HBS 10 Too bad Ayoko! Ayokong iwan si Radson. Mahal na mahal ko s'ya at hindi ko kayang mawala pa s'ya sa 'kin. Ngunit ano pa bang magagawa ko? Kahit na magpaliwanag pa ako'y wala na din naman magbabago. May iba nang naka-una sa 'kin. Pakiramdam ko'y ang dumi-dumi ko na. Si Rad lamang ang gusto kong pag-alayan ng sarili ko pero nang dahil kay Dos ay hindi na magyayari pa iyon. Ilang minuto nang nakaalis si Rad sa harapan ko ngunit hanggang dito'y dinig na dinig ko pa din sa kabilang kwarto ang pagkabasag ng kung anu-anong mga bagay. Lutang ang pakiramdam ko matapos kong linisin ang sarili ko ngunit kahit anong gawin ko'y hindi na nawawala ang pagkamuhi ko sa aking sarili. "Fvck!" Di ko maiwasang mapapitlag mula dito sa labas ng kwarto ni Rad dahil sa l

