kasi sa kanila ang mga girlfriends mo." "Those were not my girlfriends." "Flings, ok na? Bakit kasi hindi ka magjowa ng totoo? Umamin ka nga Theodore, bakla ka ba?" Nagkanda samid samid sya at umubo ubo pa dahil sa tanong ko. Nagdiwang naman ang utak ko dahil sa reaction nya. Gustong gusto ko syang tawanan dahil sa mukha nya. "Are you asking me if I'm gay? Seriously? I f**k hard and rough, Ry, I'm sure I'm not gay." "T.M.I Theo! Paki ko sa mga f**k mo! Tinatanong ko lang baka kasi nahihiya ka lang mag-out." "Damn it. Just because I'm not into serious relationship doesn't mean I bat the other team. I'm f*****g straight." "Kei dot. Nililinaw ko lang Theodore. Baka naman may gusto ka na sakin." "Hindi kita type Riley. Hindi ka maganda sa paningin ko." Seryoso nyang sagot. "Nakakasakit ka naman ng damdamin Theo, para mo ng sinabi na pangit ako ah." "I didn't say that." Inirapan ko nalang sya. "Punta tayong Mall sa weekend, gusto kong kumain sa Paotsin." Nakanguso kong request kay Theo. "Wala kang schedule ng weekend?" "Icheck ko kay Phoebe, pero pwede yun o kaya takas tayo. May work ka nun?" "I'll check my schedule too, I'll let you know." Nginisian ko nalang si Theo, alam ko naman na hindi nya ako matatanggihan. But wait may guesting ako sa TNT pero Saturday yun, so it means pwede ako after ng guesting ko dun. Kinilig ako sa isipin na yun. Feeling tired ako pagkauwi ko ng Condo ko. Nagmessage na ako kay Phoebe at Theo na safe and sound ako nakauwi. Mabilis kong tinalon ang malambot kong kama sa ka tumitig sa kisame. Nagregister na naman sa utak ko ang mukha ng Mayor na yun. Years passed at hindi man lang nya ako naaalalang balikan. Hindi ba nya ako nakikita sa TV at sa mga commercials ko? Hindi ba sya umattend ng Concert ko saka Album promotion? Eh sa mga fan sign ko wala din sya? Those thoughts are making me damn crazy. I know that he is really busy with his job as a Mayor of his town. He is very active when it comes to publice service. I heard a lot of his accomplishments as a politician. He is a respected and reputable Mayor because of his good deeds. I heaved a deep sigh. Maybe he has his reason why he never came back. At isa pa hindi naman kami ganon magkakilala para balikan ako. He was just stranger in the first place. Saturday came and I'm preparing for my guesting in Tawag ng Tanghalan, kasama ko si Phoebe sa dressing room, sya din kasi ang nagayos sakin para sa look ko for today. At pagdating ko sa set, tuwang-tuwa ako ng makaharap ko si Vice Ganda, ang benta talaga ng mga jokes nya pati ang buhok nyang kulay Pink parang gusto kong hilahin sa tuwa. Nag-enjoy ako ng todo sa guesting ko na yun sa TNT, ang gagaling ng mga contestants, they were all talented. Kachikahan ko pa si Yeng Constantino na katabi ko sa upuan, tawa din kami ng tawa sa mga hirit ni Vice pero mas nakakatawa ang mga jokes ni Anne Curtis. Tinanong pala nya ako kanina kung related daw ba ako kay Ms. Jodi Sta. Maria, sabi ko magkaapelyido lang talaga kami at magkasing ganda pa. Tinawanan lang din nya ako. Sarap nyang kurutin sa singit. Joke! "Have you noticed one of the Directors? He's so hot." Bulong sakin ni Phoebe habang nakaupo kami sa likod na bahagi ng mga audience. "Asan?" Agad kong inikot ang paningin ko para tingnan ang sinasabi nyang Hot na Direktor. "There!" Itinuro naman nya at agad kong tiningnan. The man is wearing a Black V-neck shirt, Black Pants, Black Cap and a Black Vans Shoes. Mukhang favorite nya ang Black. But true to Phoeb's words, he is one hell of a hot guy. Matangkad at maganda ang pangangatawan at medyo maputi. May hot palang Director ang Showtime. "Kita mo, biceps palang ulam na, pano pa kaya yung nasa loob ng tshirt nya." Kinikilig pang sabi ni Phoebe. "Manyak mo Phoebs." Ngiwi ko sa kanya. "Magmalling kami ni Theo, kain kami sa Paotsin." "What? Seriously? Malling? Eh di pinagkaguluhan ka ng mga fans mo dun!" "Mag didisguise naman kami ni Theo." "Bakit nyo naman naisipan kumain sa Paotsin? Namimiss mo na?" "Oo eh. Namimiss ko na yung sharks fin saka scallop wanton nila. Sige na Phoebs, payagan mo na ako." "No Riley! Magpapabili nalang ako para hindi ka na magmall. Dinadamay mo pa si Theo sa mga pakana mo. He's a busy man and yet you always drag him wherever and whenever you want to. I understand that he is your bestfriend but always take reconsideration of his situation." Napanguso ako sa sermon si Phoebe. Well, totoo naman lagi kong dinadamay si Theo sa mga gala ko. Eh sya lang naman kasi ang meron ako saka si Phoebe. Minsan naiisip ko why did I chose this path. I wanted to be a singer because this is my dream and I'm good at it. Finally I became a star but I lost my freedom at the same time. Pinasok ko ang magulong mundo ng showbiz kaya ngayon dapat handa ako sa consequences. I am now Riley Sta. Maria, a famous singer of my generation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD