HBS 6 Fit in KUNG may makakakita lamang sa 'kin sa itsura ko ngayon, malamang ay napagkamalan na akong baliw. Sabog ang buhok, nangingitim ang ilalim ng mga mata at lutang. Hindi ako 'to. This is not the usual me. Hindi ako 'yung tipo na pinapabayaan ang sarili. Pero bakit nga ba ako nagkakaganito? Simple lang, I've been avoiding Rad for three days now. Nahihiya akong humarap dahil sa kamuntikan nang may mangyari sa aming dalawa. Inalok niya akong maging kami na hindi ko naman nasagot dahil sa naging mapusok ang kanyang mga kilos. Handa na akong sagutin s'ya ng isang malaking hindi. Bakit? I want him to court me first. Uso magpakipot ngayon. Nahalikan na ako't lahat-lahat, hindi pa rin ako pumapayag. Pagpapakipot pa ba iyong matatawag?! Patawa ka, Barbara! Pe

