New friend and New enemies

2290 Words
Chapter 7 SELENE'S POV "Just forgive her," Kier said to Flint. "Don't make it a big deal, besides she's just starting to control her powers," Azure said. Pinagtatanggol nila akong dalawa kay Flint dahil sesermunan na niya ako. We just finished our class with Sir Ren and instead of going to our next class Flint will scold me first. Nabasa lang ng tubig galit na galit na? Pinatuyo na nga siya ni Azure, eh "Leave," Flint said with so much authority Dustin, Kier and Azure sigh. Tiningnan nila ako na para silang nagso-sorry. Okay lang naman, alam ko namang hindi na nila mababago ang isip ni Flint. Hindi rin naman ako natatakot sa kaniya. Super naiinis lang Zep tap me in my shoulder before they all leave the training room. Nakayuko lang ako at hindi tumitingin kay Flint. Baka magliyab ako kapag tumingin ako sa kaniya "Ano lang ang kaya mong gawin ng tama?" Nainis ako sa tanong nya. Para namang lahat ng ginagawa ko mali! Hindi ko lang naman kayang kontrolin yung wand ko pero kaya kong mag cast ng spell! "Huminga," I answered. I looked at him and I saw the annoyance in his face. He looked at me for a few seconds. Kita kong pinapakalma niya ang sarili niya "Mali ba?" Inosenteng tanong ko. I restrain myself from laughing. Baka pag tumawa ako masunog na talaga ako. "Train yourself. This whole night, you'll be practicing on how to control your powers. I'll be watching you and you will not stop unless I say so." Lumabas na siya ng training room pagkatapos sabihin yun. Nanlaki ang mata ko ng mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. Is he serious?! Buong gabi?! As in?! Pahamak talaga ang bibig ko, eh! Bakit ba ako sumagot ng ganun?! Huhu nakakainis talaga Para akong binagsakan ng langit at lupa paglabas ko ng training room. Kier and others are waiting for me outside the training room "What happened?" Kier asked. "What did he say?" Azure asked. "Are you okay?" Dustin asked "Mag practice daw ako magdamag," maluha-luhang sabi ko. Baka totohanin niya yun. Paano na ang beauty rest ko?! Yinakap ako ni Azure at hinagod ang likod ko "Don't worry I won't let that happen," seryosong sabi niya. Hinatak ni Kier si Azure kaya nabitawan niya ako. Yinakap rin ako ni Kier at tinap ang likod ko "I'm sure his just joking. Don't take it seriously," Kier said. Hinatak ni Azure si Kier, yayakap na sana sa akin si Azure kaso hinatak rin siya ni Kier. Paulit-ulit lang silang dalawa sa paghahatakan. "Don't mind them Selene, mabuti pa mauna na tayo sa next class natin," sabi ni Dustin at pina-una kaming maglakad ni Zep. Nauna na kaming tatlo at hinayaan sila Kier at Azure sa ginagawa nila. --- Pagkatapos ng huling class namin ay niligpit na namin ang gamit namin. Pag labas naming ng room nakita ko si Azalea sa labas "Selene!" she shouted. Kumaway siya sakin kaya kumaway ako pabalik. May kasama siyang babae na sa tingin ko ay new student din. "Arcadia this is my bff Selene. Selene this is our new friend Arcadia," Azalea said. Yumuko lang si Arcadia at hindi nag salita. Naka salamin at oversized na damit, isang nerd. Yan ang ayos ni Arcadia but she's cute. Muka ring mahiyain siya Tumingin si Azalea sa mga kasama ko at nanlaki ang mata niya. Nakalimutan niya yatang kasali na ako sa Alpha team. Mabilis siyang yumuko pero hinawakan ko ang baba nilang dalawa at inangat "Sabay na tayo mag lunch," I said and smile to them. Mukang hindi nila alam ang isasagot sa akin. "Bawal ang no." Ngumiti si Azalea at tumango. Kinawit niya ang braso niya saming dalawa ni Arcadia at hinatak kaming dalawa ni Arcadia. "Grabe nakaka-intimidate naman ang mga royals," Azalea said. "Not really, si Flint lang ang nakaka-intimidate sa kanila," I said and roll my eyes. Hindi parin ako nakaka-get over sa sinabi niya kanina. "Bakit mukang inis na inis ka? What happened? Share ka naman," Azalea said. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari kanina, simula umaga. Lahat talaga kinuwento ko para alam nila kung bakit ako inis na inis sa leader ng Alpha team. "Tama ang first impression ko sa kaniya." Napatingin kami kay Arcadia ng bigla siyang mag salita. Mahahawa kaya siya sa kadaldalan ni Azalea? "Keep it up Arcadia, mag salita ka lang ng mag salita," nakangiting sabi ni Azalea. Nahiya na naman si Arcadia at yumuko. "Magiging madaldal ka rin Arcadia, tuturuan kita kung paano. Anyways, balik tayo sayo Selene. Tama si Arcadia, seryosong tao din ang first impression ko kay Flint pero hindi ko naman alam na ganiyan siya ka higpit. Pero para rin sa iyo yun sana lang wag mag damag talaga! Gosh, sobra na yun! Baka ma-drain naman ang energy mo niyan! Asan ba yang si Flint! Ako ang magse-sermon sa kaniya," galit na sabi ni Azalea. "Sige, dadalhin kita sa kaniya," I said. She stopped and shook her head. "Joke lang! Selene naman, eh! Gusto mo na ba akong mawala sa Mystic World?! Baka maging abo ako ng wala sa oras." Naka-pout na sabi niya. Natawa kami ng mahina ni Arcadia, kanina ang tapang niya. Pagdating namin sa cafeteria nabaling agad samin ang atensyon ng mga students. They began to whisper while looking at us "Look, kasama niya si Azalea." "Kasama rin nila yung nerd." "Eww, bakit may nerd?" "Ang low class naman pala ni Selene." I frowned at what I heard from them. Lalapitan ko na sana sila kaso lang may humawak sa balikat ko "Bitaw Zep," seryosong sabi ko. Hindi ko gusto na ganiyang mga magic user ang- "No, pag-isipan mo lahat ng ginagawa mo Selene," seryosong sagot niya. Nag inhale exhale ako para kumalma. Tsk, pasalamat sila nandito si Zep. "Girl, okay ka lang?" Tanong sakin ni Azalea. "Oo naman." Bumaling ako kay Arcadia "Don't mind them," nakangiting sabi ko sa kaniya. She nodded and smile. "Okay lang ako. Sanay na ako sa ganiyan." Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng ngumiti siya. I know deep inside she's hurting. Sino ba namang hindi nasasaktan kapag nilalait ka? Kumuyom ang kamao ko. Lahat ng nanlalait kay Arcadia ay kinapos ng hininga. Ngumisi ako sa utak ko habang naririnig ko ang paghihirap nila Napakapit ako ng mahigpit kay Arcadia dahil ramdam kong nahilo ako sa ginawa ko. Feeling ko malaking enerhiya ang nawala sa katawan ko. "H-hindi ako makahinga!" "I-I can't breathe!" "H-help!" Nag pa-panic na lahat ng tao sa cafeteria kahit ang mga royals na nasa tabi namin. Binibigyan ni Azure ng hangin ang mga students pero hindi parin yun enough para maging okay sila "SELENE!" I heard a shout inside my head but I just ignored him. "Gosh! Anong nangyayari sa kanila?" Sabi ni Azalea habang tinitingnan lahat ng student na hindi na maka-hinga. "Selene," narinig ko ang mahinhin na tawag sa akin ni Arcadia. Humarap ako sa kaniya. "Okay lang ako." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sure?" I asked. She nodded so tinanggal ko na ang spell sa kanila. Kumapit sa braso ko si Arcadia "Paano mo nalamang ako yun?" I asked her. "Ang sama kasi ng tingin mo sa kanila tapos bigla ka nalang kumapit sa'kin ng mahigpit kaya alam kong ikaw yun. Don't worry aayos na ang pakiramdam mo dahil isa akong healer," sabi niya habang nakatingin sa mga students na naghahabol ng hininga. "Thank you." "Mukang okay naman na ulit sila kaya tara na guys, gutom na ako." Nauna ng mag lakad si Dustin papunta sa isang table. Sumunod naman kami sa kaniya. "Okay lang ba na sa table niyo rin kami?" Tanong sa akin ni Azalea. "Yeah," maikling sagot ko. "Stop doing that," mariing sabi ni Zep sa isip ko. "Binigay ko lang ang nararapat na parusa sa kanila," mariing sabi ko rin. "At sino ka para mag bigay ng parusa!" galit na sigaw ni Zep. "Kung ganiyang tao lang rin ang--" naputol ang sasabihin ko sana sa kaniya ng biglang hampasin ni Zep ang lamesa. Napa-tingin tuloy lahat ng mga kasama namin sa kaniya. "May problema ka ba Zep?" Tanong ni Azalea kay Zep. "Okay ka lang bro?" Dustin asked. "Yes, I'm fine. I just need some fresh air. Excuse me." Tumayo siya at lumabas ng cafeteria. Nakatingin ako sa likod ni Zep habang papalabas siya. I sigh, hinayaan ko na namang lamunin ako ng emosyon ko. Hindi talaga kapangyarihan ko ang dapat i-control, eh! Yung emotion ko! "Ngayon ko lang nakitang ganun si Zep, does he have a problem?" Bulong na tanong sa akin ni Azalea. "Ewan, hindi naman pala kwento yun," I said. "Paano tayo o-order?" Napatingin kami kay Arcadia ng bigla siyang bumulong sa amin. "Hindi na kailangan pang pumunta sa counter," sabi ni Kier. Mukang narinig niya ang tanong ni Arcadia. Magta-tanong palang sana kami kung ano ang ibig niyang sabihin ng biglang may lumitaw na fairies sa harapan namin. Tinanong nila ang gusto naming kainin kaya sinabi namin. "Ang bongga talaga pag Alpha team," kinikilig na sabi ni Azalea. Wala