Maaliwalas na ang araw ang tumambad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata.
Napapikit pa ako nang muli kong alalahanin ang mga kaganapin na nangyari sa amin kagabi ng cowboy hero ko.
Mabilis akong nang-ayos ng aking sarili.
Isang alaala ito na babaunin ko habang buhay sa lugar na ito.
Mabilis akong umalis ng kubo at swerte na may nasakyan akong mini trak na sinasakyan ng mga prutas at gulay papuntang palengke.
Tama na makisabay ako papunta sa bayan.
"Malayo po ba ang bayan dito, Kuya Mar?'' tanong ko sa driver ng mini trak na sinasakyan ng mga gulay at prutas na galing sa farm.
"Malayo layo din ,iha? Saan ba ang punta mo?"
"Aahh! Sa istasyon po sana ng tren!''
"Ahhh! Aalis ka sa lugar na ito? Taga-saan ka ba? Parang ngayon lang kasi kita nakita dito sa farm?"
"Ahh, bisita lang po ako dito!'' pagsisinungaling ko. " Uuwi na po ako!"
"Ahh!'' pangsang ayon nito sa akin.
"Hay naku!"
Nagulat pa ako sa sigaw ni Kuya Mar nang mapatingin ito sa daan na binabagtas namin.
"Ano iyon?''
"Teka saglit iha! At titingnan ko muna!" paalam nito sabay tigil ng sasakyan.
Natanggal ito ng seatbelt at binuksan ang pintuan.
"Gusto mo bang bumaba?" tanong nito bago tuluyang bumaba ng sasakyan.
Ngumiti na lamang ako.
"Ahh, hindi na po!"
"O sige! Saglit lamang ako!"
Sabay lakad na patungo sa mga trabahador na nagtutulong tulong sa pag-aalis nang nakaharang sa daan.
Isang malaking puno ng Spruce ang nakaharang sa daan.
Mukha hindi pa yata ako matutuloy na pumunta sa bayan.
Luminga linga muna ako sa paligid.
At napatingin ako sa kabayo na namamahinga sa lilim ng isang malaking puno.
Kulay itim!
Bigla kong naalala ang lalaking kasama ko kagabi.
Bakit kaya naroon ang kabayo?
Ang tanong ko ay nasagot ko rin nang makita ko si Kuya Mar na kausap si Mr. Cowboy!
Tama, Mr. Cowboy na lang muna ang itatawag ko sa kanya habang hindi ko pa nalalaman ang kanyang pangalan.
"Uuuu! Ano kaya s'ya dito sa farm? Ah, siguro nagtatrabaho s'ya rito?"
Ang sipag naman pala ng lalaking ito.
Naka-topless ito kaya naman kitang kita ko ang bawat detalye ng katawan nito.
"Oh my, he's so hot!" nakatitig lang ako sa kanya na parang literal na gusto nang tumulo ng laway ko sa sobrang paghanga sa kanya.
Napangiti ako pero agad kong naibaba ang ulo ko nang makita ko si Kuya Mar na tumuturo sa direksyon ko.
Ano kaya ang sinasabi nito.
Sinasabi kaya nito na kasama niya ako.
O kaya ay makisabay ako papunta sa bayan.
Agad akong yumuko at isiniksik ang sarili ko sa upuan. Ayokong makita ako nang lalaking ito.
Halos mapuno ng kaba ang dibdib ko sa hindi ko nalamang kadahilanan.
Napapitlag pa ako sa gulat nang bigla na lamang dumating si Kuya Mar at buksan ang pintuan.
"Hindi tayo makakarating ng bayan ngayon iha! Baka abutin mamayang hapon pa ang pag-aalis nang natumbang punong iyan! Babalik na muna tayo sa farm!"
" Ahh, sige po!" nakaramdam ako nang panghihinayang dahil hindi pa ako makakaalis sa lugar na ito.
Sa totoo lang, ay natatakot ako dahil baka dito pa ako abutan ni Alex.
Alex Saavebra, ang mapapangasawa ko.
Tahimik lang kaming nagbalik sa farm ni Kuya Mar.
Malayo layo ang daan at inaliw ko na lamang ang sarili ko sa pagmamasid sa mga nadadaanan naming mga taniman at mga hayop.
Napakasarap nang simoy ng hangin dito sa farm kaya naman enjoy na enjoy at relax na relax ang katawan ko.
Pinarada ni Kuya Mar ang mini trak sa isang bahay-imbakan. May ilang mga tao rito na ang-aayos ng mga bangong aning gulay.
Mayroon pa ring ilang mga trak na nakaparada pa kung isinasalansan ang mga nakakahon na mga prutas at gulay.
"Halika, iha at uminom ka muna nang gatas ng baka. Sariwang sariwa ito halos mainit init pa galing mismo sa mga baka naming alaga dito sa farm."
Alanganin man ako ay mas nakakahiya naman kung tatanggihan ko ito!
Kinuha ko rin ang isang basong gatas na iniabot sa akin ng isang matandang babaeng nagtatrabaho sa farm.
"Salamat po!"
Agad kong nilagok ang baso ng gatas. At totoo nga na fresh at manamis namis pa ang gatas na ito.
------
I spend my whole day at the farm.
Halos mabusog ako sa pagpitas ng mga sariwang prutas habang pinanonood ang iba't ibang hayop na narito.
Halos hindi ko na namalayan ang araw.
Pagabi na pala.
"Bukas na lamang ako aalis sa farm!''
Paalis na sana ako sa farm nang tawagin ako ni Aling Maring.
"Iha, dito ka na kumain ng hapunan! May kaunting salu-salo mamaya! "
"Naku, nakakahiya po! Malaking abala na nga po ang nagawa ko ngayong araw!" nakangiting sagot ko.
"Sige na, iha! Bukas naman ay paalis ka na dito sa farm! Hayaan mo munang i-enjoy ang sarili mo!" sabad pa ni Kuya Mar na kumakain nang matatamis na ubas galing sa farm.
Wala na nga akong nagawa at tama naman sila kaya hindi na ako nagpapilit ako at nakisama na lamang sa kanila.
------
Masaya ang salu-salong nagaganap ngayon sa farm. Magkaiba ang kumpulan nang mga kababaihan at kalalakihan na naroon.
Maraming tauhan sa farm, may bata, matanda, mga kababaihan at kalalakihan.
Masaya kaming nagsalu-salo sa boodle fight na hinanda nang mga kababaihan.
Masaya akong nakipagkwentuhan sa ibat ibang tao rito.
Kahit pa paulit ulit sila nang tanong kung anong pangalan ko at saan ako nagmula.
Bakit ako nasa farm at marami pang iba.
Matapos ang kainan ay may kaunting inuman sa harap ng isang bonfire!
Mga kadalagahan at kalalakihan ang naroroon.
Masayang nagtatawanan at nagbibiruan.
May mga tuksuhan at maririnig ang malalakas na tawanan ng mga nakapalibot rito.
"Halika, ate! Makipagkwentuhan ka muna doon sa bonfire!"
Tumango na lamang ako bilang pagtugon kay Mae. S'ya ang nag-iisang anak ni Kuya Mar. Sa tantya ko nasa kinse anyos pa lamang si Mae.
Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming pumunta sa bonfire.
Umupo kami roon, nagkantahan at uminom ng wine.
Ang sosyal ng inumin dito, dahil ang wine mismo na galing sa imbakan ang pinaiinom ng may-ari sa kanyang mga tauhan.
-----
Lumalim na ang gabi at unti unti nang nagpuglasan ang mga taong nakabilog sa bonfire. Nagpaalam na rin sa akin si Mae at sinabi n'ya kung wala akong matutuluyan ay maaari akong makituloy sa kanila.
"Kumatok ka lang sa maliit na bahay na iyon , ate! Doon po ang bahay namin!" magiliw na wika nito bago tuluyang tumakbo pauwi sa kanila.
Tumayo na rin hindi dahil sa uuwi na ako!
Uuwi?
Sa'n nga ba ako uuwi?
Pwede pa kaya akong tumuloy sa kubo?
Ayoko namang makituloy kina Mae?
Tumayo at bahagyang naglakad palayo sa bonfire.
May nakita akong isang puno ng mangga na nasa ilang metro ang layo sa bonfire.
Agad agad akong tumakbo patungo rito.
Hindi sa kung anong dahilan, sa totoo lang ay nasusuka na ako sa amoy ng wine.
Hindi na rin kayang i-take ng tiyan ko dahil mas sanay ako sa hard drinks.
"Eeekkk! Eeekkk!" sunod sunod ang pagsukang ginawa ko.
Halos ilabas kong lahat ng ininom at kinain ko kanina.
"Huhh! My God!" ito ang nausal ko nang sa wakas ay maubos na rin ang laman ng tiyan ko.
Pinahid ko ng aking kamay ang aking bibig.
No choice , dahil wala naman akong dalang towel na pamunas.
Maghuhugas na lamang ako nang kamay.
Tumayo ako at tumingala.
Huminga ng malalim.
"Hay! Salamat!" medyo guminhawa na ang pakiramdam ko at isinandal ko ang ulo ko sa puno ng mangga.
"Are you done?''
Nanlaki ang aking mata , sa takot at gulat.
Saan galing iyon!
"Aaaahhhh!'' napasigaw ako sa takot at patakbong umalis sa ilalim ng mangga.
Ano iyon?
Multo?
Tikbalang?
Kapre?
"Aaaahhhh'!" sa sobrang bilis ng pagtakbo ay nadapa ako.
"Ah, ang sakit!''
Napatungo na lang ako!
"Aaahhh, Erin! Ang lampa mo talaga!''