Prologue
6 Am. At London Royalty Academy
London, United Kingdom
Third Person Point Of View
"Like OMG! The Prince is here!"
"Kyaaahh!! Ang gwapo niya talaga!"
"Hinding Hindi ako magsasawang makita ang kagwapuhan ng Prinsipe!"
"He's so charming! Those set of ash grey eyes! Makalaglag panty!"
"Like what the f**k?! Hulog talaga siya ng langit!"
"Waahhhh! Prince Killua Rogue Rocketfellers! Be mine!"
Ilan lang 'yan sa mga nagiging reactions ng mga taong lubos na humahanga sa kaniya. Mga taong walang sawang sumu-suporta sa kaniya. Mga taong lubos na nag mamahal sa kaniya bilang isang Prinsipe. Kahit na hindi siya tunay na anak ng hari at reyna ng London.
Kahit kailan hindi siya nakaranas ng pangungutya. Dahil ampon siya. Dahil kahit ganoon, alam nilang lahat na karapat-dapat siya. Matalino, mabait, matulungin at marunong mag pahalaga sa kapwa.
Lumaki siyang busog sa pag mamahal ng kan'yang Ina at ama. Pati sa mga taong naka-saksi sa kaniyang pag laki.
Those people love him because of his praising attitudes. Loving characteristics as a human.
But being a Rocketfellers ay hindi mawawala ang pagiging masama lalo pa't hawak nila ang Underground. Kung saan namuno ng ilang dekada ang kanilang angkan.
Maraming estudyante sa hall way. Lahat sila ay nakatingin sa Prinsipe ng London at kasama nito ang mga kaibigan niyang mula rin sa Maharlikang Pamilya. Halos mag kandarapa ang mga babae roon habang naka tingin sa guwapong mukha ni Rogue. Seryoso lamang si Rogue na nag lalakad at kinakausap ng kaniyang mga kaibigan.
Isa si Rogue sa taong hindi naniniwala sa pag ibig. Dahil siya mismo pinabayaan ng tunay niyang pamilya.
What if makilala niya ang isang babaeng ordinaryo lamang?
Babaeng maraming hirap na ang dinanas dahil sa pagbagsak ng kanilang kompanya.
Paano kung mag tagpo ang landas ng dalawang taong hindi itinakdang mag kita pero itinadhana?
Paano kung 'yong taong iyon ay siya palang biktima ng sarili niyang kalupitan bilang Rocketfellers?
Paano kung 'yong taong mamahalin niya ay hindi siya kilala o kayang mahalin man lang?
Charice Cassandra Leoferell isang ordinaryong babaeng nagsu-sumikap makatapos sa kaniyang pag aaral bilang scholar sa London Royalty Academy. Labing walong taong gulang.
Simula nang bumagsak ang kanilang kompanya dahil sa kilalang mafia ng Underground Society ay nawalan na siya ng emosyon. Hindi lang kanilang kompanya ang bumagsak. Maging ang katawan ng kaniyang mga magulang ay bumagsak rin sa sobrang stress dahil dumami ang kanilang utang. Hanggang sa iyon ang naging sanhi ng pag kamatay ng mga ito sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.
Abalang abala si Charice sa pag aayos ng kaniyang gamit at mabilis na lumabas ng classroom. Dismissal na kasi sila sa last subject ngayong hapon. Kaya nag mamadali na siya para hindi malate sa part time job sa Elite cafè. Nilalakad niya pa kasi ito para maka-tipid sa pamasahe.
Madilim sa eskinitang 'yon dahil alas sais na ng gabi.
"Kung bakit ba naman nag over time pa ang Homeroom teacher namin. Nakaka inis!" Kahit na naiinis dahil pagod na siya sa school tapos nag lalakad pa siya pinili niya na lamang mag tiis dahil kailangan niya pang bayaran ang utang niya sa tubig at kuryente sa bahay na kaniyang tinitirahan iyon nalang kasi ang tanging naiwan ng kaniyang mga magulang.
"Pare! Mamaya kana umuwi. Inuman pa tayo!"
"Sige pre! Next time nalang!"
"Sabing mamaya kana umuwi e!"
Sunod sunod na putok ng baril at kalansing ng mga nag lalag-lagang gamit at nag tataubang mga bakal na upuan at babasaging lamesa ang sunod na narinig ni Charice. Nakaramdam siya ng matinding kaba at takot ng mga oras na iyon.
Kaya mas lalo siyang nag madali sa kaniyang pag lalakad. Para maka-iwas sana sa gulo kaya lang.. Biglang huminto ang ingay senyales na tapos na ang gulo.
Sa pag lingon ni Charice dulot ng kaniyang matinding kuryosidad ay nakita niya ang isang lalaking nag mamadaling lumisan sa pinangyarihan. Naliligo ang kamay at damit ng lalaki sa sariwang dugo. Kapansin-pansin iyon lalo na't puti ang suot nitong pang itaas. Nanindig ang balahibo ni Charice at para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ramdam niya ang matinding takot na baka pati siya ay idamay nito.
Hanggang sa mapatingin ito sa kaniyang gawi. Dala ng kaunting liwanag na nag mumula sa mga street light na nag hihingalo na at panay ang pag kisap ay nakita niya ang nanlilisik na mata ng lalaki. Natakot lalo si Charice.
Dahil sa instinct ay mabilis siyang tumakbo pero kitang kita niya sa tuwing siya ay lilingon ay ang mabilis na pagtakbo rin ng lalaki. Hinahagad na siya nito. Halos maiyak siya sa kabang nararamdaman at takot na kapag naabutan siya nito ay katapusan na ng mga pangarap niya.
"Lord guide me. Please help me! I don't want to die tonight!" Paulit ulit niyang usal. Halos tawagin na ni Charice lahat ng Diyos at Santo para lamang may mag ligtas sa kaniya.
Sa kasamaang palad hindi niya naagapan o napansin man lang ang lata na nakakalat sa kalsada dahilan nang kaniyang pagkaka-talisod. Napa-subsob siya sa maruming kalsada. Tumilapon ang lahat ng dala niyang gamit. Ramdam ni Charice ang hapdi at pag kirot ng kaniyang mag kabilang tuhod at kamay nang mapadapa siya at maitukod niya iyon.
"f**k!" mura niya at kahit nanakit na ang tuhod ay ginawa niya ang lahat para lang maka-bangon. Subalit, sa kasamaang palad ay naabutan siya ng lalaki nahatak nito ang kanyang buhok at malakas siyang ibinalya sa kalsada. Halos mapaigik si Charice sa sakit ng pagkaka-salampak niya sa kalsada.
"Stop! Please!" napaiyak si Charhce sa sakit at nag makaawa nang suntukin siya nito sa sikmura. Halos mamilipit siya sa sakit. Nahagip nitong muli ang kaniyang buhok at balak siyang ingudngod sa semento. Galit na galit ang lalaki at wala itong awa habang sinasaktan siya.
"You need to die!" nang gagalaiting sigaw ng hindi kilalang lalaki. Napapikit nalang si Charice sa takot. Ramdam niya ang pang hihina ng kaniyang katawan dahil sa pasakit na kaniyang natamo.
Natigil lamang sila nang may marinig na boses ng isang lalaki..
"Kill her and I'll kill you.." malamig pa sa yelong sambit ng bagong dating. Agad nag mulat ng mata niya si Charice at nakita niya ang logo ng kaniyang Academy sa suot na uniform ng lalaki. Pero nahihirapan siyang aninagin ito.
Nakilala naman siya ng lalaking nanakit kay Charice. Sa takot ng lalaki ay nang lalaki ang mata nitong kumaripas ng takbo palayo sa pinangyarihan. Nakahinga naman ng maluwag si Charice at pilit inaabot ang mga nag kalat niyang kagamitan.
"Are you okay?" Tanong ng kaniyang ka schoolmate. Tumango siya bilang tugon. Inabot naman ng lalaki ang ilang gamit niya at binigay sa kaniya ang mga iyon saka siya nito tinulungang tumayo.
"Who are you?" Tanong niya matapos siyang itayo ng lalaki. He smiled and said..
"I am.." Hindi na naituloy ng lalaki ang kaniyang balak na pag papakilala ng umingay ang buong kalye.
"Ayun siya!" hiyaw ng mahigit trenta katao na sa tingin ni Charice ay mga gangster. Mabilis na kumilos ang ka schoolmate niya at hinila siya pa-takbo palayo sa mga iyon. Hindi maintindihan ni Charice kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. She didn't see his face. She didn't recognized him.
Pero sumama pa rin siya.
Nang makalayo sila ay siya namang saktong pag hinto nila sa Elite Cafè. Doon siya iniwan ng lalaki nang walang pasabi. Ni hindi man lang niya nasilayan ang muka nito.
"Who are you really?" Wala sa sarili niyang sambit. Naisip niya ring hindi na siya nakapagpa-salamat pa rito.