“UPO NA tayo kasi marami pa tayong gagawin,” ani Raiden bago nito iginiya si Bettina pabalik ng kanyang upuan. Nang makaupo na sila ay muling kinalikot ni Raiden ang cellphone nito. “Ano na namang ginagawa mo diyan?” curious niyang tanong. “Pinatay ko lang iyong video,” tugon ni Raiden nang tumingin sa kanya. Napaawang ang bibig ni Bettina. “Luh? Ibig sabihin iyong proposal mo kanina naka-video?” “Oo naman. Hindi ba sinabi ko sa iyo kanina na ipapanood ko sa magiging anak natin ang wedding proposal na gagawin ko.” “Oh!” Napailing-iling si Bettina. “Sayang pala. Dapat ginawa ko na sana kanina iyong naisip ko.” “Huh? Ano naman iyon?” Napangiti nang malapad si Bettina. “Secret! Akin na lang muna iyon. Malalaman mo na lang kapag ginawa ko na iyon.” Napakunot ang noo ni Raiden. “Bakit

