Pumasok na siya sa loob ng Café. Sinalubong naman siya ng mga ka-tabaho niya at binati.
"Good evening, Charice!" sabi ni Hina.
"Hi, Charice!" bati ni Lucy.
"Oh my! What happened to you?" tanong ni Michelle. Inusisa siya ng mga ito. Hindi na siya kumibo kahit bakas sa muka ng mga iyon ang pag tataka kung bakit para ng basahan ang kaniyang damit at may patak pa ng ilang dugo. Haggard na haggard rin siya.
Hinayaan nalang iyon ng mga katrabaho niya at nag simula na silang mag trabaho.
Charice Point Of View
Sa pangalawang pagkaka-taon ay nag tagpo ulit ang landas nila.
This time sa Bar naman sila nag kita.
May lalaking mang babastos sana kay Charice..
"Hi, Miss. Waitress ka ba rito?" malagkit ang tingin at malaswa ang pananalita ng hindi kilalang lalaki nang lapitan nito si Charice. Ka-aalis lamang ni Harriett noon at naiwanan siyang mag isa. Ka-kulay pa naman ng suot niya ang uniform ng mga waitress.
Lumapit lalo ang lalaki at hinipuan si Charice sa may dibdib. Sinampal ito ni Charice.
"Aba't! Punyeta kang babae ka ah!" galit na sikmat ng lalaki kay Charice. Sasampalin rin sana ng lalaki si Charice nang dumating si Rogue. Naunahan ni Rogue ang lalaki at binugbog ito. Tumakbo ang lalaki nang makilala siya.
"Thank you, who are you really? why do you care?" pasalamat ni Charice rito.
"Do you really wanna know?" medyo tipsy ang itsura ni Rogue noon. Dahil naka-inom.
"Y-Yes.." nauutal na sagot ni Charice.
"No one own you except me. No one can touch you, kiss you, taste you like I can. Coz I am the Prince, and you're my obsession." seryoso at malalim ang tingin ni Rogue kay Charice. Nag harumentado naman ang puso ni Charice nang marinig ang salitang iyon.
Kaya lang hinila na siya ni Harriett para umalis.
The Past..
Sobrang raming bulaklak, iba't ibang klase at kulay.. Ang matatagpuan sa'king harapan. Mabini rin ang simoy ng hangin. Dahil sa tulong ng sikat ng araw na hindi ganoon kainit, nangingintab ang mga dahon ng bulaklak at maging sa mga puno. Nag rereflect ang liwanag sa bawat petals ng mga bulaklak.
Sariwang hangin, tahimik na kapaligiran na tanging lagaslas lamang ng tubig sa ilog ang siyang maririnig bukod sa huni ng mga ibong malayang lumilipad.
Ang nakaka-dagdag pa sa ganda ng paligid ay ang kulay ng kalangitan. Asul na asul ang mga ulap at malayang nag papabalik balik ang grupo ng mga ibon. Malaya, payapa at maginhawa.
Marami ring sariwang gulay at prutas sa bandang unahan ng ilog.
Kasabay nang pagdating ng mga tutubi at paru-paro maging tipaklong na dumadapo sa bawat halamang naroon ang pag tunog ng isang piyesa.
Someone play a violin at ang tinutugtog nito ay ang Cannon D.
I search it. Then I found a guy in front of me. Naroon siya sa kabilang side ng ilog. Nakaupo ito sa sanga ng puno. He's wearing a white color of pants. He look like an elite. Blurry ang kaniyang muka, I am so curious about him.
I look around. Doon ko lang napag tanto na kami lamang dalawa ang narito. Kung titingnang mabuti para akong nasa paraiso. O isang fairytale dahil bihira na ang ganitong scenario at lugar. Hindi rin pamilyar sa akin ang lugar na ito.
Bumalik ang tingin ko sa taong nasa aking harap.
Ngayon ko lang siya nakita. Ngayon ko lang siya napanaginipan.
Sa sobrang pag iisip hindi ko na namalayang naka tawid na pala siya. At narito na sa aking harapan. Tatlong dipa ang layo niya sa'kin. Nangunot ang aking noo at nanliit ang aking mata pilit kinikilala ang lalaking nasa aking harapan. Pero malabo talaga.
Hindi ito nag sasalita. Tumigil na rin siya sa kaniyang pag tugtog.
Isang nakaka-binging pag sabog ang umalingawngaw sa paligid.
Nag si-alisan ang mga hayop na kanina'y tahimik lamang.
"Ayun siya! Hulihin niyo ang babaeng iyon! Hinahanap siya ng amo natin!" sigaw ng isa.
"Wag na wag niyo siyang pag bubuhatan ng kamay! Kung hindi tayo ang malilintekan! Papa-kasalan pa siya ni master!" sagot naman ng isa.
"Dalian niyo!" Sigaw ng mga ito at mabilis na tumakbo papunta sa'king direksyon.
Nanaginip lamang ako hindi ba? Bakit ganito ang takbo ng aking panaginip?
Bukod doon, ramdam na ramdam ko ang takot at kaba. Bumibilis at lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi mawari kung anong pas'yang gagawin. Huli na nang magbalak akong tumakbo. Pinalibutan na nila ako.
"Sumama ka samin ng matiwasay! Para mapadali ang aming misyon!" Sigaw ng isa. Umiling ako.
"Hindi. Bakit ako sasama? Ni Hindi ko nga kayo kilala. Saka anong nangyayari?" Naguguluhan kong sambit. Napa-hawak na rin ako sa laylayan ng aking suot na puting bestida.
"Hindi ka namin maaring saktan. Pero kailangan ka namin isama ng sapilitan." akmang hahawakan na ako ng isa pero natigil ito ng paputukan ang kaniyang kamay. Sumirit ang pulang likido sa aking suot na damit kaya nabahiran ito ng dugo maging ang damuhan.
Napangiwi sa sakit ang lalaki. Bakas ang gulat sa aming lahat dahil doon. Kabadong kabado na ako. Agad na pumosisyon at hinanap ng mga ito ang salarin.
Doon ko na narinig ang walang kasing lamig at gwapong boses ng lalaking nakaputi.
"Touch her and your blood will flow in this paradise." malamig ang boses nitong turan. Nanindig ang aking balahibo dahil nakakakilabot ang Boses nito.
Tipong manginginig ang makaka-rinig. Naramdaman ko ang panginginig ng sarili kong tuhod at kamay.
"At sino ka naman? Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa'kin!" sigaw ng lalaking binaril nito. Hindi ko malaman kung saan niya nakuha ang baril.
Bago pa man makakilos ang lalaki ay naunahan na siya ng lalaking nakaputi. Bumaril itong muli at pinatamaan ang mismong gitna ng noo ng lalaki. Napapikit ako at napatakip sa aking tainga kahit na wala namang tunog ang baril na ginamit nito, isa pala iyong silencer.
Nag palitan na sila ng putok at nagulat ako nang mahatak ako agad ng lalaking nakaputi mabilis itong tumakbo at nagtago sa likod ng puno. Humanap ng tiyempo para pabagsakin ang mga kalaban. Sampo iyon, napatay na niya ang isa. Sa pagsilip niya ay sunod sunod niyang inasinta ang mga lalaki kahit gano pa ito kalalayo. Sapul sa noo at dibdib sa mismong puso.
Natulala nalang ako sa takot. Hanggang sa hindi ko na naman namalayang tapos na pala.