Entrance Exam

1892 Words
Chapter 4 AZURE'S POV "I think a mist user entered the school last night." I said when I arrived at the dining area. "What? That's impossible." Kier said "Nothing is impossible for mist users especially when the barrier is getting weak." Flint said "Pano mo nasabing mist user ang nakita mo?" seryosong tanong nya "I don't know, tingin ko lang naman kasi ang weird nya." Flint forehead creased "Weird? Paanong weird?" "May hinahawakan syang portrait sa hallway ng school tapos habang nakatingin sya sa portrait may luha akong nakita sa pisngi nya. Hindi ko sya nakilala dahil ang layo ng pagitan naming dalawa pero babae sya." I said and leaned back in my chair. Kagabi ko pa iniisip kung sino ang babaeng yun "Hindi mo sya nahabol?" tanong ulit ni Flint. Umiling ako bago sumgot "Bigla nalang syang nawala." "Maybe you're just dreaming of a girl, Azure!" Kier and Dustin laughed at their nonsense. Pano naging Alpha team ang dalawang 'to? Hindi marunong sumeryoso "Flint." I called him but he just shrugged "Maybe you were just dreaming. Besides, kung mist user yun bakit nakahinto sya sa isang portrait?" Flint has a point, baka new student lang yun. "Hindi nga ako nananaginip." inis na sabi ko "Lokohin mo ang headmaster! Tama na kasi ang day dreaming." tumawa na naman sila Dustin at Kier. Tsk, wala talaga akong mapa-pala sa dalawang 'to kundi kalokohan "Hindi ko na kailangang mag day dream, kaya kong makuha ang lahat nang babae dahil dito." I pointed to my handsome face "Nag yabang na naman, may dugo ka kasing maharlika kaya nagka-kagusto sayo ang mga babae. Hindi dyan sa muka mo." sabi ni Kier na inggitero kahit kailan "Atleast gusto nila ako. Ikaw? May dugo ka ring maharlika pero walang nagta-tangkang lumapit." ngumisi ako sa kanya "Oh! Nabasag ka pre!" sabi ni Dustin at tinapik sa balikat si Kier. Tinabig ni Kier ang kamay nya at tahimik na kumain. Nasa akin ang huling halakhak "That's enough. Ngayon ang entrance exam, wala ba kayong balak manood?" tanong ni Flint "Boring." I answered "Busy ako ngayon." sagot ni Darwin. Samantalang umiling lang si Kier "One of our missions is to find the light magic user. Didn't you think that maybe she is already here and she's one of the new students?" mahabang sabi nya "Bro, ilang taon na nating hinahanap yang light user na yan? Kung hawak nya ang light magic siguro naman makikita natin sya agad." balewalang sagot ko "Mahirap hanapin ang taong ayaw magpa-hanap." sabi naman ni Darwin "Pano mo nalamang ayaw nyang magpa-hanap?" tanong ni Flint "Nararamdaman ko lang." kibit balikat na sagot nito "Wala kayong magagawa, bilang leader ng alpha team panunuorin natin ang entrance exam." umangal kaming tatlo sa sinabi nya. Aish! Mahihinang nilalang ang nandun, eh. Nakaka-antok panoorin _____ Habang naglalakad kami sa hallway pinagtitinginan na kami ng mga students. Bumubulong lang sila habang naka-gilid dahil ayaw ni Flint ng maingay, edi pag nag-ingay sila natusta sila diba? "Ano ba Zep! Sabi ko sayo gusto ko pang kumain, eh!" we stopped when the woman in front of us shouted. Tatlo silang nasa unahan namin, dalawang babae at isang lalaki. Ang babaeng nasa gitna ang sumigaw "Wag kang maingay, tahimik sila." sabi ng lalaking nasa kanan "Alam nyo iisa lang ang ibig sabihin pag tahimik sila." sabi naman ng babaeng nasa kaliwa. Mukang hindi sya new student "Ano naman?" "Nandyan na ang--" tumingin sya sa paligid tapos sa likuran nya. Her eyes widened and she immediately covered her mouth. Mabilis syang gumilid at yumuko "Ano bang problema mo Azalea? Bakit ka gumaganyan? Muka kang tanga." malakas na sabi ng babaeng nasa harapan namin "Hi."sabi ni Dustin kaya napa-lingon sila samin. Naka focus ako sa babaeng nasa harapan namin, pag harap nya samin natulala ako. Damn! Ang ganda nya kahit may salamin "Who are you?" hinatak ni Azalea ang dalawa papunta sa gilid "Shh. Sila ang alpha team." mahinang bulong nya na hindi nakatakas sa pandinig ko "Come on." sabi ni Flint at naunang mag lakad. Sumunod na kami sa kanya papunta sa field kung saan gaganapin ang entrance exam. Habang naglalakad kami papunta sa field hindi mawala sa isip ko ang babaeng nakita namin kanina. Ang ganda nya talaga! ***************** SELENE'S POV "Ganun ba talaga dito? Pag dadaan ang alpha team kailangan gigilid lahat ng students?" tanong ko kay Azalea habang nagla-lakad kami papuntang field "Yep, pagpapakita narin ng respect yun dahil royals sila." tumango tango ako habang naka-tingin sa likod ng royals. Nasa harapan kasi namin sila Pag dating namin sa field umupo na kami sa vacant seat at hinintay ang headmaster. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid at sakto namang tumama ito sa pwesto ng alpha team. Nag tama ang mga mata namin ng lalaking may kulay pulang mata. Sa tingin nya palang parang sinusuri nya na ako. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at tumingin sa harapan. Umusok ang gitna ng field at ng mawala ito ay nakita namin ang headmaster na naka-tayo sa gitna. "Good morning students!" nag-hiyawan ang mga student sa masiglang bati ng headmaster. Kami lang ni Zep ang nanatiling tahimik "I hope you were able to rest well para sa inyong entrance exam." nag lakad ang headmaster at sa isang iglap nasa taas na sya katabi ang alpha team. May upuan kasi sa taas ng field "Para sa inyong exam kakalabanin nyo ang isang mythical creature, dito namin malalaman kung saang section kayo nararapat ilagay. Don't worry dahil hindi naman kayo mamamatay sa laban na ito, papasok kayo sa loob ng barrier na naka-palibot sa stage at pag labas nyo ng barrier ay kusang mawawala ang sugat nyo." paliwanag ng headmaster "So let's begin." tumawag ng pangalan ang headmaster. Babae ang unang natawag na pangalan, pumunta sya sa gitna ng field at unti-unting may lumabas na mythical creature sa harapan nya. Sa itsura palang ng creature alam mo ng hindi ito friendly dahil kung tingnan sya nito para syang kakainin ng buhay Nag simula ng sumugod ang mythical creature na kaharap nya. Nag laban sila ng kalahating oras bago mapabagsak ng babae ang mythical creature. Tumawag ulit ng pangalan ang headmaster hanggang sa si Zep na ang tinawag. "Zephyr." tumayo agad si Zep at pumunta sa gitna. Walang emosyon nyang tiningnan ang mythical creature na kalaban nya "Hoy! Goodluck." sabi ko sa kanya gamit ang isip ko "Basic lang 'to." mayabang na sabi nya "Basic, tumalsik ka sana." itinirik ko ang mata ko dahil sa inis. Ang yabang talaga ng panget na yun Sumugod ang mythical creature na kalaban ni Zep pero effortless syang inilagan ni Zep. Nilabas ni Zep ang weapon nya (espadang may pulang line sa gilid) at mabilis na dumaan sa gilid ng mythical creature. Sa sobrang bilis ni Zep ni hindi na nakagalaw ang mythical creature Narinig ko ang samu't saring reaction ng mga student sa paligid ko "Anong ginawa nya?" "Pfftt, wala namang nangyari." "Akala ko pa naman sumugod, tumakbo lang ata." Pero lahat sila natahimik nang biglang umungol sa sakit ang mythical creature at nahati sa dalawa. Naging abo ang mythical creature hanggang wala ng matira sa katawan nya Suminghap silang lahat tapos pumalakpak. Napa-tayo pa yung iba sa upuan nila. Tsk, pabida talaga si Zep "See, basic." sabi nya sa isip nya "Basic, basic! Epal ka!" ngumisi lang sya sakin tapos bumalik na sa tabi ko "Next, Selene." I swallowed before standing up and going to the stage. Anong gagawin ko? Hindi ko pa kontrolado ang kapangyarihan ko? "Goodluck Selene! Fighting!" sabi ni Azalea "Kaya mo yan." sabi naman ni Zephyr "Kaya ko 'to."sabi ko at huminga ng malalim bago pumunta sa gitna Pag dating ko sa gitna ng field unti-unti ng lumitaw ang mythical creature na makakalaban ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na ng buo ang mythical creature. Bakit parang mas galit 'tong creature na 'to? Tumingin ako kay Zep at naka-ngisi sya sakin "Hayop ka Zep!" sigaw ko sa isip ko pero tawa lang nya ang narinig ko. Huhu, napaka-walang kwenta talaga ni Zep. Ang hilig akong pahirapan! Buti sana kung pwede kong gamitin ang–– "Shet!" sigaw ng isip ko ng biglang sumugod ang mythical creature. Ang bilis ng galaw nya pero buti nalang naiiwasan ko pa Nilabas ko ang wand ko at tinapat sa mythical creature. May lumabas na plasma bolts sa dulo ng wand ko. Pinalakas ko ang plasma bolts kaya ng tamaan sya ay napa-sigaw sya sa sakit. Ngumiti ako, ha! Kala mong halimaw ka, ah! Nakarinig ako ng bulungan mula sa mga student. Mukang nagulat sila ng ilabas ko ang wand ko "Sroceress sya?" "Matagal ng walang sorceress na nabubuhay diba?" "Oo, balita ko namatay na ang mga huling sorceress nung huling digmaan." "Baka naka-ligtas sya?" "Ang cool nya naman." "Sana may powers din akong ganyan." Marami pa akong narinig na reaction mula sa kanila pero hindi ko na yun pinansin. Ang mahalaga sakin ngayon mapatumba ang mythical creature na nasa harapan ko. Bakit kasi kailangan pa akong pahirapan ni Zep, eh! Tumingin ako sa mythical creature at kanina pa pala sya naka-tingin sakin. Wah! Nakakatakot talaga ang tingin nya! Bigla nalang sumugod ang mythical creature papunta sakin. Uh-oh, mukang mali ang desisyon kong patamaan sya ng plasma bolts. Bakit ko ba kasi naisip na gawin yun?! Iiwas palang sana ako kaso nahampas na ako ng halimaw. Tumalsik ako sa kabilang parte ng stage ng ibato ako ng halimaw. Nabitawan ko pa ang wand ko. Pinuntahan ako ng halimaw at pinulot inihampas nya ako sa sahig pero hindi ako tinablan dito dahil sa ginawa kong invisible armor. Ha! Akala nya masasaktan ako sa pag bato bato nya sakin. Matibay ang armor na ginawa ko kaya kahit anong gawin nya hindi ito mababasag Paulit-ulit nyang ginawa yun bago ako ibato na naman. Tumayo ako at binukas ang palad ko para bumalik sakin ang wand ko na tumalsik. Mahigpit ko itong hinawakan at tinapat sa mythical creature na kaharap ko. Pinatamaan ko sya ng plasma bolts hanggang maging mausok na ang paligid. Sumigaw ang halimaw sa sakit pero hindi ko sya tinigilan Tumingin ako sa paligid pero wala na akong makita kundi usok. Umusal ako ng spell kaya napa-hiyaw ang halimaw sa sakit. Unti-unti syang naging abo kasabay ng pagka-wala ng usok. Tinangay ng hangin ang abo nya at usok na naka paligid sakinb Nang nawala ang usok napa-upo agad ako sa gitna ng stage dahil sa sobrang pagod. "Bwisit ka Zep." bulong ko sa kanya. Nandito na kasi sya sa tabi ko. Nang mawala ang usok nag teleport sya papunta dito sa tabi ko. Pano ko nalamang nag teleport? Bigla nalang lumitaw, eh "Congratulations." bulong nya sakin bago ako buhatin "Congratulations ka dyan! Hanggang dito ba naman..." napa-hinto ako sa pag-sasalita ng makaramdam ako ng titig mula sa isang tao kaya tumingin ako sa taong yun. Yung may pulang mata na naman?! Bakit ba kanina nya pa ako tinititigan? Alam ko namang maganda ako pero masyado syang obvious. WAHAHAHA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD