Chapter 8
FLINT GREYSON'S POV
Marahas akong bumuntong hininga at ginulo ang buhok ko. Damn! Kanina pa nag re-replay sa utak ko ang sinabi niya. She has point but hindi naman kasama sa trabaho ng Alpha team ang mag disiplina ng student! Trabaho yun ng Academy!
"Pero kaya mong mag disiplina dahil mataas ang rank mo."
Kanina pa ako naiinis na konsensya ko. I don't need that right now pero kanina pa siya sumusulpot.
I don't want to disappoint the headmaster, the council, my parents, the teachers, everyone. I don't want to disappoint them that's why I'm trying my best to do everything according to my plan. Ayoko namang malaman ng headmaster na ginamitan ko ng kapangyarihan ang isang student
Alpha team is the role model of the Academy. The teachers and students are counting on us. Malaking responsibilidad ang ibinigay sa amin dahil kami ang element users. Kaya dapat matutong sumunod si Selene.
I sighed and stood up. Lumabas ako ng dormitory namin at dumiretso sa room. Pagdating ko sa room wala pa naman ang next teacher namin. Sumulyap ako sa upuan ni Selene pero wala siya dun. Saan naman nagpunta ang babaeng yun?
***********************
HER POV
Ang hirap talagang magpanggap! Bakit ko ba naisip pasukin ang sitwasyong 'to? Dapat kasi nakinig nalang ako sa kaniya. E 'di sana wala ako dito. Nakakainis talaga!
Nandito ako sa cr ng Mystic Academy, wala namang nakakita sa aking pumasok sa loob kaya mabilis akong nag teleport palabas
When I open my eyes I was already outside the academy. I was looking at the academy from afar. I'm still wearing the school's uniform dahil kagagaling ko lang sa loob.
Even though I am far away I can still see the people inside the academy. I smirk, they didn't even notice that I'm not one of them. They didn't notice that I was gone. Even the Alpha team didn't notice me, I'm really disappointed. I thought that the member of the Alpha team are the most powerful students in Mystic Academy but I was wrong. They didn't even notice me! But I can't blame them anyway. I guess I'm so good at acting that's why they didn't notice me.
I laugh like there's no tomorrow. Para akong naglalaro ng chess sa palad ko. But I'll make sure that I will win at the end.
Nag teleport na ako papunta sa Mist Palace. Tiningnan ko ang malaking gate ng Mist Palace. Mabilis akong nakita ng mga guards kaya pinapasok nila agad ako. Para akong reyna habang naglalakad sa gitna ng daan. Ang nadadaanan ko ay puro patay na mga halaman, lahat naman dito sa Mist Palace ay mga patay.
Pag dating ko sa harap ng napaka-laking pinto ay pumasok na ako. Nag lakad ako papunta sa harapan kung nasaan ang throne ng Queen of the Mist
"Dia, you're back. Ano na ang kalagayan ng Mystic Academy?" She asked. Mission ko kasi ang mag manman sa Mystic Academy. Isa ako sa pinagkakatiwalaan ng Queen of the Mist kaya ako ang pinadala niya para gawin ang mission na ito.
Sino pa bang uutusan niya bukod sa akin? Isa lang naman ako sa pinakamalakas na mist user dito sa Mist palace. Mas gusto niya pa nga ako kaysa sa anak niya, paano walang kwenta. Puro arte lang sa katawan ang mayroon, ano nga ba namang aasahan mo sa ganoong mist user?
"The news about the sorceress is true. May sorceress sa loob ng Mystic Academy and kasama siya sa Alpha team," magalang na sabi ko. The eyes of the Queen widened because of the news. Sino ba namang hindi magugulat? Akala nila ay wala ng sorceress pa ang nabubuhay.
Ang mga sorceress kasi ay makapangyarihan. Kapag natutunan na nilang kontrolin ang kanilang kapangyarihan ay mahirap na silang talunin. Pangalawa sa pinakamalakas na kapangyarihan ang mayroon ang mga sorceress, kaya nga pinatay ng dating hari ng Mist palace ang lahat ng mga sorceress na nabubuhay dahil ang angkan ng mga sorceress ay panig sa Flare.
