Chapter 1

1042 Words
“SO, ANONG balak mong gawin ngayon, Bettina?” usisa ng Daddy ni Bettina habang nag-aalmusal sila ng umagang iyon. Isang linggo pa lang ang nakalipas mula noong magtapos siya na c*m Laude sa kursong Business Administration. “Balak ko po sanang tulungan kayo sa CL Shipping Lines,” suhestiyon ni Bettina. Umiling ang Daddy niya. “Hindi na kailangan. Malakas pa naman ako. Kaya ko pang i-manage ang negosyo natin. May mas maganda akong suggestion para sa iyo,” sambit ng kanyang ama. “Ano po iyon, Daddy?” interesadong tanong niya. “Mag-apply ka na lang sa ibang shipping lines tulad ng Antigua Navigations o kahit sa Antigua Shipyard. Iyong magiging experience mo sa pagtatrabaho doon ay magagamit natin para mapalago ang CL Shipping Lines,” suhestiyon ng kanyang ama. “Ibig ninyong sabihin papasok ako sa mga ganoong kompanya para lang kumuha ng impormasyon? Paano kung madiskubre nila na anak ako ng may-ari ng isang shipping line? Baka isipin nila nagnanakaw ako ng idea mula sa kompanya,” hindi maiwasang sabihin ni Bettina. Hindi kasi siya komporme sa gustong mangyari ng Daddy niya. Biglang dumilim ang mukha ng Daddy niya. “Hindi nila malalaman na konektado ka sa kompanya kung hindi mo naman sasabihin lalo na at pangkaraniwan lang naman ang apelyidong Lantano. Kaya nga kita pinag-aral para matulungan mo kami ng Mommy mo. Kung hindi ka lang matalino sa klase baka ipinakasal na lang kita sa isa sa mga anak ng mga kakilala kong negosyante. At least sa ganoong paraan ay matutulungan mo kaming makahanap ng mag-i-invest sa CL Shipping Lines. Pero dahil may utak ka, gagamitin natin iyang talino mo para mag-espiya sa mga shipping lines. Lahat ng makakalap mong impormasyon ay gagamitin natin para maiangat ang negosyo ng pamilya. Naiintindihan mo ba ang gusto kong mangyari?” halos bulyaw ng ama niya. Hindi na nagreklamo pa si Bettina. Tumango na lang siya. “O, kinakausap ka ng Daddy mo. Bakit hindi ka sumasagot diyan?” untag ng Mommy niya na kanina pa nakikinig sa usapan nilang mag-ama. “O-opo, Daddy,” napilitang sagot ni Bettina.   NANG araw din na iyon ay nag-research si Bettina ng mga shipping lines na nasa bansa. Pagkatapos niyang makuha ang mga email address ng mga ito ay gumawa siya ng application letter at isinama niya ang kanyang resume. Ang apat na kompanya ay walang bakanteng posisyon. Tanging ang Antigua Navigations ang may opening. Nangangailangan ito ng Execuitve Secretary. Ngunit nagbakasali pa rin siya na may pumansin sa kanyang application. Isang linggo pa ang lumipas bago siya nakatanggap ng tawag mula sa Antigua Navigations. Kailangan daw niyang mag-report sa opisina nito sa Makati para sa battery of tests at interview. Kaya ng araw na iyon ay maaga siyang gumising. Pinili niyang isuot ang isang cream na long sleeve blouse at it-in-uck-in ito sa pencil cut black skirt niya. Tinernuhan niya ito ng three-inch na black stiletto. Light lang ang inilagay niyang make-up sa kanyang mukha. Inihatid naman siya ni Manong Dario sa main office ng Antigua Navigations na nasa Makati. Nadatnan niya roon ang iba pang aplikante. Pagsapit ng alas-otso y medya ay pinapasok sila sa conference room. Isa-isa silang binigyan ng mga papel na sasagutin. Sa dami ng pinasagutan sa kanila ay umabot ng alas-dose nang matapos niyang sagutin ang personality test na pinakahuling ibinigay sa kanila. Kumakalam na ang sikmura niya dahil kape at tinapay lang ang kinain niya kaninang bago siya umalis ng kanilang bahay. Naghintay pa siya ng fifteen minutes bago bumalik ang personnel officer na nagpapa-exam sa kanila. Matapos nitong kolektahin ang lahat ng kanilang papel ay sinabi nitong tatawagan na lang daw sila para sa interview. Nang makarating si Bettina sa lobby ng opisina ay saka pa lang niya tinawagan si Manong Dario para sunduin siya. Hindi naman kasi siya puwedeng mag-commute dahil hindi siya sanay roon. Hatid-sundo siya ng family driver nila sa lahat ng lakad niya mula noong magsimula siyang mag-aral. Never pa niyang nasubukan na mag-commute kahit minsan lang. Kaya hindi niya alam ang pasikot-sikot sa mga lugar lalo na dito sa Makati dahil first time niyang makarating dito. Pagkatapos maibilin sa driver na sunduin siya ay nagpasya siyang umupo muna at doon na sa lobby maghintay. Busy siya sa kanyang cellphone nang maagaw ang kanyang atensyon ng isang tinig. Napaangat siya ng kanyang tiningin sa pinanggalingan ng tinig “Hi, Sir Raiden! Nandito pala kayo!” malanding sabi ng babae sa reception. Ang lapad ng ngiti nito sa kaharap na lalaki. Nakatalikod sa kanya ang lalaki kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ang nakikita lang niya ay ang malapad nitong balikat na natatakpan ng dark blue na business suit. Matangkad ito at tantiya niya ay mahigit anim na talampakan ang taas nito. Pang-basketball player ang height. “May meeting kami nina Railey kaya naligaw na naman ako dito,” sagot ng lalaking kausap ng receptionist. “Ay! Anong oras ba iyon, Sir?” malapad ang ngiting wika ng babae. Napatingin ang lalaki sa suot nitong relo. “Napaaga yata ako ng dating kasi one o’clock pa iyon,” tugon nito. “Kung gano’n, Sir, samahan muna ninyo akong mag-lunch. Tutal twelve twenty-five pa lang naman.” “Nope. Thanks. Katatapos ko lang mag-lunch. Galing kasi ako sa bahay. Sinamahan ko si Mama na kumain.” “Ay! Sayang naman!” medyo disappointed na sabi ng babae. “If you want, mag-early dinner na lang tayo. Daanan kita dito mamaya,” wika ng lalaki. Biglang lumiwanag ang mukha ng babae. “Sige, Sir. Wait kita dito.” “Okay. I have to go. See you!” Pagkasabi nito ay umalis na ang lalaki. Napaismid si Bettina. Hindi niya maiwasang mainis sa nasaksihang eksena. Never pa siyang nagka-boyfriend kaya wala siyang experience sa pakikitungo sa mga lalaki. Bagaman, marami namang nanliligaw sa kanya, wala siyang pinansin kahit isa dahil pinagbabawalan siyang makipagnobyo ng Daddy niya. Pero iyong nakita niyang usapan ng dalawa kanina ay nakaramdaman siya ng inis. Bakit ba kailangan pang magpapansin ng mga babae sa mga lalaki? Bakit hindi na lang nila hintayin na kusang lumapit ang lalaki sa kanila? Napailing na lang siya. Ayaw niyang mangyari iyon sa kanya. Hindi naman kasi siya gano’n ka-desperado na mapansin ng isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD