Welcome to Alpha Team

1953 Words
Chapter 9 Huminga ako ng malalim bago pumunta sa gitna. Kaya ko 'to! Phoenix lang 'to! Kung natalo ni Zep ang phoenix ni Flint, kaya ko ring talunin ang-- Napatulala ako ng lumabas sa harapan ko ang isang dragon, galit na dragon! Itatanong ko palang sana kila Flint kung bakit dragon ang nasa harapan ko pero bigla na ako nitong binugahan ng apoy. Mabilis akong tumakbo para maiwasan ko ang binubuga niyang apoy. "Flint bakit dragon ang kalaban ni Selene?" Rinig kong tanong ni Kier kay Flint pero mukang hindi sumagot ang isa dahil hindi ko na narinig ang boses niya. Huminto ako sa pag takbo at humawak sa dalawang hita ko, hiningal na ako dahil dalawang minuto na akong tumatakbo. "WAHH!" Malakas na sigaw ko ng bigla akong makaramdam ng init sa likod ko. Mabilis akong umusal ng spell para mawala ang apoy pero palpak ang spell na sinabi ko dahil may tubig na bigla nalang nag appear sa ulunan ko at bumagsak sa akin. Nawala naman ang apoy pero nabasa naman ako! Hinawakan ko ang likod ko at naramdaman kong butas butas narin ito. Kita na ang panloob ko T_T Mabilis akong nag cast ng spell para mapalitan ang damit ko. Nag glow ang katawan ko ng ilang segundo at pagkatapos ay nawala rin. Matutuwa na sana ako dahil nagawa ko pero ng makita ko ang damit na pumalit ay napa-simangot ako. Bakit gown! Muka ba akong pupunta ng isang ball?! Lalaban ako! "Pft." Narinig ko ang pigil na tawa ni Dustin kaya tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Ngayon lang ata siya naka kita ng lalaban pero ang suot ay gown. "Sorry." Nag peace sign siya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at hinarap ang dragon ni Flint.Siguro kung iisipin kong si Flint ang kalaban ko mananalo ako sa dragon na 'to. Tama! Ibubuhos ko lahat ng inis ko sa dragong 'to! Sana maramdaman ni Flint yung sakit kapag inatake ko yung dragon. Nilahad ko sa magkabilang gilid ko ang kamay ko. Lumabas sa kanan kong kamay ang wand ko samantalang maliit na libro naman sa kabila. Binuklat ko ang maliit na libro at nag cast ng spell, may ugat na lumabas mula sa sahig at kumapit sa dragon. Nagwala ang dragon at pilit kumakawala sa mga ugat na nakapalibot sa kaniya pero kahit anong gawin niya hindi siya makawala sa mga ugat. Buti nga sa kaniya! Magdidiwang na sana ako kaso bigla nalang nakawala ang pangit na dragon. Tiningnan niya ako at mukang mas nagalit siya sa ginawa ko. Nag roar ang dragon at buti nalang nakapag cast agad ako ng spell para maging shield ko, siguro kung wala akong sheild tumalsik na ako sa kabilang banda ng training room. Gaano ba kalakas ang dragon na 'to? Bakit ang dali niya lang putulin yung mga ugat na tinali ko sa kaniya? Nag cast ako ng spell kaya bumaha ang hamog sa training room. Matalas ang sense ng isang dragon kaya dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Nakita kong palingon lingon ang dragon mukang hinahanap ako. Tinapat ko ang wand ko sa dragon at may lumabas na plasma bolts mula dito. Dire-diretsong lumabas ang plasma bolts mula sa wand ko at dumiretso sa dragon, hinaluan ko ng fire magic ang atake ko kaya napasigaw ang dragon sa sakit. Buti nga! ********************************** FLINT GREYSON'S POV Bumaha ng hamog sa buong training room kaya hindi namin nakikita ang nangyayari. Pero nagulat kaming apat ng marinig namin ang sigaw ng dragon na nilabas ko. Ramdam ko ang sakit sa sigaw na nilalabas ng alaga kong dragon at mukang tinamaan siya ng malakas na atake para sumigaw ng ganun. Hindi nag tagal ay humina narin ang sigaw mula sa dragon ko, kasabay nitong