bc

My name is Wish

book_age16+
206
FOLLOW
1K
READ
twisted
lighthearted
mystery
like
intro-logo
Blurb

In a world full of uncertainties humans would usually find things to satisfy their fears, wants, love, and even popularity.

Madalas naghahanap ang mga tao ng kasagutan sa kanilang mga katanungan. Naghahanap sila ng mabilis na paraan upang makuha nila ang kanilang mga kagustuhan.

But how far you can go for the wants of your life? Ano ang kaya mong ibigay? And how far can you give, upang makuha lang buhay na iyong inaasam?

Meet "WISH" he was literally Wish himself. He listened to billions of wishes everyday. And grant them, if you are worthy of it. But, this will all be done sa loob ng isang kondisyon.

One wish. For something you valued the most.  Ito ang kasunduan niya. At madalas binibitawan at kinakalimutan ng mga tao ang higit na mas mahalaga para lang sa pansarili nilang kaligayahan.

Until he met Blaize. Lalaking gusto at matagal nang inaasam ang marangyang buhay. Wala man lang pagdadalawang isip nitong ibinayad ang matalik nitong kaibigan para lang sa gusto nitong maabot at makuha sa buhay. He literally gave up his Best Friend and Wish grabbed that opportunity to own Gabrielle. Blaize Best friend.

Wish gladly accepted Blaize payment and he thought he can use Gabrielle na ibigay sa kanya ang bagay na matagal na niyang inaasam at hinihintay and that is his FREEDOM.

But as time goes by, he found himself in the weirdest situation because of this woman. She was an unpredictable one. Most especially that day, when she promised she would love him, all of him. And she's not gonna change until the day her life will end.

chap-preview
Free preview
ONE
CHAPTER 1 Halos mabuwal na mula sa kanyang paglalakad si Gabrielle. Ngunit, pilit pa rin niyang tinatahak ang mahabang daan pauwi sa bahay niya. She's doing her very best upang hindi ma out balance at sumemplang sa naturang kanto na iyon. Her head was spinning like the earth on its own axis. But, the feeling is killing her at tila gusto nang bumaliktad ng buong katawan niya ng mga oras na iyon. "Ayoko na! Ayoko na talaga!" sigaw niya. Kasabay ng pagtigil ng hindi na niya maihakbang na mga paa. Pakiwari niya ay nais na rin na makipag palitan ng ulo niya sa kanyang talampakan. But, turning upside down was not a good idea. Iyon ang unang beses na tumikim siya ng alak, at sigurado siyang iyon na rin ang magiging huli. Wala sa mahabang listahan ng bucket list niya ang pag-inom ng alak, at kahit kailan ay hindi niya pinangarap na tumikim ng kahit isang patak lang ng bagay na iyon. But, She was tempted. At tila nagkaroon siya ng amnesia nang makita niya ang mga inuming iyong naka display sa isang kilalang twenty fours hours convenience store. She was broken that day, literally broken. At kailangan niyang ilabas lahat ng hinanakit at sama ng loob niya. Naisipan niyang makatutulong ang dalawang bote ng beer upang makalimot siya. Makalimot siya sa sakit na nararamdaman ng puso niya ng mga oras na iyon. And with that idea in mind, ay hinayaan niya ang sarili niyang pulutin ang mga bote ng alak at bayaran iyon sa Cashier. She was actually, just planning to buy a food for her dinner. Ngunit, mabilis na nagbago ang plano niya ng mga oras na iyon. She bought, the two bottles of beer. At walang pagdadalawang isip na binuksan iyon ng magkasabay. At sinimulan iyong inumin, habang nakaupo sa isa sa mga upuang nakalagak sa labas ng naturang establisyemento. She, stupidily thought na kaya niyang ubusin ang dalawang boteng iyon. Ngunit, kaagad din siyang sinampal ng katotohanan na hindi siya malakas na nilalang pagdating sa mga ganoong inumin. Dahil, hindi pa man niya nauubos ang isang bote ay sumuko na ang sikmura niya. Ni Hindi na niya nabilang kung nakailang suka siya, at kung anong mga kahihiyan pa ang ginawa niya sa sarili niya ng mga oras na iyon sa labas ng naturang tindahan. Matapos ang pagpapahiya niya sa sarili niya. Ay nag desisyon na siyang umuwi. She walked her way home, drunk and wasted. At tila mas amoy pa ang suka niya sa katawan, kesa sa beer na nainom niya. At, sa kabila ng tila umiikot na mundo niya ay patuloy pa rin niyang tinatahak ang daan niya pauwi. She needed to go home, kahit na anong mangyari. And, she was hoping that she can manage na maakabot ng buhay sa bahay niya. Buhay, dahil baka bigla na lang siyang mabundol ng sasakyan dahil sa pa ekis, ekis niyang paglalakad. Ilang beses na siyang nabusinahan ng kung sinong motorista, dahil nakabalandra ang katawan niya sa mismong gitna ng kalsada. "Ahhh! Kasalanan mo lahat ito Blaize!" she shouted. Her voice was heard loud and clear, sa parte ng kanto na iyon kung saan siya naglalakad. Isang kanto lang naman ang layo ng naturang convenience store sa bahay niya. At, isa din iyon sa mga rason kaya naging matapang siyang uminom ng alak ng gabing iyon. Ngunit, pakiwari niya'y hindi pa man siya makakaabot sa bahay niya ay lalamunin na siya ng lupa. Buntong hininga ang pinakawalan niya. She thought she could handle herself being drunk, but she realized that it was the biggest mistake na naisipan niya. Akala niya'y, magiging katulad lang din ang sitwasyon niya ng mga oras na iyon sa mga napapanood niyang teleserye sa telebisyon. Na sa tuwing umiinom ang bida ng alak ay nakakaya ng mga itong dalhin iyon even if, it's their first time drinking beers, wines, gin and etc. Na scam siya, or mas tamang sabihin na, nakalimutan pala niya ang iilang importanteng katotohanan sa buhay niya ng mga oras na iyon. First of all, She's not in some television show. At mas lalong hindi rin siya isang artista, na matatapos na ang lahat ng acting kapag inanunsyo na ng direktor ang salitang 'CUT'. Second, She's not in a Fairy tale story. No castle or knights, no white horses and elegant carriage to take her wherever she wanted to go. Ni hindi pa nga siya nakapag suot ng eleganteng damit. At sigurado siyang, hindi rin babagay ang pagmumukha niya sa pabalat ng isang Fairy tale Story book. Pangatlo, Walang Prince Charming na darating at ililigtas siya, or tulungan siya sa sitwasyon niya ng mga oras na iyon, or maging sa mga susunod pang mga pangyayari na ikakalugmok niya sa kahihiyan. The idea of having a Prince Charming has been ruined inside her mind. Dahil ang inaakala niyang Prinsipe niya, ay hindi pala interesado sa kanya. At panghuli, ay hindi na rin siya naniniwala sa 'Happily Ever After'. "Kasalanan mo talaga ito!" sigaw niyang muli. At mga oras na iyon ay tuluyan na siyang nabuwal sa malamig at basang kalsada. Umulan nang umagang iyon. At kasabay naman ng pagbuhos ng ulan na iyon, ay ang pagbuhos din ng mga luha niya. Isang malutong na pagtawa ang kanyang pinakawalan. Malayang umagos muli ang mga luha niya, mula sa namamaga na niyang mga mata. Resulta iyon ng walang tigil niyang pag-iyak, mula pa nang umaga. At sa pagkakataong iyon, ay muli na naman niyang naalala ang nangyari nang mismong umaga lang na iyon. Na naging dahilan kung bakit siya napunta sa ganoong sitwasyon. "Tigilan na natin ito! Let's not pretend anymore!" Natigilan siya, mula sa pagpili ng makakain at maiinom sa menu na hawak niya. Kaagad na lumipat ang kanyang tingin sa lalaking kaharap sa lamesa ng mga oras na iyon. Nakayuko ito at tila ba hindi alam ang tamang salitang sasabihin, at kung saan magsisimula sa nais nitong iparating sa kanya. "Ano? Anong itigil?" kaagad na gumuhit ang nagtatanong na ekspresyon mula sa kanyang mukha. Hindi na rin niya alam kung saan niya sisimulan na mag-isip ng mga oras na iyon, ngunit kahit na ano pa ang gawin niyang pagtanggi ay nangyari na ang mga nangyari, at alam na din niya kung saan at kung paano matatapos ang lahat. "I want you out of my life! Nasasakal ako sa tuwing nakikita kita. Pinapaalala mo sa akin na kailangan kong ibalik ang nararamdaman mo para sa akin, and that suffocates me. Kaya patawad. I, don't want this anymore! I, don't want this feeling anymore I, don't want to feel guilty everytime I look at you. Pinahihirapan lang natin ang mga sarili natin!" hindi pa rin umangat ang ulo ng lalaking nagsalita. He can't even looked at her, nang sabihin nito ang mga bagay na iyon. Ngunit, may diin sa bawat salitang binitawan nito. He suffered because of her, and she was guilty because of it. Para siyang tanga, because until that moment, ay ang nararamdaman pa rin nito ang pinahalagahan niya, over her true feelings na tila pumapatay sa kanya ng mga oras na iyon. His words pierced like a dagger inside her chest. Ngunit, higit pa sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay ang katotohanang, hindi niya ito magawang sisihin. She can't force him to love her back, at kaagad niyang naintindihan kung saan nanggaling ang masakit na mga salitang binitawan nito. She was actually prepared for that moment. At least, that's what she thought and what she believed. Dahil sa kabilang banda ng utak niya ay umaasa pa rin siyang iba ang magiging masaya ang ending nilang dalawa. She wanted to fight for her love for the guy. Gusto niyang maisalba ang puso niya sa tuluyang pagkawasak, but she knew it was late already. At wala na siyang magagawa doon. "Bakit, Blaize?" panimula niya. Pilit niyang ikinubli ang luhang gusto ng kumawala mula sa kanyang mga mata. "Dahil ba, sa mga sinabi ko? Dahil ba, naging totoo ako sa tunay na nararamdaman ko sa'yo? Dahil ba, naging makasarili ako? Dahil ba, mas pinili ko ang sarili ko? Dahil ba, hindi ko pinili ang pagkakaibigan nating dalawa?" mga tanong niya sa lalaki. "Hinawakan kita ng halos buong buhay ko, and I tried to get rid of this idea na may gusto ako sa'yo pero anong magagawa ko? Hindi bakal ang puso ko, hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko! Kung pwede lang na sana baguhin ang lahat hinding hindi ko hahayaan ang sarili kong mahalin ka! Because, I know that this feeling will take us here, at this end!" pinlit niyang pinakalma ang sarili, ngunit hindi niya kayang kontrolin ang boses niya ng mga oras na iyon, at kahit na anong gawin niyang pagpigil ay hindi na niya nahawakan pa ang mga luha niya. Sa mga oras na iyon ay hinayaan niyang kumawala ang mga luhang iyon mula sa kanyang mga mata. Hoping, that letting go of those tears could make her feel better. Dahil pakiwari niya ay unti unti nang nilalamon ng sakit at pagkabigo ang buong sistema niya. "Oo! Alam kong naging unfair ako! Dahil, hindi ko pinigilan ang sarili ko sa nararamdaman ko. Pero-" dugtong pa niya, ngunit sa mga oras na iyon ay hindi na niya alam kung bakit at kung para saan pa siya nagpapaliwanag. He decided already. He decided to just throw her away, and leave her alone in a dark corner. He decided to end everything, and forget everything. Wala na siyang dapat pang ipaglaban doon. Wala na siyang mailalaban pa. Si Blaize at siya ay matalik na magkaibigan mula pa Elementary. He was the most popular guy in school. Maging noong naging highschool sila ay hindi pa rin nawala ang kasikatan nito, up until they graduated college ay hindi ito tinantanan ng mga manliligaw nitong mga babae at maging mga lalaki. They've been together through ups and downs, at kahit na nakapagtapos na sila ng pag-aaral ay hindi ito nawala sa tabi niya. Not even a single day. Dinaig pa nila ang mag jowang dalawa. He was at her side, at those times na akala niya ay hindi na niya kakayanin pa. He was at her side, nang mamatay ang mga magulang niya dahil sa isang car accident. He was there also. Noong mawala ang lahat sa kanya, dahil sa kapatid niyang inubos lahat ng perang meron sila dahil pagsusugal nito. He was there at hose times na walang wala siya, at nawala ang lahat sa kanya. Blaize was always with her, to support her, and remind her that everything will be alright. Matagal na panahon niya itong inalagaan sa puso niya. Matagal na panahon niya itong naging inspirasyon sa buhay niya. Until that day. That day, when she decided to be selfish. Nagdesisyon siyang sabihin na dito ang totoong nararamdaman niya. She thought na baka pareha lang pala silang hinihintay ang isa't isa. Ngunit, simula ng araw na iyon ay naging mailap na ang lalaki sa kanya at naging madalang na rin ang pag-uusap nilang dalawa. And at that moment she knew already, kung ano ang kasagutan nito sa confession na ginawa niya. He doesn't feel the same way for her. Kasing liwanag nang sikat ng araw ang katotohang iyon para sa kanya. She was just, his Best friend. But, she knew that she was important to him, and he loved her bilang isang kaibigan, ngunit hindi sapat iyon upang mahalin din siya nito katulad ng pagmamahal niya para dito. Ngunit, handa siyang kalimutan ang nararamdaman niya para dito kung iyon ang gusto nito. For their Friendship. Just for the sake of all those years that they've been together. And also, for the sake of those laughs and tears that they have shed together. Sa mga oras na iyon ay hindi niya maintindihan kung bakit, pati ang pagkakaibigan nila ay tila gusto nitong itapon. He would just throw away, all those years and all those happy moments na pinagsamahan nilang dalawa, dahil lang ba iyon sa nalaman nitong mahal niya ito? Or meron pa itong malalim na rasun? "Have I been too selfish Blaize? Marahil nga naging makasarili ako dahil naging totoo ako sa'yo, at sa nararamdaman ko. Iyon ay dahil ayokong magsinungaling sa'yo! Ayoko na sa tuwing nakatingin ako sa'yo hindi ako nagiging totoo! Pero, siguro nga mas mabuting hindi ko na lang sinabi. Siguro okay pa tayo ngayon, siguro hindi mo puputulin pati ang pagkakaibigan natin kung tinago ko na lang itong nararamdaman ko!" aniya dito sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung, saan siya magsisimula upang patahanin ang sarili niya. Ayaw niyang mawala ito sa buhay niya, ngunit wala siyang magagawa sa desisyon nitong lumayo sa kanya, at tuluyang iwan siya. "I'm sorry Gab. I'm really sorry." Iyon ang huling salitang binitawan nito. Then he walked away. She watched him walk away from her life. While, she was left all alone at their favorite spot in that cafe, where they used to hang out and spend most of their time together. She was left there all alone, together with all those memories they have shared for a very long time. Pinahid niya ang mga luhang nang gilid sa kanyang mga mata, nang bumalik na sa kasalukuyan ang kanyang diwa. She was still sitting in that corner of the road, helpless and hopeless. At sa mga oras na iyon ay tila gusto na niyang mawala sa mundo. Wala na ang pinakahuling taong rason kung bakit pa siya bumabangon araw araw. Ngunit, sa kabilang bahagi ng utak niya ay hindi rin siya papayag na itapon na lang ang lahat, dahil lang sa lalaki at sa pag-ibig niyang hindi nito kayang masuklian. She still had to do her best to survive kahit na masakit, kahit mahirap. She wanted to stay alive sa kabila ng lahat. At ipakita sa lalaki na, hindi siya susuko at patuloy siyang magiging masaya pa rin. "Masaya mo mukha mo!" sabat ng isang bahagi ng utak niya. Hindi niya alam, kung saan niya hahagilapin ang saya sa sitwasyon niya ng mga oras na iyon. Tila, isa siyang aso na pilit na hinahanap ang amo niyang umabandona sa kanya. "Hoy! Miss!" Nagitla siya. Nang isang kamay ang marahas na humawak sa kanya, at hinila siya mula sa pagkakasalampak sa basang kalsada. Hindi niya masyadong naaninag ang mukha nito, dahil sa alak na nasa sistema niya ng mga oras na iyon at dahil na rin sa madilim na daan, ngunit alam niyang hindi niya ito kilala. Then, she heard more voices around her ng mga oras na iyon. Hindi lang nag-iisa ang lalaki. And at that moment she knew, she was in a dangerous situation. "Bitawan mo ako!" sigaw niya, kasabay ng pilit pag-alis ng kamay nang lalaki sa braso niya. Nawala sa isip niya na she would usually take the other route way home kung gabi, at iniiwasan niya ang daan na iyon dahil madilim doon at maraming lasinggerong tumatambay. Hindi na niya naalala ang bagay na iyon, dahil sa pagmamadali niyang makarating ng bahay at sa kalasingan niya ng mga oras na iyon. Nasa ganoon siyang paghihinuha nang muli siyang hilahin ng lalaking may hawak sa kanya. Dinala siya nito sa gilid ng eskinita, at walang pakundangan itinulak siya sa lupa. Kaagad itong pumaibabaw sa kanya. Kasabay ng mga tawa at palakpakan ng iba pa nitong mga kasama na nakapalibot din sa kanya, at tila ba naghihintay lang ng 'Go' signal. Then they can do anything they want to do, with her. "Bitawan mo ko! Ahhhh!" she screamed. kasabay ng pilit niyang pagpalag. Ginawa na niya ang lahat nang pagsipa, paghampas, pagkagat, ngunit sadyang wala na talaga siyang sapat na lakas at hindi malang natinag ang lalaking nakapatong sa kanya ng mga oras na iyon. She kept on fighting hanggang sa maubos na ang natitira niyang lakas. Wala pa ring nangyari, at wala na siyang nagawa kundi ang maiyak ng mga oras na iyon. She was a tough woman, ngunit wala na talaga siyang lakas na lumaban, at kahit na manlaban man siya ay wala din siyang takas sa mga ito. Marami sila and, She was all alone. She can't fight them. She can't do that, at sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasang isipin na a lot of things happened sa loob pa lang ng isang araw na nawala si Blaize sa buhay niya. She was in a in a dangerous situation right after he decided to walk out of her life, at tila wala na rin siyang magagawa upang makalabas pa sa sitwasyon kung saan siya nandoon ng mga oras na iyon. "Kung ito na po ang katapusan ko, Willing na po akong mamatay." panalangin niya. Tila nawala na ang lahat ng desire niyang mabuhay. Patuloy at malayang umagos ang kanyang mga luha ng mga oras na iyon. Kasabay ng unti unti na niyang pagbitaw. Pagbitaw sa pag-asa, pagbitaw sa buhay na meron siya, at pagbitaw sa paniniwala na merong darating upang iligtas siya. Magiging mabilis lang ang lahat, and she was willing to die at that moment. In that instance. "Having fun?" isang baritonong boses ang kanyang narinig mula sa pagitan ng kanyang pagsuko at paglaban. Pilit niyang hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon na nagsalita, ngunit madilim ang buong paligid at ang tanging liwanag lang na nasisilayan niya ay ang madilim na street light na nasa may ulohan niya. Tila ilang taon ng hindi napapalitan ang naturang bombilya. She was still lying in a wet cemented pathway ng mga oras na iyon, at amoy na amoy niya ang kalasingan ng mga lalaking nakapaligid sa kanya. "Sino ka naman? Jowa mo bato? Titikman lang namin mukhang masarap e!" sagot ng lalaking may hawak sa kanya ng mga oras na iyon. Kasabay ng mga tawanan ng mga itong maririnig mula sa mga lalaki pang kasama nito. Then suddenly, the guy at her top forced her to get rid of her clothes na tanging nagtatago sa lahat ng meron siya. "You hopeless humans." sambit muli ng lalaking bagong dating. Nababaliw na ito, mag-isa lang ito and obviously hindi nito kayang labanan ang lahat ng lalaking nasa paligid niya ng mga oras na iyon. She wanted to tell him to stay out of the situation and just run away. Wala siyang pera na maipagpapalibing dito kapag natigok ito sa pag papaka bayani nito, or worst pareho silang mamatay sa eskinita na iyon, at itapon ang katawan kung saang sulok na hindi na sila makikita. Hindi na uso ang pagiging Superhero sa mga oras at panahon na iyon sa mundo. We are all fighting to live. Nababaliw na ata ang lalaki. "Hoy! Umuwi-" naputol ang dapat ay sasabihin pa niya, nang maaninag niyang, tila hinihila isa isa ang mga lalaking nasa paligid niya ng mga oras na iyon. Napasigaw pa siya ng isang kamay ang biglang lumitaw sa ulihan niya at sumunod na hinila ang lalaking nasa ibabaw niya. She then heard some weird noises ng tila ba mga katawang hinahagis kung saan, saan. Sumunod ay ang mga palahaw ng mga lalaki sa paligid niya. Pinilit niyang bumangon mula sa kanyang pagkasalampak sa lupa. Her aching head was still killing her, at hindi pa rin siya makapag lakad ng maayos. Dumagdag pang rason doon ay ang sakit ng likod at pang-upo niya mula sa pagtulak sa kanya sa basang eskinita. But, she still managed to stand mula sa pagkakasalampak niya sa lupa. Her main goal, at that moment is to run from that place and survived. Dahil sigurado siyang mas delikado ang buhay niya sa lalaking bagong dating na pinagtatapon lang ang mga kalalakihang na sa paligid niya kanina nina lang. He was not an ordinary being, iyon ang pumasok sa isipan niya ng mga oras na iyon. Dahil walang ordinaryong tao ang may kayang gawin ang ginawa nitong pagbugbog at pagtalo sa pakiwari niya ay sobra sa pito o walong kalalakihan. "Ano ba Gab!" sigaw niya sa sarili niya. Gusto na niyang tumakbo, ngunit wala pa ring lakas ang mga paa niya. Ano ba ang tamang gawin niya sa mga oras na iyon? Ni Hindi niya magawang makapaglakad ng maayos at Imposible na makatakbo pa siya. She had no other choice kung di ang indahin ang sakit ng paa at katawan niya. She had to run away from that place, or kung hindi man siya makalayo ay at least makapag hanap man lang siya ng ligtas na taguan na hindi siya makikita ng sino man. Isang nakakabinging katahimikan ang kumalat sa paligid ng ilang segundo. As she moved her feet away from that place, ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay isang kamay muli ang humila sa kanya. "Paalisin mo'ko! Kung hindi papatayin ko ang babaeng ito!" sigaw ng lalaking sa mga oras na iyon ay may hawak sa kanya. Kaagad ding nanlaki ang mga mata niya ng makita ang patalim na hawak nito na nakatutok sa mismong leeg niya. Kumikinang iyon sa liwanag ng street light na nasa mismong harapan niya. Sa pagkakaalala niya ay ready na siyang mamatay a moment ago, ngunit bigla siyang sinaniban ng takot ng makita niya ang patalim na iyon. Wala siyang nakitang ibang tao sa paligid, ngunit may narinig siyang tila naglalakad sa madilim na parte ng kalsada. Sigurado siyang iyon din ang hinihintay ng lalaking may hawak sa kanya ng mga oras na iyon. Nagpapalit palit ang tingin nito sa direksyon ng kanan at kaliwa, at hindi rin ito sigurado kung saan na direksyon lalabas ang mga yapak na narinig nila. "I told you to take it easy!" Nanlaki ang mga mata niya ng sa isang iglap ay lumitaw ang naturang lalaki sa harapan nila. Masyado itong mabilis gumalaw kaya hindi naging klaro sa kanya ang mukha nito. Nagulat din ang lalaking may hawak na patalim sa likuran niya. Dahil sa biglang pagsulpot ng kakaibang nilalang. kaagad na tumakbo ang lalaking may hawak sa kanya ng mga oras na iyon, ngunit bago pa man ito tuluyang makalayo ay tumama pa ang kutsilyong hawak nito sa braso niya at nasugat iyon. "Ahhhhh!" nasapo niya ang braso niya. Kaagad siyang napangiwi sa sakit, ngunit kaagad niyang isinantabi ang sakit na iyon, dahil hindi iyon ang focus niya ng mga oras na iyon. Ginawa niya ang buong makakaya niyang manatiling nakatayo pa rin at magsimulang ihakbang ang kanyang mga paa, ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay naramdaman na niya ang unti unting pagbagsak niyang muli sa lupa, But when she was about to hit the wet floor ay isang kamay ang kaagad na sumalo sa kanya. "I've found you." sambit ng lalaki. Na kasalukuyan ng may hawak sa kanya ng mga oras na iyon. His charcoal colored eyes embraced the night sky. Nasa ilalim na sila ng tanging street light na nandoon sa daan na iyon at kung paano siya nakaabot doon ay hindi na niya alam. Basta ang alam niya ay nakatingin siya sa mga mata ng lalaking may hawak sa kanya ng mga oras na iyon while fighting herself not to sleep, ngunit pilit nang nagsasara ang talukap ng kanyang mga mata. "Let me go!" sigaw ng utak niya. Hindi na niya magawang ibuka ang kanyang mga bibig ng mga oras na iyon. "I, think you shouldn't move with that shoulder" anito sa kanya. Habang nanatili itong nakatingin sa kanya. "Sino ka?" tanong niya dito. At sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin bumuka ang bibig niya. "Ako, ang bagong nagmamay-ari sa'yo, Simula ngayon akin kana." sambit pa ng lalaki. Hindi siya sigurado sa ibig sabihin ng sinabi nito. Hindi rin siya sigurado kung tama ba ang pagkakarinig niya sa mga sinabi nito, But she must be crazy for being happy at that moment nang marinig niya ang sinabi nitong iyon. Naging masaya siya dahil isang nilalang ang umangkin sa kanya, at hindi na siya mag-iisa. That's what she thought at that moment. At kung lahat man ng nangyari ng gabing iyon was just a peculiar dream, wala na siyang pakialam. Because all she knew, at that moment and at that particular time is that she never wanted to wake up and come back to reality anymore.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.9K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
302.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook