Charice Cassandra Leoferell isang ordinaryong babaeng nagsusumikap makatapos ng kanyang pag aaral bilang scholar sa London Royalty Academy. Labing walong taong gulang. Simula nang bumagsak ang kanilang kompanya dahil sa kilalang mafia ng Underground Society ay nawalan na siya ng emosyon. Hindi lang kanilang kompanya ang bumagsak. Maging ang katawan ng kanyang mga magulang ay bumagsak din sa sobrang stress sa dami ng kanilang utang. Hanggang sa iyon ang maging sanhi ng pagkamatay ng mga ito sa mismong araw ng kanyang kaarawan. Abalang abala si Charice sa pag aayos ng kanyang gamit at mabilis na lumabas ng classroom. Dismissal na kasi sila sa last subject ngayong hapon. Kaya nagmamadali na siya para Hindi malate sa part time job sa Elite cafè. Nilalakad niya pa kasi ito para makatipid sa

