The last sorceress

2390 Words
Chapter 5 SELENE'S POV "Okay ka na ba?" Tanong ni Azalea sakin. Tumango ako at uminom ng tubig. Nandito kami sa clinic para mabilis bumalik ang energy ko na nawala kanina sa laban. Magka-kilala narin si Zep at Azalea. Pinakilala ko sila sa isa't isa "Tara na sa hall," sabi ko at tumayo na. "Sure ka ba? Okay ka na?" Tumango ulit ako sa tanong ni Azalea. "Wag mo intindihin yan. Kagat lang ng langgam ang natamo nya." Siniko ko si Zep sa sinabi nya. Ang ingay talaga. "Huh? Panong––" "Wag mo intindihin yan, tara." Nauna na akong mag lakad papunta sa hall. Pag dating namin sa hall napa-tingin sakin ang mga student. Hindi lang new student ang nandito, pati mga dating student. Kahit ang alpha team na nasa harapan ay nakatingin sakin. Nag simula na ang bulungan tungkol sa pagiging sorceress ko Umupo kami sa vacant seat at hinintay ang headmaster at ang mga professor. Ilang minuto lang ay napuno ng usok ang stage ng hall, nang mawala ang usok nakita namin ang headmaster kasama ang mga professor "Good morning everyone! Again, welcome to Mystic Academy." Nag palakpakan ang student sa sinabi ng headmaster. Kami lang ata ni Zep ang hindi pumalakpak sa sinabi nya. "Lilitaw sa inyong harapan ang isang papel na nagla-laman ng schedule at section nyo." Pagkatapos sabihin ng headmaster yun may lumabas na papel sa harapan ng bawat student pwera samin ni Zep. Umingay ang buong hall, naka-rinig kami ng iba't ibang reaction mula sa students. Yung iba masaya, yung iba malungkot. Bakit kaya? "This year may madadagdag na dalawang member sa Alpha team," biglang tumahimik ang paligid at nag bulungan ang mga student. Parang kanina lang ang ingay nila at pinag-uusapan ang section nila tapos ngayon yung bagong member ng Alpha team na. "Zephyr and Selene maaari bang pumunta kayo sa harapan." Nagka-tinginan kaming tatlo ng bigla kaming tawagin ng headmaster. Anong meron? Tumayo kami ni Zep at naglakad papunta sa stage. Habang nag la-lakad kami naririnig ko ang bulungan nila "Ang swerte naman nila." "Bakit pati yung babae? Hindi naman sya malakas." "Sorceress kaya sya." "Kahit na. Sorceress lang, baka nga tumalsik yan kapag ginamitan ko ng magic." Tumaas ang kilay ko sa narinig ko. Yabang. "Anong nangyayari sayo?!" Napatigil kami sa pagla-lakad at napatingin sa dalawang babaeng nag-uusap sa likuran namin. Actually lahat kami napa-tingin sa kanila dahil sa sigaw ng kaibigan nya. "H-hindi ako m-maka... H-hinga," hirap na sabi nya. Nag-panic ang lahat, may mga healer narin na papalapit sa direksiyon nila pero bigla nalang siyang huminto sa kaka-sagap ng hangin. Mukang bumalik na sa dati ang pag hinga niya dahil okay na ulit siya. Tumingin sakin si Zep pero nag kibit balikat lang ako. Nag lakad na ulit kami papunta sa stage at humarap sa kanila pag akyat namin. "Introduce yourself," sabi ng headmaster samin. Kailangan ba talaga sa buong student ng academy kami mag pakilala? "Zephyr Godwin. Mythical creature summoner," after he spoke we heard a loud roar mula sa labas ng hall. Tsk, wala namang sinabing ipakita ang powers. Nagpalakpakan ang lahat ng student. Yung mga babae kulang nalang sambahin si Zep sa sobrang palakpak. Pakain ko kaya sila sa mythical creatures na nasa forbidden forest? "Selene Willows. Sorceress," maikling pakilala ko. Mukang nagulat sila ng banggitin ko ang last name ko. Well, sikat lang naman ang last name ko sa school na 'to. Sikat kasi ang parents ko dito sa school dati. "Yeah, I'm the one and only daughter of Diane and Albert Willows," napa-woah sila sa sinabi ko. Ang mga magulang ko ay miyembro ng council dati pero dahil sa ikalawang digmaan namatay sila. Kaya ako nandito para matutong kontrolin ng lubos ang kapangyarihan ko at ng magantihan ko ang taong may gawa nun sa mga magulang ko. Nag announce pa ng konti ang headmaster bago kami pabalikin sa mga dorm namin. Bukas na kasi ang first day of school. Sinabi rin ng headmaster na ayusin na namin ang mga gamit namin dahil lilipat na kami sa dorm ng alpha team. "Sabi na, e! Kaya familiar sa'kin ang last name mo!" sigaw ni Azalea pag pasok namin sa dorm. I just shrugged and went straight to my room to fix my things. Ang sabi kasi ng headmaster lilipat na naman kami ng dorm. "Wala na naman akong kasama dito," malungkot na sabi ni Azalea habang tinutulungan akong ayusin ang gamit ko. Nandito kami sa kwarto ko at nag-aayos ng gamit. "E'di lumipat ka sa dorm ng Alpha team," balewalang sagot ko. "Hindi pwede no! Bawal ako dun tsaka mahigpit si Flint," mabilis na sabi nya. Bakit ba takot sila kay Flint? "Walang rules sakin," sabi ko at itinayo na ang bagahe ko dahil tapos na kami "Tara," sabi ko pero umiling lang sya. "Ayaw mo?" Tanong ko. "Ayoko pang mamatay." I roll my eyes, as if I'm gonna let that happen. "Bahala ka nga. Ayaw mo namang maniwala sakin." Tumalikod na ako at hinatak ang bagahe ko palabas. "Kinakabahan kasi ako sa gusto mo, eh." "Ano namang nakaka-kaba dun?" Tanong ko "Lahat! First of all, hindi dapat kinakalaban ang leader ng alpha team! Hindi mo ba alam kung pano sya pag parusa ng mga magic user na hindi sumusunod sa rules?" Umiling ako sa tanong nya. "Obviously hindi." She just shrugged my answer and continue talking. "Sobrang hirap ng parusa nya! Kaya no, no at no! Kahit gusto kong pumasok sa dorm ng alpha--" Hinawakan ko ang braso nya at nag teleport kami papunta sa dorm ng alpha team. Tinakpan nya ang bibig nya ng ma-realize na nandito kami sa loob ng dorm ng alpha team "I'm so gonna die. Mumultuhin talaga kita pag namatay ako," bulong nya at mabilis na nag tago sa likod ng kurtina. Para syang ewan. Lumakad ako sa cabinet at nilagay dun ang mga gamit ko. Alam ko namang kwarto ko 'to. Bakit ko alam? Wala lang, alam ko lang "Lumabas ka na dyan. Aalis na ako maya maya, baka gusto mong maiwan dito," sabi ko habang inaayos ang gamit ko. Lumabas naman agad sya sa likod ng kurtina "What are you doing? Hindi ka nga sure na kwarto mo 'to tapos naglalagay ka na agad ng gamit mo?" Bulong na naman nya. Buti nalang malakas ang pandinig ko. "Sakin ang kwartong 'to," sabi ko "Pano mo nalaman?" "Dahil nahulaan ko. Tingnan mo walang laman ang loob ng kwarto. It means walang nakatira." Tumayo ako dahil tapos na ako sa gamit ko. Konti lang naman kasi ang gamit ko. "Well, may point pero kahit na! Kapag talaga nalaman 'to ni Flint patay tayong dalawa," bulong na sigaw nya. Kanina pa sya Flint ng Flint, pake ko ba sa apoy na yun. "Tara na nga. Baka mamatay ka pa sa heart attack." Hinawakan ko ulit sya sa braso at nag teleport pabalik sa dorm nya. Nang makitang nakabalik na kami parang naka-hinga sya ng maluwag. Niyakap nya pa ang pader na nasa gilid nya "Omy! Akala ko ito na ang last day ko sa mystic world! Namiss ko ang dorm ko!" Napa-iling nalang ako. "Nandito na ako," sabi ni Zep sa isip ko. "Tara na. Baka nasa baba na si Zep," sabi ko kay Azalea kaya napa tigil sya sa ginagawa. "Sige! Gusto ko na ulit makita ang gwapo si Zep," masayang sabi nya. Kanina lang a-atakihin na sa puso tapos ngayon kinikilig na. Lumabas na kami at bumaba sa lobby ng dorm. Nakita agad namin si Zep sa labas ng girl dormitory. "Hi Zep!!" Kumaway si Azalea kay Zep habang ngiting ngiti pero tipid na kinawayan lang sya ni Zep. "Tara na. Baka naghi-hintay na ang mga mahal na prinsepe," sabi ko at nauna ng mag lakad sa kanila. "Mami-miss kita Selene kahit ang tahimik mo sa loob ng dorm."Naka pout na sabi ni Azalea. "Sabi ko kasi sayo sa Dorm ng alpha team ka na tumira," sabi ko pero katulad kanina umiling lang sya. "Hayaan mo na yang si Selene. Napaka-kulit nyan, hindi marunong sumunod sa rules," singit ni Zep. Kahit kailang talaga! Mag-sasalita na nga lamg pangit pa lumalabas sa bibig nya. "Wala kasing rules, rules sakin." I roll my eyes. Psh, kahit anong gusto kong gawin ginagawa ko no. "Alam mo parang may iba talaga sayo. Hindi ko lang alam kung ano pero may iba talaga." Humawak si Azalea sa baba nya at tumingin sakin. Mukang sinusuri nya ako. Saglit akong tumingin kay Zep bago ibalik sa kanya ang tingin "Ano namang iba? Maganda ako pero wala namang kaka-iba sakin," sabi ko at hinawakan ang muka ko. "Hindi yun! Basta may iba talaga." Tumingin ulit ako kay Zep para mang hingi ng tulong. "May kaka-iba talaga sa kanya. Baliw yan, eh. Tara na nga baka naiinip na ang mga nag-hihintay samin." Nauna ng mag lakad si Zep kaya sumunod na kami sa kanya. Buti naman at tumigil na si Azalea sa kaka-tanong kung ano ang kaka-iba sakin. Hinatid nya kami hanggang sa labas lang ng mansyon ng alpha team dahil bawal nga sya sa loob. Kasing laki ng dorm namin ang dormitory ng alpha team pero ang pinag-kaiba ay sila lang ang naka tira dito. Galing diba? May mansyon sa loob ng Academy "Bye Selene." Yumakap sakin si Azalea tapos sunod kay Zep. Tsansing lang! "Bye Zep. Mami-miss ko kayo," sabi nya na parang maiiyak na. "Mami-miss? Nasa iisang school lang kaya tayo." Kunot noong sabi ko "Syempre nasa Alpha team na kayo. Mas busy na kayo tapos mag kaiba na tayo ng rank." Naka-pout na sabi niya. "Napunta lang kami sa Alpha team pero student parin kami. Tandaan mo na pantay pantay tayo dito, kahit may dugo silang maharlika at kahit element user pa sila maliit ang chance na ma-ipanalo nila ang digmaan dahil kulang ang kapangyarihan nila kung wala ang light magic user. Mas malakas satin ang Queen of the mist," seryosong sabi ko. Ngumiti sya at tumango. "Noted! Sige na, pumasok na kayo baka naiinip na ang royal kaka-hintay sa inyo." Tinulak nya kaming dalawa papasok ng dorm. "See you tomorrow!" Kumakaway na sabi nya. Kumaway ako pabalik. "See you." Pumasok na kaming dalawa ni Zep sa mansyon ng Alpha team. Bumungad samin ang apat na lalaki. Naka-tayo sila at mukang kanina pa naghihintay sa pag dating namin. Nakangiti ang dalawa samin, nakangisi naman ang isa habang blangkong naka tingin samin ang lalaking may pulang mata "Welcome to Alpha team Selene and Zephyr," masiglang sabi ng lalaking may kulay Berde at asul na mata. Kinamayan ng may kulay sky blue na mata si Zep at hinalikan nya naman ang likod ng kamay ko. Awkward akong ngumiti sa kanya. Muka syang playboy "My name is Flint Greyson, ako ang leader ng Alpha team. May dalawang vacant room sa taas, pumili nalang kayo kung anong kwarto ang gusto nyo. Bukas ang first day of school kaya mag handa kayo dahil pagkatapos ng klase ay titingnan ko kung karapat dapat kayo sa Alpha team," sabi ng lalaking may pulang mata bago umalis at umakyat sa taas. Ano yun? Hinintay nya kami para sabihin lang yun? "Hayaan nyo na si Flint. Strict lang talaga yun," sabi ng lalaking may kulay berdeng mga mata. "My name is Kier Lennox, ako ang water magic user." Nakipag kamay ang lalaking may asul na mata saming dalawa ni Zep. "Ako naman si Dustin Kingsley, ang earth magic user," masayang sabi ng lalaking may kulay berdeng mata. Nakipag kamay rin sya samin ni Zep. "My name is Azure Lincoln. Nice to meet you," sabi ng lalaking may kulay sky blue na mata. Sya yung mukang playboy, Azure pala ang panglan nya. "Tara, ito-tour namin kayo sa dorm," sabi ni Kier. Buti pa 'tong dalawa mukang hindi masungit samantalang yung Flint masyadong seryoso. Ito namang si Azure ang weird, kanina pa tingin ng tingin sakin eh. "Dito ang living room." Tinuro ni Dustin ang nasa gilid namin. May mahabang sofa at round table sa living room. "Dito naman nakalagay ang portrait ng mga nagiging Alpha team." Tinuro ni Kier ang nasa kaliwa namin. Pader ito na puno ng portrait. Nag lakad kami para makita ang bawat isang nasa portrait. Hindi ko kilala ang ibang nasa portrait pero napa-hinto ako ng makita ang mga magulang ko na naka-hilera sa mga portrait na nandito. Malungkot akong ngumiti. Sana proud sila sakin dahil naka bilang rin ako sa Alpha team "Sorry Selene," sabi ni Dustin at tinapik ang balikat ko. Tipid akong ngumiti sa kanya. "Okay lang. Matagal na yun," sabi ko. Nag lakad na ulit kami hanggang makarating kami sa dulo ng portrait. "Bukas ay maglalagay narin ng portrait nyo dito," sabi ni Azure. Tumango kami at nag lakad ulit. Nakarating kami sa dinning area ng dormitory. "Ito naman ang dinning area. Pag pumasok ka sa pintong ito makikita mo ang kusina," sabi ulit ni Azure. "May nagluluto na ng pagkain namin dito kaya hindi na kailangan mag luto," Dustin explain. Umalis na kami dun at umakyat sa taas. Nakita namin ang anim na kwarto "Ito ang kwarto ni Flint, Azure, Kier at ang sakin." Tinuro ni Dustin ang kwarto nila. "Mamili nalang kayo sa dalawa kung ano ang gusto nyo," sabi ni Kier. "Ang pintong ito ay ang library. Dito rin ginaganap ang meeting ng Alpha team," paliwanag ni Azure. "Kung mapapansin nyo konti lang ang laman ng dormitory, yun ay dahil madalas tayong wala dito. Ang Alpha team kasi ay pinapadala sa mga iba't ibang mission kaya halos wala kami dito." Tumango ako sa sinabi ni Kier. So malilibot ko pala ang buong mystic world. "Yun lang naman. Pwede nyo ng ilagay ang gamit nyo sa mga kwarto nyo," sabi ni Dustin. Hinatid pa nila kami sa tapat ng pinto ng kwarto namin. "See you," sabi ko at mabilis na pumasok sa kwarto ko, yung kwartong pinag lagyan ko ng gamit ko kanina. Nilagay ko sa cabinet ang dala kong bag na wala namang laman tapos humiga ako sa kama ko. Naka tingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Ano kayang mangyayari sa mga susunod na araw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD