HBS 11 Dominate "Wala ka ba talagang planong patulan iyang offer ni Mister Uy sa 'yo? Nung nakaraang buwan pa iyan nagpaparamdam sa 'yo di'ba?" ani Joy habang nag-aayos ng sarili. Alas singko na at inaantay na lang namin ang sasakyang susundo sa 'min patungo sa tutuluyang bahay na pag-aari ni Mamu. Magdadalawang buwan na rin ako sa puder ni Mamu kaya napagdesisyunan ko nang kumuha ng sarili kong tutuluyan. Madami kami sa bahay puro kami babae pero ayoko makihalubilo sa kanila. Hindi ko pa din hilig makihalubilo sa mga taong tingin sa 'yo ay kompitisyon. Hilig magparinig. Kaming tatlo nina Krizette at Joy ay iba ang trabaho sa kanila. Sumasayaw lamang kami kapag may stug party at nagiging waitresses lamang sa bar kapag walang espesyal na okasyon. Di tulad nila, gabi-gabi g

