HBS 7 Mamimiss Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nakaya kong ipagkasya nang halos dalawang linggo ang perang kinita ko sa bar. Akalain mo nga naman Barbara. Natikis mo ang sarili mong gumala sa mall! Marahil ay alam ko na din sa sarili ko na iyon na ang huling beses na papasok ako sa bar na ‘yon. Matapos nang engkwentro namin ng letseng Vad na iyon ay ngali-ngali ko s’yang sakalin sa mga sinabi n’ya sa ‘kin. Tangina niya pala eh! Anung tingin n’ya sa ‘kin? Parausan? Gago! Gusto ko s’yang sampalin nang mga oras na ‘yon pero hindi ko na nagawa dahil umalis din ito kaagad sa harapan ko matapos tumunog ng kanyang telepono. Nang sumunod na araw ay nabalitaan ko na lamang na pinalitan na nga ang mga empleyado doon. Maging si Mamu ay napatalsik na din. Panay d