pang limang minuto dumating na ang food namin. Kumain kami at pagkatapos ay nagpahinga ng saglit. Pinatawag ng headmaster sila Flint kaya kaming tatlo nalang ang natira sa table. "What are you doing at the table of the Alpha team, nerd?" We looked at Arcadia's side because someone spoke "Kasama ko siya." Tumayo ako at tumingin sa babaeng nasa harapan ko. "You're the new member of the Alpha team, right?" She asked. I nodded, sino ba 'to? "I'm Victoria the soon to be new member of the Alpha team. Dapat ako yung princess ng Alpha team but bigla ka nalang dumating," she said smiling. Tsk, ang fake ng smile niya. Pinigilan ko ang sarili kong tumaas ang kilay. "Anyways, bakit nandito ang nerd na 'to?" She asked and looked at Arcadia. "Stop calling her nerd, may sarili siyang pangalan," kalmadong sabi ko. "Masama bang tawagin siyang nerd? And pwede ba? Masyadong special ang table na yan so 'wag kang nagpapa-upo ng kahit na sino. Bago ka palang pero para kang boss umasta." Inirapan niya ako at hinawi ang buhok niya. Sabunutan ko siya diyan, eh. "Selene, tama na. Hayaan mo na yan." Tumayo na rin si Arcadia at Azalea. Hinahatak nila ako paalis pero hindi ako nagpapahatak. "Bakit ikaw? Hindi ka naman member pero nakiki-alam ka. Stop assuming, you will never be a part of the Alpha team." Her eyes widened and point her finger to me. "b***h," gigil na sabi niya. Kalmado lang akong nakatingin sa kaniya. Naramdaman kong ginagamitan niya ako ng powers niya kaya nag cast ako ng spell "Ouch!" Daing niya at hinawakan ang ulo niyang walang laman. Ngumisi ako, gagamitan niya pa ako ng powers, ha. Buti nga sa kaniya. May humawak sa balikat ko kaya napatingin ako dun. Nakita ko si Flint na seryosong nakatingin sa akin. Hinatak ako ni Flint palabas ng cafeteria. Hindi na ako nakapag-bye kila Azalea dahil ang bilis mag lakad ni Flint Pumasok kami sa loob ng dorm namin. Binitawan na niya ako pag dating namin sa loob. Mabilis akong lumayo sa kaniya at tumingin sa baba. Ayokong salubungin ang mata niya, may kakaiba kasi sa mga mata niya "What do you think you're doing?" Tanong agad ni Flint. Bakit ba ako ang pinapagalitan niya? Ang dapat niyang pagalitan yung bruhang si Victoria. Maganda yung school pero yung mga nag-aaral ang pangit. Hindi ko gustong- "SELENE!" Nabalik ako sa realidad ng sigawan ako ni Flint. Tumingin ako nv diretso sa mga mata niya. "Nauna siya, gumanti lang ako," maikling sagot ko. Maikli talaga ang pasensya ko sa mga ganung magic user. Yung mga mapagmataas. "Gumanti?! Bata ka ba? For pete's sake kasama ka sa Alpha team pero kung umasta ka para kang bata! Bakit mo pinapatulan ang students?" Galit na sabi niya. Mukang napuno na talaga siya, pero mas nakakapuno siya! Hindi ko ma-gets kung anong point niya, eh! "Exactly! Kasali ako sa Alpha team so pwede ko silang pagsabihan. Hindi ko naman pwedeng panoorin na kinakawawa ng ibang magic user ang kapwa nila dahil lang sa tingin nila ay mas mababa ito sa kanila. Alam mo hindi ko makuha ang point mo. Kaya siguro sila ganun kasi kinukunsinti mo. Ginagamit mo ang rank mo para katakutan ka nila, hindi ako na-inform na may hari na pala sa Mystic Academy," I said sarcastically. Naka kuyom na ang kamao niya at kung hindi lang siguro ako babae ay nasaktan na niya ako. "Follow my rules Selene. Bago ka lang kaya matuto kang manahimik at lumugar. Shut your fvcking mouth," he said full of authority. As if naman natatakot ako sa kaniya. Hindi ako lumaking mahina, ipaglalaban ko ang bagay na sa tingin ko ay tama. "Bago lang ako pero hindi yun reason para manahimik lang ako. Akala ko sila na ang malalang magic user na nakilala ko, mas malala ka pa pala." Tumalikod ako at binuksan ang pinto pero bago ako lumabas tumingin ulit ako sa kaniya. "Wala akong sinusunod na rules, sinusunod ko kung ano sa tingin ko ang tama," seryosong sabi ko bago lumabas. Pag labas ko napahawak agad ako sa dibdib ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko! Haist! Bakit ko ba kasi siya sinagot?! Baka dagdagan niya lang ang parusa niya sa akin, eh! First day ng pasukan naka-kuha agad ako ng dalawang sermon mula sa leader ng Alpha team. Hindi pa tapos ang araw ko pero dalawang sermon agad! Kaaway ko na nga si Flint dumagdag pa si Victoria. Ano pa kayang mangyayari sa susunod na araw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD