Isa na namang babae ang nakanakaw ng halik kay Sky.
Napapailing siya habang patayo at humakbang para kunin ang boots niyang nasa tabi ng nakabitin patiwarik na babae.
"M-mr." mahinang ulos ng babae na nakapagpalingon kay Sky.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nakapikit na ang babae at laylay ang dalawa nitong kamay.
Madaling nalapitan ni Sky ang babae at kaagad pinunit ang damit nitong nakasabit sa itaas ng puno.
Malalakas ang kanyang mga kamay at bisig kaya naman walang kahirap hirap para sa kanya na alisin ang babae sa pagkakabitin nito.
Binuhat niya ang babae at agad inihiga sa damuhan.
"Miss! Miss! " sabay tapik sa balikat nito.
Wala s'yang nabasang reaksyon mula rito.
Napapikit lamang ito at tila hindi siya naririnig.
-----
Pigil ang bawat hiningang aking ginagawa huwag lamang mahalata ng gwapong lalaking ito na nagkukunwari lamang ako na nawalan ng malay.
Pasensiya na, dahil lang sa mahigpit na pangangailangan kaya ko naisip gawin nito.
Baka kasi umalis ang lalaki at talagang hindi ako tulungan na makaalis dito.
Ayoko pang mamamatay ah, kaya nga ako tumakas sa bahay para mabuhay ng malaya tapos mamamatay din pala ko sa pagtakas.
My God!
Amoy na amoy ko ang mabangong pabango nito ng mapalapit ito sa akin nang tinanggal ako nito mula sa pagkakalambitin ko.
Hindi naman talaga pikit na pikit angata ko kaya kita ang mga pandesal na kaharap ko.
Guwapo na, macho pa!
Kahit naman mukhang masungit ay pwede na!
Pwede na?
Talaga ba ,Erin!
Hay! Kailangan pang magkunwari akong nawalan ng malay bago ako tuluyang tulungan ng taong ito.
Kinabahan ako na aalis na s'ya kaya naman kinailangan kong ipikit ang mga mata ko.
Nakakahiya pati ang itsura ko.
Sabog ang buhok at halos mapunit na ang damit ko.
Kita na nga ang cycling shorts na suot ko dahil napunit ang gown kong suot.
Nakapikit lang ako at ramdam ko ang pagbuhat sa akin ng lalaki at inihiga ako sa damuhan.
Humahalimuyak ang mabango niyang pabango at ang natural masculine scent na talaga namang nakakadagdag ng kilig sa eksenang ito.
"Miss!'' untag n'ya sa akin.
Ano ba?
Mumulat na ba ako o mamaya na?
Nahilo naman talaga ko, pero konti lang.
Syempre nakakahilo naman talagang mabitin patiwarik,ano!
-----
Hindi ko na naiwasang magsalubong ang aking mga kilay nang mabasa ko sa mukha nang babae na gising naman ito.
Nagkukunwari lamang ba ito o talagang nahimatay?
Tumigil ako sandali para pagmasdan ang babae.
Ang labi nitong manipis ay bahagya gumalaw na nagbigay ng indikasyong gising pala ito.
Ang mata rin nito ay nagmumulat ng kaunti, wari bang tinitingnan kung nakatingin ako sa kanya.
----
Bahagya kong minulat ang aking mga mata at pilit na inaaninag kung nakatingin ba siya sa akin o hindi.
Parang wala akong makitang bulto.
Nasaan kaya?
Minulat ko bahagya ang aking isang mata at napangiti na lamang ako ng alanganin ng makita ang madilim na ekspesyon sa kanya mukha.
Napalunok ako ng laway at bahagyang ngumiti.
"Thank you!" sambit ko.Kitang kita ko kung paano s'ya umiling at napabuntong hininga.
Sabay iwas ng tingin sa akin at tumayo para kunin ang kanyang boots.
"M-mr!" habol ko sa kanya sabay tayo pero natigilan din ako nang makita ko ang aking sarili na halos iluwa na ang lahat sa akin.
Natakpan po ng aking kamay ang aking katawan at sabay ikot ng paningin.
Mayroon ba akong pwedeng ipantakip sa halos hubad ko ng katawan.
Tumingala ako at tiningnan kung maaari bang malaglag ang mga gamit ko mula sa taas ng puno.
Napabuntong hininga na lamang ko sa aking nakikita.
Sa sobrang taas ng punong ito ay imposibleng malaglag o masungkit man lamang ang mga gamit ko.
Hay, mariin akong napapikit at pagbaba ko ng aking mata ay nakita ko ang isang polong puti na nakasabit sa tabi ng puno.
Bingo!
Ayun na nga!
Ayun na ang solusyon sa aking problema.
Mabilis akong tumayo at tumakbo para kunin ang polo.
"Hey, what do you think you are doing?" maangas at inis na anas ng lalaking ito.
"Hihiramin ko lang naman ito!" sabay higit ko ng polo sa kinalalagyan nito.
Lumapit siya sa akin at agad hinigit ang polo pero mariin ko itong hinawakan at talagang wala akong balak ibigay ito sa kanya.
"Give it me!" mariing wika nito at inilapit ang mukha sa aking mukha.
Nagbuntong hininga ako at sinalubong ang matalim niyang tinging nakapukol s akin.
"What if I don't!" nilakihan ko pa talagang mabuti ang mata ko at inilapit ang mukha ko sa kanya.
"b***h!" bulong niya sa akin.
"Ahhh, b***h pala huh!'' magkadikit na ang aming katawan at ramdam ko ang kanyang mainit na hiningang bumubuga sa aking harapan.
Ramdam ko rin ang init ng kanyang katawan.
Tapang tapang lang girl!
Bahala na!
At ni wala sa hinagap ko ay bigla ko na lamang hinigit ang batok n'ya at agad s'yang siniil ng isang matamis na halik.
Matamis ang halik mula sa estrangherong masungit.Napakalambot nang labi nito at napakabango ng hininga.
Nang bitawan ko ang kanyang mga labi ay natawa na lamang ako sa nakita kong reaksyon ng kanyang mukha.
He's shock!
Shock ang reaksyon na rumihistro sa mukha nito.
I smiled sarcastically, halos hindi ito gumalaw sa pagkabigla sa ginawa ko.
Ngumiti ako at sabay higit sa polong hawak hawak din niya.
Walang kahirap hirap!
Nagsimula na akong humakbang palayo habang winawasiwas ang polong nakuha ko.
Patuloy akong naglakad palayo sa lalaking iyon.
Hindi naman na siguro ako susundan niyon dahil bayad ko na ang polo n'ya.
Bayad ko na ng halik!
Kinikilig pa ang puso ko nang maalala ko kung gaano katamis ang labi ng lalaking iyon.
Bumaba ako sa kapatagan at pansamantalang tumigil upang itali ang polo sa may tagiliran ko.
At least ay may nakatakip man lamang sa aking katawan.
Pagabi na kailangan na makahanap na ako nang matutuluyan.
Sa'n nga ba, eh wala naman akong pera.
Nakababa ako sa bayan at agad akong nakakita ng sagot sa problema ko.
Sanglaan.
Tama, ito ang nakita kong solusyon para magkapera.
Suot ko ang vintage Rolex watch na binigay sa akin ng Mama ko.
Ito na lang muna ang gagamitin ko.
----
" Manong, h'wag n'yo ho itong ibebenta ah! Kukunin ko po ulit ito sa loob ng isang buwan!" pakiusap ko sa matandang lalaking sinisipat ang relo kung totoo ba o hindi.
"Magkano mo ba ito isasanla sa akin ,iha?" tanong nito habang patuloy na iniispeksyon ang relo.
"Ahhh-" bahagya pa akong nag-isip kung magkano ko nga ba isasanla ang relo ko.
"Kahit mga 50,000 po!" sagot ko, dahilan para mapatigil ang matanda at sinulyupan ako.
"Bilihin ko na lamang ito, iha! Isang daang libo!" seryosong wika nito.
Napapailing ako ,bilang senyales na hindi ko gusto ang kanyang naisip.
"Ayoko po! Mahalaga ko sa akin ang relong iyan! Bigay po iyan sa akin sa Mama ko! Saka babalikan ko po iyan at kukunin muli!" mariin kong wika.
Patuloy pa kaming nagtawaran ng matanda.
"Sige, sagad na 15,000! Deal?" tanong ng matanda na tila ba naiinip na rin sa tawaran na pinag-uusapan namin.
"Okay, sige po! Basta sa loob ng isang buwan kukunin ko na po iyan! Huwag na huwag po ninyong ibebenta iyan!" muli kong paalala.
Nang makuha ko ang pera ay agad akong bumili ng mga damit na pamalit.
Bukas ay uupa ako nang aakyat para makuha ko ang mga gamit ko sa taas ng puno.
Dahil nga maliit na bayan lamang ito at limited lang ang mga stocks na nandirito.
Kabilang na ang mga damit na isusuot.
Halos puro long sleeve at checkered polo ang mga nandirito.
Halos inabot ng tatlong libo ang nagastos ko para lamang sa pandamit ko.
Agad akong dumiretso sa bar upang makabili ng maiinom.
Isang boteng alak na sa tingin ko ay kukumpleto sa cowgirl outfit ko!