"Ano bang problema mo!" kaagad na natigilan si Gabrielle sa kanyang susunod na sanang hakbang pababa ng hagdan. Automatiko siyang tumingin kay Wish na nakatingin din pala sa kanya. "Bakit?" tanong nito. Hindi nito maintindihan kung bakit siya huminto ng marinig ang boses ni Love, at Blaize na tila nag-aaway sa kusina. Balak na sana nilang dalawa ni Wish na bumaba upang sabayan ang dalawa sa pagkain, ngunit tila may pagtatalo pala sa dalawa na hindi niya alam, ngayon ay naawkward na siyang bumaba upang humarap sa dalawa. "Let's go!" Gayak ni Wish. Saka siya nito hinihila pababa, ngunit kaagad naman niya itong hinila pabalik ng marinig niyang muli ang galit na boses ni Love. "Bakit ba?" muling tanong ni Wish sa kanya. Hinila niya ito muli paakyat sa hagdan ng ilang hakbang, saka niya it

