"So anong ginagawa mo dito?" Seryoso ang mukha ni Wish nang balingan niya ng tingin ang lalaking itinigil pansamantala ang ginagawa nito sa Lamesa nito. Gabundok ang mga bagay nito sa lamesa, ngunit itinigil nito iyon at sinimulan nang kausapin siya. "You know why, I'm here" Sagot niya sa lalaki. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa mahaba nitong lamesa saka sinimulang hithitin ang tobacco na nasa kamay nito. "Wala akong maitutulong sa iyo. Patungkol sa taong iyan Wish. I told you before, we've told you before na kailangan mong itigil ang kontrata. Hindi kami nagkulang doon. Pero kagaya nga ng sinabi ni Superior. Ikaw pa rin ang masusunod. Ikaw pa rin ang gagawa ng desisyon and you chose this path. Now that you remember everything gusto mo nang alisin siya sa buhay mo?" Umiling iling ang l

