The Cruel Prince of the United Kingdom Sinong mag aakala na ang isang Prinsipe ng United Kingdom ay mabuti sa mata ng maraming tao subalit higit na malupit kapag nasa Underground na? Narito ako ngayon sa Underground Territory. Napakaraming tao ngayon sa Underground dahil sa gaganaping paligsahan sa pagitan ng mga Mafia at Gangster. Nakaupo ako sa aking VIP Seat sa ikatlong palapag ng building. Kitang kita ko rito ang napakalaking flatscreen at ang maliit na mga tao sa ibaba. Masyadong mataas ang aking kinapupuwestuhan kung kaya't para lamang silang mga langgam sa aking paningin. They are fighting with all their strength. Kapansin pansin ang galing ng bawat isa sa pakikipaglaban. Matira matibay hangga't walang namamatay ay tuloy ang laban. Nanatili lang akong seryoso habang pinagmamasda