mawala ang hamog kaya nakita na namin si Selene na naka-upo sa sahig ng training room at hinahabol ang hininga niya. Wala narin ang dragon na kanina lang ay kalaban niya. "Selene!" Mabilis na lumapit sila Azure, Kier at Dustin sa kaniya. Binigyan pa ni Kier ng tubig si Selene. "Congratulations Selene, You are officialy a member of the Alpha team!" Niyakap ni Azure si Selene pero mabilis na hinatak ni Kier paalis si Azure. "Hindi mo na kailangang yakapin si Selene," poker face na sabi ni Kier. Nag samaan pa silang dalawa ng tingin at parang konti nalang mag aaway na kung hindi lang sila inawat ni Dustin. "Kailangan nating mag celebrate!" Masayang sigaw ni Dustin. "May training mamaya si Selene," putol ko sa pagsasaya nila. "What the hell dude?! Kalimutan mo muna yun, marami pang araw," angal ni Kier. "Yeah, magpakasaya ka naman. Nadagdagan tayo oh," sabi ni Azure. "She need to learn how to control her powers. Yun ang dapat niyang unahin hindi ang mag celebrate. Pwede namang mag celebrate kapag kaya niya ng kontrolin ang kapangyarihan niya," mahabang sabi ko. "Kill joy," rinig kong bulong ni Selene. "What did you say?" Tanong ko sa kaniya. "Wala, wala akong sinasabi," sarcastic na sagot niya. "Mag handa nalang tayo ng hapunan," suggest ni Dustin. "No need, kahit konting salo salo lang okay na samin." Selene said. "Part na yun ng pag we-welcome namin sa inyo since wala ng celebration." Azure reply. "Tama na 'yan, marami pa tayong gagawin," singit ko sa usapan nila. Nag lakad na ako palabas ng training room pero bago pa ako makalabas lumingon muna ako kila Selene. "Welcome to Alpha team Zephyr and Selene Willows," huling sabi ko bago lumabas ng tuluyan sa training room. ___ "Hindi ba pwedeng magpahinga?" Selene asked. "No," maikling sagot ko. "Bakit hindi pwede? Napapagod din naman ako!" Pumadyak padyak siya na parang bata. Tsk, akala naman niya gagana sa'kin ang ginagawa niya. "Tigilan mo ako, mag training ka diyan," matigas na sabi ko at sumandal sa upuan ko. Huminto na siya sa tantrums niya at bumalik na sa training. Kanina niya pa tina-try pataasin ang dalawang bagay ng sabay pero ilang oras na siya hindi parin niya magawa. Paano niya naman magagawa e, mas marami pa ang tantrums niya kaysa sa training niya. Buti nga nagawa niya na ng maayos ang pag gawa ng shapes at kung ano ano gamit ang tubig na patataasin niya sa ere. After ilang minutes nagawa niya na rin ang pataasin ang dalawang bagay ng sabay. "Now try this--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko pinutol niya na ito. "Ano?! Meron pa?! Balak mo talaga akong pag trainin ng isang buong gabi?!" "Yes, diba sabi ko buong gabi kang mag tra-training?" para siyang binagsakan ng malaking building sa itsura niya. Pinaliwanag ko na ang susunod niyang gagawin, mabilis niya naman akong sinunod dahil wala naman siyang magagawa kundi sumunod nalang. Akala ko hindi na siya aangal ulit pero hindi pa sya nakaka isang oras ay huminto na naman siya. "I'm so tired." napa-higa si Selene sa sahig ng training room. We're here inside the training room pero hindi ito yung training room sa academy. Training room sa loob ng dormitory ng Alpha team. "Stand up, I did not say that you can rest." She glared at me but I just raised my eyebrow at her. "Flint, I think that's enough? Baka naman ma-drain ang energy niya sa ginagawa mo," singit ni Kier. They are all here, watching Selene. "Let her rest for a while Flint," singit rin ni Azure. "Bakit ba kayo nandito? Mag tra-training din ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Mabilis na umiling ang tatlo at nanahimik samantalang hindi nag react si Zephyr. Bakit hindi nalang nila gayahin si Zephyr tahimik lang. I turned to Selene but she seemed unconscious while lying on the floor. Damn! Naubos na ba ang energy niya?! Lalapitan ko na sana siya kaso biglang nag salita si Zephyr. "Don't worry she's just sleeping." My forehead creased at what he said. "How did you know?" Tanong ko sa kaniya pero nag kibit balikat lang siya. "I just know." "I'm taking her to the clinic, magpahinga na kayo." sabi ko at nag teleport papunta sa clinic ng school. Pagdating ko sa clinic inasikaso agad kami ng mga healing users. Inihiga ko siya sa isa sa mga kama na nandito sa loob ng clinic. May lumapit na healer sa kaniya at ginamot siya. "Okay naman po siya, pagod lang po. May ginawa po ba siyang sobrang nakakapagod?" Tanong ng healer sa'kin "Training." "Kailangan niya lang po ng pahinga. Sabihin niyo nalang po pag gising niya na 'wag pilitin ang katawan niya kapag hindi niya na kaya." I nodded at what the healer said. Binuhat ko na ulit siya at bumalik na kami sa dorm. Dumiretso na ako sa kwarto niya at hiniga siya. Tsk, bakit ba ako nag alala sa kaniya? "Oo, nga bakit? Ikaw naman may kasalanan kung bakit siya nag kaganiyan." Tsk, tina-train ko siya." sagot ko sa guardian ko. Oo, lahat ng element user may guardian. Gusto ko na ngang papalitan ang guardian ko dahil hindi siya nakakatuwa. "Try mo kayang maging mabait kahit minsan?" Lumabas na ako ng kwarto ni Selene at hindi pinansin ang guardian ko. Blinock ko siya para hindi ko na marinig ang nakakainis niyang boses. Humiga na agad ako pag pasok ko sa loob ng kwarto ko. Damn, feeling ko ang haba ng araw. I am so tired. ___ When I woke up, I immediately took a bath and went downstair. They are all in the dining area except for Selene, I guess she's still sleeping. I shook my head and went upstairs, I went straight to Selene's room. Hindi na ako kumatok at pumasok nalang, as I expected she was still asleep. Pinainit ko ang paligid para magising siya. Hindi naman ako nabigo dahil nag simula na siyang gumalaw at tinanggal niya narin ang kumot na nakatakip sa kaniya. My eyes widened when I saw the clothes she was wearing. Nakasuot lang siya ng nighties. Maikli at manipis, hindi naman yan ang suot niya kahapon. Nagising ba siya kagabi? "Hmm, ang init naman." Umupo siya at humikab. She opened her eyes and met my gaze. Minutes past her eyes slowly widened before shouting. "AHHH!!! WHAT ARE YOU DOING IN MY ROOM?!" Para akong nagising sa sigaw niya. Mabilis akong tumalikod at yumuko. Sh*t! Bakit ba kasi ganun ang damit niya? Mapagkakamalan akong manyak nito, e. "What happened?!" "Bakit ka sumisigaw Selene?" "Did something happen?!" "May nakapasok ba?" Sunod-sunod na dumating ang apat. Tsk, bakit ba sila pumunta dito? "Nothing happened." Mabilis akong humarang sa harapan nila at tinulak sila palabas ng pinto. "Sigurado ka ba?" Tanong ni Kier paglabas namin ng kwarto ni Selene. I just nodded and went downstair first. "Bakit parang namumula si Flint?" Rinig kong tanong ni Dustin bago ako makalayo sa kanila. Fvck! Namumula ako?! Hindi na ako pumunta sa dining area at dumiretso na sa labas, feeling ko kailangan ko ng maraming hangin. Pumunta akong cafeteria at bumili ng pagkain bago pumunta sa magical tree na nasa likod ng school. Ako lang ang may alam sa lugar na 'to dahil ako ang may gawa nito. Tahimik akong kumain hanggang matapos. Paalis na ako ng magical tree ng makarinig ako ng pag sabog. What the- Ano yun?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD