HBS 17 Pinakaespesyal Hanggang sa maka-ahon ako'y hindi ko nagawang lingunin pa si Vad. Gago pala s'ya eh! Dadalhin n'ya lang ako dito sa resort na 'to para sabihing gusto n'ya si Magdalene. Di wow! Pumasok ako sa cottage saka nagbanlaw. Matutulog na ako dahil maaga pa akong gigising bukas. Babalik ako sa siyudad dahil may trabaho pa ako sa lunes. Natapos na ako't lahat-lahat sa ginawa ko. Nakapagbihis na, nakatawag na kay Blood humihingi ng despensa dahil hindi ako nakapunta sa kan'ya. Syempre pinagalitan ako at sinabing 'wag ko nang uulitin sa susunod gayong kaylangan n'ya ako at bilang sekretarya n'ya, kaylangan kong sumunod. Tumawag din ako kay mama. Hiningi ko iyong number ni Magdalene. Ni-copy ko sa papel iyong numero. Saktong dumating naman ang gago. D

