Malayang umaagos ang malamig na tubig sa katawan ni Gabrielle. Walang ekspresyon ang mukha niyang nakatingin sa Pader ng banyo kung saan siya nandoon ng mga oras na iyon. Her mind was somewhere at sa mga oras na iyon ay sigurado siyang kung saan niya iyon naiwan. "Death?" Tanong niya. Hindi maalis sa isipan niya ang lalaking nagpakita sa kanyang panaginip. It was the same day that her parents died. Matagal na panahon na rin niyang hindi napanaginipan ang malungkot na gabing iyon. Matagal na panahon na niyang hindi narinig ang boses ng kanyang ina. But in that dream she heard it so clear and so real. Tila tinawag talaga siya nito. Tila hinanap talaga siya nito. Her mother felt so real in that dream. "Ma'am Gabrielle?" Napatingin siya sa direksyon ng pinto ng naturang banyo. "Po?" "Ayo