"Hindi ito maaari!" Malakas na sigaw ng reyna. Seryoso siyang tumingin sa akin at sa tingin palang niya alam ko na kung ano ang nais niyang ipagawa sa akin.
"Dalhin o patayin mo ang sorceress na sinasabi mo. Ayokong may humadlang sa mga plano ko," mariing sabi ng reyna.
"I'm sorry but I think I can't do that. Bantay sarado ng royals ang sorceress but don't worry mahina pa ang sorceress. She can't control her powers so habang nagpapalakas siya, bakit hindi tayo umisip ng plano para mawala siya sa Mystic Academy?" Suggest ko sa mahal na reyna. Nag isip siya ng ilang segundo bago tumango.
"Maganda ang naisip mo. Ayoko rin namang mahuli ka nila, mawawalan ako ng tapat na tauhan at anak kapag nangyari yun." I just smiled at what she said. See, she really loves and trust me.
"Mag manman ka lang muna habang hindi pa tayo nakaka-buo ng plano," utos niya sa akin.
"Masusunod po mahal na reyna," magalang na sabi ko at yumuko. Bakit napaka dali nilang paikutin sa kamay ko?
***********************
SELENE'S POV
Nakatingin ako sa langit habang naka-upo sa bench na nandito sa likod ng Academy. Hindi na nga ako pumasok sa ilang subject dahil gusto ko ng fresh air. Gusto kong mag isip-isip
"What are you doing here?" Napatingin ako sa taong naglalakad papunta sa akin.
"Kumakain," sarcastic na sagot ko
"Tsk, pinapatawag ka ni Flint." Umupo si Zep sa tabi ko. My forehead creased, bakit kaya ako pinapatawag ng apoy na yun?
"Why?" I asked Zep.
"Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa test natin sa kaniya?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Anong test? Pa-uso lang naman niya yun, eh! Tapong na ang entrance exam tapos gusto niya meron din siya? Nakaka-inis talaga ang apoy na yun," inis na sabi ko. Mga teacher nga walang pa-test tapos siya meron?
"Kapag pumasa ka magiging official member ka na ng Alpha team kapag hindi..." Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero wala na siyang sinabi.
"Ano?" Tanong ko. Nag kibit balikat lang siya. Ang gandang sagot talaga.
"Tara na." He stood up so I got up too. Nag lakad na kami papunta sa training room dahil dun daw gaganapin ang test ni Sir Flint *note the sarcasm*
Pagdating namin sa loob naghihintay na silang lahat. Seryoso ang mga itsura nila. Anong meron? Bakit napaka seryoso naman nila?
"Good afternoon ladies and gentlemen! Ang gagawin natin ngayon ay parang initiation. Those who pass will be officially member of the Alpha team and those who don't pass will receive punishment. This initiation is to test your skills and power, if you really deserve to be a member of the Alpha team, " mahabang paliwanag ni Dustin.
"I know it's corny pero susuriin lang talaga ni Flint ang galing niyo," singit ni Azure.
"What is the punishment?" I asked.
"You cannot join the Alpha team missions if you don't pass this test," seryosong sabi ni Flint. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Ang pangit naman nun! Kasali ka sa Alpha team pero sa misisons hindi ka pwedeng sumama?!
"Let's start," sabi ni Flint. Nag whistle siya tapos bigla nalang humangin ng malakas. Kumapit ako sa braso ni Zep dahil baka tangayin ako ng malakas na hangin.
May lumabas na phoenix sa gitna ng training room. Don't tell me yan ang kakalabanin namin? Omygosh! Paano naman ako mananalo sa bagay na yan?!
"Ako na ang mau-una." Lumapit si Zep sa harapan ng phoenix.
Pinapanood ng phoenix ang bawat galaw ni Zep. Ano ba kasing ginagawa ni Zep? Bakit paikot-ikot siya sa phoenix?
Pabilis ng pabilis ang ikot ni Zep. Kung normal na tao lang baka hindi na siya nakikita pero ako nakikita ko pa siya. Unti-unti siyang nagpapalit ng anyo. May buntot na siya katulad ng sa fox, white tapos may puti sa dulo ang kulay ng buntot niya. Nagkaroon din ng balahibo ang tenga niya, kakulay ng sa buntot niya. Humahaba rin ang buhok niya at nagiging kulay puti ito. Pati ang mga kuko niya ay humahaba rin. Pag hinto niya sa harapan ng phoenix isa na siyang half magic user, half fox.
Nakita kong namangha sila Kier at Dustin kay Zep pero ako, hindi! Ilang beses ko ng nakita yan. Wala na bang iba? Fox kasi talaga ang anyo niya, kapag naging fox siya napaka-lakas niya. Kung makikita mo ang fox form niya mag suicide ka na kasi dun din naman ang tuloy mo, ang mamatay.
Nag simula ng sumugod si Zep sa phoenix. Nilabas niya ang mahaba niyang kuko at sinugod ang phoenix pero binubugahan siya ng apoy nito kaya hindi siya maka lapit. Nagulat ako ng dumaplis sa balikat niya ang apoy ng phoenix. Ininda niya lang saglit yun tapos bumalik na siya sa pag atake sa phoenix. Ang bilis ng kilos nilang dalawa. Naglalabas ng apoy ang phoenix pero naiiwasan ito ni Zep. Aba! Kung hindi niya ito iiwasan baka masunog siya, buti na nga lang at daplis lang yung kanina kung hindi! Lagot sa akin si Flint, kung ano ano kasi ang pinapagawa! Sobrang arte.
Akala ko hindi matatamaan ng apoy si Flint pero sa kasamaang palad tinamaan ng apoy si Zep, mabilis siyang tumilapon sa kabilang parte ng training room.
"ZEP!" Lalapitan ko na sana siya pero may humarang na apoy sa harapan ko. Tumingin ako kay Flint at nakita ko siyang umiling. Kumuyom ang kamao ko. Balak niya bang patayin si Zep!
"I'm fine," rinig kong sabi niya sa isip ko. Kumalma ako at umayos ng tayo.
"Mag ingat ka naman!" Inis na sigaw ko sa isip ko. Wala na akong narinig na sagot niya pagkatapos nun.
Tumayo siya at nakita kong may butas na ang damit na suot niya. Malamang nasunog dahil sa apoy ng phoenix.
Sumugod ulit siya sa phoenix at nag palabas ng fox fire. Tinamaan agad ang phoenix dahil sunod sunod ang bato ni Zep ng fox fire niya. Lumutang lahat ng weapons sa loob ng training room, lahat ng weapons ay papunta sa phoenix na kalaban ni Zep. Malakas na sigaw mula sa phoenix ang narinig namin ng tumama sa kanya lahat ng weapons. Napatakip pa ako sa tenga ko dahil hindi ko kaya ang lakas ng sigaw niya. Muntik na akong mabingi!
Nakarinig ako ng palakpak kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa tenga ko. Wala na pala ang phoenix na kalaban ni Zep. Nanalo si Zep!
"I'm impressed," sabi ni Flint. Tumigil na ang tatlo sa kaka-palakpak nila at pinuri rin si Zep.
"Congrats Zep!" Sabi ko at yumakap kay Zep, akala ko talaga masusunog na siya ng tuluyan dun sa apoy.
Napatahimik ang lahat ng nandito sa training room kaya tumingin ako sa kanila. Kinabahan ako makita ang tingin nila sa akin. Napalunok ako at umatras, hindi kaya pwedeng bukas nalang? Ramdam ko narin ang pamamawis ng kamay ko dahil sa kaba, takot ay ewan! Feeling ko mababaliw na ako. I'm so nervous right now!
"Go Selene! I know you can do it," naka ngiting sabi ni Kier.
"Easy lang talunin yung phoenix," chineer din ako ni Dustin.
"Syempre easy sa inyong talunin ang phoenix ni Flint! Kaya niyo ng ikontrol ang powers niyo, eh." Naka-pout na sabi ko. Hindi kaya sila madadaan sa aking cuteness?
"We know you can do it to, just believe in yourself," naka ngiting sabi ni Azure. Kumalma ako sa sinabi niya. Tama naman kasi siya, dapat maniwala ako sa sarili kong kaya ko para magawa ko talaga. Hindi dapat ako nagpapa-apekto kat Flint- este sa phoenix niya.
Stay positive Selene! Kayanin mo 'to para sa magulang mo!