TWO

3926 Words
"What can you give me in return?" tanong ni Wish ng pangalawang beses sa lalaking nakatayo sa harapan niya nga mga oras na iyon. The man was desperately seeking for an answer to his question. Magkahawak pa ang dalawang kamay nito pawis na pawis, at hindi makapagsalita ng maayos. Awtomatikong umakyat ang isang kilay niya nang makita ang sitwasyo. nito ng mga oras na iyon. "Regrets? Nagdadalawang isip? Alam ko na meron na siyang kasagutan sa katanungan ko. nakokonsensya ba siya?" bulong niya sa sarili. Muntik pa siyang matawa sa ideya na pumasok sa isipan niya ng mga oras na iyon. "Kailan pa na konsensya ang mga tao? They would gladly gave up everything, upang makuha lang nila ang pansarili nilang kaligayahan. And the man in front of him was one of those humans na ibibigay ang lahat upang matupad lang ang kahilingan nito. The man was also one of those humans na naghahanap ng madaling paraan upang maging maganda ang buhay sa mundo. "So, bakit may pagdadalawang isip kana ngayon?now?" muling bulong niya. habang nakatingin pa rin dito. Kung meron man na isang bagay siyang alam, at sigurado sa mga tao. Iyon ay ang katotohanan na mas importante sa mga ito ang pera at karangyaan. "Gabrielle." muli siyang napatingin sa lalaki. Halos pabulong ang naging tugon nito. Sa mga oras na iyon ay diretso na ang tingin nito sa kanya. Sadness was written all over his Face, ngunit hindi niya alam kung saan at kung bakit may lungkot sa mga mukha nito, But that is not his problem anymore, gagawin lang niya ang trabaho niya and his work is to fulfill the man's Wish. "Gabrielle?" he asked. Saka kaagad na lumitaw sa isipan niya ang imahe ng babaeng tinutukoy nito. Nakita niya ito sa alaala ng lalaki. The woman was wearing a floral dress na kulay dilaw. Her hair was fix in a bun. Bakas sa kulay tsokolate nitong mga mata ang lungkot. Malayang umaagos ang luha sa mga mata nito pababa sa mga labi nito. Her lips has a shade of pale red color lipstic, habang pilit nitong pinapatahan ang sarili. There's something that made the woman sad at kung anuman iyon ay hindi rin niya alam. The one he saw, was the last memory of the man in front of him ng mga oras na iyon. It was his last memory sa babaeng gagawin nitong kabayaran sa kanya para kahilingan nito. Matapos niyang makita ang mukha ng babaeng magiging kabayaran sa kahilingan ay muli niyang binalikan ang lalaking kaharap. He had his own battle. Iyon ang naintindihan niya nang makita ang huling alaala nito sa babae. Sa mga oras na iyon ay nakaguhit sa mukha nito ang hindi niya maipaliwanag na ekspresyon, ngunit labas na sa trabaho niya ang nararamdaman nito. He was just there to grant him his Wish. "Matutupad ang iyong kahilingan!" He turned his attention to him again. As he was closing their contract. "Ngunit hindi mona pwedeng bawiin ang naging kabayaran mo. Dahil buhay mo ang magiging kapalit" Natigilan ito. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. And he heard his mind clearly. "Walang ng mawawala sa iyo. Pasensya Gab." sambit ng utak nito. Iyon ang bagay na nasa isipan nito ng mga oras na iyon, he can hear his mind. Walang mawawala sa babaeng, kaya pinili nitong itong ibayad ang babae sa kanya. "Hindi ko siya babawiin! kahit kailan!" he exclaimed. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya ng mga oras na iyon. Just like what he knew about humans. They were all selfish. "Kung ganoon! Matutupad ang iyong kahilingan!" he answered. As he snapped his finger at pagkatapos ay nawala na siya sa harapan nito. Nakuha na nito ang gusto nito. A luxurious life. Another Wish was granted. His work is finished. "Gusto kong magkaroon ng maraming pera!" "Gusto kong pumayat!" "Gusto kong maging maganda ang buhay ko!" "Gusto kong mahalin niya ako!" "Gusto ko siyang mamatay!" "Gusto kong magkaroon ng bagong cellphone!" "Gusto ko ang buhay na meron siya!" "Gusto kong maging sikat!" "Gusto kong makilala ako ng ibang tao!" Hindi niya alam kung, matatawa ba siya o maaawa sa mga boses ng iba't ibang taong napapakinggan niya ng mga oras na iyon sa paborito niyang tambayan. Humans were all asking for something missing in their lives. They all seeking and wanting something they didn't have. Malaking porsyento ng mga tao mundo were all desperate for fame, money, lust and almost all every material and temporary things. Walang araw na hindi niya narinig ang mga walang kahilingan ng mga ito. He's been in the world for two hundred years, at mostly sa mga araw niya ay hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga tao. Kaya ayaw niya sa mga ito, or mas tamang sabihing nawalan na siya ng ganang intindihin ang mga ito. He's maybe granting wish, but he is tired of doing the same old routine everyday. He is Wish. Siya ang bukambibig tuwing may naliligaw na bulalakaw sa kalangitan, or sa bawat kaarawan. Siya ang bukambibig sa bawat pagtapon ng coins sa wishing well, o sa isang malalim na balon. He was also one of the popular searched results in Google or youtube, maging sa normal na buhay ng mga tao ay lagi siyang nababangit. But, only few knew his true existence on the earth. He's been granting wishes for two centuries, ngunit habang tumatagal siya sa mundo ay nakita niyang tila mas lalong lumalala ang mga tao. Sinisira nito ang mundo at mas lalo pang naging makasarili ang mga ito. To the extent na, mas pinipili ng mga ito ang pansariling kaligayahan ng mga ito at isinasantabi ang pag-ibig na meron sila sa isa't isa. He changed, as the world changed. Naging matigas na rin ang puso niya sa mga tao, but he had to do his Job at wala siyang magawa kundi ang magtiis sa mga taong nasa paligid niya. He was not referring to all human beings on the earth. Marami pa rin ang merong magaganda at busilak na puso. He was just referring to those human beings na walang ibang ginawa kundi ang lumamang sa iba at paglaruan ng ibang tao. He had seen a lot of people changed, because he had given them what they've all wanted. Minsa ay naiisip niyang his existence on the earth is the reason why people changed, but he can't be blamed for anything he was just giving them a life that they wanted. Hindi na niya kinalaman kung magbago ang mga ito at maging ganid sa pera at kapangyarihan. "Bakit ba ayaw mo talaga sa mga tao?" tanong ng isang pamilyar na boses sa tabi niya ng mga oras na iyon. He looked at her kasabay ng pagngiti, ngiting sarkastiko, ngiting may pang-iinsulto. Sinimulan na naman nito ang mahabang usapan patungkol sa mga tao. The two of them would often argue sa mga paniniwala nito at mga alam niya. Kaya hindi siya nag-eenjoy na makausap ang babae, ngunit lagi naman itong sumusulpot kung saan siya nandoon at paulit ulit na sasabihin sa kanya ang mga bagay na gusto nito sa mga tao, but he would also stand for what he believed. "Hindi ko talaga alam kung bakit na sa taas ng foodchain ang mga tao! They were all useless, mas pinipili pa nila ang saktan ang isa't isa para lang sa pansarili nilang kaligayahan" Umiling iling siya. Saka muling nagsalita. "Bakit kailangan pa silang gawing importante? They should be at the bottom hindi naman sila nakakatulong sa mundo mas lalo a nilang sinisira ito" Pekeng ngiti ang pinakawalan ng babae sa naging pahayag niya, ngunit hindi siya sigurado kung para saan ang plastik na ngiti nitong iyon. Marahil ay ayaw may pagkadisgusto na naman sa loob ng utak nito mula sa naging pahayag niya. Nanatili itong nakatingin sa maliwanag na mga ilaw ng mga gusali sa harap nila ng mga oras na iyon. Nakaupo sila sa tuktok ng isa sa mga matataas na gusali. They were just looking at those cars, at sa mga taong pumaparito at pumaparoon sa ibaba ng gusali. Ang totoo ay sa kanya lang talaga ang magandang view na iyon. Ginagamit niya iyon tuwing pinagmamasdan niya ang mga tao, at sa tuwing nakikinig siya sa mga kahilingan ng mga ito, ngunit madalas na ring nandoon ang babae at nakikipagtalo lang naman sa kanya. "Wish, Maybe you should be the one to discover yourself and answer your own question. Know it yourself, Matagal ka na sa mundo pero hindi mo pa rin sila maintindihan, Alam mo ba kung bakit?" tanong nito sa kanya habang siya naman ay blanko lang ang ekspresyon ng mukhang tumingin dito. Wala siyang planong alamin, at kilalanin ang mga tao sapat na sa kanya ang alam niyang walang mahalaga sa mga ito, kung hindi ang mga sarili lang ng mga ito. Sariling kaligayahan at sariling kapakanan. "You, pull yourself away from them I know you used to love them before. And now, you can still love them again. It's time for you to know them again. They were all beautiful and fragile, they were changing the world into something majestic!" sagot nito as he smirked, palagi na lang talaga nitong pinagtatanggol ang mga tao. Kahit na most of the time ay mabilis lang itong kalimutan ng lahat. Natawa siya sa sinabi nitong mahal niya ang mga tao. Siya Ni hindi na ga niya maalala kung kailan at saan nangyari ang sinasabi nitong pagmamahal na iyon. "Beautiful? fragile?" tanong niya. Sa sarkastikong tono ng boses kasabay ng mahinang pagtawa. "Tignan mo yang sarili mo. Look how those human treated you, Ikaw ang pinaka kilalang bagay sa mundo Love, ngunit isinasantabi ka nila para sa pansarili nilang kapakanan. And yet, You're still choosing them dahil sa mahal mo sila. E, Ikaw? Mahal ka ba talaga nila? You're choosing people to give them love to teach them how to love. Pero ikaw? Do you even know what love is?" tanong niya dito. Tumingin lang ito sa kanya kasabay nang pagguhit ng hindi niya malamang ekspresyon sa mga mukha nito. "Wish, hindi mo talaga kilala ang mga tao. Well, hindi naman kita masisisi dahil ikaw si Wish. Lahat ng mga kahilingan ng mga tao ay narinig mona, at tinutupad mo lang ang mga iyon. I know, you have seen a lot of human changed, because you have given them what they want, but not all humans were like that, at alam kong alam mo iyon!" paliwanag nang babae sa kanya. Sa mahabang paraan na naman. Ilang beses na niyang narinig at napakinggan ang dialogue na iyon mula dito. "Pero, malay mo, malapit na pala ang araw na maintindihan mo rin ako." dagdag pa nito, ngunit tapos na siyang makinig sa mga kwento nito. Mga kwento nito patungkol sa mga tao, and how she would defend them from him. Lagi naman iyon ang nangyayari, ngunit hindi siya nito makumbinsi. "Be careful Wish, Baka malapit nang magbago ang lahat at makikita mo na lang ang sarili mong minamahal na ang mga taong ayaw mo. And I'm sure, you will meet her soon" Wala siyang pakialam sa mga sinabi nito, ngunit natawag lang ang pansin niya sa huling salitang binitawan nito 'MEET HER SOON' Sino naman ang ibig nitong sabihin? Kaagad na Kumunot ang noo niya. The woman has the ability na bigyan ng sakit ang ulo niya. And because of that reason, he doesn't like talking to her, or arguing with her. He decided to go at that moment. She was a really a stubborn one. Matagal na panahon na niya itong kilala, at kahit kailan ay hindi ito sumuko sa pakikipagtalo sa kanya. She had her own point of view at meron din siya, malas lang dahil magkaiba ang ipinaglalaban nilang dalawa. Well, She was 'LOVE' literally Love herself. Puno ng pagmamahal ang buhay nito. Just like him na tinutupad ang mga kahilingan ng mga tao. She was also giving them reason to Love. And she was literally giving all of her upang hindi mawala ang pagmamahal sa mundo. Unlike him, na ginagawa lang ang dapat niyang gawin dahil iyon ang dapat niyang gawin. Or should he say that, he's just doing it all half heartedly. "See you around Love." He snapped his finger, at sa isang iglap ay nasa baba na siya ng naturang gusali. He headed towards his car, saka muling umiling iling. Nagkaroon na naman siya ng pagsisisi ng kinausap niya ang babae. Kahit kailan talaga ay hindi siya nito naintindihan. "Now, It's time to collect my payment and I, have a work for you to do Gabrielle." nakangiti siya. Saka sinimulan na ang magmaneho patungo sa babaeng, naging kabayaran sa isang kahilingan na kanyang tinupad. He had work for her to do. At alam niyang ito lang ang makakagawa ng bagay na iyon para sa kanya. But first, kailangan muna niyang gisingin ito sa mahimbing nitong tulog. The woman was in a mess ng magkita sila. Napasabak pa siya sa pag bura ng mga alaala ng mga lalaking nabugbog niya dahil lang sa babae. Well, he had to gave them a lesson sa muntik na ng mga itong paggawa ng hindi maganda sa pagmamay-ari niya. Ang mga lalaking iyon ay dapat talagang bigyan ng leksyon, ngunit kailangan din niyang burahin at palitan ang mga alaala ng mga ito because that's the rule. Marami ng humiling sa kaniya and after they would get what they want ay binubura niya ang alaala nang mga ito. Upang patuloy maitago ang totoong existence niya. Pinipili lang niya kung sino ang gusto niya at kung anong kahilingan ang tutuparin niya. Sometimes, he would grant them their Wish because they really deserved it, sometimes he would grant wishes for fun and entertainment. But, Gabrielle was a different story. Hindi niya pwedeng baguhin ang memorya nito o burahin iyon. She, was a payment for a wish. Humans would usually pay him something important to them mga naging malaking parte ng buhay nila but it was always a thing, not a person and he is not allowed to accept humans as payment for Wishes. But, Blaize was a different one and different story, because he gladly gave his best friend as a payment for him in order to get what he wanted. Importante dito ang babae, ngunit hindi ganun ka importante upang panghawakan pa nito and for him. He had a work for Gabrielle. That is why, he accepted her as a payment. "Ang bagong nagmamay-ari sa'yo, Simula ngayon akin kana." sambit ng lalaking nakatayo sa harapan ni Gabrielle. He gave her the assurance that everything will be alright and she will be fine. "Sino ka?" tanong niya dito. Bago pa siya tuluyang sinakop ng kadiliman. Napabalikwas ng bangon si Gabrielle. Habol niya ang hininga habang sapo, sapo ang kanyang dibdib. "Panaginip?" tanong niya. Kasabay ng kaagad na pagsakit ng sentido niya. "That two bottles!" she exclaimed. May diin sa tono ng boses niya. Kasabay sa pagmasahe niya ng parteng iyon na masakit. Nagbabaka sakali siyang mawala ang sakit nun. Kahit pa alam naman niyang hindi iyon tatalab. Marahan siyang bumuntong hininga, saka nilibot ang kanyang mga mata sa kwarto niya. Naaninag niya ang maliwanag na sikat ng araw mula sa bintanang nasa gilid ng kama niya. Tanghali na siya nagising, mabuti na lang at day off niya sa trabaho niya sa Cafe ng araw na iyon. "Ano bang klase ng panaginip iyon?" tanong niya sa sarili. Muli niyang ibinagsak ang katawan sa kama at sa malambot na unan. Pilit niyang inalala ang lalaking nasa panaginip niya, ngunit hindi na niya maalala ang mukha nito "Ang lakas naman ng tama ko sa two bottles na'yon, ay isa lang pala. Pero malakas nga ang tama ko para magkaroon ng panaginip na ganun" Bulong niya sa sarili, saka bahagyang ipinilig pilig ang kanyang ulo. Nang bigla siyang magtaka kung paano siya nakauwi ng nagdaang gabi. Wala na siyang maalala sa parteng iyon, Maliban sa mga lalaking muntik ng may gawing hindi maganda sa kanya ay wala na siyang maalala, nag blackout ata siya. Hindi niya maalala kung ano ang tamang nangyari sa kanya dahil sa sari saring bagay na nasa isipan niya ng mga oras na iyon. Nasa ganoon siyang paghihinuha nang mapansin niya na tila mas lumambot ang kamang hinihigaan niya. Bumalikwas ulit siya ng bangon. May kakaiba siyang pakiramdam ng mga oras na iyon. "Weird." bulong niya. Saka niya pinag-aralan ang kwarto kung nasaan siya. Sigurado siyang iyon ang kwarto niya bawat anggulo at ayos, ngunit nang dumako na ang tingin niya sa kama niya ay iba na kamang kinahihigaan niya, wala naman siyang naaalalang bumili siya ng kingsize na higaan, at mas lalong hindi niya type ang kulay itim na kobre kamang nandoon. She was a bit confused. Nagha-hallucinate ba siya?. Upang mas maging klaro sa kaniya ang lahat, ay nagpasya siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Balak sana niyang abutin ang switch ng ilaw ng kwarto niya, marahil ay hindi lang ganoon ka klaro sa kanya ang kamang kinahihigaan niya dahil medyo madilim pa ang kwarto niya. Hindi sapat ang liwanag sa labas ng bintana niya upang makita niya ang lahat sa loob ng kwarto. ngunit kaagad na nanlaki ang mga mata niya ng makitang sa bawat paghakbang niya ay nagbabago ang ayos ng kwarto niya. Tila ba mga parte ng isang jigsaw puzzle ang kwarto niya na unti unting nasisira mula sa pagkakaayos nito. She must be dreaming again. Iyon lang ang naisip niya. Iyon lang ang tanging bagay na sasagot sa weird na nangyayari sa kanya ng mga oras na iyon. She is not Alice, at mas lalong wala siya sa Wonderland. She tried to woke herself up sa pamamagitan ng bahagyang pagkurot sa kamay niya, ngunit namanhid lang iyon niya ay wala pa ring nagbabago. She was still seeing weird things. "Gumising ka Gab!" sigaw niya sa sarili niya Marahil ay konting push pa ang dapat niyang gawin, upang tuluyan na siyang magising, ngunit nagbago na ang lahat sa paligid ay nandoon pa rin siya. Ang dating kulay dilaw niyang kwarto ay napalitan ng itim. Walang ibang laman ang kwartong iyon maliban sa isang kingsize bed, at isang bedside table na itim din ang kulay. "Nasaan ako?" tanong niya. Kasabay ng paglalakbay ng kanyang mga mata sa paligid. "Sa bahay ko." muntik na siyang mapatili. Nang marinig niya, ang isang boses mula sa kanang bahagi ng kwarto. Awtomatikong napalingon siya sa direksyon ng pinagmulan ng boses na iyon, at doon ay kaagad siyang sinalubong ng itim na pares ng mga mata ng lalaki. Kasing itim iyon ng kulay ng kwarto kung saan siya nandoon ng mga oras na iyon. Kaagad na kumunot ang noon niya dahil pamilyar sa kanya ang mukha nito, ngunit hindi niya lang maaalala kung saan at kailan niya ito nakita o nakilala. "Sino-" "Nakalimutan mo na ako agad?" anito. May bahid bg pagkadismaya sa boses nito. Saka tinawid ang espasyong pumapagitan sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon. Habang siya naman ay humakbang papalayo dito. "Sino ka?" muling tanong niya. At sa pagkakataonh iyon ay natanong na niya iyon ng kompleto. Hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Pero pamilyar ito sa kanya. "Gabrielle Rose Montejo, tama diba?" tanong nito. "Pano mo-?" "Ikaw si Gabrielle Rose di ba?" pinutol nitong muli ang sana ay sasabihin pa niya. "Oo, pero hindi kita kilala" gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya habang patuloy sa paghakbang sa kinaroroonan niya, habang siya naman ay patuloy ding umaatras papalayo dito. Hanggang maabot na niya ang pader ng naturang kwarto at naipit na siya sa gitna ng mga kamay nito. That moment, she can't moved at hindi na rin siya makahinga ng maayos. Tila isa itong malaking balakid sa maayos na pagdaloy ng hangin sa dibdib niya. Masyadong masikip ang espasyo na pumapagitan sa kanilang dalawa. "Nakalimutan kong magpakilala, Ako si Wish ang bagong nagmamay-ari sa'yo, so ibig sabihin akin ka at valid ang kontratang iyon hanggang sa mamatay ka" sambit nito. Kaagad namang gumuhit ang pagtataka at tanong sa utak niya may saltik ba sa utak ang lalaki?. Nagkamali lang ata ito nang dinampot na tao para gawing kidnap for ransom?. Wala naman siyang maibibigay na pera dito. "Pasensya, pero nagkamali ka ata, Wala akong pinirmahang kontrata kahit na kanino, at wala din akong perang maibibigay sa'yo. Pakiusap pakawalan mo na lang ako" aniya dito. Hindi pa rin talaga natapos ang mga nangyayari sa buhay niya. Una si Blaize, sumunod nalasing siya, sunod ang mga lalaking muntik ng gumahasa sa kanya at ang panghuli ay ang lalaking nasa harapan niya ng mga oras na iyon. "Ikaw wala. Pero ang kaibigan mo oo at ikaw ang kabayaran sa kontrata niya sa akin" muling kumunot ang noo niya. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito at wala din siyang planong intindihin ang mga iyon. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang makataka. Bago pa man may gawing masama sa kanya ang lalaki. "Excuse me!" sigaw niya. Bahagya niya itong itinulak at mabilis siyang tumakbo upang makalabas sa lugar na iyon, ngunit napaawang ang mga labi niya ng mapagtanto niyang hindi pala niya alam kung saan siya lalabas mula sa bahay na iyon. "Do you really think, you can run away from me?" sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang lalaki. Dahilan, upang mapapitlag siya at mabuwal sa marmol na sahig. Kaagad na umakyat ang tingin niya dito na ngayon ay nakatayo na sa mismong harapan niya. Walang ekspresyon ang mga mata nitong tila unti unting nilalamon ang buong sistema niya. He was the guy last night. Ang lalaking bumugbog sa mga lalaking nagtaka sa kanya. He was real. Buong pag-aakala niya ay hindi ito totoo, and everything about him was just a dream. But, she guess she's wrong at sigurado rin siyang wala siya sa isang panaginip ng mga oras na iyon. "Hayaan mo na akong umalis! Wala akong kahit na anong ginawa sa'yo. At mas lalong wala akong alam sa kontrata ng sinasabi mo!" nanlaki ang mga mata niya ng walang ano ano ay iangat siya nito mula sa pagkakasalapak sa sahig. Hinawakan nito ang kamay niya. "Kagaya nga ng sinabi ko sa'yo. Akin ka na at hindi ako papayag na umalis ka. Without completing our contract" seryoso pa rin ito habang hawak, hawak pa rin ang kamay niya. "Now it's time for our Sealing" dinig niyang sambit nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata niya ng ilapit nito ang kamay niya sa mga labi nito at halikan noto ang isang daliri niya, ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat. Biglang umilaw ang buong paligid, at wala siyang nagawa kundi ang ipikit na lang ang mga mata niya dahil sa nakakabulag na liwanag na sumakop sa buong paligid. "Now, you can open your eyes already. You're officially mine" matapos niyang marinig ang sinabi nito iminulat na niya ang kanyang mga mata. Hawak pa rin nito ang kamay niya, ngunit may kakaibang bagay siyang nakita sa daliri niyang hinalikan nito. Isang kulay puting singsing ang nandoon at bahagyang umiilaw iyon. "Ang singsing na iyan ang patunay na akin kana, lose that ring, and you would also lose your soul. That ring connects us together, Always remember that." anito sa kanya. Saka siya nito tinalikuran at naglakad palayo, ngunit hindi pa man ito nawawala mula sa harapan niya ay muli itong lumingon at nakangiting nagsalita. "Sweetdreams again Human" anito. Natigilan siya ng ilang segundo. Saka niya naramdaman ang sariling hinihila ng kanyang antok. She then fell asleep again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD