KABANATA 4: My Knight and Shining Armour

1390 Words
Matapos kong maisanla ang aking relo ay dumiretso agad ako sa tindahan ng mga damit. Kaunti lamang ang mga damit na nandirito kaya hindi ko na pinahirapan ang aking sarili na maghanap pa ng magandang combination ng outfit. Ang mahalaga ay matanggal ko ang punit punit kong damit at pati ang polo na kinuha ko sa estrangherong masarap ang labi. Napatawa na lamang ako sa aking sarili nang maalala ko ang matamis na labi na dalawang beses kong ninakawan ng halik. Aba, hindi naman sa pagmamalaki ay sulit naman din s'ya sa akin. S'ya kaya ang first kiss ko, napatingin ako sa kawalan at napangiti. S'ya pala ang una kong ninakawan ng halik. Napangiti ako at kinikilig pa ako nang muli kong maalala ang gwapo pero mukhang masungit na lalaking ito. Ang isang bote ng beer na akala kong kukumpleto sa gabi ko ay nasundan pa. Nang isa pa. Isa pa! At isa pa! Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang bote na nga ba ang nainom ko. Walang laman ang tiyan ko sa buong maghapong paglalakbay. Halos hindi ko na naisip kumain at nang oras na nadampian ng alak ang tiyan ko. "Miss! May kasama ka ba?" isang lalaki ang bigla na lamang umupo sa aking tabi. "Wala ho Manong!'' sagot ko nang maaninag ang mukha nito. Mukha itong matandang manyakis na may balbas at bigote. Akmang tatayo na sana ako para sa counter na lang magbayad ng nainom ko. Ngunit laking gulat ko nang hawakan ako nito sa braso at pigilang tumayo. Agad kong pinukulan ito nang masamang tingin at pansamantalang tumigil. Huminga akonng malalim. Nakainom ako pero hindi ako lasing. Malakas din akong uminom ng beer at basta hindi hard drinks like whiskey or brandy ay makakarami ako. Nagbuntong hininga ako sabay higit ng braso ko sa lalaking ito. Agad akong tumalikod at agad dumiretso sa kahera ng bar para magbayad at makaalis na rin. Ayoko nang magtagal pa sa lugar na ito dahil parang nakikita kita ko na ang sitwasyon pwedeng magyari sa akin dito. Agad akong lumabas nang bar at umiwas sa matalim na tingin ng lalaking ito. Hindi pa man ako nakakalabas ay kita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagtayo nang lalaki sa table kung saan ako galing . Papunta ito sa direksyon ko, sabay rin ang pagtayo ng dalawa pang lalaki na kasama niya mula sa kabilang table. Oh my goodness! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Isa Dalawa Tatlo At patakbo na nga akong lumabas sa bar. Bitbit ko ang maliit kong bag kung saan nakalagay ang polo ng estranghero at ang natira sa gown. Mabilis akong lumabas at patakbo sa kung saan direksyon. Pagkalabas ko nang bar ay agad akong nagpalinga linga sa paligid. Madilim na sa labas ,saan ba ako direksyon pupunta. Kailangan makahanap ako nang Hotel o kahit kuwarto na pwede kong matulugan ngayong gabi. Agad akong tumakbo sa kung saan, kailangan siguro na mayroon muna akong mataguan para hindi ako makita ng mga lalaking ito. Palinga linga ay patakbo ang hakbang na aking ginawa. Madilim na sa bahaging iyon ng daan. Kailangan magmadali ngunit hindi pa man ako nakahahakabang palayo ay nakita ko na ang mga lalaking tumayo sa bar kanina. Nakita kong tinuro ako nang lalaking may bigote at agad silang pumunta sa direksyon ko. Agad sumibol ang kaba sa dibdib ko. Paano na ako ,saan ba ako pupunta? Sa sobrang liblib ng lugar na ito ay wala man lamang na taxi na pwedeng sakyan at takasan ang lugar na ito. Paa ko lamang ang kakampi ko sa mga oras na ito kaya kailangan kong makalayo. Pero ,ano 'to ! Shocks! Ang paa! Napatigil ako sa aking pagtakbo nang maramdaman ko ang pulang likidong unti unting umaagos sa aking paa. Sa malas malas naman talaga. "Aray! " ito na lamang ang nasambit ko ng makita ang isang pirasong bubog na tumagos sa boots ko. Local! " Sh*t!'' ito na lamang ang nasambit ko dahil sa magkakahalong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko na ang mga mukha ng mga manya**s na lalaking balak pa akong gawan ng masama. Ano bang gagawin ko? Tinangka kong tanggalin ang bubog sa boots ko pero matindi ang pagkakakapit nito kaya hindi ako nagtagumpay. "Aaahhh!" impit kong sigaw ng mahiwa na rin ang aking daliri. Sumirit ang dugo mula rito aking hintuturo. Pero kailangan tiisin para makatakas ako sa mga lalaking ito. Inipon ko ang aking buong lakas para muling makatayo at makalakad. Hindi ko hahayaang makuha nila ako ng gano'n gano'n na lamang. "Miss, h'wag ka na kasing tumakbo. Mahihirapan ka lang !" sigaw ng lalaking bigotilyo na talaga namang napakamanya**s ng itsura. Halos tayuan ako ng balahibo pero lumakad pa rin ako. Pinaikot ko ang aking mga mata at naghahanap ako ng kahit kahoy man lamang na maaari kong magawang depensa lamang sa kanila. Nag-usal ako ng maikling panalangin, alam kong hindi ako papabayaan ni Lord. Ang mga hakbang ko ay hindi naging madali. Paika-ika kong pinilit na maglakad upang makalayo. Naririnig ko na ang mga nakapangingilabot na tawa ng tatlong mga lalaking ito. Mukhang wala talaga silang balak na pakawalan ako. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Sa wakas ay may nakita akong isang sanga ng kahoy na nasa tabi ng isang malaking halaman. Pinilit kong bilisan ang mga hakbang para makuha ito. Halos gusto na akong lukubin nang takot na aking nararamdaman pero hindi ako dapat magpatalo. Bakit ba wala din kasing katao tao na dumadaan man lamang ngayon para may mahingian man lamang sana ako ng tulong. Nang makuha ko ang kahoy ay siya namang pagdating ng tatlong lalaking humahabol sa akin. "Huli ka!" ----- Bumaba ng bayan si Sky para sana magtungo sa bar at tumikim ng kaunting alak. Nagsawa na kasi siyang mag-inom mag-isa sa bahay niya kaya gusto niyang maiba muna ang ambiance ng paligid. Sakay ng kanyang itim na kabayong si Dominique ay dahan dahan lamang ang paglalakad nito. Mula sa burol ay tanaw na niya ang maliit na bayan , ito ang sentro ng komersyo sa lugar na ito. Tanging ilaw sa loob nang mga bar ang makikitang nakasindi at ang mga tunog mula sa ukelele ang mauulinigan. Tahimik naman sa bayang ito , mayroon nga lamang na ilang mga pasaway na kapag nadampian ng alak ang katawan ay tila nagiging mga mababangis na hayop na nananakit ng ilang mga dayuhang napupunta rito. "Ho!" sabay higit ni Sky sa tali na nakakabit sa leeg ng kabayo. Tumigil ito sa paglakad. " Here they go again!" Mula nga sa burol ay natanaw ni Sky ang tatlong lalaking tila may pinakakatuwaan. Agad tinapik ni Sky si Dominique ay mabilis itong tumakbo pababa sa burol papunta sa bayan. --+-+ "Tulong! Tulungan n'yo ko!" malakas kong sigaw habang mahigpit na hawak ang kahoy na nagsisilbing kakampi ngayong mga oras na ito. "Walang ibang tao rito, kaya walang makakarinig sa iyo!" wika ng isa sa tatlong lalaking kaharap ko ngayon. Halos i-corner na nila ako sa gilid ng halaman. At kahit anong gawin ko ay tila ba wala na akong takas sa kanila. "H'wag kayong lalapit sa akin!" matapang kong sigaw sa mga ito habang isa isang inaambaan ng hawak kong sanga ng kahoy. Nagtinginan pa ang mga ito at nagtawanan. Sa totoo lang ay wala naman talagang laban ang hawak kong sangang ito sa lakas ng mga lalaking ito. Pero ayokong basta na lamang sumuko. Makakatakbo pa sana ako kung hindi lamang duguan itong paa ko. Huminga ako ng malalim at inipon ang buo kong lakas. Walang ibang magtatanggol sa akin kundi sarili ko lamang. Wala na akong magagawa kundi ipaubaya kay Lord ang aking kapalaran pero alam kong hindi niya ako pababayaan. Nagtangka ang isang lalaking lumapit sa akin. Buong tapang kong inihampas sa kanyang balikat ang sanga ngunit... Hindi ! Naputol lamang ito. Napasigaw na lamang ako ng malakas nang sugurin ako ng mga lalaking ito. "Tulong! Tulungan n'yo ko!" Wala akong nagawa sa lakas ng mga lalaking ito ng buhatin ako. Wala akong tigil sa pagpupumiglas sa mga ito. "H'wag kang maingay!" sigaw nang isang lalaking sabay suntok sa aking sikmura. Dahilan para lalo akong manghina. Lord, please iligtas mo po ako! Nang biglang sa isang iglap may isang lalaking tumigil sa aming harapan. Nakasakay ito sa isang itim na kabayo !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD