Chapter 6
SELENE'S POV
I woke up because I felt like someone was watching me. I sat on my bed and yawned, nag stretch narin ako ng katawan. Grabe ang sarap ng tulog ko, ang lambot ng kama. Siguro dapat kumuha ako ng isang kama dito tapos dalhin ko sa orphanage para may malambot silang tutulugan.
When I looked in front of me I was surprised to see Flint. What is he doing here? Kanina pa kaya siya nandyan? Kanina niya pa ako pinapanood?
"A-anong ginagawa mo dito?" I asked him. Grabe naman sya makatingin, para akong kakainin.
"Don't you know what time it is," he said calmly. Kalmado pero nakakatakot.
"N-no?" Hindi siguradong sagot ko. He shook his head.
"You're late for the first subject. First day of school but here you are sleeping soundly, wala sa bokabularyo ng Alpha team ang salitang late, Miss," seryosong sabi nya bago lumabas ng kwarto ko. Bakit ba pakiramdam ko ang init ng dugo niya sakin? Did I do anything?
Kinuha ko ang orasan na nasa gilid ko. My eyes widened when I saw what time it is, five minutes nalang mala-late na talaga ako!
mabilis akong pumasok sa cr at naligo. Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin hinokus-pokus ko nalang ang pagbibihis. Nagsabi ako ng spell at wala pang isang minuto nakabihis na ako at maayos na ang itsura ko
I picked up my things and quickly got off. Pagdating ko sa baba may naamoy akong mabango, parang amoy pagkain. Shall I eat first? I looked at my watch, may 3 minutes pa naman ako. Mag te-teleport nalang siguro ako papunta sa room
when I arrived at the dining area I saw them eating breakfast. Bakit hindi pa sila naka uniform? Si Flint lang ang naka uniform pero akala ko ba malapit na mag time? Bakit kumakain pa sya? Akala ko ba wala sa bokabularyo ng Alpha ang late?
"Oh your already here," Dustin said. They looked at me and greeted me.
"Good morning, let's eat," Kier said.
"Upo ka na," sabi naman ni Azure.
"Bakit hindi pa kayo nakabihis? We are going to be late," sabi ko at umupo sa tabi ni Zep. Buti pa sila binati ako, itong bestfriend ko hindi man lang ako tiningnan.
"Late? Maaga pa." Kier pointed to the clock hanging here in the dining area. Mabilis nag init ang ulo ko ng makita kung anong oras palang. Bwisit na Flint!
I looked at Flint but he didn't even pay attention to me. Nakakainis talaga sya! He woke me up early for nothing! Nagmadali pa naman ako
"Early person ka rin pala katulad ni Flint," Kier said. I just smile and did not speak, gusto ko sanang sabihin na salamat sa leader nyong baliw kaso 'wag nalang. Baka masunog ako ng wala sa oras.
After we ate they went upstairs and did what they had to do. Naiwan ako dito sa sala kasama si Flint. He's reading a book na hindi ko alam kung tungkol saan, wala rin naman akong pake sa binabasa ng apoy na 'to
"What?" I quickly averted my eyes as our eyes met. Hindi ako nag salita dahil ayoko siyang kausapin tsaka kinakausap ko lang yung mga taong close ko.
"Just be thankful because I woke you up. If I hadn't woken you up you might still be asleep," masungit na sabi nya. What? I should thank him? No way, mas gusto ko pang mapipi kaysa magpasalamat sa kanya.
Hindi ko nalang sya pinansin at kunwaring busy sa pag-aayos ng gamit ko. Bakit ba ang tagal nila? Kinain na ata ng banyo ang mga yun, eh
"Tara na." Tumingin ako sa hagdan at nakita ko silang pababa na. Naka-akbay si Kier kay Dustin, naka pamulsa naman si Azure habang naka poker face lang si Zep. Walang emosyon ang lalaking yan kaya laging naka poker face.
lumabas na kami ng dorm at nag lakad papunta sa Academy. Pagdating namin sa hallway naka gilid na agad ang mga students. I heard their whisper as we walked in the midlle
"Gosh she's so swerte."
"Ang lakas nya siguro."
"Ang ganda nya talaga."
"Ang swerte ng Alpha team at nagkaroon sila ng anghel."
"Nakasali sya agad samantalang si Victoria ilang taon ng sumusubok sumali pero lagi syang bagsak."
I ignored them and focus my attention to where I was walking . Para kung may pumatid man sakin maiwasan ko
We stopped walking when we reached our classroom. Naunang pumasok si Flint, dapat ako ang mauuna dahil sabi nila Azure ladies first daw muna kaso pabida sya. Pito ang upuan dito sa loob, bakit kaya pito? May isa pa bang Alpha team? Umupo ako sa gitna dahil ako ang reyna nila, joke! Kung nababasa lang ni Flint ang isip ko baka nawirduhan na sakin yun. Anyways wala naman akong pake sa kanya
Sa kaliwa ko umupo si Zephyr samantalang nasa kanan ko si Kier. Bale ganito ang seating arrangement namin, nasa kaliwang dulo si Flint, katabi nya si Dustin,sunod si Kier, Ako, Si Zep at si Azure. Nakita kong nilagay ni Azure ang gamit nya sa vacant seat, para dun siguro yun
"Kier," tawag ko sa katabi ko.
"Why?" He asked smiling. Buti pa si Kier laging naka smile.
"What is that chair for?" I asked him.
"Para sa gamit ni Azure, maarte kasi ang lalaking 'yan," he said. I nodded and looked to the front, bakit ang tagal dumating ng teacher?
Mukang narinig ng teacher ang nasa isip ko dahil saktong pumasok ang isang lalaki sa loob ng room. Mukang sya na ang teacher namin sa first subject
"Good morning," bati niya.
"Good morning Sir Keith!" bati nila Kier at Dustin sa kaniya. Tinatamad akong mag salita kaya hindi na ako sumagot.
"My name is Keith Laurence your history and magic teacher for this school year," aniya
"Siguro naman magkakakilala na kayong anim kaya hindi na ako magpapa-introduce yourself." Para akong nakahinga ng maluwag sa sinabi ni Sir. Akala ko introduce yourself na naman, eh. Nakakasawa na kaya yung paulit-ulit na introduce na 'yan.
"Dahil may new students idi-disscuss ko muna ang history ng mystic world." Narinig ko ang mahinang angal nila Dustin, Kier at Azure.
"Sawa na akong marinig yan," Kier said.
"History again," bored na sabi ni Dustin.
"Here we go again," Azure said.
"The first war that took place here in the Mystic world was led by King Heather, the King of the mist. Samantalang si Queen Helen naman ang namuno sa mga flare. But after the war Queen Helen disappeared. Kasamang nawala ang Light Mystic Kingdom. Pinapatay rin ni King Heather ang angkan ng mga sorceress dahil sila ay pumanig sa mga flares ngunit may mga nakaligtas na sorceress. After few years nagkaroon ulit ng isa pang digmaan. Pinamunuan naman ni King Luther ang mga mist, siya ang anak ni King Heather. King Luther killed all the sorceress kaya wala ng natira bukod kay Selene." Tumingin sakin si Sir Keith. I just smiled at him.
Ramdam ko rin ang tingin sakin nila Kier pero hindi ko na pinansin. Hindi ko kailangan ng tingin nila na puro awa. I want to kill the Queen of the mist, yun ang kailangan kong gawin.
"Simula ng mawala si Queen Helen, nawala narin ang light magic pero according to the prophecy may bagong light magic holder na," Sir Keith explained.
"Malapit na ang ikatlong digmaan kaya sana mahanap nyo na ang light magic user." Hindi ko alam kung bakit napatingin ako kay Flint. Kung kanina nagbabasa sya ng libro ngayon ay seryoso na siyang nakikinig.
"We will make sure that we will find the light magic user," seryosong sabi ni Flint.
Narinig ko na ang prophecy tungkol sa light magic user na hanggang ngayon ay nawawala. Bakit kaya ayaw niyang magpakita?
Nag-discuss lang si Sir pero hindi na ako nakinig. I know what Sir is teaching because before my parents disappeared, they taught me what I should know
Next class namin is magic class. There are two magic classes in our section, yung isa ay more on discussion lang while our next class will teach us how to control our powers
Kabado ako habang hinihintay ang teacher sa next subject namin. Baka makagawa ako ng kalat dito. Tapos magalit na naman si Flint, mainit pa naman ang ulo nun sa akin
Pag dating ng teacher lumipat kami sa training room dahil maliit lang ang room namin para sa powers na hawak namin. Lalo na si Zephyr, baka masira ang room kapag nagpalabas sya ng dragon hahaha!
"Good morning class! My name is Ren, you can call me Sir Ren. I'm your magic teacher." Kumindat sa akin si Sir. Hindi ko alam ang ire-react ko kaya awkward nalang akong ngumiti.
"Gross!" Dustin said.
"Sir bata pa si Selene," Kier said.
"Matanda ka na Sir," Azure said. Zephyr just shook his head.
"Masama bang kumindat? Anyway kaya nyo na bang i-control ang powers niyo?" Tanong ni Sir saming dalawa ni Zep.
"Medyo kaya ko na po," magalang na sagot ni Zep.
"Slight?" Hindi siguradong sagot ko.
Pumitik si Sir at bigla nalang may lumabas na lamesa sa harapan ko. There's a glass in the middle of the table, the glass in the middle is full of water. Anong gagawin ko dito? Iinumin ko ba?
"Flint, Kier, Azure, Dustin and Zephyr gusto kong palabasin nyo ang kapangyarihan nyo at sanayin itong lalo. Palakasin at mas kontrolin nyo ang inyong kapangyarihan. Selene I want you to control the water inside that glass. Do whatever you want, make shapes or whatever basta kailangan mo itong makontrol," Sir Ren explained. I nodded and look at the glass in front of me.
You need to focus Selene! You need to do this right! You need to control your powers! Sana lang makisama ang wand ko
Inangat ko ang kamay ko sa gilid ko tsaka ko pinalabas ang wand ko. Bumagsak ang wand sa palad ko kaya hinawakan ko itong mabuti. I took a deep breath bago itapat sa baso ang wand ko
Kaming mga sorceress ay may wand, our wand becomes staff when we can control our powers well. Pwede kaming gumamit ng spell sa wand pwede ring hindi. Minsan gumagamit ako ng spell sa wand ko, minsan naman hindi
Tumingin muna ako sa mga kasama ko, nagsisimula na sila sa pinapagawa ni Sir Ren. May kanya-kanya kaming space para hindi namin magulo ang bawat isa.
Mapapa-wow ka nalang kung makikita mo sila. Si Dustin ay nagbabato ng mga malalaking bato sa harapan nya habang lumilindol sa pwesto nya. Si Kier ay gumagawa ng malaking water ball, kinukuha nya lahat ng tubig na malapit sa paligid nya. Si Azure ay nakalutang sa hangin, gumagawa sya ng napakalakas na hangin pero hindi man lang sya natatangay nito. Si Zephyr naman ay nag summon ng isang serpent at isang napaka laking oger. Kinakalaban nya ang oger na sinummon nya
Tiningnan ko silang apat. Dapat ko bang tingnan ang ginagawa ni Flint? Baka mamaya makita nya akong nanonood sermunan lang ako nun, eh! Pero dahil curious ako sa ginagawa nya ay tumingin ako
Naging kulay pula na ang buhok niya, may mga apoy na nakapalibot sa kanya at may nakalutang sa kamay niya pero wala kang makikitang pawis sa katawan nya. Parami ng parami ang apoy at papula rin ng papula ang mata nya. Hindi kaya maubos ang enerhiya niya sa ginagawa niya? Pero ano bang pake ko kung maubos nga? E'di mabuti! Ng mawalan sya ng malay.
Tiningnan ko silang lima at bumuntong hininga. Buti pa sila magaling!
Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at nag focus sa baso sa harapan ko. Nag sabi ko ng spell kaya unti-unting umangat ang tubig na nasa loob ng baso. Napangiti ako dahil nakokontrol ko ng maayos ang powers ko. Buti naman at nakikisama ang wand ko today
Gumawa ako ng heart shape sa tubig pero bigla nalang itong nagpaikot-ikot sa ere. My eyes widened, mukang nagkamali ako! Hindi pala nakikisama ang wand ko!
I started to panic because I can't control the water anymore. Nagsimulang gumalaw ang tubig papunta sa gawi nila Flint kaya mas nag-panic ako
"Ilag!" I shouted but it's too late. Namatay ang apoy sa kamay ni Flint dahil sa kanya tumama ang tubig.
I bit my lip when I saw Flint's reaction. Bakit kay Flint pa napunta yung tubig?! Pinapahamak talaga ako ng kapangyarihan ko, eh! Mukang sermon tuloy ang aabutin ko!