Amazing! Wala akong ibang masabi kundi iyan. Anong klaseng paaralan ito? Bakit napakalaki? Para ng tatlong University na pinag sama sama. Napakaganda at napakalawak. Halatang kumpleto sa facilities at high end lahat ng gamit. Ang handa ng structure ng mga building at halatang pang Elite. "Have a great morning!" Bati ni Candice na kinangiti ko. "Good morning! Candice! Harriett!" Nakangiti kong bati. "Finally!" Sambit pa nito. I nodded. Saka sabay sabay kaming pumasok sa gate. Hinarang pa kami ng security. "Excuse me, how may I help you? What do you need in the academy?" Ani baritonong boses ng guard. Pinakita naman namin ang sulat na naglalaman na kami ang exchange student. Tumango siya at iginaya kami sa loob. Pinasamahan niya Kami sa isang batang guard na kasing edad lang namin. Na

