bc

This CEO Is In Love With Me (My Billionaire Husband Series)

book_age16+
11.6K
FOLLOW
58.5K
READ
billionaire
opposites attract
playboy
dominant
submissive
goodgirl
CEO
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Bettina Aizen Lantano is a certified NBSB. Hindi dahil wala nagkakagusto sa kanya, kung hindi iyon ang gustong mangyari ng mag-asawang umampon sa kanya.

Pino siyang kumilos at tahimik na tao. Hindi siya mahilig makipaglapit sa iba. Gano'n kasi siya pinalaki ng mga magulang na walang katiting na pagmamahal sa kanya'

Calvin Raiden Antigua is a certified womanizer. Para sa kanya'y hindi dapat seryosohin ang mga babae. He treats them like his toys.

Ano kayang puwedeng mangyari kung magkasama sila? May love story ba na mabubuo sa pagitan nila? O mas mabuting magkanya-kanya na lang sila dahil sa kanilang magkaibang paniniwala at pagkatao?

chap-preview
Free preview
Prologue
TITIG NA TITIG si Bettina sa kanyang report card. Hindi na naman dumating ang kanyang Mommy para sa meeting at card day kaysa si Yaya Teresa ang um-attend para sa kanya. Parang nai-imagine na niya kung ano ang maaaring mangyari kapag nakita ng mga magulang niya ang kanyang card. Kung puwede lang sana na huwag na siyang umuwi para makaiwas sa mga magulang niya. Ngunit alam niyang hindi niya maaaring gawin iyon. Wala siyang ibang mapuntahan kung lalayas siya. Isa pa’y madadamay ai Yaya Teresa sa galit ng mga magulang niya. Kaya kahit nahihirapan siya ay tinitiis niya ang pagtrato sa kanya ng mga nakagisnang magulang. Pagdating nila ng bahay ay nadatnan niya ang kanyang Daddy sa sala na nagbabasa ng diyaryo. “O, nandiyan ka na pala? Ano iyang dala mo?” tanong ng ama niya nang mapansin siya nitong pumasok kasunod ng yaya niya. Lumapit siya sa ama at humalik sa pisngi nito. “Anong laman ng envelope na iyan?” muling tanong ng kanyang ama. Hindi agad nakasagot si Bettina. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. “Report card ko po, Daddy. Kinuha ni Yaya Teresa kanina,” sagot niya. Balak pa sana niyang ikaila ngunit alam niyang malalaman din ng ama ang totoo. Hinablot ng Daddy niya ang envelope mula sa kamay niya. Biglang nanlamig ang buong katawan ni Bettina. Kahit ilang beses na siyang napagalitan, nabulyawan, nakurot, nasampal, at kung ano-ano pa, hindi pa rin siya masasanay sa mga ginagawa ng mga magulang niya sa kanya. Napansin niyang inilabas ng Daddy niya ang laman ng envelope. Gusto niyang lumayo sa kanyang ama lalo na nang makita niyang biglang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa card niya. Gustuhin man niyang tumakbo palayo ngunit alam niyang wala rin siyang ligtas sa kanyang ama. Kaya ipinako na lang niya ang katawan sa kinatatayuan at inihanda ang sarili sa susunod na mangyayari. “Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na ayaw kong bumaba ang mga grades mo! Anong ginawa mo at ganito ang nangyari, ha?” bulyaw ng Daddy ni Bettina. Isinampal pa nito sa kanya ang report card na hawak nito. “Daddy kasi…” Nakagat ni Bettina ang ibabang labi. Hindi niya malaman kung paano ipaliliwanag sa kanyang ama ang nangyari. “Dapa! Ngayon na!” sigaw ng Daddy niya. Uminit ang sulok ng mga mata ni Bettina. Tahimik na sinunod niya ang ama. Dumapa siya sa sofa. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang biglang paghataw ng kanyang ama sa kanyang pang-upo. Tinakpan na lang niya ang kanyang bibig upang pigilin ang sariling mapasigaw sa sakit. Hindi na niya mabilang kung ilang beses sumayad sa pang-upo niya ang sinturon ng ama. Basta ang alam niya ay hilam na sa luha ang kanyang mga mata. Kaya pumikit na lang siya.Halos makagat na rin niya ang kanyang palad sa pagpipigil na humiyaw. Alam kasi niya na kapag sumigaw siya o magreklamo ay lalong magagalit ang ama at dadagdagan pa nito ang palo sa kanya. Mahabang sandali ang lumipas bago niya naramdaman na tumigil na ang ama. Unti-unti siyang nagmulat. Sinubukan niyang bumangon pero nang itaas niya ang katawan ay bigla rin naman siyang bumagsak. Namamanhid ang kanyang binti sa tagal ng pagkakadapa niya. Ang pang-upo naman niya ay sobrang hapdi. Dahan-dahan niyang ibinaba ang isang paa. Muntik na siyang mahulog sa sahig kung hindi lang may umaalalay sa kanya. “Naku! Bata ka! Ano na naman ba ang ginawa nila sa iyo?” gumaralgal ang tinig na wika ni Yaya Teresa habang tinutulungan siyang makatayo mula sa sofa. “Yaya, tulungan po ninyo akong pumunta sa kuwarto,” pakiusap niya sa kanyang yaya. “Sige, halika na. Kailangan mo nang magbihis bago ka pa maabutan ng Mommy mo. Baka pati iyon magalit sa iyo. Ano ba kasing nangyari, ha?” usisa ni Yaya Teresa habang inaakay siya nito paakyat ng hagdan. “Ipinakita ko po kasi kay Daddy iyong card ko. Nagalit siya kasi bumaba iyong ibang grades ko,” paglilinaw niya. “Bakit nga ba bumaba ang mga grades mo? Hindi ba’t nag-aaral ka rin namang mabuti?” Sandaling napahinto sa paghakbang si Bettina. “Yaya, naalala mo ba noong nagkasakit ako last month? Ilang araw akong hindi nakapasok, hindi ba? Kaya iyon, hindi ko nagawa ang ibang requirements ko. Tuloy bumaba ang grades ko sa Science, MAPEH at TLE,” paliwanag niya. “Sana sinabi mo iyan sa Daddy mo bago ka niya sinaktan.” Napailing si Bettina. “Tingin po ba ninyo maniniwala si Daddy sa akin? Sasabihin lang niya na nagdadahilan ako. Para namang hindi ninyo siya kilala,” matamlay niyang sagot. “Sabagay, kahit anong paliwanag ang gagawin mo, hindi pa rin magbabago ang isip ng iyong ama.” Nahihimigan niya ang lungkot sa tinig ng kanyang yaya. Pagdating nila sa kuwarto ni Bettina ay tinulungan siya ni Yaya Teresa na magbihis. Pagkatapos ay nilagyan pa nito ng ointment ang pang-upo niya na ayon dito ay pulang-pula at nagmarka ang hampas ng sinturon. Hindi namalayan ni Bettina na nakatulog siya pagkaalis ng kanyang yaya. Nagising na lang siya sa malakas na hampas sa kanyang likod. Pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang galit na mukha ng Mommy niya. “Mommy…” mahinang tawag niya rito. “Ikaw talaga ang hirap mong kausap! Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na huwag mong hayaang bumaba ang mga grades mo! Pero ang tigas ng ulo mo, hindi ka nakikinig!” bulyaw nito sabay hampas sa mukha niya. Napansin ni Bettina na hawak sa isang kamay ng kanyang ina ang card niya. Padaskol na ibinaba ng Mommy niya ang card sa side table. “Nasaan ang cellphone mo, ha?” sigaw ng Mommy niya. Nang hindi agad sumagot si Bettina ay bigla na lang kinuha ng ina ang kanyang backpack na nasa ibabaw ng study table niya. Nakita niyang inilabas ng Mommy niya ang kanyang cellphone at headphone. “Mommy, anong gagawin mo diyan?” kunot noong tanong niya rito. “Dahil pasaway ka, grounded ka. Hindi ka puwedeng gumamit ng cellphone. Pati itong laptop, kukunin ko rin. Tutal Sabado naman bukas, hindi ka lalabas ng kuwarto hanggang sa Linggo.” Pagkasabi nito ay lumabas na ang kanyang ina bitbit ang kanyang cellphone at laptop. Ni hindi na nagawang magsalita pa ni Bettina. Tahimik na lang siyang umiyak hanggang sa makatulog siya. Naalimpungatan siya nang maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang buhok. Pagmulat niya ay nakita niya sa tabi ng kanyang kama ang nakangiting mukha ni Yaya Teresa. “Mabuti naman at nagising ka. Dinalhan kita ng pagkain mo. Hindi ka na kasi naghapunan,” wika nito. Napangiti siya at pinilit na bumangon. Inalalayan naman siya ng kanyang yaya. Nang subukan niyang umupo ay bigla siyang napaigik. Mahapdi pa rin ang pang-upo niya. Kaya napatayo siya agad. “Susubuan na lang kita para hindi ka mahirapan,” ani Yaya Teresa na kinakailangan pang tumingala para magawa iyon. Sa edad niya kasing katorse ay mas matangkad na siya rito. Habang nilulunok niya ang pagkain ay hindi niya maiwasang maiyak sa sitwasyon niya. “Huwag ka ng umiyak. Nandito lang ako hindi kita pababayaan. Pag-igihan mo ang iyong pag-aaral. Kapag may trabaho ka na balang araw, malay mo makahanap ka rin ng lalaking magmamahal sa iyo. Ipapanalangin ko na makakaalis ka rin sa poder ng mga magulang mo. May awa ang Diyos basta magtiwala ka lang,” pangaral ng yaya niya. Tumango na lang si Bettina bilang pagsang-ayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook