BIGLANG nagising si Bettina nang maramdaman niyang may malambot na bagay na dumikit sa bibig niya. Pagmulat niya ay ang nakangiting mukha ni Raiden ang bumungad sa kanya. Halos nakadikit na sa mukha niya ang mukha nito. Inilayo niya ng kaunti ang sarili mula rito. “Effective palang pampagising ang halik. Hindi ka magising kahit ilang beses ko nang tinawag ang pangalan mo. Niyugyog na rin kita pero wala pa rin. Kaya lang noong hinalikan kita ay bigla ka na lang nagising. Iyan na ang gagawin kong pampagising sa iyo. Ngunit sa susunod ibang parte naman ng katawan mo ang hahalikan ko para mas masarap,” nakangising wika nito. Akmang ilalapit nito ang mukha sa kanya ngunit mabilis itong itinulak ni Bettina. Saka siya nagmamadaling bumaba ng kama. “Hey! Saan ka pupunta? Huwag ka munang umalis

