KABANATA 10 : Montenegro Farm

1329 Words
( SKY) Naaaliw akong pagmasdan ang mga tauhan ko sa farm! Masayang nagsasalu-salo, nagkuwentuhan at nagtatawanan. Mababait ang aking mga tauhan. Lahat ay sumusunod sa patakaran. May kalayaan at limitasyon ang bawat isa. May ilan na dito ko na nakitang tumanda. Dito ko na nakitang nakapag-asawa! Dito na nagbinata at nagdalaga. Ito ang Rancho Montenegro! Dito ako lumaki hanggang pitong taon at nang mawala ang nakalakihan kong ama na si Franco Escobar ay nalaman ko na sa akin pala niya pinamana ang lahat ng kanyang ari-arian. Ang kalahati ng lupang ito ay farm at ang kalahati ay rancho. Ang rancho ay ang lupain kung saan inaalagaan ang mga iba't ibang hayop katulad ng mga tupa at baka. Mahilig ako sa kabayo pero iisa lang ang kabayo rito, si Dominique, my male black horse. Sa kabilang bahagi naman ay ang farm kung saan ang mga taniman ng ubas, apple kasama na ein ang iba't ibang mga halaman. Tapat at may malasakit ang aking mga tauhan kaya naman masasabing napasuwerte ko at ng farm. Sa madilim na bahagi ng farm kung saan ang mga apple trees ay nakahalerang nakatanim ay dito ko napagpasyahan tumambay muna sandali. Habang pinagmamasdan ang malawak na farm at nag-iisip nang mga bagay na maari pang gawin para mapaunlad ito. Umakyat ako nang puno dahil na-crave ako ng fresh green apple. Hilig ko naman talaga ito at it's a thrill for me to go up the tree get the fresh apple that I wanted. When suddenly, a girl is running towards the tree. And... So disgusting... Nagsuka siya nang walang humpay na akala mo ay lalabas na pati mga bituka niya sa t'yan. She's like calling the crows (uwak)! Simultaneously! "Are you done?" out of no where ay naitanong ko sa kanya. Maghalong inis at pagkadismaya ang naramdaman ko sa babaeng ito. Nakita ko s'yang nanlaki ang mata at halos panghilakbutan nang marinig ang tanong ko sa kanya. Ano namang masamang sinabi ko. Ako pa nga ang nagulat nang... Tumakbo! Walang paglingong nangyari. Bigla na lamang tumakbo ang babae. Halos magsalubong ang kilay ko sa kanyang ginawa. "What the h*ll did she do? Natakot ba s'ya?'' tanong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga na lamang ako bago kumagat ng isang mansanas. Tiningnan ko pa s'ya sa pagtakbo pero hindi rin naman s'ya nakalayo dahil nadapa pa. What weak knees did she had! Umupo lamang mina ako sa sanga at pinagmamasdan ang babaeng ito. Napapangiti na lamang ako habang kumakagat ng apple at tinitingnan kung paano ang kanyang reaksyon sa pagkakadapa n'ya.. I don't know if she's wierd or she's just funny. Ilang segundo din ang itinigal ko sa pwesto ito, pero hindi rin ako nakatiis. I take my last bite on my favorite apple then I jump down the tree. A sarsactic smile register on my face when I got near to her. Nakadapa ang babae sa damuhan at naririnig ko ang paninisi n'ya sa kanyang sarili sa nangyari sa kanya. "Ilang palaka ang nahuli mo?" halos pigilan ko na ang aking sarili na tumawa ng malakas . Seeing how her face just turn red just made me realize how beautiful she is! ----- Kita ko kung paano n'ya itago ang mukha niya sa sobrang hiya sa akin. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Come on! Fix yourself baka ka pa makita nang iba rito!'' aya ko sa kanya. Dahan dahan iniangat nito ang kanyang mukha at dahan dahang tumingin sa akin. Kita ko ang mga mata niyang nahihiya at naiinis sa nangyayari. ---- (ERIN) "Thanks for help, but I can manage!" mataray kong sagot sa lalaking ito nang tangkain niyang tulungan akong tumayo mula sa pagkakadapa sa damuhan. Kita ko kung paano niya pigilan ang kanyang pagtawa dahil sa nangyari sa akin. Halos mamula ang buong mukha ko sa sobrang hiya sa kanya. Tinakot niya ako tapos ngayon ay pagtatawanan niya ako. Sinadya kong pagsalubungin ang aking mga kilay at tinapunan siya ng masamang tingin. Ngunit saglit lang din lamang agad ko ring binawi ito nang makita ko ang kanyang napakaamong mukha na nakatingin sa akin. He's just , so dumb hot! At parang hindi ko naman mapapanindigang magalit sa kanya dahil sa lakas ng dating n'ya sa akin. Nararamdaman ko ang mga dagang una unahang nagtatakbuhan sa puso ko. Pero kailangan mahilis ang atensyon ko at baka ma-fall na naman ako sa charisma ng lalaking ito. Aba 'pag nagkataon ay magiging pangatlong gabi na namin ito. Aba, Erin at iyan pa talaga ang naisip mo sa sitwasyon ito. Bulong ng konsensya ko! Kaya humugot ako nang malakas na paghinga at inipon ang aking lakas bago tuluyang tumayo at mabilis na naglakad paalis sa harapan n'ya. "Hey, Miss!" naririnig ko pang tawag niya pero walang lingon likod akong lumayo sa kanya. Ayoko munang mapalapit sa kanya at baka hindi ko mapigilan ang aking sarili. Kahit pa ma'y kaunting kadiliman sa daan ay naglakas loob akong bumalik sa kubo. Hindi na ako bumalik sa kasiyahan dahil gusto ko nang maligo. Lagkit na lagkit na ako sa aking katawan at pakiramdam ko ay napakadumi ko na talaga. Mabilis ang aking mga hakbang paakyat sa kubo sa itaas na bahagi ng farm. At nang matanawan ko ito ay halos takbuhin ko na makarating lamang ng mabilis dito. Kahit pa hihingal hingal at iika ikang lakad takbo ay napalitan ito nang ngiti nang sa wakas ay marating ko na ang pintuan nito. Agad kong pinihit ang seradura nito pero agad din akong napatigil. Muli kong pinihit ito ngunit talagang bigo akong mabuksan ito. "Aaahhh!" halos maisandal ko ang ulo ko sa pintuan nang ma-realize na sarado ito. Halos mapakamot ako sa ulo at bumaling at isinandal na lamang ang likod ko sa pintuang ito. "Pa'no na ko nito! Dito ba ako matutulog sa labas!" Pa'no kaya na-lock ito? Aksidente ko kayang na-lock ito? Ni-lock kaya ito nang lalaking iyon? Napahaba na lamang ako nang nguso nang tumimo sa isipan kong , no choice! Dito talaga ako matutulog. Sa labas? "Hhhmmm!" "Okay na ito! Bukas naman ay aalis na ako!" pagpapalakas ko pa sa loob pero sa totoo lang ay nagdadalawang isip pa rin ako kung aalis ba ako sa farm o hindi. Parang masaya kasi rito. Parang masarap mamuhay sa lugar Isinandal ko ang aking ulo sa pintuan at tumingala sa kalangitan. "Ano na po kayang mangyayari sa akin?" tanong ko na hindi ko rin mahagilap kung anong sagot ang gusto kong marinig sa aking sarili. Umupo ako at nanatiling nakatingala lang sa kalangitan. ----- (SKY) Madilim na ang paligid. Ngunit maliwanag ang sinag ng buwan sa farm. Alam kong sa kubo didiretso ang babae ngunit bakit wala pang bukas na ilaw mula sa loob nito. Natulog na kaya s'ya ng maaga at hindi na nakapagbukas ng ilaw. Dahan dahan kaming lumapit ni Dominique (black horse) sa kubo. Bumaba ako sa pagkakasakay kay Dominique at dumiretso sa pintuan nito. Nakalock ang pintuan nito. Hindi kaya tulog na nga s'ya. Humakbang ako papunta sa bintana para kunin ang spare key ng pintuan. Gusto ko lang naman i-check kung okay lang s'ya. May secret na taguan ako ng susi sa gilid ng bintana. Kinuha ko ito at dumiretso na sa pintuan upang buksan ito. Dahan dahan kong pinihit ang seradura nito at binuksan ang ilaw. Walang senyales na narito ang babae. Walang taong nakahiga sa sofa. Wala rin sa CR. Wala rin sa kuwarto. Where is she? Tanong ng utak ko! Muli akong lumabas ng kubo at umikot sa paligid nito. At nahagip ng mata ko ang upuang kahoy na nakalagay sa gilid nito. Doon ko matagpuan ang hinahanap ko. Lumapit ako rito at kita ko ang nahihimbing at tulog na tulog na babae. Pansamantalang tinitigan ko muna ang kanyang mukha. Isang manipis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. She's so beautiful! I sighed. Dahan dahan ko na lamang siyang binu hat papasok ng kubo. Nalasing siguro s'ya sa dami ng wine na nainom n'ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD